SKYE
Comatose.
Uno is in a state of coma.
I couldn't believe it. Until now, hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi ni Tito Aaron tungkol sa kalagayan ni Uno. No assurance when he would wake up. Or if he could even wake up.
And I hate to even think about the latter. Magigising siya. Magigising si Uno.
But seeing him unconscious on the bed, all the tubes were on his body, it tells me otherwise. And it really breaks my heart.
Magdamag naming binantayan si Uno at hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas. Pero, malamang ay tanghali na sa mga oras na 'to. Nakatayo ako sa labas ng ICU at nakatitig sa glass window kung saan muling chine-check up siya ng mga doktor. Hindi pa rin nagbabago ang kalagayan niya. Even though Tito Aaron told us that his condition made an improvement compared to last night, he was still in danger and critical condition. His head injury was serious and that made him in a state of comatose.
Maya't-maya, pinupuntahan ako ni Tito Nathan o ni Tita Miles - halinhinan sila - para i-check ako pati na rin ang kalagayan ni Uno. Sa mag-asawa, halatang si Tita Miles ang pinakaapektado sa nangyari sa anak nila. I guess, it's in mother's nature. Hindi rin naman nila ako mapilit umuwi o magpahinga. Nagdadala sila ng pagkain, pero wala akong lakas para galawin iyon at kumain. Dumalaw na rin si Ash at ang iba pa naming mga kaibigan nang malaman nila ang nangyari kay Uno. Even Yssa that was currently residing in Baguio, went home to visit her brother.
All of our friends, they went to check on me except for one person. One.
The last time I saw him was after Uno's operation last night. When he walked away from me.
Well, like I care if he checks on me or not. Tsk.
Hindi ako umaalis dito sa labas ng ICU para bantayan si Uno. I was too scared to leave him on his own. Baka malingat lang ako, bigla siyang mawala sa 'kin. At ayokong mangyari iyon.
"Magpahinga ka kahit sandali, Skye."
It was River. He was standing next to me, looking at Uno through the glass window, too.
"What the hell happened, River?" I found myself asking him.
Wala silang sinasabi kung ano ang nangyari kay Uno. I'm still damn clueless on what happened to him. But, I was sure that what happened to him was not a mere accident. He was almost got killed last night for crying out loud!
At mas nakumpirma ko iyon nang makita ang ilang securities na nagbabantay sa buong floor kung nasaan ang ICU na kinaroroonan ngayon ni Uno. Some were looked like a commoner, some were disguising themselves as nurse and janitor just to make sure the security and safety of the patient.
"Take a rest first before I tell you what happened."
"I won't rest until you tell me everything I need to know," mariing pahayag ko.
"I won't tell you anything until you get some rest and have a f*****g sleep."
I glared at him, but he didn't budge. "No. Tell me now."
"'Wag na matigas ang ulo, Skye. Alam kong pagod ka na. Don't be stupid like someone I know that was acting tough and okay, but almost dying because of his f*****g stupidity."
For the first time, I saw River looking annoyed and pissed at me. Or was it directly to someone he knows?
Nakipagsukatan ako ng tingin kay River. Walang sino man sa 'min ang nagbawi ng tangin.
After a few minutes of glaring at each other, he heaved a deep sigh, rubbing his temples. "Don't be stubborn right now, Skye. I promise, I'll tell you everything you need to know after you take some rest."
"Promise?"
"Promise," he answered, nodding. "Go and take a rest. Ako na ang magbabantay rito."
I took a one last glance at Uno before leaving him with River. Nagtungo ako sa isang private room na sinabi ni Tita Miles na kinuha raw nila para sa 'kin. Kung ayaw kong umuwi, doon daw ako magpahinga at matulog.
The room was big and cozy. Hindi mo maiisip na kuwarto ito sa isang ospital. It was more like a unit in a five-star hotel. Mukhang mamahalin at kumpleto rin sa mga kagamitan. Ito ba ang tinatawag nilang VIP room sa ospital?
Humiga ako sa kama at tinitigan ang puting kisame. I couldn't stop thinking about Uno. Kahapon lang, masaya pa kami. And just a few days ago, we had a romantic dinner date, too. At dalawang linggo na lang, ikakasal na dapat kami. But then, this happened.
Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko. Pumikit ako at si Uno ang nakita ko. A weak smile escaped from my lips as his image appeared on my mind. Sana nga panaginip lang ang lahat ng 'to. Sana paggising ko, hindi totoong may nangyaring masama kay Uno.
I was thinking about Uno when I drifted off to sleep. His gorgeous face looking directly at me, smiling and calling my name.
-----
I fell asleep for three hours. Nang magising ako, agad akong bumangon at bumalik sa ICU para puntahan si River. Ngayong nakapagpahinga na 'ko, kailangan na niyang sabihin ang dapat kong malaman.
When I get there, I only saw Cliffer, sitting on the couch outside the room.
"Where's River?"
Saglit lang niya 'kong tinapunan ng tingin bago ibinalik ang tingin sa glass window. "Cafeteria. Doon ka raw niya hihintayin."
Hindi na 'ko nagsayang pa ng oras. Mabilis akong tumalikod at nagtungo sa cafeteria nitong ospital. Agad na hinanap ng mga mata ko ang taong pakay ko.
Nang makita siyang nakaupo sa isang sulok at kumakain, lumapit ako sa kanya. And before I could even say a word, he already motioned me to sit on the chair. Nang makaupo, bahagya naman niyang itinulak ang tray na may lamang pagkain sa harap ko.
"Eat. Let's talk after eating," sabi niya bago muling sumubo ng pagkain niya.
I gritted my teeth, glaring at him. "Hindi ito ang usapan natin kanina."
Nilunok niya muna ang kinakain bago sumagot. "I know. Pero, hindi gugustuhin ni Uno na pinababayaan mo ang sarili mo dahil sa kanya." Inginuso niya ang pagkain ko. "Now, eat first and let's talk later," utos niya.
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Looking at him right now, mukhang wala rin siyang matinong tulog at pahinga. Iyon din siguro ang dahilan kaya masyado siyang masungit at mainit ang ulo ngayon.
Kinuha ko ang kubyertos at tahimik na sinabayan sa pagkain si River. Nang malasahan ko ang pagkain, parang doon ko lang naramdaman ang gutom. Hapon na ngayon at kagabi pa ako walang kain.
"Now talk," I ordered him as soon as I finished eating. Sabay lang kaming natapos ni River sa pagkain.
Ibinaba niya ang hawak na mga kubyertos at uminom muna ng tubig bago matamang tumingin sa 'kin. "Uno was receiving death threats from unknown person."
Diretso at walang gatol niyang sinabi ang mga salitang iyon. No sugarcoated words. And I was taken aback. Ilang segundo rin yata akong nakatingin lang sa kanya, mariing pinoproseso ang mga sinabi niya.
"W-what do you mean?" I asked when I found my own voice.
Anong death threats ang sinasabi niya? May nagbabanta sa buhay ni Uno? Kailan pa? Bakit ngayon ko lang nalaman ang mga ito? At bakit walang sinasabi si Uno tungkol dito?
"Five months ago, nakatanggap siya ng isang sulat sa di-kilalang tao, threatening him. Lumapit siya sa 'kin at humingi ng tulong para alamin kung saan at kanino nanggaling. I looked into it, but I didn't get any trace of it," pahayag ni River. Huminga muna siya nang malalim bago muling nagpatuloy. "Hindi siya masyadong nabahala at inisip na baka isang prank lang iyon, pero ako ang nagpaalala sa kanya na hindi niya iyon basta balewalain."
Nakinig lang ako at hinayaan siyang magsalita.
"Apat na buwan din ang lumipas at wala siyang natanggap na sulat kaya medyo nakampante kami. But, just last month, he received another one. Same paper and cryptic message, kaya nasiguro naming iyon din ang taong nagpadala ng sulat sa kanya noon. This time, I told him not just to ignore it because it was a serious matter. Sinabi ko rin sa kanyang sabihin ito kina Tito Nathan dahil siguradong mag-aalala ang mga ito sa kanya. He asked me to investigate it secretly at wala na dapat ibang makaalam. Siya na raw ang bahalang magsabi sa mga magulang niya. Pinanghawakan ko ang sinabi niya kaya nanahimik ako at kumilos nang palihim.
