Pinuputakte na si Lindsay ng mga kaklase niyang nakasaksi sa nangyari kanina sa university lobby.
Nasaksihan ng mga ito ang komosyon sa pagitan nila ni Rex at Alex. Hanggang ngayon ay tulala pa rin siya sa lahat ng nangyari. Ni hindi nga niya maintindihan ang dini-discuss ng professor niya sa Fine Arts. Pinapagawa na sila ng surrealism pero abstract ang nagagawa niya sa canvass. Kinausap nga siya ng kanyang prof after class kung ano'ng nangyayari sa kanya, pero wala siyang maibigay na sagot. Pakiramdan ni Lindsay ay mabubuksan na ang ulo niya sa sobrang dami ng kanyang iniisip.
Sino ba naman kasing may sabi na masaya siya sa nangyari? Hindi pa nga siya nakababawi sa galit kay Rex, dumagdag pa ang walang kaabog-abog na shift of relationship nila ni Alex. Take note: Kuya ang turing niya rito. Isa pa, bago lang niya ito naging kaibigan, pero parang kay bilis ng development ng kanilang relasyon.
Bigla niyang naalala kung paano siya nito ipinakilala bilang girlfriend nito at sa mismong harapan pa ni Rex!
Ang saklap.
Dati lang ay inaakala niyang wala nang lalaki ang makapapansin sa kanya dahil sa malas niyang dala. May malaki siyang peklat sa leeg hanggang baba. Iyon ang nagpawala ng kanyang confidence. Pero ngayon ay halos magkumahog na si Rex para sa kanyang kapatawaran at ginulantang pa siya sa biglaang pagpapakilala ni Alex bilang kanyang nobyo. Worst, hinalikan pa siya nito! Hindi na niya alam kung dapat pa siyang matuwa na may nakaka-appreciate na sa kanya bilang babae. Hindi talaga niya alam kung dapat pa siyang magdiwang.
Uwian na iyon nang makita niya ang sasakyan ni Alex na nakaabang sa labas ng gate ng university. Lalo siyang kinabahan at agad na umatras. Bumalik siya sa loob ng school. Pero bago pa man siya magtagumpay ay may kamay nang humawak sa kanyang braso.
"Hey! Woah, woah!" Huli na para makatakas nang agad siyang mahila ng binata pabalik sa labas. "Why are you entering the school again? Uwian na, a."
"Ummm... ano kasi... m-may nakalimutan lang akong kunin na gamit ko—" Hindi na naituloy pa ni Lindsay ang sasabihin nang hapitin siya ulit ni Alex at giniya papunta sa sasakyan.
"Ano ba 'yun? I'll go with you..."
"'W-wag na! Umm... ano kasi... 'yung payong ko ang naiwan ko."
"Hmm... We'll just get it tomorrow. Tara na!"
Wala nang nagawa si Lindsay at nagpatangay kay Alex.
Nakasakay na sila sa kotse nang magsimulang magsalita si Alex. "So... I guess you'll have to avoid Rex again. We'll go to a good place you'll surely love—"
"H-ha? Ah, hindi na, Alex. Okay lang naman. Sa bahay na ako tutuloy. Nakausap ko na si Alice. Isa pa, nakakahiya na kasi, Kuya..." Kuya? Kuya na naging boyfriend sa harap ni Rex? God, help her.
"Hey... Is there something wrong? Are you avoiding me, too?" tanong ng binata. Halata sa mukha nito ang pag-aalala at kuryosidad.
Napalunok siya. Ano'ng sasabihin niya? Na nao-awkward siya sa pakikitungo nito dahil sa ginawang paghalik kanina? Na hindi siya komportable na makasama ito ngayong lutang ang utak niya? Paano ba magsinungaling sa taong naging mabait sa kanya mula noong una pa?
"N-no... I-it's just that—"
"Is it about the kiss earlier?" His voice became calmer and sweeter. Putik, baka magkamali na siya ng tingin sa binata. Iyon ang ayaw niyang mangyari!
She mentally fanned her face. Ang init! Paano ba niya malulusutan ang ang isang ito? Hindi sila puwedeng mag-usap tungkol sa halik na iyon!
