SKYE
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa ulo ko. The touch was so light and caring. I couldn't help but smile when his hand touched my left cheek. Kahit hindi ako magmulat ng mga mata, alam ko kung kaninong kamay iyon. His every touch was too familiar to me.
"Wake up, Skye," Uno whispered in my ear. His low and baritone voice sent shivers all over my body. Ramdam ko rin ang init ng hininga niya sa tapat ng tainga ko.
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Ang nakangiti at guwapong mukha ni Uno ang nabungaran ko. My smile widened even more. Itinaas ko ang isang kamay ko at ginagap ang kamay niya na nakapatong sa pisngi ko. Bahagya ko iyong pinisil at napansin ko ang bahagya niyang pagngiwi.
Inilayo ko ang kamay niya na hawak ko at pinagmasdan iyon. May sugat ang likod ng palad niya. At mukhang sariwa pa. Muli kong pinisil iyon at napadaing na siya sa sakit. Naalarma na ako at napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga sa kama. "What happened? Bakit may sugat ka sa kamay?"
"Just a minor accident in my work," sagot niya. Pilit niyang binabawi ang kamay, pero hindi ko hinayaang makawala siya sa pagkakahawak ko.
"What kind of work?" takang tanong ko. "You're a programmer. You're coding," dugtong ko pa. At imposibleng masugatan siya sa pagko-code lang.
"Of course, I didn't get it from coding. May nabasag na salamin at nagkataon na nasugatan ang kamay ko. But, you don't need to worry. Nalapatan na naman ng first aid ang sugat ko kaya okay na 'ko. Malayo rin naman sa bituka," pag-assure niya sa 'kin.
Mataman ko siyang tinitigan. Wala namang anumang sugat ang mukha niya. Ang kanang kamay lang niya ang may sugat. Kahit na sinabi ni Uno na wala akong dapat ipag-alala, medyo naba-bother pa rin ako. I don't know why, pero hindi ako kumbinsido sa sinabi niyang rason. Gano'n pa man, hindi na lang ako nagtanong pa. Wala rin naman sigurong dahilan para magsinungaling sa 'kin si Uno, 'di ba?
"Anyway, I'm here to inform you that we have a dinner date later."
"You aren't joking, are you?" tanong ko. "Dahil ayokong umasa na naman tapos sa bandang huli ay ikakansela mo lang ang lakad natin," nakangusong pahayag ko sabay irap sa kanya.
Bahagya siyang natawa bago marahang pinisil ang ilong ko. "Of course not. I won't joke about our date."
Right. He would never joke about our date. Napangiti na ako.
"See you later, Skye." Mabilis niya kong kinintalan ng halik sa mga labi bago tumayo at tinungo ang pinto. Lumingon siya at kumindat pa bago tuluyang lumabas sa kuwarto ko.
Natatawang napailing na lang ako.
~~~
Nakaayos na ako ilang minuto bago ang napag-usapang oras ng dinner date namin ni Uno. I don't have any idea where we're going, but knowing him, he would always surprise me on our date. Lumabas na ako ng kuwarto dahil alam kong naghihintay na rin naman siya sa ibaba. Hindi siya umalis ng bahay at nag-stay lang siya sa study room niya para asikasuhin ang ilang paperworks.
Bukod sa ilang kasambahay, kami lang ni Uno ang naiwan sa mansion. Nasa trabaho ang mag-asawang Montecaztres habang umalis naman daw si One kasama si Ash para dalawin si Osean. Tatlong araw na rin ang nakakalipas nang makauwi ito sa bansa. Nagpahinga lang ito ng isang buong araw pagkatapos ng pagsama niya sa 'kin sa wedding planner namin on behalf of his twin.
Pababa pa lang ako ng hagdan, natanaw ko na ang nakatalikod na bulto ni Uno habang nasa tapat ng tainga ang hawak na phone. Tahimik akong humakbang palapit sa kanya. Nang makalapit sa kinatatayuan niya, hindi ko naiwasang pakinggan ang sinasabi niya sa taong kausap niya sa kabilang linya.
"You're worrying too much, Mijares. And don't mind about that letter. Hanggang doon lang naman ang kaya niyang gawin." Tumahimik muna si Uno at pinakinggan ang sinasabi ng kausap bago muling nagsalita. "Sasabihin ko rin naman kina Papa ang tungkol sa letter. But, not now. Because once they found out about it, they would surely freak out. Especially Skye and my mother. And I don't want them to worry about me... Basta gawin mo na lang ang ipinapagawa ko sa 'yo. Find the person who sent that letter as soon as possible, River." Iyon lang at pinutol na niya ang tawag.
