Chapter 4 - Adulting 101

1192 Words
Ilang linggo na ring iniiwasan ni Lindsay ang mga tawag at texts ni Rex. Kung ilang beses itong pumupunta sa apartment nila ni Alice ay doon din mas napapadalas ang pagpunta niya sa Sepia Restobar at pinapanood ang live acoustic session ni Alex. Masuwerte na iyong kakaunti lang ang tao at natatawag siya nito para pakantahin sa stage. Isang buwan na rin mula noong una niyang makilala ang binata. Hindi niya aakalain na magki-click ang kanilang mga ugali, lalo na at pareho silang music lovers. "Akala ko talaga hindi ka na darating. Busy ka lagi sa school," himig na natutuwa at nagtatampo na sabi ni Alex sa kanya. Naglapag ito ng isang baso na may lamang beer at binigay sa kanya. "Makakalimutan pa ba kita? Baka mamaya paulanan mo ako ng chats," pairap niyang sabi. "Ayaw ko namang magalit ka. 'Di ba ikaw na ang bagong kuya ko?" aniya. Nakikita niya ang amusement sa mga mata ni Alex nang marinig ang kanyang sinabi. "Drinking buddy na lang siguro. Pero kuya? Ang sakit sa likod kapag tinatawag mo akong kuya! Pakiramdam ko sobrang tanda ko na," pabiro nitong sabi. "Kuya nga kita, e. 'Di ba pumayag ka na noong nakaraan? 'Wag mong sabihing binabawi mo na? Isa pa... alam mo naman... wala akong kapatid. Gusto ko ring maranasan na may kapatid ako na magtatanggol sa akin." "At magbibigay ng advice na hindi naman susundin?" Napailing na lang ito sa kanya habang sumimsim ng juice. Alam ni Lindsay kung para saan ang pag-iling nito. Ikinuwento na kasi niya ang tungkol sa pagtatago niya mula kay Rex. Isang buwan na niyang iniiwasan ang matalik na kaibigan dahil sa nangyaring panloloko nito sa kanya. Nakailang advice na rin si Alex sa kanya pero wala naman siyang pinakinggan. Sabi kasi nito na dapat ay mag-usap sila ni Rex para magkalinawan. Pero siya itong umaayaw dahil hindi pa siya handa na makausap ito. Nirerespeto naman ito ni Alex kung kaya ay hindi siya nito pinipilit sa mga binibigay nitong pangaral. Literal talagang mag-kuya ang turingan nilang dalawa kaya mabilis na napalagay at napanatag ang loob ni Lindsay kay Alex. Masyado itong mabait sa kanya. Matagal na talaga niyang pinangarap na magkaroon ng kapatid na makakasama niya. Bukod pa kay Alice at Rex ay mas gusto talaga niya ng isang kapatid na kaya siyang ipagtanggol at suportahan sa lahat ng gusto niya. Nag-pout naman si Lindsay. "Ayaw mo bang maging kuya ko? Sabi mo no'ng nakaraan 'yun, e! Grabe. Ang sakit naman." "E, hindi naman tayo magkadugo. Paano ba 'yan? At saka, ayaw ko ng kapatid. Masakit sa ulo ang may kapatid, believe me!" "Gano'n? Only child lang ako, e. Hindi ko alam." Napabuntong-hininga siya. "Ang KJ mo naman, Kuya Alex! Sige na, please?" Napailing naman ang binata at ginulo ang buhok niya. "Ayaw kitang maging kapatid. Kaya manahimik ka!" "Hmp! Damot!" Saglit siyang nanahimik. Nang may maisipang bagong topic ay masigla siyang humarap kay Alex. "Kuya, kuwento ka naman. Kahit ano." "Ano namang ikukuwento ko? Boring ang buhay ko, Say. Baka antukin ka lang." "Sus! Pa-mysterious pa kasi, e. Sige na. Kuwento ka. How about lovelife?" "Bakit curious na curious ka sa lovelife ko? Siguro crush mo 'ko, 'no?" pang-aasar nito sa kanya. Maya-maya ay inilapit na nito ang mukha sa kanya. Saglit na nakalimutan ni Lindsay ang kanyang paghinga. Hindi siya kaagad nakagalaw kaya napatameme lang siya sa harap ng lalaki. "H-ha?" Napahalakhak naman ito at napailing. "Joke lang 'yun, hoy! Hindi ako pumapatol sa mga bata." Piningot siya nito sa