CHAPTER 8: The One-on-One Game

3503 Words
SKYE The rule of the one-on-one basketball game was easy and simple. The first one who can shoot the ball on the ring will be the winner. But, how I wish the game was really that simple and easy. Thirty minutes na ang nakakalipas, pero wala pa rin ni isa sa kambal ang nakakapag-shoot ng bola. Palaging naba-block ang tira ng isa't-isa. Ayaw magpalamang sa galing at bilis gumalaw. Na para bang ayaw talagang magpatalo sa bawat isa. "They're playing, huh." Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang nagsalitang iyon. Nang lingunin ko, si River Mijares ang nabungaran kong nakatayo sa tabi ko at matamang nakamasid sa mga naglalaro. "And they look serious, too." Ibinalik ko ang tingin sa harap. Seryoso na talaga ang kambal bago pa man magsimula ang laro. "Anong ginagawa mo rito?" hindi lumilingong tanong ko kay River. "To talk to Uno," sagot niya. "May dala ba siyang phone?" "Wala kaming dalang phone." "Kaya pala hindi siya sumasagot sa tawag ko. Kanina pa ba sila naglalaro?" "Mga thirty minutes na rin. Wala pa ngang nakaka-score." "Gano'n ba? Gusto mo bang maglakad-lakad muna?" "Baka matapos na rin sila, hintayin na natin. Kung sino kasi unang maka-shoot ng bola ang siyang panalo." "Mamaya pa sila matatapos." I glanced at him. He sounded as if he was really sure about it. "Pa'no mo naman nasabi?" takang tanong ko. Lumingon siya sa direksyon ko bago ngumiti. "Believe me. Mamaya pa matatapos 'yan. Their first one-on-one game took them two hours until one of them wins," aniya bago ibinalik ang tingin sa kambal. "And seeing how serious they are right now - especially One - baka mas magtagal pa ang laro nila ngayon." Hindi ako sumagot. Ang tinutukoy niya sigurong one-on-one game ay ang nabanggit din ni Uno kanina. "Ano? Hayaan na muna natin sila. Magkuwentuhan muna tayo." "Paano kapag hinanap ako ni Uno?" "I'll just text One. Siguradong nasa kanya ang phone niya kaya masasabi niya sa fiance mo na magkasama tayo." At muli siyang humarap sa 'kin. "Let's go?" Ibinalik ko ang tingin kay Uno. He was so focused and serious. Kahit siguro tawagin ko siya para magpaalam, hindi niya maririnig dahil nasa kakambal at paglalaro nila ang buong atensiyon niya. "Okay. Maganda ngang magkuwentuhan muna tayo. Besides, marami rin akong gustong itanong sa 'yo, River." Silence. After a few minutes, I heard him say, "On second thought, maghintay na nga lang tayo dito. Mukhang matatapos na rin naman sila." "No. I'm accepting your offer kaya tara na." Ako na mismo ang humila kay River palabas ng basketball court. Narinig ko pa siyang mahinang nagmura bago sinabing, "Mukhang napasubo pa yata ako." Nakarating kami ni River sa mini park ng subdivision. Tamang-tama at walang tao dahil na rin siguro medyo late na. Umupo ako sa bakal na duyan at naupo rin naman siya sa katabing duyan. Sabay pa naming binuksan ang Royal in can na binili namin sa isang convenience store na nadaanan namin kanina bago makarating dito sa park. Uminom muna ako bago tumingin sa kanya at nagtanong. "Wala ba kayong travel ni Ash?" As far as I know, both of them are travel and food buddies. "Wala. Kinuha ni Uno ang serbisyo ko, eh." "Seryosong kaso ba 'yan?" "Not really. Just investigating something." "Related ba iyan sa ipinapagawa ni Uno sa 'yo? About the letter?" Nabitin sa ere ang pag-inom ni River at nagbaling ng tingin sa direksyon ko. Kababakasan ng kaunting gulat ang mukha niya. "Did he tell you about the letter?" Umiling ako. "Not much. He just told me it's a love letter from one of his fans." "Ah, okay," tumatangong sambit niya. Hindi ko inalis ang tingin kay River. I need confirmation. And I was waiting for a long and clear answer from him. Uminom muna siya sa hawak na can bago ngumisi. "Don't worry. It's nothing serious," aniya na para bang nabasa ang gusto kong ipahiwatig. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago inalis ang tingin sa kanya. Mukhang wala siyang ibang sasabihin bukod doon kaya hindi ko na rin ipinilit. "So, bakit pala nag-one-on-one game ang kambal? Sino ang dahilan?" tanong niya na para bang alam na alam niya na tao talaga ang dahilan ng one-on-one game ng mga Montecaztres. "It's about Osean's condition. And his current setup with Lynn." "Ah. Akala ko dahil ulit sa 'yo." Kunot-noong bumaling ako ng tingin sa kanya. "Anong sabi mo?" "Wala. Never mind." Muli itong uminom sa hawak na can bago muling nagsalita. "I'm guessing na dinalaw na ni One si Sean." "Yes, kanina lang. Kasama si Ash." I averted my gaze and looked at my can, moving it in a circular motion. "And I'm guessing that he didn't like what he saw there. He's mad." "No doubt. Ilang years din niyang hindi nakita si Sean. Tapos ang madadatnan lang niya ay kasama nito si Lynn." "Lynn is Sean's friend---" "And an ex-girlfriend," he cut off, emphasizing the last word. "And not just an ex. She's also the reason why Sean is in that condition." Hindi ako nakasagot. Narinig ko ang paghugot niya ng isang malalim na buntong-hininga. "At naiintindihan ko kung makaramdam ng galit si One. Hinayaan lang natin - lalo na ni Uno - na si Lynn ang mag-alaga kay Sean. And Sean is not even aware of it. Ang ine-expect siguro ni One ay ipapaalam kahit papa'no ni Uno kay Sean na si Lynn ang private nurse nito. Dahil si Uno ang pinaka-close kay Sean." "But, that was my idea. Kung galit siya, dapat sa akin siya magalit," sabi ko. Nakita ko kung gaano nasaktan at na-guilty si Lynn dahil sa nangyari kay Sean three years ago. Hindi naging maganda ang huling pag-uusap at paghihiwalay ng dalawa hanggang sa masangkot sa isang aksidente ang lalaki. And she was blaming herself because of that. At nakita ko naman na gusto niyang makabawi kaya nag-suggest ako na mag-apply siyang private nurse ni Sean. Wala kasing nakakatagal na nurse sa lalaki. At para magawa iyon, kailangang itago ni Lynn ang identity niya. Of course, the boys didn't like the idea. Even Uno. It was like a betrayal to their friend. Lalo na at alam nila na hindi magugustuhan ni Sean kapag nalaman na si Lynn ang private nurse nito.  But, Lynn is my friend. And their friend, too. Desidido akong tulungan ang kaibigan ko kaya pinilit ko si Uno na pumayag sa idea ko. Lalo na at nararamdaman kong mahal pa rin ni Lynn ang lalaki. Nang pumayag si Uno, wala na ring nagawa ang iba pang boys kaya wala na rin silang sinabi kay Sean. Sabi sa 'kin ni Uno noon, hindi nila ipinarating iyon kay One dahil siguradong ito ang matinding tututol sa ideyang iyon. And he was right. Kaya nga galit ito ngayon. Napanguso ako. "At ano pa bang magagawa ni One? All of us agreed to that idea. Even Lynn's twin brother." Well, not literally na pumayag si Lander. Nang sabihin din ni Uno ang bagay na iyon sa lalaki, hindi raw ito sumagot. He didn't oppose, but didn't agree either. Pero, hindi rin naman nakialam si Lander sa ginagawa ng kakambal. "Lander is not that nice, though," sambit ni River dahilan para lingunin ko siya ulit. "Maaaring hinahayaan lang niya sa ngayon ang kakambal niya. Dahil ang alam ko, may agreement silang dalawa na dapat sabihin ng kakambal niya kay Sean ang totoo. If not, si Lander mismo ang magsasabi rito." "Lynn is his twin sister." "And Sean is his friend, too. Hindi rin madali para sa kanya ang mamili sa pagitan ng kakambal at ng kaibigan niya. No doubt that Lynn got hurt emotionally. But, Sean got hurt, too" - sumulyap siya sa direksyon ko - "emotionally and physically," aniya, may diin sa huling salita. Malungkot at mapait akong napangiti. Kahit anong justify ko siguro kay Lynn, alam ko na may naging mali pa rin ang kaibigan naming babae. Pero, pinagbabayaran na naman niya iyon. "Let's just hope na hindi masyadong maghuramentado si Sean kapag nalaman niya na ang ex niya ang nag-aalaga sa kanya habang bulag siya. At pinaniwala pa siya na mute ang private nurse niya para lang 'di niya makilala ang boses ni Lynn. Once he found out all of it - andwe all knew about it - I could already imagine what would be his reaction." Napabuga ako ng hangin. "He would be raging mad, indeed." "And would feel stupid and betrayed." Pagkasabi no'n, pareho kaming natahimik. Tanging pag-ihip ng hangin at mahinang kuliglig sa puno di-kalayuan sa kinaroroonan namin ang maririnig. Ilang sandali pa, "May tanong ako, River," sambit ko. "Shoot." "About the one-on-one basketball game you mentioned earlier between the twins..." Muli akong sumulyap sa direksyon niya. "How and when did it happen?" "Oh, that." Saglit ding nag-isip si River. "If I still do remember correctly, that was when we were still in third year in college. And a month before the school year ends." Third year sila. I was still in second year college back then. Kami ni Cliffer. Tumanaw siya sa malayo at ngumisi na para bang may bigla siyang naalala. "And that was also the time na nahati ang opinion ng mga boys when it comes to the twins' love interest." "What do you mean? At ano ba ang dahilan kung bakit nag-one-on-one sila?" kunot-noong tanong ko. "One was asking for his twin's permission. Instead of simply giving it to him, Uno challenged him on one-on-one game. Kung matatalo ni One si Uno, pagbibigyan siya nito sa hinihingi niya." "One agreed and accepted it," I stated. "Oo," pagkumpirma ni River sa sinabi ko. "We were there when we witnessed how they played against each other. Nakita namin kung gaano kaseryoso si One na makuha ang permission ng kakambal." Tumingin siya sa 'kin. "At nakita rin namin kung gaano kadesidido si Uno na hindi pagbigyan ang kakambal." Hindi ako nagkomento. Nanatili akong nakatingin kay River kaya nagpatuloy siya sa pagkukuwento. "Kung ano ang rule kanina sa one-on-one game nila, gano'n din ang rule nila noon. Kung sino ang unang makapag-shoot ng bola sa ring ang siyang panalo. "Seryoso talaga silang naglaro. Iyon na nga yata ang pinakamatagal na laro na napanood namin sa pagitan nilang dalawa. Walang nagbibigayan. Ayaw sumuko. Ayaw magpatalo. And the game lasted for two hours without time-outs and breaks until one of them wins." "Bakit hindi yata namin nabalitaan 'yan noon?" takang takong ko. Hindi nakaabot sa 'ming mga babae ang tungkol sa one-on-one game nila noon. Even Ash. Dahil kung alam iyon ng huli, sasabihin nito iyon sa 'min. "Of course, you girls don't know anything about it. Kung may sikreto kayong mga babae, meron din kaming mga guwapong lalaki," sabay ngisi niya. I grinned back sarcastically before rolling my eyes at him. "Fine. Anyway, sino ang nanalo?" "Uno." Hindi ako nagulat. Inaasahan ko na rin naman iyon. "Because One gave up." He looked at his can as if it was the most interesting thing to look at. "Ha?" "Kung walang susuko sa kanila, baka abutin pa sila nang magdamag sa paglalaro. Dahil din sa pangyayaring iyon, nahati ang opinion ng mga lalaki pagdating sa usaping pag-ibig ng kambal. Osean, Haru and Laker took Uno's side. Lander and Cliffer took One's side, of course. To the point na sinundan at sinamahan pa ng dalawang iyon si One sa ibang bansa pagka-graduate nila ng college." "Kayo ni Forest? Kaninong side kayo?" hindi ko naiwasang itanong. He glanced back at me before pointing at himself. "Ako? Pantay ang loyalty ko sa kambal. Walang mas matimbang. Walang nakalalamang. Kung kailangan nila ng tulong sa babaeng mahal nila, hindi ako magdadalawang-isip na tulungan sila. Wala akong tatanggihan dahil hindi naman ako bias," pahayag niya sabay ngisi nang nakakaloko. "As for Kagubatan, siya naman ang walang pinili sa kambal. Wala siyang pakialam sa mga ito. Walang maaasahang tulong sa kanya. In short, he doesn't care at all when it comes to the twins' love life." Bahagya akong napangiwi. So, may gano'n palang nangyari. "But, we're all good and cool with each other. Kahit hati ang mga opinion, mas marami pa rin kaming mga bagay na napagkakasunduan at napagtatalunan. 'Wag lang talagang involved ang love life ng kambal. Ibang usapan 'yon. Kasi talagang gagawin ng limang iyon ang lahat, matulungan lang sina Uno at One." Tumango-tango ako. At least, they are all good. Kahit may mga pinapanigan, nananatili pa rin ang matibay nilang samahan at friendship. "I'm just wondering, River. Bakit basta na lang sumuko si One? Simpleng permission lang naman siguro ni Uno ang hinihingi niya, 'di ba?" bigla kong naitanong. Bahagyang tumaas ang isang kilay ng lalaki at sarkastikong ngumiti. "Kung gano'n lang sana kasimple ang permission na hinihingi ni One, hindi na sana aabot ng dalawang oras ang laro nila. No. Uno won't challenge his twin in the first place kung gusto talaga niyang pagbigyan ito. And One was already aware of it, but he still tried. "Alam ni One na hindi ang tipo ng kakambal niya ang basta-basta na lang susuko. Even if he didn't want to, One chose to give up. Dahil sigurado na siya na ayaw siyang bigyan ng permission ni Uno. Mula pa man noon, siya na ang nagpaparaya at umaatras bago pa man ang laban. 'Cause he doesn't want any serious competition between them." Come to think of it. Sa naaalala ko noon, gano'n nga ang personality ni One. Mas uunahin niya ang nararamdaman ng kakambal bago ang sarili niya. "Alam mo bang dapat si One ang captain namin sa basketball team? Kahit second year college pa lang kami noon, nakitaan na ng potential ng mga seniors namin ang kambal. Sa mga seniors and coach, walang problema kung si Uno o One man ang sunod na maging captain. Pero, si One ang first choice ni Coach. "Kinausap ni One ang coach namin. They didn't know I was there, eavesdropping. He told our coach that he didn't want the position as a captain. Ayaw niyang mag-take ng responsibility sa buong team. That time, alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Dahil nakikita namin na pursigido talagang makuha ni Uno ang position. At very vocal pa ito sa pagsasabing ito na ang susunod naming captain. That's why, Uno became our captain and One became the vice captain.  "Naisip ko na ginawa iyon ni One para sa kakambal niya. Dahil ayaw niya talaga ng kompetisyon sa pagitan nila. Kaya palagi siyang nagpaparaya para kay Uno." Hindi ako nakapagsalita. Kahit na hindi maganda ang pakikitungo namin ni One sa isa't-isa at masama pa rin ang loob ko sa kanya, hindi ko itatangging isa iyon sa mga personality niya na hinahangaan ko. Noon pa man, selfless na siya.  Uminom ulit sa hawak na can si River bago muling nagpatuloy. "Alam iyon ni Uno. And that's what he loves about his twin. But at the same time, also hates about him," aniya bago ngumisi ulit nang makahulugan. "Dahil kung gugustuhin ni One at lalaban ito nang seryoso, alam ni Uno na kayang-kaya siyang higitan at talunin ng kakambal niya." Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. "Question," sambit ko pagkalipas ng ilang minuto. "Go ahead." "Kanina pa ito gumugulo sa isip ko kaya gusto ko na ring itanong. You told me that the reason for the twins' first one-on-one game was because One was asking for Uno's permission, right?" He nodded in response. "Anong permission iyon?" "Oh that." Halatang nagulat siya, pero agad ding nakabawi. Pumormal siya at itinapat ang mga daliri sa bibig at umaktong isini-zipper iyon. "I gave you too much information, Skye. I'm zipping my mouth now." Ngumisi siya. "Besides, we have this saying 'what happen inside the basketball court, stay in the basketball court'," dugtong pa niya. Sumimangot ako. That what-happen-in-blah-blah-stay-in-blah-blah kind of thing really sucks! Tinawanan lang niya 'ko nang makita ang reaction ko. "But, if you really want to know, ask the twins. Much better kung si One ang tanungin mo. Sasagutin ka naman niya." Umismid ako bago iniikot ang mga mata. "I doubt that." Kahit civil na kami sa isa't-isa, hindi naman kami nag-uusap sa bahay. Lalo na kung hindi naman kailangan. Natawa na lang siya. "O, sige. Si Uno na lang ang tanungin mo." Right. Mas malaki nga ang chance na sagutin iyon ni Uno kung siya ang tatanungin ko. ~~~ Inabot din ng halos isang oras ang pagkukuwentuhan namin ni River bago niya 'ko inihatid pauwi. Babalik na lang daw siya bukas para kausapin si Uno dahil hindi na rin daw niya ito mahihintay pa. Akala ko nga ay uuwi na siya, pero bago ako makapasok sa loob ng mansion, nakita ko siyang tumawid sa kabilang bakuran at nilapitan si Ash, na nang sa mga oras na 'yon ay nakatambay lang sa labas at waring may malalim na iniisip. Isang oras pa ang lumipas nang dumating ang kambal na parehong naliligo sa pawis at halatang napagod sa paglalaro. At gaya kung paano kami makitungo ni One sa isa't-isa, hindi kami nagpansinan. Nilagpasan lang namin ang isa't-isa nang salubungin ko sila. Well, hindi rin naman siya ang pakay kong salubungin. Besides, there's nothing new on how we treated each other after he came back. Kung itrato namin ang isa't-isa ay parang hindi kami nag-e-exist sa bawat isa. Walang pinagkaiba sa mga taon na pinili niyang mag-ghosting sa buhay ko. Nang salubungin ko si Uno, agad siyang humiling ng massage. Masakit daw ang katawan at ulo niya. Kaya ngayon, nandito ako sa kuwarto ni Uno habang hinihintay siyang matapos maligo. Habang nakaupo sa gilid ng kama niya at naghihintay sa kanya, hindi ko maiwasang alalahanin ang unang pagkakataon na nakapunta at nakapasok ako dito sa kuwarto niya way back in college days. Nalaman ko ang fear ni Uno sa kulog at kidlat. Nalaman ko rin ang past niya with his ex-girlfriend. At ang pagwawala niya nang mapanood ko sa DVD player ang failed proposal niya noon. And just remembering those memories, it made me smile. Dahil iyon ang naging daan para mas makilala at mas mapalapit kami sa isa't-isa. "Give him a reason to smile again. And be that reason, Skye." Agad din akong napasimangot nang biglang sumingit ang ilang alaala ko kay One on that same day. One and I were okay before. And we were okay before he left the country. He used to be my best friend back then. We also made promises, but he was the one who didn't keep his word. And I couldn't help myself but ask what the hell happened. What went wrong? Bakit siya biglang nagbago? Bakit bigla siyang nawala at nag-ghosting? "Bad mood?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Nakatayo sa labas ng banyo si Uno. Nakaroba siya habang tinutuyo ng towel ang basang buhok. "Nanghahaba ang nguso mo, Skye. Nainip ka ba? Pinaghintay ba kita nang matagal?"  Mabilis akong umiling at matamis na ngumiti sa kanya. Hindi naman niya kailangang malaman na ang kakambal niya ang dahilan ng pagsimangot ko. "Come here." Tinapik ko ang kama. "Masakit ang ulo mo, 'di ba? I'll give you a massage." Huminto siya sa pagkuskos ng buhok bago unti-unting ngumisi nang nakakaloko. And I know that kind of smirk. "Hm. Saang ulo?" he teased. "'Yang literal mong ulo sa taas, p*****t!" I hissed, rolling my eyes at him. Tumawa ang loko bago lumapit din naman sa kama. Ipinatong niya ang towel sa kandungan ko bago nahiga at ipinatong ang ulo doon. "Please be gentle, Miss," makahulugan pa niyang pahayag bago kumindat sa 'kin. Siraulo talaga, naiiling na lang na sambit ko bago sinimulang hilutin ang sentido niya. "Inihatid ka raw ni Ilog pauwi," sambit niya. Nakatitig lang sa 'kin si Uno habang marahang hinihilot ko ang ulo niya. "Oo. Dumaan siya sa court kanina. Kakausapin ka sana, pero 'di ka na rin nahintay kaya babalik na lang daw siya bukas." "Ah." "Sino palang nanalo sa one-on-one n'yo ng kakambal mo? Ikaw ba ulit?" "Siya. Kahit na-miss kong makipaglaro sa kanya, hindi ko na rin siya masyadong pinahirapan pa. Besides, I really owe him an explanation about Sean's condition. Pati na rin ang setup nito kay Lynn," sagot niya, pero agad ding nagsalubong ang kilay niya. "Wait. Ako ulit?" "Nabanggit ni River na nagkaroon na kayo noon ng one-on-one game ni One during our college days. It lasted for two hours. At ikaw ang nanalo." "Ah." "And that was also the time na nahati raw ang grupo n'yong mga lalaki pagdating sa usaping pag-ibig n'yo." "Oh." "Bakit hindi mo pala nabanggit sa 'kin na may gano'n palang nangyari noon sa inyo ni One?" "It was just a simple game in a random day." Tumaas ang isang kilay ko. "Parang hindi lang simpleng laro iyon base sa pagkakakuwento ni River." Ilang segundo rin siyang natahimik bago ngumisi. "Mukhang marami siyang naikuwento sa 'yo habang magkasama kayo." I grinned back. "Sakto lang, Kien." Mataman siyang tumitig sa mukha ko bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Itinaas niya ang isang kamay at mahinang pinitik ang noo ko. "Fine. What do you want to know?" My foolish grin widened even more. Alam ni Uno na kapag tinawag ko na siya sa second name niya ay may gusto akong malaman o makuhang sagot mula sa kanya. "Sinabi mo kanina na magtanong ako sa 'yo nang kahit na ano at sasagutin mo, 'di ba?" Pumikit muna siya bago sumagot. "Uh-huh." "Nabanggit ni River na may hinihinging permission sa 'yo ang kakambal mo, pero hindi mo basta pinagbigyan. Instead, you challenged him on one-on-one basketball game. You won because One gave up, right?" "Hm," he muttered, still closed eyes. "Just wondering, ano ba ang hinihingi niyang permission sa 'yo noon?" maingat at nananantiyang tanong ko. Ilang minuto ang lumipas nang hindi sumagot si Uno. Akala ko nga ay nakatulog na siya habang minamasahe ang ulo niya. Hindi ko na rin naman siya inistorbo dahil mukhang napagod talaga siya. Pero 'di nagtagal, bigla siyang nagsalita. "Permission to confess."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD