Chapter 3 - New Friend

1797 Words
Napaaga ang pagpunta ni Alex sa bar kung saan siya tumutugtog madalas nang isang oras. Wala na kasi siyang magawa sa condo unit niya. Pasado alas siete siya nakarating sa bar ng kaibigan. Binuno niya ang dalawang oras sa pagre-rehearse sa backstage. Bandang alas nueve kasi ay isasalang na siya sa entablado para mag-perform ng acoustic session. Dalawa lang sila ng kanyang bandmate na si Levy. Si Alex ang vocalist at naggigitara habang si Levy ay ang gumagamit ng beat box. Malaki ang kanyang pasasalamat at naimpluwensiyahan siya ng kanyang ina sa pagmamahal sa musika. Nabiyayaan din siya ng magandang boses. Simula nang mawala ang kanyang ina ay mas lalo siyang nagbabad sa musika upang maibsan ang kanyang kalungkutan. Marami siyang naiisip na gawin sa mga oras na iyon. Bukas na bukas ay mag-iimpake na siya sa condo unit niya sa Makati. Awkward na rin kasi kung doon pa siya maninirahan kasama si Lora, ang long-time girlfriend niya. Recently na nakipagkalas ito dahil sa wala nang spark ang kanilang relasyon. He can't stay there knowing that Lora is dating someone. Nalaman kasi niya recently na may dine-date nang isang mayamang businessman si Lora. Kaya napagdesisyunan na niyang ibigay ang condo unit sa babae at bumalik sa dating buhay. Pinag-iisipan pa ni Alex kung tutuloy siya sa dating bahay nila o maghahanap ng mas magandang condo unit sa Makati o sa Paghacian na sakto lang sa kanya na mag-isa na lang ngayon. He should decide abruptly not to prolong his irritation towards Lora. Nakakabawas sa p*********i niya ang manirahan kasama ang babaeng nanloko sa kanya. He was about to propose a wedding for her. He had plans on inviting her to Sepia and dedicate his composed songs to her. Doon sana siya magpo-propose. Kaso, naunahan na siya nito sa pagsasabing wala na raw itong nararamdamang spark. O 'di kaya sana'y nag-suggest na lang siya na magpasilab sa ililigo niyang brandy at lighter para lang manumbalik ang dati nilang pinagsamahan. Kaso wala nang mababalikan pa. Lora already declined when he showed the ring noong mga panahon na nagtapat si Lora na nanlalamig na ito. Or is it just him? Baka kasalanan talaga niya... Lora told him about his acoustic session na hindi nito suportado. He laughed at himself. Ang gago mo kasi, Alex. Busy ka kasi sa pagbabanda. Ayan tuloy at wala na si Lora sa 'yo. You're one unlucky guy. Nasa bar counter siya nang mga oras na iyon at uminom ng juice. Since bawal sa restobar na umiinom ang band members na tutugtog ng alak, juice lang ang ibinigay sa kanya. Kakaunti lang ang tao sa loob ng Sepia at pumailalang ang jazz instrumental music sa buong paligid na nakadaragdag ng magandang ambiance sa vintage-type na restobar. "Uy, Boss Alex!" bati sa kanya ng bartender na si Hugh. "Buti na lang at ikaw na ang kakanta!" "Having a bad day sa iba?" tudyo naman niya. "Sinabi mo pa! Ano ba naman kasi ang pinagkukuhang singer ni Boss Terrence, e puro nagkakalat?" natatawang sabi ni Hugh. Tumawa siya nang pagak. "Mag-suggest ka na lang kasi na magpa-audition ulit si Terrence para maalis na 'yong mga kinaiinisan mo," suhestiyon niya. Tumawa ulit ang lalaki. "Hayaan mo na nga 'yon, boss! Basta ilibre mo ako sa susunod na major concert mo, ha? Alam mo naman na idol na idol ka ng anak ko." Napailing siya. "'Wag mong ipagkalat ang tungkol d'yan. I want to live a normal life pa rin. I still want to perform here kahit na pinasok ko ang mas malaking stage." "Naks! Ganyan dapat, Boss Alex. Lowkey lang." Tumawa ulit ang lalaki. Nang magsawa