"No," mabilis na sagot ni Alex.
"Ang bilis mo namang sumagot, Kuya. Ngayong gabi lang naman! Please?" pangungumbinsi pa ni Lindsay sa kanya.
Bumalik ang dalaga sa Sepia Restobar upang manood ng gig ni Alex. Nagulat na lang siya nang bigla nitong tanungin kung pwede itong mag-stay sa bahay niya.
Napapikit si Alex at hinilot ang sentido. "It's still a no, Lindsay. And please stop calling me 'Kuya'. You are not my sister."
"Bakit bigla kang nagsusungit? Promise, hindi ako mangungulit sa'yo. Ayaw ko lang muna talagang umuwi sa bahay ni Alice. Sige na, Kuy— I mean— Alex!"
Tumayo si Alex mula sa pagkakaupo at umiling lang sa kausap. Akma siyang lalabas ng bar nang bigla siya nitong pinigilan.
"S-saglit lang, Alex!" tawag nito sa kanya. "Bakit ba ang bilis mo akong tanggihan? May nagawa ba akong mali? A-akala ko ba kaibigan mo ako? Alam mo naman na kapatid ang turing ko sa'yo, 'di ba?" Napabuntong-hininga ito at napakamot ng ulo, "Kailangan ko lang munang magpakalayo-layo saglit. Alam mo naman na laging bumibisita si Rex doon, 'di ba? Ayaw ko muna siyang kausapin."
Humarap siya sa dalaga at seryoso itong tiningnan. "Do you know what exactly you're asking me, Lindsay?" He moved closer until their faces were an inch away. "You're asking me to let you sleep inside my place."
"Well, 'yun naman talaga ang pakay ko, Alex."
"Damn!" mahina niyang mura.
Halata sa hitsura ni Lindsay ang kainosentihan. Walang bahid ng kahit na anong malisya ang mga nasabi nito sa kanya. At iyon na nga ang problema, dahil para sa kanya ay malaki iyong problema.
Kung tiwala ito sa kanya bilang isang kaibigan at kapatid, siya naman ay walang tiwala sa sariling tolerance. Hindi niya pinagkakatiwalaan ang sarili lalo pa at si Lindsay ang makakasama niya sa loob ng iisang bubong. Lalaki siya. Mahina at siguradong magagapi ng tukso.
"Baby girl, you can't stay at my place, okay? 'Wag nang makulit. You're not safe there. Mas mabuti pang umuwi ka na," pinal niyang sabi. Mabilis niyang tinalikuran si Lindsay at malalaking hakbang na tinungo niya ang kanyang sasakyan.
Akma na siyang sasakay ng kotse nang biglang mauna si Lindsay at pinaunlakan ang sarili na sumakay sa passenger's seat. Manghang napanganga siyang tumingin dito.
"Lindsay, stop it!"
"Ayokong umuwi, Alex. Mahirap bang intindihin 'yun? Kung ayaw mo akong tulungan, sabihin mo lang. Sa ibang tao na lang ako manghihingi ng tulong. Siguro naman may mga tao rito na magpapatuloy sa akin sa bahay nila kahit isang gabi lang, 'di ba?" bigla ay sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya. "W-what? Are you out of your mind?!"
"Hindi ako nagbibiro, Alex. Alam ko nag-aalala ka lang. Pero kaya ko ang sarili ko. Hindi ko lang talaga makaya na mag-stay sa bahay knowing na naroon si Rex. Ayoko rin munang sagutin ang mga tanong ni Alice kaya mas pipiliin ko munang lumayo," paliwanag pa nito. "Walang malisya, okay? Kapatid lang ang turing ko sa'yo, Alex. Iyon lang talaga 'yun. Makakaasa ka na hindi ako makakaistorbo sa'yo. Gusto ko lang talaga munang lumayo."
Nakita niya ang nagsusumamong mga mata ng dalaga. Saglit pa siyang nag-isip bago malalim na humugot ng hininga. Pagkatapos niyon ay sumakay na siya ng kotse at binuhay ang makina.
*****
Huminto ang kotseng lulan sina Alex at Lindsay sa isang condominium building. Nasa Paghacian City sila kung saan nakatira si Alex.
Napanganga si Lindsay sa pagkakita sa loob. "Holy cow! Seriously, dito ka nakatira?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Sa loob ng unit ay isa itong modernong studio-type na ang kabuuang kulay ay gray at cream. Napakaelegante nitong tingnan sa loob.
May malawak na salas. May malaking flat screen TV doon at mahabang sofa. May malalaking jar din na tinaniman ng iba't ibang bonsai tree.
Tumango si Alex. "Yeah. Ngayon pa lang ako uuwi rito."
"Talaga? Gaano ka na katagal hindi umuuwi rito?"
Nagkibit-balikat ito. "Five months, I guess? 'Wag kang mag-alala. Hindi ako magii-stay rito. You can use this unit anytime. Sa ngayon, dumito ka muna para makapag-isip-isip," sagot naman niya.
"Thank you, Kuya— I mean— Alex. E, ikaw? Hindi ka ba magii-stay rito? Sobrang laki ng condo mo. May dalawang kwarto ka naman."
"It's okay. May pupuntahan din kasi ako. I will not be staying here. So, solo mo ang condo," he informed her. "Halika. Ipapakita ko sa 'yo ang kuwarto na gagamitin mo para makatulog ka na nang maaga at may pasok ka pa pala bukas," pagyayaya nito.
Sa dulong kuwarto sila pumasok. Itinuro kaagad ni Alex sa kanya ang banyo at iba pang mga kagamitan.
"Salamat, Kuya. 'Wag kang mag-alala. Uuwi rin ako kinabukasan ng umaga. Ikaw... anong oras na. Sigurado ka bang hindi ka matutulog dito?" aniya.
"Don't worry about me, Lindsay. I can manage." Akma siyang magpapaalam at aalis nang bigla niyang pigilan ito.
"D-don't leave..." pagsusumamo niya.
Napatingin si Alex sa kamay ni Lindsay. Nakita niya ang ginawang paglunok nito habang takatitig sa kanya.
Alex smiled. "Sige na. Pahinga ka na. See you tomorrow." Agad siya nitong kinabig at niyakap at hinalikan sa bumbunan niya.
Sweet. Panalangin ko lang na sana hindi mo gawing malisya ito sa susunod pang mga araw, Lindsay. Delikado ka, sabi niya sa sarili.
*****
Walang nagawa si Lindsay kundi ang sumunod kay Alex. Nagpresinta kasi itong ihatid-sundo siya palagi sa eskuwelahan para masiguro nitong safe siya. Dumaan na ang dalawang buwan na ganoon ang kanilang set-up at unti-unting napapanatag ang loob niya. Napapagtagumpayan din naman niyang maiwasan si Rex kahit papaano.
Nagulat si Lindsay nang bigla siyang harangan ni Rex sa kanyang dinaraanan sa may lobby area ng university. "Mag-usap naman tayo, best. Please?" anito.
"Wala tayong dapat pag-usapan, Rex. Get lost." Akmang hahakbang na siya para lampasan si Rex nang higitin siya nito sa braso.
"Please, Lindsay? Bakit mo ba ito ginagawa? Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad? Dalawang buwan mo na akong iniiwasan!" Nakita niya sa mga mata ng binata ang paghihirap sa buong pagkatao nito. Kahit naman siya ay nahihirapan din. Ayaw niya, hangga't maaari, na magbago ang turingan nilang dalawa. Pero hindi rin niya kayang pansinin ang lalaki dahil sa katotohanan na gusto siya nito.
Crush niya si Roru, ang lalaki na gawa-gawa lang ni Rex. Ngunit si Rex ay iba. Hindi niya pwedeng ibalik dito ang pag-ibig ma gusto nitong ibigay. Kapatid lang talaga ang turing niya sa kaibigan.
Kaagad siyang kumalas at hinarap ang binata. "Ayaw kitang kausap. Not now. Please!"
"Lindsay, please!" Mahigpit na hinawakan ni Rex ang palapulsuhan ni Lindsay.
Maya-maya ay may humawak na sa balikat nito at pareho silang napatingin sa bagong dating.
"May problema ba tayo, pare? Bakit mo sinasaktan si Lindsay?"
"A-Alex?"
Nagulat siya sa pagdating ni Alex sa tabi niya. Kaagad siyang inalalayan nito. Bigla nag-init ang mga pisngi niya nang hapitin siya nito at inakbayan. She felt as though her blood is streaming up to her cheeks. Nakalimutan niyang huminga.
Anong nangyayari sa kanya?
"K-ku—"
"Teka, sino ka ba? Nag-uusap lang kami ni Lindsay, 'tol," paliwanag naman ni Rex.
"Ha? Bakit mo naman kakausapin ang girlfriend ko? May kailangan ka ba sa kanya? Ano ba'ng itatanong mo? Sa akin mo sabihin..."
Marahas na napalingon si Lindsay sa binata at hindi makapaniwalang tumitig dito.
Girlfriend? Siya? Girlfriend siya ni Alex? Kailan pa? Binabangungot yata siya.
"Girlfriend? Girlfriend mo si Lindsay?" hindi makapaniwalang tanong ni Rex. "Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong kausapin, Lindsay?"
"Oo. Girlfriend ko siya. You want proof?" Maangas na tanong muli ni Alex.
Nakanganga lang si Lindsay at hindi maapuhap kung ano ang dapat niyang sabihin.
Mahihimatay yata siya sa mga nangyayari. Pakiramdam niya ay mauubos ang dugo niya sa dalawang binata.
Ano ba itong gulong pinasok niya?!
"Baby girl, bawal ba ang PDA rito sa school n'yo?"
"H-ha?" Parang tanga si Lindsay na nakatingin sa dalawang binata. Kailan pa ba siya naging bingi? Hindi na niya mawari alin sa dalawang binata ang kakausapin. Parang gusto niyang magpalamon na lang sa lupa mula sa kanyang kinatatayuan. Idagdag pa ang mga schoolmate niyang nagsisimula na sa pakikiusyoso.
"I guess I can do it here since I'm just an outsider..." Mas lalong kinabig palapit ni Alex si Lindsay. Ang hindi mapaniwalaan ngayon ni Lindsay ay ang paghalik ni Alex sa kanya.
It was a brief bewildering kiss he just gave her. Halos maubos ang adrenaline niya at kung bibitiwan siya ng binata ngayon, tiyak na matutumba siya.
Heck, it was her very first kiss! Ni kailanma'y wala pang nagbiro sa kanyang hahalikan siya mula pa noong mga bata pa sila nila Alice at Rex. At ngayon, sa lahat ng magnanakaw ng halik niya ay doon pa sa lalaking tinatawag niyang kuya.
Bumitiw si Alex mula sa labi niya ngunit nakayakap pa rin ito sa kanya. Smack lang iyon pero parang hinigop ng binata ang buo niyang lakas at hangin sa katawan. Ang malikot niyang imahinasyon ay nagsisimula nang magpantasya sa isang binata na hindi niya puwedeng ibigin.
Condolence, lips. Wala na ang virginity mo... aniya sa sarili.