"Just a few days ago, he received the third letter. And that same evening, may masamang taong nagtangka sa kanya nang nasa parking basement kami ng kompanya niya. Good thing at magkasama kami that time kaya hindi natuloy ang pagtatangka sa buhay niya. Unfortunately, the guy escaped and his identity was still unknown. But, Uno got a minor injury on his hand."
Natutop ng kamay ko ang nakaawang na mga labi ko. Nanlaki rin ang mga mata ko sa mga rebelasyong iyon ni River. Now that he mentioned about Uno's injury, naalala ko ngang may sugat ito sa kamay. And here I thought that he got it from accident - according to him - but, it wasn't a mere accident!
Bigla rin akong natigilan nang may isa pa 'kong maalala nang araw na iyon. That day was our dinner date. Naalala kong magkausap sila ni River sa phone. And Uno mentioned something about the letter...
"H-he told me that it was a love letter from a fan..." wala sa sariling sambit ko.
Mapait na ngumiti si River. "Sorry to broke this news to you, but it wasn't as sweet as a love letter you had imagined. It was literally and a f*****g death letter." Huminga ulit siya nang malalim bago nagpatuloy. "Iyon din ang dahilan kaya dinagdagan namin ang mga nagroronda sa subdivision n'yo. To strengthen the security. Dahil hindi malabong lumapit ang taong iyon sa mga minamahal ni Uno. At iyon ang ayaw niyang mangyari."
Wala sa sariling napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Halos mahirapan akong huminga sa mga sinabi niya. May nangyayari na palang gano'n, pero walang sinasabi si Uno. Itinago niya ang lahat para hindi kami mag-alala sa kanya.
"W-what happened to him yesterday, River?" lakas-loob kong tanong. Pinigilan ko rin ang nagbabadyang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
"Sinabi niya sa 'yong magkikita kami kahapon, 'di ba?" Tumango ako. "Hindi kami nagkita. Sinabi niyang may importante muna siyang gagawin at babalitaan niya ako. Hindi na ako nagtanong pa dahil may ibang nilalakad din ako. Then, by afternoon, I received a call from him. He was able to hack on the system of his enemy. Nakuha niya ang evidences na mag-a-identify sa kalaban niya at nai-save sa flash drive niya. Tinanong ko siya kung nakilala niya ang mga kalaban niya, and he said yes. Sasabihin niya raw sa 'kin iyon pagbalik niya. But, in the middle of our conversation..."
My heartbeat started to race when he stops in mid-sentence. Mas kinabahan pa ako nang mapansin ang pagdaan ng galit at takot sa mga mata niya.
"May napansin siyang sumusunod sa sasakyan niya. Masama ang naging kutob niya lalo na't dalawang sasakyan ang napansin daw niyang nakasunod sa kanya kaya agad niya akong inutusan na puntahan siya. After that, he hang up. Mabilis kong t-in-rack through GPS ang location niya. Sobrang layo ko sa area niya, but I did my best to go to him as fast as I could. Kasama ang ilang mapagkakatiwalaang mga tauhan ko, sinundan ko ang kinaroroonan niya.
"Nang makarating kami sa location niya, it was a mess. Some bodies were lying on the ground. Then, his car was wrecked and put on fire. Mabilis kaming nag-search sa area until I found Uno covered in blood. With his twin.
"Nagpapasalamat ako at naroon si One, Skye. Dahil kung hindi dahil sa kanya, baka hindi na nakalabas doon ng buhay si Uno. He was bleeding like hell. And he kept mumbling your name and your upcoming wedding until he lost consciousness."
Hindi ko na napigilang umiyak at humikbi sa huling sinabi niya. Muling nanikip ang dibdib ko sa sakit. It was as if I could imagine that scene on my head. And it hurts so bad just imagining it.
Ako pa rin ang iniisip ni Uno. Kahit may nangyari nang masama sa kanya, ako pa rin ang inaalala niya. Mas inaalala niya pa ako at ang kasal namin kaysa sa sarili niyang buhay nang mga oras na 'yon.