sila sa kuwentuhan ay may bigla siyang napansin. Nakita niya ang pagpasok ng isang babae na nakasuot ng maluwag na pantalon at simpleng peach turtle-neck blouse na tinabunan ng black leather jacket. Matamlay itong sumalampak sa upuan sa gawing kanan niya. Isang upuan ang pagitan nila mula sa kanyang kinauupunan. Um-order ito ng beer at mag-isang uminom. Tahimik lang ito at hindi alintana ang mga tao sa paligid. Naningkit ang kanyang mga mata sa babae at napagtantong pamilyar sa kanya ang pigura nito. Nakalugay ang mahaba at kulot na buhok nito na nakatabon nang bahagya sa mga pisngi. Hindi siya nangahas na lapitan ang babae dahil alam niyang tutudyuin siya ni Hugh. Mas pinili na lamang niya na manmanan ito hanggang sa oras ng pagtugtog sa entablado. Nang makapag-set up na siya sa stage ay nagsimula na siyang tumugtog ng ilang sweet songs. Mga ilang kanta rin iyon bago niya tinawag ang babae at gawin itong jammer. To his surprise, walang imik ang babae na tumalima at pinaunlakan ang kanyang request. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naaakit siyang asarin ito at paglapitin ang kanilang mga mukha. Dinig niya ang mapanuksong ingay mula sa mga audience. Nakita niya ang maputlang labi ng babae. Napangiti siya. Bakit parang nalalasing siya sa mga oras na iyon at ang paningin niya sa labi ng babae ay nakaka-attract kahit maputla naman ito? There must be something in his drinks na hindi niya malaman. He tried his best to control his emotions. Kailangang manaig sa sistema niya ang pagkaawa para sa babae para mawala ang umuusbong na pagnanasa niyang kintalan ito ng halik sa labi. Because the girl infront of her is a fragile glass that's about to be shattered. He needs to be as gentle as he can be. Seriously, you're thinking about kissing her? hindi makapaniwalang tanong ng isang bahagi ng kanyang isipan. Minabuti na lang niyang ipagpatuloy ang pagkanta kasama ang babae. Hindi naman siya nabigo dahil marunong kumanta ang babae. Nagka-duet pa sila sa isang kanta at minanmanan niya ito hanggang sa matapos ang kanyang acoustic session. Hindi niya inalis ang mga mata sa babae magmula pa kanina. Nang umalis ito sa entablado ay kinabahan na siya. Alam na niya kung ano ang kasunod niyon kaya agad siyang sumunod kung saan ito papunta, sa CR ng mga girls. ***** "Saan tayo?" naitanong ni Lindsay nang makasakay na sila sa sasakyan ni Alex. Hindi naman gaanong nahirapan si Alex dahil hindi naman nagpumiglas ang babae mula sa kanyang pagkakahila. He smirked. "What a nice introductory question. Hindi mo man lang ba itatanong ano'ng pangalan ko?" Ini-start niya ang engine at saka pinaandar ang sasakyan paalis ng Sepia. Medyo madilim na sa daan sa Paghacian City at ang tanging ilaw na makikita ay ang nanggagaling sa headlight ng kanyang sasakyan. "Okay. Ano'ng pangalan mo?" malamig na tanong ng dalaga habang nakatingin sa kanya. He scoffed. "Ouch! What a cold woman. Pero sige... I'm Alex, and you are...?" "Lindsay..." pabulong na sagot nito. Namumungay na ang mga mata ng dalaga. Marahil ay nalango na ito sa alak na ininom nito kanina magmula nang pumunta sa bar. May umusbong na awa sa dibdib ng binata. Kung ibang lalaki ang nakasama ngayon ni Lindsay ay tiyak na mapapahamak ito. He suddenly didn't want anyone to harm the vulnerable lady. "Beautiful name..." he complimented in a whisper. Pati na ang kabuuan ng dalaga ay maganda, magpahanggang ngayon. The very first time he saw her reflection two years ago in the comfort room was as vivid as the river. That same heartbreaking scene is creeping up in his mind. Katulad ng hindi niya paglimot sa kanyang sariling nakaraan. Masakit na hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya maialis sa sistema ang hinanakit sa sariling ina na iniwan siya para sa kalungkutan. "Kanina ka pa sabi nang sabi ng beautiful. 