He was surprised when he looked at my direction. "Skye!"
"Letter? What letter?" I asked, creasing my forehead.
Parang nagkaroon ng alinlangan ang mga mata niya bago pilit na ngumiti. "Just a love letter from one of my fans."
"Can I see it?"
"'Wag na. Baka magselos ka lang kapag nabasa mo pa. Alam mo naman kung gaano kaguwapo ang fiance mo."
Tumaas ang isang kilay ko sa kayabangan niya na tinawanan lang niya. Bago pa man ako makapagsalita ulit, lumapit na siya at pumuwesto sa likod ko. Ipinatong niya ang mga kamay sa balikat ko at bahagya akong itinulak. "Since you look beautiful and ready na, let's go date na."
Nagtaka ako nang sa likod ng mansion ako iginiya ni Uno. Sa harap kasi nakaparada ang sasakyan niya. Nasagot lang ang tanong sa isip ko nang makitang nakaayos ang buong garden. May mga mini lantern lights na nakasabit sa mga puno na nagsisilbing ilaw sa paligid ng table for two. Naroon din sa gitna ng mesa ang favorite flower ko at may nakapatong din na red wine. A perfect setup for a romantic date.
Hindi na ako nagtanong pa kung bakit dito ang naisip niyang date namin. As long as he's here with me and we're together, the place will always be special to me.
Our dinner went well. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan kami ni Uno. We talked as if we never talk for days. I missed this. And I really missed him.
Pagkatapos kumain, naupo ako sa malawak na bermuda grass at humiga naman si Uno habang nakapatong ang ulo niya sa lap ko. Ganito lang ang gawin namin, kontento na 'ko. Makasama ko lang siya, masaya na 'ko.
"Anong iniisip mo?" tanong ko habang hinahaplos ang malambot niyang buhok. Ilang minuto rin kasi siyang nakatitig lang sa mukha ko.
"I'm just wondering, how many kids do you want?"
Bahagya akong natigilan. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagtanong siya nang gano'n. And I guess it's just normal dahil ikakasal na rin naman kami. Mabuti na nga iyong magplano na rin kami ng pamilya. Besides, ito na lang ulit ang araw na nagkaroon kami ng oras para pag-usapan iyon. Halata mang pagod siya, pero kapag ako ang kasama niya, hindi niya ipinapakita sa 'kin na gano'n ang nararamdaman niya. Bagkus, ipaparamdam pa niya sa 'kin na ako ang pahinga niya sa lahat ng mga nangyayari sa buhay niya.
"Ilan ba ang gusto mo?"
"A whole basketball team."
Mahina kong pinalo ang noo niya. "Baka hindi ko kayanin 'yon!"
"Just kidding," natatawang sambit niya. "But seriously, ilan ang gusto mo?"
"Siyempre 'yung bilang na kaya nating buhayin at alagaan. Siguro mga dalawa o tatlo? Basta may mga kapatid sila."
"How about twins?"
Nag-isip ako sandali. "Why not? Parang maganda rin kung may twins tayo. Babae at lalaki."
"Right. Maganda nga kung babae at lalaki ang kambal. Mahirap kasi kapag same gender."
"Bakit naman mahirap?" takang tanong ko.
"Comparisons. Expectations. Likes. Wants. Rivalries."
Napangisi ako. "Based from your own experience ba 'yan?"
"One and I are okay."
"I didn't say you two weren't okay."
"Just saying, though," he retorted back.
Bahagya na lang akong natawa. Ewan ko ba, pero may mga pagkakataon na feeling ko nagiging defensive siya when it comes to his twin.
"Skye."
"Hm?" sambit ko habang ipinagpapatuloy ang paghaplos sa buhok niya.
"You can ask me anything. Alam ko na marami akong pagkukulang nitong mga nakaraang araw. And I promised to make it up to you, right? So, ask me anything you want."
Napatitig ako sa guwapong mukha ni Uno. Hindi naman siya nag-iwas ng tingin. Nanatili siyang nakatitig lang sa mukha ko. He looked really serious.
Ngumiti ako. "Okay." Ilang sandali rin akong nag-isip bago nagtanong. "If there's a word you wanted to say to me, what is it?"
This time, it was his turn to think for a few seconds before answering. "I have three words for you."
"What's the first word?"
"Thank you," he said, smiling gorgeously. "Thank you for understanding me. Thank you for supporting me. Thank you for being patient with me. Thank you for always being there for me. And thank you for loving me."
I smiled. "How about the second word?"
"I'm yours." Hinawakan niya ang kanang kamay ko at dinala sa mga labi niya. Habang deretsong nakatingin sa mga mata ko, masuyo niyang ginawaran ng halik ang likod ng palad ko. "Always."
Mas lalong lumapad ang ngiti ko. My heart was pounding so fast and loud. His eyes were full of love and sincerity. At tumatagos sa buong pagkatao ko ang mga salitang binibitiwan niya.
"The third and last word?"
"Sorry."
Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ko. At napalitan ng pagsasalubong ng kilay ko. "Sorry?"
"Yes. Sorry, Skye," sabi pa niya bago dinala ang kamay ko na hawak niya sa tapat ng dibdib niya. Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso niya.
"Sorry for?"
Habang nakatitig ako sa mga mata niya, parang ang daming sinasabi ng mga iyon. Hindi ko lang matukoy kung ano. Ilang segundo rin siyang tahimik lang bago sumagot. "Sorry for everything."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Just sorry." Iyon lang ang simpleng isinagot niya.
Hindi ko man masyadong naintindihan, ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.
"Uno."
"Hm?"
"What are you most afraid of?"
Hindi agad siya sumagot. Pero, ilang sandali pa, "Losing you."
"You won't lose me, Uno," mabilis kong sagot. Walang dahilan para mawala ako sa kanya.
"Glad to hear that." Umangat ang kanang kamay niya at humaplos sa kanang pisngi ko. "Then I guess, seeing you loving someone else."
"Of course, I won't love anyone else but you! Only you, Uno," I assured him.
Hindi sumagot si Uno. Ibinaba lang niya ang kamay mula sa pagkakahawak sa pisngi ko. Nang tingnan ko ang mga mata niya, parang may nakikita akong takot at pag-aalinlangan sa mga iyon. Na para bang hindi rin siya naniniwala sa mga sinabi ko.
Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at mataman siyang tinitigan. "Look at me, Uno. Can you really imagine me loving someone else aside from you?" tanong ko. "Because I can't," dugtong ko pa.
Parang may sinasabi ulit ang mga mata niya, pero walang anumang salita ang lumabas sa mga labi niya. Instead, he just smiled in response.
And that smile made me confused even more.
~~~
Pagkatapos ng pagtambay namin sa garden ni Uno, nagpasya kaming maglakad-lakad muna sa labas. We just walked inside the subdivision, hand by hand. The night was quiet and beautiful. At ang sarap sa feeling na magkasama kami ngayong gabi while walking under the moonlight.
May iba ring couples ang naglalakad at nagdya-jogging. May nagroronda ring akala mo ay mga ordinaryong tao, pero may mga kasama namang K9 dogs. At alam kong mga trained agents and bodyguards sila para sa buong safety and security ng buong subdivision.
Those agents were from River's security agency, the RM Security and Protection Services. Ang agency nito ang in-charge sa safety ng buong subdivision. The guards inside and outside of the place and the cover-up civilians patrolling the whole surroundings were all from the agency.
"Parang mas marami yatang nagroronda ngayon," nasambit ko.
"River tightened the security in our subdivision."
I creased my forehead. "Why? Did something happen?"
Pinisil niya ang kamay ko at bahagyang ngumiti. "Nothing happened. Just for safety purposes lang."
Ilang minuto pa lang kaming naglalakad, natanaw na namin ang papalapit na black Mercedes Benz na may naka-engrave na 'One' sa may right side bumper nito. Bumusina at nag-signal ang driver niyon dahilan para sabay kaming tumigil sa paglalakad ni Uno. Huminto ang sasakyan sa tapat namin. Nang ibaba ng driver ang tinted window sa side nito, si Ash ang bumungad sa 'min.
"Ash? Where's my twin brother? " takang tanong ni Uno nang masilip sa loob ng sasakyan na mag-isa lang ito.
Ash looked at Uno's direction with a serious face. I mean, very serious face. "Basketball court."
"Why? Did something happen?"
Isang sarkastikong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Ash. "Alam kong alam mo ang puwedeng mangyari oras na makita niya ang kalagayan ni Sean," aniya. "And he needs an explanation from you, Uno," mariing dugtong pa ni Ash.
Hindi agad nagsalita si Uno at nanatili lang nakatingin sa dalaga. Ilang sandali pa, ngumiti siya at bahagyang ginulo ang buhok ni Ash. "I understand. Leave it to me. I'll explain everything to him."
"You should, Uno. Because he's really mad right now." Iyon lang bago tumango at tipid na ngumiti sa direksyon ko si Ash at pinaharurot na ang sasakyan.
Nasundan ko na lang ng tingin ang papalayong sasakyan hanggang sa maramdaman ko ang bahagyang paghila sa kamay ko ni Uno. "Let's go. Kailangan na nating puntahan si One."
After a few more minutes, nakarating kami sa basketball court ng subdivision. Sa malayo pa lang, tanaw na namin ang isang bulto ng lalaki na nakatalikod sa direksyon namin habang nagsu-shoot ng bola sa ring. Nang makalapit kami ng ilang metro mula sa kinatatayuan nito, napansin ko na medyo pormal ang suot nito. Ang white long sleeve ay nakatupi hanggang sa ibabaw ng siko nito.
Hindi yata nito napansin na nakalapit na kami ni Uno dahil tuluy-tuloy lang si One sa ginagawa nito at hindi man lang lumilingon sa direksyon namin.
Narinig ko ang mahinang pagpalatak ni Uno. When I glanced at him, he was shaking his head. "Tsk, tsk, tsk. Tama nga si Ash. Mukhang galit talaga ang kakambal ko."
"You can tell by just looking at him?" takang tanong ko. Like seriously, he was only looking at his twin's back. Ni hindi pa niya nakikita ang mukha nito para sana makumpirma kung galit nga ba talaga ito.
Uno glanced at me. "You call it instinct or gut feeling," nakangiting sagot niya bago muling ibinalik ang tingin sa harapan. "I know when he's mad. I know everytime how he feels. And vice versa. We're twins, after all."
Right. The undeniable 'connection' between the twins. 'Yung alam ng isa ang nararamdaman ng isa. 'Yung sinasabi nilang parang magkadikit na rin ang mga bituka nila. Isa na rin sa nagpatunay no'n ang magkakambal na sina Lander at Lynn. And sometimes, I envy my friends who have siblings.
Itinuon ko na rin ang tingin ko sa harapan. Muling ibinato ni One ang bola at tumama iyon sa gilid ng ring hanggang sa gumulong ito papunta sa paanan ni Uno. Habang hindi binibitiwan ang aking kanang kamay, yumuko siya at pinulot ang bola gamit ang kabilang kamay niya. Hinila niya ako at naglakad papalapit sa kinatatayuan ni One.
"You missed it, twin brother. Looks like you were lack on practice now."
Nang sabihin iyon ni Uno, saka lang lumingon sa direksyon namin si One. And I almost step backward when I saw his face. It was grim and void of any emotions. It was serious, but anger was very visible in his eyes. And he really had this dangerous aura surrounding him that anyone would flinch and be afraid just to be near him.
Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Uno sa kamay ko. Siguro naramdaman niya ang takot at kaba ko sa kakambal niya. "Why so serious, One? You're scaring her."
Saglit lang akong tinapunan ng tingin ni One bago ibinalik ang buong atensiyon kay Uno. Pero, napansin ko na bahagyang gumaan ang expression sa mukha nito. Though, naroon pa rin ang kaseryosohan sa mukha nito, pero hindi na katulad kanina na sobrang nakakatakot at nakaka-intimidate.
"Explain."
Maikli, pero ramdam ko ang mariing utos nito sa kakambal. He sounded as if Uno really owe him an explanation. And I hate that.
I was about to say something when Uno spoke first. "What do you want me to explain?" he asked with a grin on his face.
"About Ledesma's condition," One answered. "And his current setup with Lynn," he added emphatically.
Medyo nakaramdam ako ng kaba sa huling sinabi nito. At sasagot na sana ako, pero naramdaman ko ang muling paghigpit ng hawak ni Uno sa kamay ko. As if he was telling me to remain silent and stay out of this.
"Sure." Uno widened his smile. "But first, let's have a one-on-one basketball game."
I looked at him surprisingly. Seriously? Talagang nakuha pa niyang hamunin ang kakambal niya?
Uno dribbled the ball without leaving his gaze at his twin's eyes. "It's been years since we had one-on-one game. And if I do remember correctly, you were even holding back that time."
Ilang minuto ring nakatingin lang si One kay Uno bago ito seryosong sumagot. "Challenge accepted." His eyes became darker and as serious as I have never seen before. "And this time, I won't hold back."
"Glad to hear that." Ngumisi si Uno bago ipinasa ang bola sa kakambal.
And the one-on-one basketball game begins.