Hinayaan lang ako ni River na umiyak. Tahimik lang siya at hinintay akong kumalma. Nakatulong naman ang pag-iyak ko para kahit papa'no, gumaan ang pakiramdam ko.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga nang makalma na ako. Pinunasan ko rin ang luha sa mga mata ko. "Salamat at nandoon kayo ni One para kay Uno."
Naiintindihan ko ang mga sinabi niya. Kung hindi dahil kay One, baka hindi na namin kasama ngayon si Uno. Kung hindi dahil kay One, baka may nangyari pang mas masama sa kanya. And I was thankful for that, too.
"One was injured, too."
Bigla akong natigilan at bumalik ang atensiyon ko kay River. "Injured?" sambit ko.
He was looking at me intently. "Minor injury."
Was it just me or River sounded a little sarcastic?
Umismid at pumalatak siya. "Minor injury my ass," mahinang bulong niya na hindi na umabot sa pandinig ko.
Napaisip ako sa tinuran niya. When I saw One yesterday, I didn't notice it. Hindi ko rin naman nagawang magtanong dahil mas nag-alala ako sa nangyari kay Uno. And we didn't say a word to each other until he walked out on me.
"H-how is he?" hindi ko napigilang itanong.
"He just needs some rest for fast recovery. You don't need to worry about him."
Bahagya akong tumango. Kahit hindi maganda ang pakikitungo namin sa isa't-isa, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala para kay One. Kakambal pa rin siya ni Uno. And he used to be my best friend.
"Sino ang gustong pumatay kay Uno, River?" mariing tanong ko.
"Until now, we don't have any clue. But, I'm damn sure that it was one of his company's rivals."
Nagsalubong ang kilay ko. "Wala akong matandaan na may kaaway siya."
"Marami siyang kaaway, Skye. Uno's MG-Tech In is the top and leading game company globally. Hindi ka na dapat magtaka pa kung may mga taong gusto siyang mawala at pabagsakin," mariing pahayag niya. Muli siyang huminga nang malalim bago matamang tumingin sa 'kin. "Anyway, Tito Nathan, my father and their friends are in talks for the next plan. Naniniwala kaming babalikan si Uno ng taong gustong pumatay sa kanya. And we won't allow that to happen. Lalo na't si Uno lang ang nakakakilala sa mga taong nagtatangka sa buhay niya. We didn't get his flash drive. Hindi namin iyon nakita sa suot ni Uno kahapon. Pinasabog din ang sasakyan niya to ensure that the evidences were wiped out. I'm f*****g sure that those people were after the evidences that Uno got from hacking their system."
"May plano na ba?"
"May initial plan na. Kailangan na lang namin sabihin kay One ang buong plano para sa approval niya."
"Approval niya?"
"Yes," he asnwered, nodding. "Because most likely, si One ang pinakamahihirapan sa isasagawang plano."
"Gano'n kahirap?"
Saglit din nag-isip si River. "In One's place, I guess so." Ngumisi siya at napakamot sa pisngi niya. "But knowing him, hindi niya iyon ipapahalata. He's damn good at hiding his own feelings. Kaya kahit nahihirapan 'yon, hindi mo iyon mapapansin."
I silently agreed with him.
He glanced at his wristwatch. "I need to go now, Skye. May kailangan pa 'kong gawin."
Tumayo na siya at gano'n din naman ako. "Sabay na'ko sa 'yo."
Sabay kaming naglakad papalabas ng hospital cafeteria.
"By the way, alam na ba ni Lander ang nangyari kay Uno?" tanong ko.
"Yes. Bukas ang flight niya pauwi dito sa 'Pinas. Susunduin namin siya ni Cliffer sa airport."
I just nodded in response.
Nagpaalam na ulit si River nang palabas na siya ng ospital. Paliko na ako sa hallway papunta sa ICU nang tawagin niya ang pangalan ko. Nilingon ko siya at napansin ang mataman niyang pagtitig sa 'kin.
"About One..."he trailed off.
Bahagyang kumunot ang noo ko. "What about him?"
He looks like he wanted to say something, but he couldn't bring himself to say it. In the end, he took a deep breath and smiled a little. "When you see him, don't be too hard on him."
Iyon lang ang sinabi niya bago tumalikod at kumaway.
I was left shocked and confused on his last words.