'Di mo ba nakikita peklat ko sa leeg? Bulag ka ba?" nairitang tanong ng babae sa kanya at kahit lango na'y nagawa pa siyang harapin. Ipinakita nito ng peklat sa baba hanggang leeg. Lumapit ang dalaga sa kanya na halos gahibla na ang kanilang pagitan. Kahit madilim sa loob ng sasakyan ay naaaninag pa rin ng binata ang peklat nito. Mahaba ito at nakalubog sa kanyang original na balat. Nang dumako doon ang mata ng binata ay nagsimulang manumbalik ang sakit na naramdaman niya two years ago. Wala sa loob na napahawak siya roon at pinaglandas ang daliri sa peklat ng dalaga. Napatingin siya sa mukha nito. "I'm not kidding. You're pretty..." he replied. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Maganda si Lindsay, at hindi man lang nabawasan ang ganda nito nang dahil sa peklat sa baba at leeg. Ang marka na iyon ang palatandaan niya sa nakaraan. Ito ang dahilan ng ilang araw na hindi niya pagtulog sa gabi dahil sa konsensya. Sinisisi niya ang sarili kung bakit nakuha ni Lindsay ang peklat na iyon. Kung naging mas maagap sana siya, hindi magiging bitter ang babae sa anyo nito. Sana ay confident pa rin ito sa sarili. Halata sa mukha ng dalaga ang pagkagulat. Napanganga ito. Natutukso tuloy siyang halikan ito. Mabuti na lang at pinigilan niya ang sarili. "Saan ka nakatira? Ihahatid na kita," nasabi na lang niya. Akma niyang paaandarin ang sasakyan nang bigla siya nitong kabigin payakap. Parang gamot na itinurok sa kanya ang hatid ng pagyakap sa kanya ng babae. He felt so energized and relieved. Para siyang nabunutan ng tinik sa tagpong iyon. God, how he wished he can turn back time and save Lindsay again. Gagawin niya ang lahat para sa babae. "Thank you..." "F-for what?" "For stopping me. Hindi ko maintindihan, pero ayoko talagang umiyak ngayon. Kaya salamat at pinigilan mo ako," sagot naman ni Lindsay. "Iiyak ka sa loob ng banyo?" Napabitiw ang dalaga sa kanya at nahihiyang napatango. "Ayoko siyang iyakan. Maliit na bagay lang naman 'yun, 'di ba? Hindi ko dapat iniiyakan ang taong niloko ako. Siya naman ang nawalan, 'di ba?" Manghang tiningnan niya ang dalaga sa ikinuwento nito. All along he was overthinking. Para siyang papanawan sa takot ngunit wala naman palang basehan ang takot niya dahil hindi naman pala nito gagawin ang nasa isipan niya. "W-why? May problema ba?" tanong ni Lindsay sa kanya. Napangiti na lang si Alex at napapailing sa sarili. "Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" "Hmm... gusto mo pa bang marinig ang opinyon ko sa problema ko?" Napatango ang babae. "Ang totoo niyan, wala akong mapagsabihan. Natatakot akong sabihin kay Alice dahil alam kong masisira ang pagkakaibigan namin kapag sinabi ko 'yun. Gusto kong sabihin sa 'yo ang nararamdaman ko ngayon kasi talagang naguguluhan na ako..." Napasandal si Lindsay sa headrest ng upuan niya at napatingala sa may kisame. "Paano ba 'yan? Busy ako. Kung gusto mong marinig ang advice ko, ibigay mo sa akin ang number mo..." suhestiyon niya. Iniabot pa niya ang cellphone niya rito. "H-ha?" "Akala ko ba gusto mong marinig ang opinyon ko? Ibigay mo sa akin ang number mo. I'll tell you the place and time," he reitarated. "So... prepare to receive my calls and texts... new friend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD