Hindi na hinintay pa ni Lindsay na sumagot si Alex at kaagad na niya itong niyakap.
Lumapat ang kanyang tenga sa dibdib nito at ramdam niya ang mabilis at malakas na tibók ng puso. Kinakabahan ba ito?
Ilang beses naman nang ginawa ni Lindsay ito kay Alex. Hinahayaan naman siya nito dahil kapatid naman ang kanilang turingan. Kahit ilang beses pa siyang pagalitan ni Alex sa pagtawag niya rito ng 'kuya' ay hindi pa rin siya natinag. Para sa kanya, si Alex ang kanyang knight in shining armour. Ang lalaki na maituturing niyang pamilya bukod kay Alice.
"M-may problema ba, Say?" bigla ay tanong nito sa kanya.
Umiling siya at nanatili lang na kinulong ang matipunong katawan ng binata sa kanyang mga bisig. "I just want you to know that I am your family. Kahit sa saglit na panahon, pakiramdam ko ay matagal na tayong magkakilala," sabi niya rito. "I want you to know that I'm always right here. Hindi mo kailangang maging malungkot. Huwag kang mag-alala, wala man ang magulang mo sa tabi mo, at least nandito ako. I will be your sister and your best friend..." aniya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa binata.
Narinig niya ang mabining tawa nito, saka siya ginantihan ng yakap.
May kung anong emosyon ang biglang umusbong sa kanyang dibdib. Tila kinikilig siya na gumanti si Alex ng yakap sa kanya.
Nahihibang ka na, Lindsay! Bahagya niyang ipinilig ang ulo upang iwaksi ang kanyang iniisip.
"Mukha na ba akong ulila para sa'yo?" bigla ay tanong ni Alex.
Napaangat ng tingin si Lindsay at tinanaw niya ang guwapong mukha ng binata. "Hmm... Hindi naman. Pero pakiramdam ko pareho lang tayo. May bahay pero parang wala. May pamilya pero parang hindi nagi-exist. I just feel that we're on the same page. Mali ba ako ng akala?" inosente niyang tanong dito.
Lumawak ang ngiti ni Alex at biglang pinitik ang kanyang noo.
"Ouch!" Napahilot siya sa kanyang noo. Akma siyang kakalas sa pagkakayakap kay Alex nang bigla siya nitong higitin. Mas lalo tuloy siyang napasubsob sa matipunong dibdib nito.
"Don't even think about removing your arms around me, baby girl. Just stay like that. It's warm inside your arms..." bigla ay bulong nito.
Nag-init ang pisngi ni Lindsay at napatulala sa binata. Ito na mismo ang humilot sa kanyang noo habang siya ay nakatanga pa rin sa guwapo nitong mukha.
Pakiramdam niya ay hingal na hingal siya ngayon. Tila may sampung kabayo na humahabol sa kanya ngayon na dumadaiti sa kanyang noo ang mainit na kamay ng binata.
Bakit ganito ang kanyang nararamdaman? Bakit tila may kung ano na nagpapahina sa kanyang dalawang tuhod.
Slowly, she was seeing him in a different light.
Mas lalong nagwala ang kanyang sistema nang bigla siya nitong dampian ng halik sa kanyang noo.
Sa noo lang iyon pero tila naubos ang kanyang lakas. Nakalimutan pa niya halos ang paghinga. Pipi siyang napasinghap.
Pagkatapos niyon ay tahimik lang silang nagtitigan. May kung anong kislap sa mga mata nito habang nakatunghay sa kanya.
"I'm sorry kung nabigla kita noong isang araw..." bigla ay usal nito. "I was eager to get you out of that situation, so I had to do something. When you started to make excuses, kinabahan na ako. I can't sleep thinking that you are avoiding me because of that kiss. Kung alam ko lang na lalayuan mo ako, sana hindi ko na 'yun ginawa. I'm sorry..." mahaba niyang salaysay. "Please don't avoid me, Lindsay. I can't stand being away from you for too long. Please?"
May kung anong kumurot sa kanyang puso pagkakita niya sa nahihirapang ekspresyon ni Alex. Wala sa loob na napatango siya rito.
Napangiti ito at niyakap siya nang mahigpit. "Thank you, baby girl..."
Pinaglutuan siya ni Alex pagkatapos. Doon sila sa loob ng condo nito naghapunan.
Naging magaan lang ang atmosphere sa kanilang palibot. Nagtatawanan lang sila sa mga topic na kanilang napag-usapan. Pagsapit naman ng alas nueve ay ihahatid na sana siya ni Alex. Ngunit bigla namang tumawag si Alice at sinabing hindi ito makakauwi sa apartment nila. Ibig sabihin ay mag-isa lang siya doon.
"Hmm... you can sleep here if you want, Say. I don't mind. May gagawin din kasi ako ngayon. Medyo marami akong tambak na trabaho." Napatingin ito sa kanyang relo na animo'y naiinip sa paglipas ng oras.
Napakunot-noo naman si Lindsay. "May iba ka pa bang trabaho bukod sa Sepia?"
Napangiti ito at napakamot ng ulo. "Past time ko lang talaga ang pagbabanda, baby girl. I have an office work. Iyon ang main job ko. Kailangan ako sa office ngayon to finish something. Baka hindi rin ako makauwi rito, so you can sleep here if you want," pagbibigay alam nito.
Napatango naman siya. "Sige. Dito na lang ako matutulog. Pero hindi pwede na iwan mo akong mag-isa!"
"H-ha? I told you, I have work to do, baby girl." Napapangisi na ito sa kanya, ngunit halatang tensed.
Napangisi naman si Lindsay at nakaisip ng kapilyahan. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay Alex. Ang huli naman ay napaatras nang bahagya.
"Why? Natatakot ka ba na may gawin ako sa'yo?" she asked, teasing him.
"Baby girl, you're asking for trouble. Stop that or else..."
"Or else what?"
Halos gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha nilang dalawa. Napadako naman ang tingin ng binata sa labi ni Lindsay. Kita niya ang paglunok nito.
Wait. Is he fighting his urge?
Sa wakas ay napaiwas ng tingin si Alex at hinilot nito ang sentido. He breathed deeply at mabilis na umalis sa kanyang harapan.
Bigla ay humupa rin ang adrenaline niya at nakahinga nang maluwag.
Ano ba itong ginagawa niya? She must be crazy for teasing him!
"Matulog ka na. I'll see to it kung matatapos ako nang maaga. Bye, baby girl..." anito at saka hinablot ang coat sa sofa at nilisan ang unit.
Napaupo naman si Lindsay at napasuklay ng buhok gamit ang kamay. "What are you doing, Lindsay?"
Noong gabi na iyon ay nakatulog siya nang maayos.
*****
Kinaumagahan ay agad nang naggayak si Lindsay para pumasok sa school. Imbes na si Kuya Alex niya ang nadatnan ay ang stay-out na katulong nito ang naroon sa salas. Ibinilin ng amo nito na pakainin siya ng almusal bago umalis. Nang matapos kumain ay may nag-abang sa kanya sa labas na medyo matabang lalaki na nakangiti sa kanya. Si Mang Lino iyon, ang matagal nang personal driver ni Alex.
"Ma'am Lindsay! Dito po... Pinapasabi po ni Sir Alex na ihatid ka namin sa apartment ninyo hanggang sa eskuwelahan," imporma nito.
"Nasaan si K— Sir Alex ninyo?" tanong niya. Hindi ba ito umuwi kagabi?
Kahit sa maikling panahon na nakilala niya ang binata ay consistent talaga ito sa pagpapaalam sa kanya. Hindi rin niya alam kung bakit, pero kahit tanggalin pa sa history ang nangyaring "kiss" nila ay ganoon pa rin ang binata sa kanya. Siguro ay may kaunti nga lang pagbabago sa kanilang turingan. Medyo nagiging extra careful na siya sa kanyang kilos dahil pakiramdam niya ay iba na ang thoughtfulness ni Alex sa kanya. Masyado na siyang natutuwa, at hindi na ito maganda para sa kanya.
"Ah, ang sabi niya po may importante lang siyang aasikasuhin muna. Hindi na niya nasabi sa 'yo agad kasi mga madaling-araw pa umalis si Sir. Ibinilin niya na lang na asikasuhin ka namin habang wala pa siya rito," paliwanag nito.
Napatango na lamang siya at agad na sumakay sa passenger's seat. Tila nawalan siya ng ganang pumasok sa eskuwelahan. Magandang balita naman na hindi muna niya makikita ang binata dahil sa nangyari sa kanila noong isang araw. Pero tila nilisan siya ng kanyang espiritu at hindi na makuhang sumigla sa nalamang hindi si Alex ang maghahatid sa kanya sa school.
Natigil na rin, sa wakas, ang balita sa loob ng campus tungkol sa kanya at kay Rex. Naririnig kasi niyang iba na ang pinag-uusapan ng mga schoolmates niya. Nang magsimula na siyang maglakad sa lobby ng university ay naulinigan niya ang usapan ng mga ito.
"OMG! Narinig n'yo na ba ang balita? Bago na raw ang president ng University natin! Ang balita ko ay ang guwapong anak ni Mr. Alejandro Rodriguez ang papalit sa kanya!" bulalas ng isang babae na sa tantiya ni Lindsay ay first year college student pa lang.
"Best! You wouldn't believe it. Bibisita sila rito next week!" tugon naman ng isang katabi nito.
"Sinong ba 'yung tinutukoy ninyo? Ang iingay ninyo!" Sumingit naman ang isang lalaki sa tabi ng dalawa.
"Hay nako! Siya si Alexander Rodriguez. He will be our newest President. Guwapo, matalino, anak ng artista, at higit sa lahat, single!" Impit na tumili ang babae bilang tugon.
"Sira na ituktok ninyo, 'no? Nakakita lang ng guwapo, para nang kiti-kiti. Andito naman ako!" saway ng lalaki sa mga ito. Tinawanan lang ito ng mga kasamahan.
Napairap naman si Lindsay at dire-diretso lang sa paglalakad. Hate na hate talaga niya ang ganitong usapan. Wala naman siyang pakialam kung sino na ang bagong president ng kanilang school, basta't hindi siya matatanggal sa scholarship, hindi na siya magrereklamo. Sapat na rin naman ang allowance niya sa school para matustusan ang mga gastusin niya sa projects. Ayaw lang kasi siyang pagtrabahuin ni Alice nang dahil sa kondisyon niya.
Mayroon kasi siyang Major Depressive Disorder. Medyo maayos na rin ang kanyang kalagayan at hindi na nagkakaroon ng hallucinations kumpara noong nakaraang taon.
Isang call center agent naman si Alice. Nagiging sapat na rin naman ang suweldo nito para sa kanilang dalawa kaya't hindi na sila nahihirapan sa renta at mga gastusin. Sa tuwing maiisip niya ang mga bagay na iyon ay hindi niya maiwasang mapangiti. Napakaswerte niya at may kaibigan siyang handa siyang alagaan kahit ano'ng mangyari. Hindi siya nito iniwanan kahit na halos lahat ng mga tao'y pinagtulakan na siya palayo.
Sumapit na ang hapon at walang Alex ang nagpakita sa kanya. Si Mang Lino pa rin ang naghintay sa kanya sa labas ng school at inihatid siya sa apartment.
Nang makauwi ay sinalubong siya ng isang mahabang excuse letter ni Alice.
Lindsay,
'Wag ka magpapagabi, ah? Nasa work na ako. Inumin mo na ang gamot mo d'yan sa may saucer na tinakpan ko. Don't attempt to find the bottle dahil malilintikan ka talaga sa akin! Ikumusta mo ako kay Alex. Matulog ka nang maaga!
-Alice
She sighed in defeat. As usual, mag-isa na naman siya. Mga alas sais na iyon at napagpasyahan niyang manood ng TV. Napasimangot naman siya nang maalalang every weekends pala ang palabas na madalas niyang panoorin. Minabuti na lang niyang patayin ang telebisyon at umakyat sa kuwarto. Nang makarating ay isinubsob niya ang mukha sa unan.
Isang pamilyar na tunog ang kanyang narinig. Nang lumingon ay nakita niyang umiilaw ang kanyang cellphone. Lumiwanag bigla ang kanyang mukha nang makita kung sino ang nasa call register. Agad niyang pinulot ang cellphone at sinagot iyon.
"Say, how about a movie marathon?" Boses iyon ni Alex.