Pasimpleng pinindot nang matagal ni Lindsay ang volume down button ng cellphone niya sa loob ng bag niya nang hindi tumitingin. Nang sa wakas ay tumunog ang telepono niya'y agad siyang napatalon at sinagot ito.
"Hello, Alice! Oh bakit? Ha? As in ngayon na? Nasa school pa ako... Emergency? Saan dadalhin si Manang Becca? O sige, sige... Ihahanda ko mga gamit... Bye!" bulalas niya saka pinindot ang end button at tiningnan si Alex. "Kuya, sorry. Hindi ako makakasama sa 'yo. Inuutusan ako ni Alice. Emergency. Sorry..." Umakto pa siyang nag-pout para mas convincing. Letse, maniwala ka!
Nagsinungaling lang naman siya na may emergency sa bahay nila para lang makatakas mula kay Alex.
She heard him sigh and said, "Okay then. I'll drive you home. Bukas na lang tayo tumuloy sa lakad natin. Promise?"
Nakita rin ni Lindsay na nag-pout si Alex. Lalong na-emphasize ang dimples nitong cute at may glow sa mata na hindi niya maipaliwanag.
Shit, Lindsay. You're in big trouble.
*****
Napatalon si Alice pagkakita ang balisang si Lindsay na agad isinarado ang pinto ng apartment. Agad din siyang dumiretso sa itaas.
"What's with you? Okay ka lang ba, Lindsay?" tanong ni Alice sa kaibigan na agad na sumalampak sa kama at nagsisigaw sa unan habang nakasubsob doon.
Day two na ng pagpapanggap niyang busy sa buhay... Sana effective pa rin this time, panalangin niya sa kanyang isipan. Kaninang umaga pagkagising ay pinutakte na siya ng tawag at texts ni Alex. Gusto siya nitong ihatid sa university ngayong araw, ngunit dahil napasubo na sa kasinungalingan ay umakto na naman siyang magpapaka-busy at dadaan na naman sa ospital para magdala ng gamit sa landlady nilang pineke niyang may sakit. Kung naririnig nga lang niya ang anghel niya ngayon ay tiyak katakot-takot na sermon aabutin niya mula rito.
"Tulad ng nakagawian... kahit sino'ng maghanap sa akin, sabihin mo wala ako," paalala niya kay Alice at saka nagpatuloy sa pagsubsob sa mukha sa unan. Binilinan na kasi niya si Alice sa nangyari at sa ano'ng idadahilan kung sakaling may maghanap sa kanya.
"Ano na naman ba ang nangyari? Is that Alex again? 'Yung lalaki na inikuwento mo sa akin last time?"
Napatango siya rito. "Alice, hindi ko alam paano siya haharapin. Nawawalan na ako ng dahilan para harapin siya."
Napabuntong-hininga si Alice at napailing. "Iwasan mo na siya. You can't entertain boys muna, Lindsay. Hindi ka pa gaanong magaling. Baka mamaya saktan ka lang nila..."
"Don't worry, Alice. Priority ko ang paggaling ko. Gusto ko na kasing magtrabaho para naman makatulong ako sa 'yo..."
Napangiti ito sa kanya at hinaplos ang kanyang ulo. "'Wag mo na masyadong isipin 'yan. Hindi naman ako nagpapabayad. Ano ka ba? Kapatid kita, Say. Lahat ay gagawin ko para sa'yo. Iyan ang tatandaan mo. Kaya magiging patient ako sa 'yo. Kaya sana, guard your heart. Masyado nang marami ang masasakit na karanasan mo sa buhay..."
Niyakap niya ang kanyang best friend. "Thanks, Alice!"
*****
Hindi na niya alam alin ang unang iisipin sa mga nangyari mula pa kahapon ng umaga. Nalilito siya alin ang uunahin: ang iwasan si Rex o ang iwasan si Alex? Lalong sumakit ang ulo niya sa sikip ng sitwasyon. Alam na ng dalaga, umpisa pa lang, na kapatid lang ang turingan nila ni Alex. At kahit pa malunod siya katitingin sa dimples ng binata ay hinding-hindi niya babaliin ang pangako sa sarili na hindi iibig dito. Kaya hindi na siya makapag-isip nang tama dahil sa kahihiyan. Paano pa niya mapakikisamahan ang binata kung nao-awkward na siya rito?
Napatalon si Lindsay sa pagtunog ng kanyang cellphone na nasa bulsa niya. Agad niya itong kinuha at nabasa kung sino ang caller. Agad niyang napagpantastikuhan ang nakita.
"Damn it! Tigil na, please? Pagpahingahin mo muna ako, Alexander Jesson Lopez!" pagmamaktol niya habang pinagmamasdan ang patuloy na pag-ring ng telepono. At sa pagkainip sa walang humpay nitong pagtunog ay napagdesisyunan na niya itong sagutin.
"I know you're in the apartment, Lindsay. Come outside. Please. We need to talk," bungad ni Alex sa kanya.
She closed her eyes and silently cried her sentiments. Then, she answered back. "Ha? Nasa labas ka?" Agad na napabalikwas ng bangon ang dalaga at sumilip sa bintana. Nakita niya ang binata na prenteng nakasandal sa sasakyan nito at kumakaway sa kanya.
Ang tamis!
She sighed. Bakit ba kasi ang guwapo ni Alex?
Minabuti na lang niya na bumaba at puntahan ang naghihintay na binata. When she was in front of him, she kiddily pulled the hem of her shirt and bowed her head. Ano ba'ng sasabihin niya? Nakakahiya!
"Ahhh... Ano nga palang g-ginagawa mo rito, Kuya?"
Alex sighed. "Kuya na naman. Two days ago, I was your boyfriend. And ngayon, bumalik na naman tayo sa Kuya treatment mo? Ouch!" mapagbiro nitong sabi sa kanya.
Napakagat-labi siya at napatungo. Wala siyang makuhang masabi rito. Nahihiya pa rin siya lalo na kung iyon ang usapan.
He smiled. "Alam kong iniiwasan mo ako kaya pumunta na ako rito. Puwede ba kitang mahiram kahit saglit lang?"
Napaangat siya ng tingin sa binata at napakunot ang noo. "H-ha? Ah, e... k-kasi may gagawin pa ako, Kuya— I mean— Alex. 'Y-yong assignments ko—"
"Iwan mo muna 'yun. Tutulungan kitang sagutan 'yon mamaya, promise. Basta sumama ka sa akin ngayon. Sige ka, 'pag 'di ka sumama, sasama loob ko. Gusto mo ba no'n?"
Napairap naman si Lindsay. "Fine! Kinokonsensya pa ako, e. Pasok ka muna at magpapalit lang ako ng damit, Kuya," pagbibigay diin niya sa huling salita.
Matapos makapagpalit ay agad nang tumulak ang dalawa sa destinasyon. Napanganga si Lindsay nang makita ulit ang magandang unit ni Alex. May malaking ivory fountain na makikita sa malaking bintana nito. Naka-on ang fountain kaya napangiti na lang siya sa tunog ng lagaslas ng tubig.
"Ang ganda!" Napabulalas si Lindsay nang makita sa malapitan ang fountain.
"Nagustuhan mo ba?" Bahagyang napatalon ang dalaga pagkarinig sa boses ng binata mula sa kanyang likuran.
"Oo. Madalas ka ba rito?" Napalingon siya sa pigura ng binata na nakasandal na ang pang-upo sa may bintana.
"Sometimes. This reminds me of a nice place. Doon ako palaging dinadala ni Mama noon..." pagsisimula nito habang nakatanaw sa malayo. "Mahilig si Mama sa music. Violinist siya tapos ako ang number one fan niya na papalakpak sa pagtugtog niya. Ganitong-ganito ang scenery namin. Katulad ng lagaslas ng tubig, ganoon kabanayad ang bawat musika na tinutugtog niya..." mahabang kuwento nito.
"Where is she now?"
"She passed away..." anito. Tila may dumaan na pighati sa mga mata ni Alex.
Nakaramdam si Lindsay bigla ng kakaibang kurot sa kanyang dibdib.
This man who became her knight in shining armour appeared to have a dark era of his life. Nasasaktan siya sa pagkakita sa hinagpis na naroon sa mga mata nito. Gusto niya itong yakapin. Gusto niya itong i-comfort.
He smiled at her, brushing the pain away. As if there wasn't any, to begin with.
"Alex..."
"Hmm?"
"Can I hug you?" bigla ay tanong niya rito.
"W-what?"