Malakas na palakpakan ang umugong sa event hall na napupuno ng mga tao matapos ang isang song number ni Alex.
Nang makaupo ay narinig niya ang aligagang mga taga-media at sabay-sabay nagbato ng mga katanungan sa kanya.
"Alexander Rodriguez, bukod sa upcoming concert mo at ang pagkakaluklok mo bilang bagong President ng Emilio Jacinto University, is it true that you are dating someone recently? Last time we interviewed you, you said na you are single and hindi mo pa iniintindi ang love life mo at that time. Is it true that you are dating someone now?" tanong ng babaeng reporter na may hawak na malaking mikropono na may tatak ng TV station na kinabibilangan nito.
Alex suddenly smiled. The image of Lindsay suddenly crept up in his mind. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit lately ay hindi matanggal sa isipan niya ang mukha ng kanyang self-proclaimed little sister at kaibigan na si Lindsay.
Ngayon na nagkita silang muli ng babaeng iniligtas niya two years ago, hindi niya maiwasang matuwa. Pero nang lumaon ay tila nag-iiba ang pagtingin niya rito. He wanted to see her everyday.
Noong sinabi ng dalaga na gusto siya nitong maging kapatid ay biglang may kung anong naghihimagsik sa loob niya na hindi niya maintindihan. Tila hindi pumapayag ang puso niya na maging "Kuya" lang sa paningin nito. He wanted to become someone better for her.
Humarap siya sa reporter at ngumiti. "As of now, I wasn't thinking about this. Naka-focus lang muna ako sa career ko at sa family ko." Iyon lang ang kanyang sinabi.
Pagkatapos ng press conference ay agad na siyang tumayo at nilisan ang lugar na iyon. Maraming security agents ang nakapalibot sa kanya at iginiya siya papunta sa kanyang sasakyan. Agad siyang sumakay at napasandal sa upuan.
Inside the car his father, Alejandro, greeted him. "Good job, Alexander Rodriguez. I am proud of you, my son."
"Thank you, Dad. Umm... bibisitahin ko po sana ang puntod ni Mama after the interview in the university. Gusto mo po bang sumama?" tanong niya sa ama.
The old Rodriguez smiled. "Sure! Isasama ko na rin si Alec at Anecca. Gusto nilang makita si Venice. Saan ba siya nakalibing, anak?"
"Sa Loyola Memorial Park po, Dad."
*****
After Alex put the lilies and daffodils on top of the niche, his half-siblings lightened the candles and put it beside the grave.
"I remember your mother Venice... She was the first woman that I loved. Sa sobrang tagal na ng panahong nawalay siya sa akin, dahil na rin sa mga magulang niya, ay hindi na namin namalayan ang panahon. No'ng akala kong kinalimutan na niya ako, nag-asawa na ako. I met Selene. I never thought na ikamamatay niya ang kalungkutan at hindi na muli pang naghanap ng bagong mamahalin. I am so sorry, Alex, for the lost. Kung alam ko lang—" Hindi natuloy ang sasabihin ni Alejandro nang magsimula itong sumimangot at mamula ang mga mata. Agad itong dinaluhan ni Anecca at hinagod sa likod.
"My mother is now happy that you came, Dad. Don't cry. I'll still live the legacy she had given me..." tugon ng binata sa ama.
Natatandaan pa ng binata ang dahilan kung bakit siya nauwi sa pagtanggap na maging bagong President ng Emilio Jacinto University. Iyon kasi ang naging kondisyon ng kanyang ama upang tuluyan na siya nitong tanggapin bilang anak nito at dalhin ang apelyidong Rodriguez.
Noong una ay napupuno ng galit ang puso niya na sa tinagal ng panahon ay ngayon lang nagparamdam ang kanyang ama. Gusto niya itong bilangan sa mga panahon na nagkulang ito, ngunit hindi niya ginawa. Mas nanaig sa kanya ang kapatawaran at pagkasabik na magkaroon ng isang ama sa kanyang tabi.
Kung nabubuhay pa nga ang kanyang ina ay tiyak na matutuwa ito na kinikilala na siya ng kanyang ama. Siguro kung noon pa man ay nagkakilala na sila ng kanyang ama ay nabubuhay pa sana ang kanyang ina. Nakalulungkot na wala nang ina ang yayakap sa kanya at sasabihan siya ng "Congratulations, anak!" Wala nang kakanta at tutugtog ng violin sa harap niya sa may fountain. Somehow, masaya na siya at naiibsan na ang kanyang lungkot ngayong may natagpuan na siyang pamilya sa piling ni Alejandro Rodriguez.
Maganda naman ang pakikitungo ng dalawa niyang kapatid sa ama na sina Alec at Anecca. Napag-alaman niyang siya pala ang unico hijo ng ama sa pagkabinata. Ang sunod naman ay si Anecca, 26 years old. Unmarried pero single mom ng dalawang chikiting. Si Alec naman ay kasal na sa isang artista at may tatlong anak. Masaya naman ang pamilya Rodriguez kahit na nasa publiko ang talambuhay ng mga ito. Mas nakakausap niya ay si Anecca, dahil natural na madaldal ito. She told him na gusto siyang makilala ng mga anak nito.
"Kuya, is it really true na nakita ka ng mga taga-media sa Guinto, dating a girl?" bigla ay tanong ni Anecca nang matapos nila ang naunang topic tungkol sa business na clothing line nito. Naroon sila sa isang restaurant at kumain kasama ang kanilang ama.
Nangunot ang kanyang noo. "Saan mo ba nakukuha ang balitang 'yan?"
Nagkibit-balikat naman ang babae. "Well... it's all over the news! Blind item pa nga. Pero halata namang ikaw 'yon. Is it true?"
May kaunting kaba siyang naramdaman sa sinabi nitong iyon. He suddenly felt naked towards the media guys. Hindi rin niya maiwasang maisip si Lindsay. Paano na lang kung bigla itong dumugin ng mga taga-media? He doubted that she knew all about him being a public figure and the newest President of her Alma Mater. He made sure of na bago niya ipinagpatuloy ang pakikipag-close sa dalaga ay hindi nito malalaman ang tungkol sa kanya. He found out na banned si Lindsay sa social media applications and sites, ayon kay Alice, ang matalik nitong kaibigan at ang pangunahing nag-aalaga sa dalaga. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit mas pinili niyang maglihim sa dalaga. Mas nanaig sa kanya ang kagustuhan na protektahan ito mula sa magulo niyang mundo.
He suddenly felt alert. Napahagod siya sa kanyang batok. "Nope. I'm dating no one, Anecca. Atleast, for now..."
*****
"Bakit ngayon ka lang nagparamdam?" nagtatampong tanong ni Lindsay kay Alex. Ngayon lang kasi ito nagparamdam sa kanya. Pakiramdam niya ay napakahaba ng araw at halos gustuhin na niyang hilahin ang oras at makausap ang binata.
"Sorry na, baby girl. I was so busy helping someone in a business. Hindi na ako nakapagpaalam sa 'yo kasi ayokong istorbohin ka pa sa pagtulog mo," rason naman ng binata.
Pagkatapos kasi siyang yayain ni Alex na mag-movie marathon ay nakatulog siya. Paggising niya ay umaga na at wala na ang binata sa condo nito. Matagal niya itong hinintay hanggang sa inabot na ng pasado alas diez.
"Ano ba kasing business 'yon? Pwede mo naman kasi akong i-text or tawagan. Nakakatampo..." She pouted.
Natawa naman ang binata. "Makapagsabi ng 'nakakatampo', e, ikaw nga itong nakakatampo. Halos dalawang araw mo kaya akong iniiwasan last time. Kung 'di nga lang ako makulit, baka matagal na akong lumayo sa 'yo. You know... I just realized something. I really can't stay away from you..." anito habang nakapangalumbaba at nakatanaw sa kanya.
Agad na naglundagan ang mga daga sa dibdib ng dalaga.
Ano raw?
Tila nabingi siya sa tinuran ng binata.
"H-ha? B-bakit ka naman lalayo sa akin?" Please don't say you want it, too, munti niyang panalangin sa isipan.
Kahit awkward silang dalawa ng binata for the past few days, ayaw rin niyang lumayo rito. Hindi niya alam kung bakit. Siguro maganda nang idahilan na ayaw na ulit niyang mapag-isa. Ayaw na niyang maiwan muli. Ayaw na muli niyang mapagtabuyan. Ayaw na niyang bumalik sa madilim na kahapon.
Ang kaninang nakatutok sa TV na binata ay ngayo'y nakatingin na sa dalaga. He slowly moved closer to Lindsay. "Baby girl... Can you promise me one thing?"
"What?"
"Please... no matter how hard it is to be with me, don't you ever leave my side."