Chapter 9 - More Than This

1928 Words
Mula sa mapupulang labi ni Alex, hanggang sa paglunok nito ng laway ay napansin ni Lindsay ang unti-unting paglabo ng kanyang pandinig mula sa huling katagang binitiwan ng binata. Habang tumatagal ay nagiging malisyosa na siya sa mga ikinikilos ni Alex. Paano ba mag-react sa mga sinasabi ng binata sa kanya? She's well aware that her hormones were starting to react on Alex's presence. Hindi na niya iyon maitatanggi. She likes him. So much. This made her slap her inner demons. Kuya niya ito at ayaw niyang mabali iyon nang dahil lang sa malisyang naiisip niya. Hindi dapat mabali ang pangako niya sa sarili. Ngunit paano pa ba niya maleleksyunan ang sarili gayong unti-unti na siya nitong tinatraydor? Paano na lang kung siya lang pala ang gumagawa ng malisya sa ginagawa ng binata? Paano kung iba ang meaning ng mga sinasabi nito? Seriously, Lindsay, umaasa ka ba talaga na magle-level up ang brother-sister relationship ninyo ni Alex? "A-ano?" napili na lang niyang magtanong. Napalunok na rin siya ng laway at napakurap. Nililinlang na yata siya ng kanyang paningin. Pati ang kislap sa mga mata ni Alex ay napansin niya rin. She had been well aware of every feature on his face. Doon niya napansin ang mahahabang pilik-mata nito. His maginoo looks even looked sexier. The man was wearing a cotton plain white shirt and ripped jeans. Hindi niya kailanman nakita ang binata na nagsuot ng corporate attire. Being in his simple gesture, she appreciated him more. Mas lalong inilapit ni Alex ang mukha nito sa kanya. Halos manahan na ang pabango nito sa kanyang ilong. The gravity is too much to bare. Kaunti na lang ay iisipin na niyang nalalasing na siya. "A-Alex..." "Baby girl... what if I say no for just being your friend and your brother? Paano kung higit pa roon ang gusto ko? Will you let me?" Napalunok muli si Lindsay. Tila umurong ang dila niya. Tama nga siya ng hinala. Gusto rin siya ng kanyang itinuturing na kuya. Pero hindi niya maipaliwanag ang sarili. Bigla siyang nanginig habang papalapit na ang mukha ng binata sa kanya. Punong-puno ang kanyang isipan ng samot-saring mga bagay. Pakiramdam niya ay nababaliw na siya. Heto na ang kanyang anxiety at umaatake na naman. Maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone ng binata. Napatigil ito sa paglapit sa kanya at kinailangang ituon ang pansin sa nag-iingay na aparato. She heard him sigh. "I'll just answer this, okay?" Hindi na ito naghintay sa kanyang sagot at kaagad tumayo at sinagot ang tawag. Napahawak si Lindsay sa kanyang kamay. Mas lalong lumala ang panginginig ng kanyang katawan. Ito talaga ang problema niya kung kaya't ayaw rin niyang pumasok sa isang relasyon. Magmula nang bigyan siya ng pangalawang buhay ay natakot na siya sa mga lalaki. Hindi siya gaanong nakikipaglapit sa kahit sino maliban na lang kung ito ay si Rex. Isang milagrong exemption naman si Alex. Surprisingly, she wasn't intimidated by his presence. In fact, komportable siya na kasama ito. Kaya simula noon ay itinuring na niya itong kapatid. Pero ano pa ang mukhang maihaharap niya sa binata ngayong malinaw nang gusto siya nito? Pagkatapos ng tawag ay bumalik na si Alex sa salas. "Did I make you wait? Sorry. Importante kasi ang tawag kanina..." Napakunot ng noo si Alex sa kanya. "Uuwi ka na ba?" Nakita ni Lindsay ang paglungkot ng mukha ni Alex. Nakasukbit na kasi ang shoulder bag niya. Gusto na talaga niyang umuwi. Nakalimutan niyang magdala ng gamot niya. Ayaw niyang abutan ng binata ang episodes niya. Napatango siya rito. "Oo. Nakalimutan ko kasing uminom ng gamot. Mapapagalitan ako ni Alice kapag hindi ako uminom." "I understand. Ihahatid na lang kita..." "'Wag na!" agap niyang sabi. "Umm... dumito ka na lang. Kaya ko namang umuwi nang mag-isa. Pasensya ka na sa abala..." napatungo siya rito at akmang lalagpasan ito. Maya-maya ay pinigilan siya nito sa braso. Napalingon siya rito at nakita ang naghihirap nitong kalooban. Tila may kung anong kumurot sa kanyang puso pagkakita sa ekspresyon nito. "Are you mad at me that I was about to kiss you?" bigla ay tanong nito. Napanganga siya. Napaka-straight-forward ng tanong nito sa kanya. Masyado bang obvious ang mukha niya at natatanong nito ang ganoon sa harap niya? He sighed and held both of her hands. "You're shaking. Natatakot ka na ba sa akin? God, I'm so sorry, Lindsay. I didn't mean to—" "W-wala kang kasalanan, Kuya," putol niya sa sasabihin nito. "Kung minsan talaga ay umaatake itong sakit ko. I'm frustrated enough myself, pero wala kang kasalanan. Gusto ko lang na umuwi nang mag-isa. Pwede ba 'yun?" Saglit na namayani ang katahimikam sa pagitan nila. Saka napatango si Alex. "Okay. I understand. Pero please text or chat me kapag nakarating ka na sa bahay. Mag-aalala ako nang husto, baby girl..." Tumango naman siya at ngumiti. "Sige..." Tumulak na si Lindsay sa pag-uwi. Nag-commute lang siya. Tinanggihan niya ang alok ni Alex naagpahatid sa family driver nito. Habang nasa loob ng jeep ay hindi niyaapigilang mapaluha. Kinaiinisan niya ang sarili. Hanggang ngayon ay balakid pa rin sa buhay niya ang kanyang sakit. Marami siyang nasasaktang tao nang dahil sa biglaan niyang pagtalikod. Maraming beses na rin siyang mayroong manliligaw noon ngunit dahil sa kanyang anxiety ay walang nagtatagal na pagtiyagaan siya. Lahat ng mga lalaki sa kanyang paligid ay mabilis na sumusuko. Nakauwi siya ng bahay na mabigat ang loob. Inaamin niya, gusto niya si Alex. Gustong-gusto. Pero anong gagawin niya kung ang mismong sarili niya ang tumututol na makipaglapit pa rito? ***** Alex missed Lindsay. That's an honest confession. Hindi rin niya alam kung ano'ng pumasok sa kokote niya at nagpapaka-reckless. Kissing her twice wasn't the part of his plan. He wanted her to stay as his little sister, too. He wanted her the way he wanted so much to have a kid by his side. It was his unanswered wish to his mother before she died. Pero bakit nagkakaganito siya? Bakit halos itakwil niya ang ideya na hanggang magkapatid na lamang ang kanilang turingan? Napahilot na lang si Alex sa kanyang sentido habang nakaharap sa kanyang trabaho. Magmula kagabi ay hindi siya nakatulog nang maayos kaiisip kay Lindsay. Hindi na kasi ito nag-text o chat man lang sa kanya. Doon pa siya kay Alice nakibalita. "Sir Alex! My goodness gracious. Congratulations sa 'yong un-kabog-able announcement kahapon sa concert mo! Pinuputakte na naman ako ng mga reporters. Luluwa na talaga ang mga mata ko!" maarteng balita ng kanyang sekretarya na si Misty. "Kumusta na ang pag-book mo ng flight to Donobez on Wednesday?" pag-iiba niya habang nakatuon pa rin sa laptop. "Of course! That was already fixed, boss. Ikaw raw ang gustong kausapin talaga ni Governor Dennis tungkol sa trade fair chenes na idadaos dito sa Paghacian. Pero may problema tayo, boss. 'Wag ka lang sanang magagalit." Napaangat siya ng tingin kay Misty at hinintay itong magsalita. "The someone butted in and denied the fair on public TV." Napatayo siya at padabog na pinukpok sa mesa. "What?!" "Sabi na nga ba, e, magagalit kayo! Relax nga muna, boss!" "How can I ever relax on this, Misty? This trade fair is one of our projects in RR Group. Bakit niya tayo hinaharangan, and why on earth ngayon mo lang 'to sinabi sa 'kin?" he asked in disbelief. A week ago, as part of his agenda bilang bagong President and CEO ng RR Group ang kanyang first step ay ang trade fair sa Paghacian. Aprubado na ito ng mga partners niya sa proyekto kaya inakala niyang maayos na ang lahat. Donobez City is one of the cities in the Philippines that is implementing full force on agriculture. Asensado ang siyudad na iyon sa Visayas at isa iyon sa paraan niya: ang ipamulat ang lugar nila sa agrikulturang aspeto. Iyon din ang focus ng RR Group sa kanilang business lalo na ang maging number 1 leading exportation company sa buong Asia. Dadalhin sana ng Donobez ang ganoong adhikain ngunit mukhang hinahadlangan na ito agad ng nag-iisang kalaban ng RR Group. Ang Benitez Group. The CEO of Benitez Group is well-known to be a public tiger. His name is Gustavo Benitez IV. Matagal nang ayaw ng kanyang papa ang taong ito dahil sa mga ilegal na gawain nito. About a week ago, nagkaroon sila ng social media fights, since malakas manira ang lahat ng kaalyado ng mga Benitez Group. They were arguing about Alex's actions by dismissing many corporate companies dahil sa pagbibili ng mga lupa mula sa mahihirap na mamamayan na walang blue ribbon titles sa Paghacian. Some of the business lords were the supporters of Benitez. Maglilitis pa ng kaso sa susunod na linggo at plano niyang bayaran ang dalawa sa lupang binili ng mga negosyante mula sa NHA mula sa sariling bulsa. Nais niyang bigyan ng blue ribbon titles ang mga ito para sa mga tunay na may-ari ng lupa. Problema nga niya ang pagpayag ng mga negosyante sa kanyang kondisyon sa lupa. Kaya hangga't maaari, kailangan niyang gipitin ang mga ito. He will make sure he'll get back the titles. Handa ring maglabas ng pera si Alejandro para sa gagawin niya. "Tell the media I'll take their interviews later..." utos niya kay Misty pagkakuwan at tumalima naman ang huli. Habang nakasakay ng convoy vehicle, napahinto ang security agents niya sa unahang convoy. May sumingit na isang puting sasakyan doon. Nakita niya ang apat na lalaki na lumabas mula roon. Isa na rito si Fernando Torres, ang Vice President at spokesperson ni Benitez. Nakita niya ang pag-uusap ng mga ito sa kanyang security agents. Nang magsalita mula sa walkie talkie ang chief security ng affirmation, awtomatikong umibis na siya sa convoy habang nakasunod naman sa kanya si Misty. "Mr. Alexander Rodriguez! It's so good to see you," bati ni Fernando sa kanya at bahagyang nakalapit. Tirik ang araw at nasa kalagitnaan sila ng daan na mabuhangin, ilang kilometro bago ang main road sa Paghacian. He smiled firmly. "You're out of lane, Mr. Torres..." Fernando laughed. "You are so tactless, Alexander." "Ano'ng pakay mo?" deretsahang tanong niya. Fernando sighed. "At a young age, just like you before, I always have reckless decisions. We need not to terminate the businesses here. I mean, alam mo na rin siguro na pamilya ko ang may hawak sa negosyong gusto namin itayo sa Paghacian, 'di ba? Let's just settle for a price," mahaba nitong paliwanag. "Price?" pag-uulit niya. "I think you approached a wrong person, Mr. Torres. You can give that to the real owners of the land. Stop wasting your time here." Tumawa nang pagak ang middle-aged man na si Fernando. "You'll gonna regret you refused my offer, son..." "Try me. I have a record of our conversations right now, Mr. Torres." Sinenyasan ni Alex si Misty na i-play ang recorder. Kita sa mukha ni Fernando ang pagkamangha sa kanyang ginawa. Nakuha ang lahat ng mga sinabi ni Torres, lalo na ang pagbabanta nito. "You are wiretapping me!" "I can do whatever I want, Mr. Torres. You are forgetting that you are inside my territory. The next time you blab your mouth, siguradong buhay mo na ang magiging kabayaran sa lahat. Don't try me. Hindi mo pa nakikita kung paano ako mawalan ng pasensya sa isang tao." Napalingon si Alex kay Misty at sinenyasan ito. "Bueno, may kondisyon din ako sa 'yo. We agree on the land issue and I'll delete this record without hesitations. Or... you want to try and test my patience. Your choice?" Agad siyang tumalikod sa lalaki at bumalik sa convoy. A sexy smile suddenly curved his stiffened face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD