SKYE
Nang makapasok kami sa VIP room, bahagya pa akong nagulat sa tumambad sa harap namin. The room was a total mess. Para bang dinaanan ito ng bagyo. Ang daming basag na kagamitan na nakakalat sa sahig. Mukhang winalis at inipon lang sa isang gilid para hindi ito makasugat ng ibang tao.
But, what really caught my attention was the person who was sitting on the bed. It's One. Ngayon ko na lang ulit siya nakita after Uno's operation. Tumingin siya kina River, Lander, Cliffer at Ash, pero hindi man lang siya sumulyap sa direksyon ko. My eyes didn't leave him, but he didn't look my way.
Bahagyang kumunot ang noo ko. River told me that One was injured. But, looking at him right now, he looked perfectly okay to me. Well, he mentioned that it was only a minor injury. Hindi naman siguro gano'n kalala.
Before I could even ask what happened here, Tito Nathan already started to brief us about the plans. No one spoke while he was talking. Tahimik lang din si Tita Miles habang nakatayo sa tabi ni One. At napansin ko na wala man lang reaction ang mga kasama namin. I'm guessing they already know the plans.
Tito Nathan and the rest found out that someone was spying on Uno's condition. And right now, they had a hunch that the person who tried to kill Uno already knows that he's still alive and in a coma. Anumang oras, puwede uling manganib ang buhay ni Uno dahil puwede itong balikan para patayin. And we don't want to take that risk.
Marami silang sinabing plano kung paano iha-handle ang mga taong umaaligid kay Uno. Kahit hindi ko naintindihan ang iba, alam kong gagawin nila ang lahat para protektahan ito. Until Tito Nathan mentioned the most and important part of the plans.
"One will take Uno's place. Magpapanggap siya at aaktong si Uno. And we need your full cooperation, Skye," pahayag ni Tito Nathan.
Medyo kinabahan ako nang mataman siyang tumingin sa 'kin. And just by looking at his serious face, alam kong hindi lang simpleng cooperation ang hihingin nila sa 'kin.
"Since magpapanggap siya bilang si Uno, both of you will also act as a couple."
Shock was understatement to describe what I feel after hearing those words. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat, muling nagsalita si Tito Nathan.
"And as for the wedding that was supposed to happen next week, we decided to postpone it, Skye."
"At least until Uno wakes up from his coma," narinig kong sabi pa ni Tita Miles.
Hindi ko magawang magsalita. Ni hindi ko nga alam ang dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to. Hanggang ngayon, hindi pa rin mag-sink in sa isip ko ang mga sinabi nila. Ang magpanggap nga lang si One bilang si Uno ay hindi ko na mapaniwalaan. Ang magpanggap pa kaya siyang si Uno bilang boyfriend ko?
Oo. Hindi ito ang unang pagkakataon na magpapanggap kami. Minsan na namin iyong ginawa at si Uno pa mismo ang nakiusap no'n sa 'kin. Bahagya na nga akong pumayag no'n sa pagpapanggap na iyon. And during that time, One and I were almost caught by that acting.
And now, they want us to act as a couple. And this time, not only for a day. But, until Uno wakes up. The question now is, when would he wake up? Dahil nakasalalay sa paggising niya ang tagal ng pagpapanggap namin ng kakambal niya.
I really wanted to oppose the plan of acting with him as if we're in a relationship. At handa na sana akong tumanggi sa planong iyon nang mapatingin ako sa direksyon ni Tita Miles. Her eyes were straight looking at me, na para bang nakikiusap at nagmamakawa na gawin ko ang bagay na iyon para sa anak niya.
Parang biglang umurong ang dila ko at nawalan ng lakas ng loob para tumanggi. It was part of the plan. Kapag hindi ko iyon tinanggap, baka makasira pa iyon sa plano nila para mahuli ang mga taong nagtatangka sa buhay ni Uno.
"Do we really have to?"
Sa unang pagkakataon, narinig kong nagsalita si One. In the whole duration of the conversation, he didn't say anything. Ngayong nagsalita na siya, iyon pa ang maririnig ko mula sa bibig niya. He dared to ask that kind of question.
"Since the wedding will be postponed, bakit hindi na lang din natin palabasin na nag-break sila?"
And he even had the guts to say those words without any trace of emotions.
"The enemies aren't stupid enough to fall for that trap," River stated.
Sumali na rin sa usapan si Lander. "And even if we do it, ano naman ang rason para palabasin na naghiwalay sila?" Sumulyap ito sa direksyon ni One. "They love each other. Walang maniniwala na basta na lang sila naghiwalay after this incident."
Hindi sumagot si One, pero nanatiling nakatitig sa kaibigan. Even though his face was blank and serious, his eyes were telling otherwise. But, Lander didn't budge. Nakuha pa nga nitong ngumisi sa kanya.
"May point si Lander," pagsang-ayon ni Tito Nathan. "We really need Skye on these plans, One."
"We can do it without involving her."
Sa pagkakataong ito, nagsalubong na ang kilay ko. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Tito? Kailangan ako sa planong ito," mariing pahayag ko.
His boring gaze turned to my direction. "You don't have to force yourself if you don't want to get involved."
"Who told you I don't want to get involved?"
"No one needs to tell me. Hindi mo gusto ang mga plano. It was clearly written all over your face."
Tumaas ang kilay ko. "Excuse me? Wala akong sinasabing hindi ko gusto ang mga plano." At least, not yet.
"Really? Sinasabi mo bang gusto mo ang idea na magpapanggap akong si Uno at meron tayong relasyon?"
Bahagya akong natigilan at hindi agad nakasagot. Wala akong pakialam kung magpapanggap siya bilang si Uno. Pero, ang magpanggap kaming may relasyon? Of course. I don't really like that idea. Pero, hindi ko iyon aaminin sa kanya.
Ngumisi ako sa kanya. "So? Sinasabi mo ba na kaya ayaw mo akong ma-involved sa planong ito ay dahil ayaw mo sa idea na magpapanggap tayong may relasyon?"
"Dapat pala nagdala ako ng popcorn."
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagbibirong iyon ni Lander. Pero, nakita ko sa gilid ng mga mata ko na agad din itong natahimik at bahagyang napaubo nang sikuhin ito sa tiyan ni Cliffer.
"Kaya mo ba?"
Bumalik ang buong atensiyon kay One. And I gritted my teeth. Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Hinahamon niya ba talaga ako? If so, then... "Kaya ko," mariing sagot ko. "Eh, ikaw? Kaya mo ba?"
If he was really challenging me, I wouldn't back down.
Ilang segundo rin kaming nakatitig lang sa isa't-isa bago bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. "Is that a challenge?"
"If so, you should accept it, One," narinig kong sambit ni Lander. "The first who backs down, will surely lose," dagdag pa nito.
Bago pa man ako makasagot, malakas na tumikhim si Tito Nathan dahilan para mabaling ang tingin naming lahat sa kanya.
"It's settled, then. One will act as Uno. Skye and One will also act as a couple especially when needed," sabi niya sa aming dalawa. Binalingan niya ng tingin si River. "Sa 'yo ko na ipauubuya ang balitang nagising na si Uno at nasa recovery stage na. Make sure na malaman iyon ng buong mundo." Binalingan naman niya ng tingin si Cliffer. "As for the announcement of wedding postponement in Uno's company, I'll leave it to you, Montalvo."
Tango lang ang naging sagot ng dalawang lalaki.
"As for some legal and investigation matters, leave it to us. Kami na ang bahalang mag-asikaso no'n." Ibinalik ni Tito Nathan ang atensiyon sa anak niya at matamang tumingin dito. "For the next couple of days, I want you to focus on studying Uno's company and his unfinished business before this incident happened. Hindi puwedeng pagdudahan ka ng mga taong nakakakilala kay Uno. Alam kong nasa 'yo ang lahat ng pressure, pero gagawin din namin ang lahat para makatulong at mabawasan kahit papa'no ang magiging alalahanin mo."
One just nodded in response.
Marahan na hinawakan ni Tita Miles ang mga balikat ng anak at masuyong ngumiti. "You have us, One. You're not alone here."
Bahagya lang siyang ngumiti sa ina niya. "I know, 'Ma."
I guess, this is it. Mukhang mapapasabak na naman ako sa pagpapanggap namin ni One. Alam kong mahirap, pero gagawin ko ito para kay Uno.
For Uno's sake.
~~~
Sa mga nakalipas na araw, isinagawa na nga ang plano. Sa tulong ni Lynn, inilabas nila ni River sa isang news article na nagising na si Uno mula sa coma at nagpapagaling na lang. And to make it more believable, may benda sa ulo si One dahil ang alam ng lahat ay nag-suffer sa head injury si Uno.
Nanatili sa VIP room si One. Pinupuntahan siya nina River, Cliffer and Lander for technical and business orientation ng kompanya ni Uno. Lahat ng importanteng dokumento at kailangan niyang malaman tungkol sa MG-Tech In ay binabasa na rin niya. He only had one week to familiarize with the people around Uno and how his game company actually works.
Nilimitahan din nina Tito Nathan ang pagbisita kay Uno. They only allowed us to visit him once in a week. Nang sa gayon daw ay hindi maghinala ang mga kalaban sa katauhan ni One.
Sa tulong naman ni Forest, pinalabas nila nang magising si Uno, bumalik na rin sa Amerika ang kakambal nitong si One. Sa kambal, si One ang low profile at walang nakakaalam sa private life niya roon kaya kahit imbestigahan daw ng kalaban, mahihirapan daw ang mga itong sundan at subaybayan siya lalo na kung nasa ibang bansa. Iyon ang isa pa nilang paraan para mapalabas din na si Uno talaga si One sa mga oras na 'to.
Cliffer already announced the wedding postponement in the company. 'Di rin magtatagal, malalaman na rin ng buong mundo ang bagay na iyon.
Uno was involved in an accident. Na-comatose at nang magising, we decided to postpone the wedding for his recovery. Kahit sino ay magtataka at hindi talaga mapapaniwalaan ang bagay na iyon.
Some of our close colleagues and teammates kept texting me, asking if it was really true and why the wedding has been postponed. Even Fayre called me. She was surprised and asked me why it has been cancelled.
"The wedding was postponed. Not cancelled," I corrected her.
Alam ko pagbalik ko sa MG-Tech In, tatanungin at makikiusyoso ang mga katrabaho ko kung ano ang nangyari sa 'min ni Uno. Pero, poproblemahin ko na lang iyon next week.
Kasama na roon sa poproblemahin ko ang pagpapanggap namin ni One bilang magkasintahan. Tsk.
Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pinto ng VIP room ni Uno. At naabutan ko sa loob si Lander.
"Hey," he greeted when he glanced at me.
Tango lang ang naging sagot ko bago lumapit at tumabi sa kinatatayuan niya. Pareho kami ngayong nakatingin sa wala pa ring malay na si Uno.
How I wish he would wake up soon. Dahil kapag nagtagal pa ang pagtulog niya, ibig sabihin ay matagal na magpapanggap si One bilang siya. At pati na rin ang pagpapanggap namin.
"I didn't expect na ganito ang maaabutan ko pagbalik ko," basag ni Lander sa katahimikan namin. "That Uno was lying here, completely unconscious. And worse, in a coma."
Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. No one expected naman na mangyayari ito sa kanya.
"I was expecting that when I came back, I would see him standing near the altar, looking proud and gorgeous, wearing his white suit with all smile on his face while waiting for the love of his life walking down the aisle."
I felt a thud in my chest after hearing his words. And my smile turned into a bitter one.
That was the exact scenario I was picturing on my mind for the past few days before all of these had happened.
Ang sakit lang isipin na walang mangyayaring kasal next week. Our wedding was long overdue. It was supposed to happen five years ago pa. At ngayong nai-set na ulit ang kasal namin, mauudlot na naman. For the second time around.
Uno, wake up, please. Don't sleep for too long. Magpapakasal pa tayo. You couldn't wait for that to happen, right? So, please. Wake up soon.
"And maybe I was watching someone else, too. Looking unaffected and emotionless outside, but screaming and dying inside."
Sumulyap ako sa direksyon ni Lander. Na kay Uno pa rin ang buong atensiyon niya.
"I don't know if this is a good thing or a bad thing. But, who would have thought that his misery will be prolonged more than we expected?"
Kumunot ang noo ko. "What are you talking about, Lander? At sino ba ang tinutukoy mo?"
"Nothing. Just someone I know." Binalingan niya 'ko ng tingin. "Anyway, are you sure kaya mong um-acting with One? You two are not in good terms, right?" biglang tanong niya.
Bahagya akong napasimangot nang ipaalala niya ang magiging pagpapanggap namin ni One. I still couldn't grasp the idea of us pretending as a couple.
Ibinalik ko ang tingin kay Uno. "Kung para kay Uno, kakayanin ko."
Right. Kung para kay Uno, kaya kong isantabi ang galit at sama ng loob ko sa kakambal niya. At least, while we were acting.
"Then, a piece of advice, Skye. Don't be too hard on him. And don't provoke him too much."
Nagtatakang binalingan ko si Lander. Seryoso siya nang sabihin iyon, pero ilang sandali rin, nagkibit-balikat siya at hinimas-himas ng daliri ang baba niya.
"On second thought, gawin mo pala iyon. In that way, hindi na niya kailangang tanggihan ang pasalubong ko sa kanya straight from LA."
"Ano naman 'yang pasalubong mo?"
"Drum-drum na patience at self-control. Mukhang kakailanganin na niya iyon sa mga susunod na araw, eh," nakangising sagot niya.
Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Seryoso ba 'yon o nagbibiro lang siya? At aanhin naman iyon ni One?
Bago ko pa man maisatinig ang mga salitang iyon, inangat niya ang isang kamay at bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Never mind. Don't think too much," he said, dismissing the topic. "Just good luck next week."
Right. Next week.
Dahil sa pagbabalik ni One bilang Uno sa MG-Tech In ang totoong simula ng mga plano.
And I should be ready by that time.