ilong. "Aray! B-bata? Bata ang tingin mo sa akin?" Napagpantastikuhan niya ang sinabi nito. "Hindi na kaya ako bata!" "Bata ka pa. Thirty years old na ako, samantalang ikaw ay twenty-four pa lang. Tapos kuya pa ang tawag mo sa akin. So, ano ka pala?" Napakurap siya. Sabagay ay tama naman ang logic nito. Ngunit tila hindi niya matanggap iyon. Siya? Bata pa? She's an adult already, for Pete's sake! Nasa tamang edad na siya para pumasok sa isang relationship. Pero sa ngayon ay hindi pa siya handa lalo pa at gusto pa niyang mag-move on sa ginawang panloloko sa kanya ni Rex. "Hindi na nga ako bata! Ang kulit mo talaga..." paglilinaw pa niya. "Gano'n ba? Then, how about this? How can you prove to me na hindi ka na bata?" tanong nito na halatang nanunubok. Napaisip siya. Paano ba niya 'yun mapapatunayan? Tila nabobo siya sa mga oras na iyon. "Counted na ba 'yung hindi na ako nakatira sa magulang ko?" "Hmm... That depends on who pays the rent..." "P-pero si Alice kasi ang nagbabayad. Ayaw niya akong pagtrabahuin pa..." "Exactly! Kaya isa ka pa ring bata, Say. You still have a guardian beside you. Adults don't always depend on anyone. They can provide for themselves. That's how it is." "Pero I have reasons. Nasabi ko naman sa'yo ang lahat, 'di ba?" Naikuwento na niya kay Alex ang tungkol sa sakit niyang Major Depressive Disorder. Alam nito na hindi pa siya fit para magtrabaho kaya pinag-focus na lang muna siya ni Alice sa pag-aaral. Lumapit si Alex sa kanya at pinagkatitigan siya nang mabuti. "Do you really want to prove yourself?" Tumango siya nang ilang beses. Gusto talaga niyang patunayan ang sarili niya. Tila nasaling ang kanyang pride na tinuturing siyang bata ni Alex. Hindi naman kasi masyadong nagkakalayo ang kanilang mga edad. Para sa kanya ay kasing edad pa rin niya ang lalaki. She felt as though she belonged to his circle. She belonged to his age bracket. Iyon ang pakiramdam niya. "Then, how about you figure out how to be a real adult yourself? Sa loob ng isang buwan, kapag napatunayan mo 'yan, I will really consider you as an adult at hindi isang bata na kailangan ng isang kuya. What do you say?" "Okay. Call!" masigla niyang sagot. Napatawa naman si Alex sa kanyang sinabi. Napalabi siya. "Oh, ano'ng nakakatuwa, Mr. Alexander Jesson Lopez, my handsome kuya? Mukha na ba akong adult para sa'yo? Mukhang aliw na aliw ka na sa akin, ah?" Oh damn, she really meant that. Sa ilang libong babae na narito sa mundo ay hindi lahat nabibigyan ng tiyansang makadaupang-palad ang isang guwapong lalaki na tulad ni Alex. He was her self-appointed kuya and a friend. Kung sa ibang pagkakataon marahil ay magugustuhan niya sa ibang anggulo ang binata. 'Di hamak na mas makisig ito at guwapo kumpara sa ipinakitang picture ni Rex na nagpanggap bilang si Roru na crush niya noon. Pero kapatid na ang turingan nila ngayon ni Alex at hindi na ito puwedeng mabali pa. "Wala naman. Ang cute lang ng batang nasa harap ko. To me, you're still a cute baby girl." He cupped her face and gave her a smirk. Natigilan siya. Iba ang epekto sa kanya ng pagtawag nitong 'Baby girl' sa kanya. May kakaibang kiliti na biglang nanuot sa kanyang buong katawan. And she liked it. "You're blushing, baby girl. You like me calling you that, huh?" Oo. Iyon ang gusto niyang sabihin. Pero tila umurong ang dila niya at hindi na makahuma kung ano ang susunod na gagawin. Naglalaro sa isip niya ang pagbawi sa pagtawag dito na kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD