Chapter 2 - Cruisin'

1578 Words
Napahigpit ang hawak ni Lindsay sa strap ng bag niya. Nasa school na siya at naghihintay ng oras. May halong kaba at pananabik ang puso ng dalaga sa pagkikita nila ngayon ni Roru. Magugustuhan kaya siya ng binata? Magiging sila kaya? Mayayakap ba niya ito? Mamamasyal kaya sila? Ang dami niyang tanong. Nae-excite talaga siya. Sana mahila na niya ang oras! Iyon ang tanging laman ng kanyang isipan. Sinadya ni Lindsay na maging maaga sa school para makapaghanda. Ang usapan nila ni Roru sa chat ay sa first day of school sila magkakaroon ng tiyansang magkakilala. Paulit-ulit niyang ni-rehearse sa banyo ang mga linya niya. Iyong ang mga sasabihin niya kapag nakita na niya si Roru sa personal. Nagkakilala lang kasi sila ni Roru sa chat. Ang sabi ng binata sa kanya ay schoolmates lang sila. May mga ibinigay itong pictures sa kanya par amay ideya siya sa hitsura nito. Pero siya ay hindi nagbigay kahit isa ng sa kanya. Nahihiya kasi siya at baka hindi nito magustuhan ang makikita. May mahaba kasing peklat si Lindsay sa leeg at umabot sa baba. Bunga iyon ng isang malagim na trahedya two years ago. Iyon ang nagpabawas nang husto sa kanyang self-esteem. Kaya hangga't maaari ay ayaw niyang humaharap sa salamin. Madalas din na naka-turtle-neck siya na blous para matabunan ang kanyang peklat. "Maganda ka..." Paulit-ulit na nag-echo sa isipan ng dalaga ang mga sinabi ni Rex. "M-maganda ba talaga ako?" tanong niya sa salamin na kaharap. Hindi niya maiwasang magduda. Dahil doon ay naalala niya ang nakaraan. Ang dahilan kung bakit nakatatak ang peklat na iyon sa buong pagkatao niya... "Magpakamatay ka na lang! Hindi kita anak! Lumayas ka!" sigaw ng kanyang ina at itinulak siya palabas ng bahay. Matagal na niyang ramdam na hindi siya nito mahal. Lahat ng mga nakamit niya sa buhay ay bunga ng kanyang pagpupursige na makapagpatuloy sa pag-aaral. Hindi siya nito tinulungan. At nang tanungin niya ang ina kung bakit ganoon ang trato nito sa kanya ay agad nitong ipinagtapat na bunga lang siya ng isang pangit na nakaraan. Nagahasa ang kanyang ina at ni kailanma'y hindi naging mabuti ang pagtrato nito sa dalaga dahil nagugunita nito ang nakaraang nagpalamat sa kanilang relasyon. Tuwing nakikita siya ng sariling ina ay nagagalit ito at binubugbog siya. Pagala-gala siya noon sa kalsada hanggang sa narating ang isang bar. Agad siyang pumunta sa loob ng CR at ni-lock iyon. Binasag niya ang salamin at kumuha ng patulis na kapiraso. Galit siyang tumingin sa repleksyon niya sa salamin. "Mamatay ka na! Wala kang kuwenta!" Binigla niya ang paghiwa sa leeg ng kapirasong salamin paitaas. Didiinan niya pa sana iyon nang may maramdamang kamay na pumigil sa kanya. Bago siya nawalan ng malay, nakita niya pa ang mukha nito... Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikilala ang lalaki na nagligtas sa kanyang buhay, two years ago. Pagbukas kasi ng mga mata niya sa ospital ay si Rex at Alice na ang nabungaran niya. Gusto niyang malaman kung sino ang estranghero ang nagligtas sa kanya mula sa tiyak na kamatayan. Saan na kaya ito? Natapos din ang paghihintay ni Lindsay sa oras at agad na tumulak sa vacant na room kung saan sinabi ni Roru na magkikita sila. Sa Room 314. Inilabas niya kaagad ang letter na ginawa niya para sa binata at kaagad na pumasok sa loob. May nakita na agad siyang bulto ng katawan na nasa loob ng room. Nakatalikod ito mula sa kanya. Kinabahan siya. Late na ba siya? Naku! Bakit kasi ang bagal niyang mag-rehearse kanina? "Hello? Sorry, ngayon lang nakarating. Late na ba ako? Naghintay ka ba nang matagal?" bungad niyang sabi nang pumasok. Hindi nagsalita ang lalaki kaya lumapit pa siya. "Ummm... Roru? Ikaw ba 'yan?" Hinawakan niya ito sa balikat at unti-unting lumingon at humarap. Napabitaw si Lindsay sa balikat ng lalaki. Nalaglag ang letter na dapat ay ibibigay rito. "R-Rex? Bakit ka nandito?" Napakamot ito ng ulo at hindi agad nakapagsalita. Nagtungo ito ng ulo. Saka lang niya napansin ang hawak na bouquet ng sunflower ni Rex na paborito niya. "Ummm... Lindsay..." "Ano'ng ibig sabihin nito, Rex?" Naglaho na ang ngiti sa labi ng dalaga. Ang lakas ng kabog ng puso niya ang tangi niyang naririnig. "A-ako talaga si Roru. H-hindi totoo si Roru. Dummy account ko lang siya. Sorry," pagtatapat nito. Para siyang nawalan ng kulay sa mukha dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Niloko siya ng kanyang sariling best friend. All this time... hindi pala talaga totoo si Roru. Napailing siya. "Hindi. Sabihin mong nagsisinungaling ka lang. Sabihin mong hindi mo ako niloloko. Rex!" Napasigaw na siya at nagsimula nang mag-unahan ang mga luha sa pisngi. Nakita ni Lindsay ang mata ni Rex na namumula na rin. Hinawakan nito ang magkabila niyang braso at tiningnan siya sa mga mata. "Pasensya na, Lindsay. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ako magtatapat ng nararamdaman para sa 'yo kaya—" Hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil dumapo na ang palad ng dalaga sa pisngi nito. "Ginawa mo ba 'to dahil alam mong wala na talagang magkakagusto sa 'kin? Gano'n na ba talaga ako kapangit, Rex?" Nag-unahan ang mga luha niya sa pisngi. Hindi niya akalain na sa tanang tao na pinagkatiwalaan niya, ito pa ang maglalaro sa damdamin niya. Ang sakit lang. "L-Lindsay, hindi iyon ang intensyon ko—" "Hayaan mo na. Ano pa bang dapat kong ihingi sa 'yo ng paliwanag? Malinaw na niloloko mo ako!" Agad siyang umalis sa harap ng matalik na kaibigan at tumakbo palabas. Hindi niya inalintana ang paulit-ulit nitong sigaw sa pangalan niya. Katulad ng nakagawian, sa Sepia Restobar pa rin siya nagpupunta kapag sobrang tindi ng kalungkutang nararamdaman niya. Pero ang nag-iba lang sa lahat ng nagdaang araw ay uminom na siya sa wakas ng beer. Nilunod ni Lindsay ang sarili sa alak at sa ilaw sa loob ng bar na iyon. Napangiti na lamang siya nang mapait sa magandang ambiance ng bar. Kahit papaano ay napapakalma siya ng lugar na ito. May magandang jazz music at tahimik na ambiance. Mukhang hindi ito bar na para sa mga lasenggo dahil sa kulay ng pintura at disenyo sa paligid. Pinangatawanan ng Sepia Restobar ang kulay cream na tema at ang nostalgic approach nito sa mga dayo. Medyo dim ang buong paligid at ang tanging liwanag lamang na makikita ay ang nagsasayawang neon lights sa paligid. She bit her lower lip. Hindi siya makapaniwalang naloko siya ng sarili niyang best friend. Hindi niya akalain na magagawa nitong lokohin siya sa paggamit sa identity ni Roru. Ang sakit, sakit! Bakit siya pa ang napili nitong lokohin? Dahil ba naaawa ito sa kapangitan niya? Kaya ba panay puro ito na maganda siya dahil para paniwalain siya sa mga kasinungalingan? Hindi na niya alam ang mga nangyayari sa paligid. Nilango niya ang sarili sa beer. Basta na lang niya natagpuan ang sarili na nasisilaw sa ilaw na biglang tumapat sa kanyang direksyon mula sa stage sa loob ng bar. Matagal itong nakatapat sa kanya at napapikit na siyang tuluyan. "Ayun! May loner na naman tayong customer. Buenas na jammer natin ngayong gabi!" Iyon ang narinig niyang boses na nagsasalita mula sa stage. Hindi niya ito masyadong makita ngunit palagay niya'y may banda sa stage. Lumapit ang isang lalaki na waiter at inilahad ang kamay sa kanya. Kahit nagtataka ay tinanggap ni Lindsay ang kamay at saka sumunod dito. Kahit papaano'y nakawala siya sa kanyang stage fright nang dahil sa tama ng alak sa kanyang sistema. Ang sunod na lang niyang nalaman ay nasa ibabaw na siya ng entablado at hawak ng isang guwapong lalaki ang baba niya. "Hmmm... Beautiful..." he whispered without his microphone on his lips. Bigla siyang napatigil at nakaramdam ng init na namumuo sa pisngi niya. Siguro ay nasakop na ng alak ang sistema niya dahil sa limang bote na minadali niyang inumin kanina. Pero hindi pa siya bingi para hindi marinig ang bulong ng binata. "So, what do you want to sing, miss?" Napalunok siya. Siguro imagination niya lang na sobrang lapit ng mukha ng lalaki sa kanya. Hindi niya alam. Naaamoy na niya kasi ang hininga nito na may halong alak at amoy ng toothpaste. Pakiramdam din niya na silang dalawa na lang ang naroon sa loob ng bar. Nagsimula nang tumugtog ang kanta na ni-request niyang kantahin. Kahit na lasing ay kumanta pa rin si Lindsay at siniguradong mula sa kaibuturan ng kanyang puso ang bawat linya sa kanta na iyon. Tungkol iyon sa dalawang umiibig na naghihikayat na lisanin ang lugar na maraming pangungutya at pagpuna. Hinihimok ang pag-ibig na walang takot na maglalayag na kasama ang kabiyak. Nagulat si Lindsay sa palakpakan ng mga tao sa paligid at ang titig na titig na mga mata ng binata na kasama niya sa entablado. Bahagya siyang nailang at napayuko. Lasing ka na, Lindsay... Natapos na ang set, at dire-diretso na si Lindsay sa CR at sinigurong walang makapapansin. Pagtapak niya sa CR, akmang isasarado na ang pinto ay may isang matipunong braso ang humarang at pumigil sa tuluyang pagsara nito. Napaangat ang dalaga ng tingin sa pangahas na iyon at nakita na ang binata na bokalista iyon na naka-duet niya kanina. "Si-CR 'to ng mga babae," pagpapaalala niya. "Alam ko, kaya umalis ka d'yan. Alam ko gagawin mo..." Walang sabi-sabing hinila siya nito palabas ng CR. Hindi niya sigurado kung saan sila papunta pero biglang umalsa ang puso ng dalaga mula sa dibdib sa sobrang kaba. Naloko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD