CHAPTER 10: The Nightmare

2063 Words
SKYE Sorry, we're late, Aerie. It's okay, Skye. Just text me kapag on the way na kayo ng fiance mo. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga pagkabasa sa reply ni Aerie sa text ko. Uno, where are you? nag-aalalang bulong ko sa sarili ko. Pabalik-balik ako sa paglalakad dito sa sala. It was already five in the afternoon and Uno was already one hour late on the time that he should fetch me. And this is the first time that he didn't call or text me if he will be late or our meeting will be cancelled. He won't do it without informing me because he knew that I will be worried this much. I picked up my phone to call him for the third time. But still, only ringing and no answer from him. Palagi lang akongnirere-direct sa voice message. Ilang beses ko na rin siyang t-in-ext, pero wala ring reply mula sa kanya. Nasa trabaho pa ang mga magulang ng kambal. As for One, I didn't know his whereabouts. Nang umuwi si Ash kaninang tanghali ay siya ring pag-alis ni One at mukhang may pupuntahan. I didn't bother to ask where he would go and I didn't care at all. I sent him another message. Dalawang linggo na lang at ikakasal na kami ni Uno. Dapat sa mga oras na 'to, kausap na namin si Aerie at nagpe-prepare na kami for the prenup photoshoot for this evening. Pero, wala pa rin siya hanggang ngayon. And it making me more anxious and worried every minute that passes by without any word from him. I couldn't help but think that something bad happened to him. Tumigil ako sa paglalakad at marahas na umiling-iling. Pinigilan ko ring mag-panic. No, it couldn't be. Baka naman na-traffic lang siya o naipit sa meeting kaya 'di pa rin nakakauwi. Okay. I need to calm down. Huminga ulit ako nang malalim at nagtungo sa kusina. Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso. Hinawakan ko ang baso at akmang iinom nang biglang dumulas iyon at nabitawan ng kamay ko. Nahulog at nabasag ang baso. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba at takot habang nakatitig sa nagkapira-pirasong baso. Na para bang may masamang nangyari at hindi ako mapakali. At si Uno ang unang taong pumasok sa isip ko. I shook my head and quickly dismissed the thought. I was just overthinking, right? Walang masamang nangyari. Uno is okay. He must be okay. I was about to clean the mess when I heard my phone rang. Malalaki ang hakbang na bumalik ako sa sala at mabilis na dinampot ang phone ko sa glass table. I answered it without checking on the screen who was calling. "Uno, where the hell are you?!" bungad ko sa kabilang linya. "It's me, Skye." Natigilan ako bago nagsalubong ang kilay nang makilala ang boses niya. "River?" "Yes. Nasaan ka?" "Nandito sa bahay at hinihintay si Uno. He's not picking up my calls. Kasama mo ba siya?" Ang alam ko kasi ay magkikita sila ni Uno dahil may kailangan silang asikasuhin. It took him a few seconds to answer. "Yes. He's with us." I frowned even more. "Us?" "Nandito kami ngayon nina One, Tito Nathan at Tita Miles sa ospital ng pamilya ni Laker." Just mentioning that the Montecaztres family was there in the hospital, something must've happened. At kung pagbabasehan ang tono ng pagsasalita ni River, mukhang hindi iyon maganda. "What happened, River?" I heard him sigh on the other line. "Listen, Skye. Stay calm and try not to panic." My fear and nervous had doubled. "What the hell happened, River?" mariing tanong ko ulit. "Did something bad happen to Uno?" "Not sure how bad it was. But, he's in a really bad condition right now." My whole body stiffened and as if my heart stops beating. "Unconscious na siya nang madala namin sa ospital. He's still undergoing operation dahil sa tama ng bala---" Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni River. Sapat na ang mga narinig ko para gumalaw at kumilos. Ilang bagay lang ang rumehistro sa utak ko sa mga sinabi niya. May nangyaring masama kay Uno... Unconscious... Inooperahan dahil sa tama ng bala... I didn't know how fast I got in the hospital without any accident. I just remember that I grabbed my keys, stepped in my car and drove as fast as I could just to reach the hospital. Halos wala akong marinig sa paligid ko at wala rin sa sarili ko habang naglalakad papasok ng hospital building. Ang tanging naririnig ko lang sa mga oras na ito ay ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko na rin alintana ang mga taong nakakasalubong at nababangga ko.  And I didn't know I was shaking in fear until someone grabbed me and held on my shoulders. "Skye, calm down!" Si Cliffer ang bumungad sa harap ko. Mababakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala. "S-si Uno..." tanging lumabas sa bibig ko. Walang salitang hinawakan niya 'ko sa kamay at mabilis na naglakad. Nagpatangay na lang din ako sa kanya dahil alam kong kay Uno niya 'ko dadalhin. Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ang mga taong nakatayo at nag-aabang sa OR. Naka-red light ang OR tanda na may isinasagawang operasyon mula sa loob no'n. Nakayuko si River habang nakahawak sa steel railing sa kanang bahagi nitong pasilyo. Magkayakap naman sina Tito Nathan at Tita Miles habang naghihintay. Si One, mariing nakapikit ang mga mata at nakasandal sa pader. Naka-side view siya mula dito sa kinatatayuan ko. Lumapit si Cliffer kay One at kinuha ang atensiyon niya. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Saglit lang niyang tiningnan ang kaibigan bago dumako ang tingin niya sa direksyon ko. Doon ko lang napansin ang ilang galos sa mukha niya at hindi rin naitago sa nakapatong na black suit sa balikat niya ang bahid ng dugo sa damit niya. Hindi lang ako sigurado kung sa kanya bang dugo iyon. Naalis ang tingin ko kay One nang tawagin ako ni Tita Miles. Agad akong lumapit sa kanila ni Tito Nathan. "A-ano pong nangyari? A-ano na pong lagay ni Uno?" kinakabahang tanong ko habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa mag-asawa. Nangilid sa luha ang mga mata ni Tita Miles. At akmang magsasalita na sana si Tito Nathan nang biglang tumunog ang OR dahilan para mapatingin kaming lahat sa direksyong iyon. Bumukas ang steel door at lumabas ang dalawang doktor. Isa na roon ang tatay ni Laker na si Dr. Aaron Buenafarte. At kung hindi ako nagkakamali, kapatid nito ang kasama nito na si Dr. Baron Buenafarte. Agad na lumapit ang mag-asawang Montecaztres gayon din naman sina River at Cliffer sa dalawang doktor. "Aaron, I want to hear good news," Tito Nathan demanded. Mahahalata ang madilim na aura ni Tito, pero hindi pa rin maitatanggi ang pag-aalala sa tinig nito. The two doctors exchanged looks before Tito Aaron sighed heavily and looked at Tito Nathan with a sad expression on his face. "The operation was successful. We removed the bullet on his abdomen. Good thing it didn't hit his vital organs. And..." Tito Aaron trailed off. "What is it?" Tito Nathan asked. "I don't know if I should tell you this---" "Just f*****g say it," mariing utos ni Tito Nathan. "Nagkaroon siya ng internal bleeding because of the head trauma kaya kinailangan namin siyang isailalim sa isa pang operasyon. And during the operation, nag-flat line siya, but we were able to revive him." I heard Tita Miles gasped. Halos mawalan din ng balanse kung hindi lang siya mahigpit na yakap ni Tito Nathan. I felt numb on the news, unable to process all of it. Ang malaman nga lang na may tama ng bala si Uno ay halos mahirapan na 'kong huminga. And the mere thought of almost losing him, as if my mind went all blank. "Is he out of danger now, Tito A?" narinig kong tanong ni River. "Not at all. Even though the two operations were successful, Uno's still in critical condition. We will move him in the ICU and closely monitor him." Pagkasabi no'n, matamang tumingin si Tito Aaron sa mag-asawang Montecaztres. "But to be frank with you, it was a miracle that he's still alive after what happened to him." "He won't die." Napalingon kaming lahat sa nagsalitang iyon. Nakasandal pa rin si One sa pader at hindi umaalis sa kinatatayuan niya. "Uno won't die just like that," he said firmly. I silently agreed with him. Uno won't die. He won't leave me. He won't leave us just like that. Naunang magpaalam ang dalawang doktor para asikusahin ang ilan pang bagay para sa kalagayan ni Uno. And the moment the doctors left, Tita Miles almost fell on her knees. Mabuti na lang at yakap siya ni Tito Nathan kaya nasalo niya ito. "Mine!" Bakas sa boses ni Tito Nathan ang sobrang pag-aalala. Lumapit na rin sina River at Cliffer sa mag-asawa. "Nate, s-si Uno..." "Sshhh... Everything will be okay, Mine. He'll be okay. He's a fighter," pang-aalo ni Tito Nathan. Inalalayan nito si Tita Miles bago sumulyap sa direksyon ni One. "One, ikaw na muna ang bahala kay Skye. Sasamahan ko lang ang Mama mo." Tito Nathan didn't wait for his response. River and Cliffer followed them behind. Nang makaalis sila, parang doon ko lang naramdaman ang panghihina ko. Nang maramdaman ko ang unti-unting pagbigay ng tuhod ko ay umupo ako sa bench na nasa labas lang ng OR. Ipinatong ko ang mga siko ko sa hita ko at pinagsalikop ang mga kamay ko. Pumikit ako at pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilang luha sa mga mata ko. Masaya pa ang huling pag-uusap namin kanina ni Uno bago siya umalis ng mansion. He was smiling sweetly and gorgeously at me. And I didn't imagine that would be the last smile that I could see from him. How I wish this is only a nightmare. Na anumang oras, puwede akong magising at isang malaking bangungot lang ang lahat ng ito. And as if what happened years ago was all coming back to me. Naramdaman ko ulit ang matinding takot na naramdaman ko noon nang mawala sa 'kin ang mga magulang ko. That same fear and horrible feeling that I thought I wouldn't feel anymore until now. Dumiin ang pagkakasalikop ng mga kamay ko at mariing nagdasal. Ayoko na ulit maramdaman ang nakakatakot na pakiramdam na iyon. That painful feeling when you lose someone you love. The feeling of so lost and empty. And I don't want to experience those kind of feelings again. Oh God! Please, don't let anything bad happen to him. Nawala na ang mga magulang ko. 'Wag N'yo pong kunin sa 'kin pati si Uno. Please. Kahit hindi ako lumingon, nararamdaman ko pa rin ang presensiya ni One sa paligid. I wanted to ask what the hell happened to his twin. I wanted to know everything. But, I couldn't bring myself to ask him anything! At hindi rin naman ako sigurado kung kaya kong i-absorb lahat kapag nalaman ko ang buong pangyayari. It was too much for me to handle right now. May narinig akong yabag na parang papalapit sa direksyon ko. Nagmulat ako. At mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang unti-unting paglapit ni One sa direksyon ko. I know we were not in good terms. Masama pa rin ang loob ko sa kanya. But right now, I need someone to lean on. Someone to hold and hug just to make me feel better. Someone that would make me feel I wasn't alone. I closed my eyes and tightened my grip on my hands, anticipating and waiting for him. Pero, ilang segundo na rin siguro ang lumipas, walang taong lumapit sa 'kin. What taking him so long? Hindi naman gano'n kalayo ang kinauupuan ko sa kinatatayuan niya kanina. The footsteps were gone. When I opened my eyes and turned to look at his direction, he was already walking away from me. Then, something caught my attention. May puting panyo na may halong kaunting dugo ang nakapatong sa dulo nitong bench. The same handkerchief which I embroidered his name on it during our college days. Naramdaman ko ang mas lalong pangingilid ng luha sa mga mata ko at lumakas din ang paghikbi ko habang sinusundan na lang ang papalayong bulto ni One hanggang sa lumiko siya sa kaliwang pasilyo. Sa tingin ba niya ay panyo lang ang kailangan ko? Sa tingin ba niya ay makakatulong ang panyo niya para gumaan ang nararamdaman ko? Well, I don't need it. I don't need his f*****g handkerchief, damn him! How could he be so cold and distant at a time like this? How could he easily walk away from me when I needed him the most right now? One just left like that without saying anything, leaving me alone and crying. And I only felt my disappointment and anger for him had worsened.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD