Nakita ng dalawang mga mata ni Alex ang isang babae sa kanyang harapan. Duguan ito at umiiyak.
Nanginginig siyang nilapitan ang babae habang nakalahad ang dalawa nitong mga kamay na napupuno ng dugo. Nakasuot din ito ng isang mahabang bestida na kulay puti.
"S-sino ang may gawa sa'yo nito?" nanginginig na tanong niya, ngunit hikbi lang ang isinagot ng babae sa kanya.
Agad niya itong niyakap at itinago sa kanyang bisig. Ngayon lang siya natakot nang sobra sa buong buhay niya. Iyon ang kanyang pakiramdam sa mga oras na iyon. Kailangan niyang mailigtas mula sa kapahamakan ang babae bago pa sila maabutan ng mga taong nais manakit ulit dito.
"Tumakbo ka na! Iligtas mo na ang sarili mo, Alex! Tumakbo ka na!"
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama!"
Ngumiti ang babae at bahagyang hinaplos ang kanyang pisngi. "Sorry... sorry... Huli na ang lahat. Hindi na kita makakasama. Patawad kung hindi na kita makakasama..."
*****
"Hindi!" Agad na napabalikwas ng bangon si Alex mula sa pagkakatulog. Malalaking butil ng pawis ang kaagad na bumalot sa kanyang mukha.
Nightmares.
Lately, napapadalas ang kanyang mga bangungot. Tila marami siyang kinatatakutan sa kanyang sub-conscious mind at inaatake siya sa panaginip. He felt so unsafe. Simula kasi nang umupo siya bilang President ng R Group ay tinanggap na niya ang katotohanan na hindi na magiging madali ang kanyang buhay. He tried to play solitaire for quite some time, but he suddenly met Lindsay.
He suddenly felt the need to protect her. He doesn't want anything or anyone to harm her, even if it means to lie to her about his profession.
Natatakot siya na isang araw ay mawala ito nang tuluyan sa kanya. Hindi niya maaatim na madamay ang dalaga sa kanyang buhay. Pero unti-unti na siyang nagiging selfish.
He wanted her all for himself.
Higit pa sa pagkakaibigan at pagiging kapatid ang nais niya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili ngunit iyon talaga ang laman ng kanyang puso.
Gusto niya si Lindsay. Gusto niya itong maging girlfriend. Ngunit paano kung gayong kapatid lang ang turing nito sa kanya? At ngayon, tila umiiwas na naman ito sa kanya.
Napahilot siya sa sentido nang maalala ang kanyang sinabi rito noong isang gabi.
"How could you be so hasty, Alex? Are you trying to scare her away?" tanong niya sa kanyang sarili.
He was so frustrated. Umiiwas na naman sa kanya si Lindsay. Ilang beses din niyang inisip na tawagan ito ngunit biglang nanguna ang takot niya sa sarili.
Ngayon na nasa loob na siya ng mundo ng mga Rodriguez, kung sino ang mga kaaway ng kanyang pamilya ay kaaway na rin niya.
Ibig sabihin niyon, ang magkaroon ng kahinaan ay ang siyang gagamitin ng mga kaaway niya upang bumaba siya at umatras.
Hindi niya kayang isakripisyo ang babaeng nagugustuhan niya. Hindi niya iyon makakaya.
Napatingin na lang si Alex sa kanyang cellphone at ilang sandaling nakatitig sa phone number ni Lindsay.
Pagkatapos ay dumako naman siya sa gallery app. Doon ay nakita niya ang picture ni Lindsay na natutulog sa kwarto niya. Kinuhanan niya ito habang natutulog ang dalaga.
Napangiti siya at marahang ipinaglandas ang kanyang hinlalaki sa screen na animo'y hinahawakan ang mukha ng babaeng napupusuan niya.
"How can I forget about you when you're already inside my mind?" tanong niya sa sarili.
*****
"K-kuya Alex? Ano'ng ginagawa mo rito?" Gulat na gulat ang hitsura ni Lindsay pagkakita niya sa kanyang Kuya Alex. Kahit hindi prepared ay kinailangan niyang umakto nang normal kahit na sobrang lakas ng epekto sa kanya ng presensya ng binata.
Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang isang tulad ni Alex ang biglang bumisita sa kanyang school? Idagdag pa ang mga babae na kuntodo kung tumingin sa binata.
She's actually anxious about the fact that everyone's giving much attention to him. She's jealous of everyone. She's jealous of his effortless ways of receiving most of the girls' attention. Even though she's already declared as his sister, hindi pa rin niya maiwasang magselos. Hindi rin niya malaman ang dahilan. Maybe because she's used to people calling her "plain".
Hindi namalayan ni Lindsay na nakalapit na pala sa kanya si Alex. "Let's get you out of here. You're shaking..." Hinigit siya nito sa braso.
"OMG! Is that the guy who kissed that plain girl dati?"
"That's him!"
"How I wish I'd have a guy like him. He's hot, and he's really familiar..."
Iyon ang huling narinig niya bago nagdilim ang kanyang paningin at panawan ng ulirat.
*****
Bumungad ang mukha ng Dr. Salazar pagkagising ni Lindsay. Binilinan siya nitong inumin ang kanyang gamot dahil sa pag-atake ng kanyang anxiety.
She just stayed silent when Alice burst at her. Katakot-takot na sermon ang inabot niya, ngunit gumaan din agad ang kanyang pakiramdam nang malamang pinapayagan siyang gumala nito kasama ni Alex.
Nagtungo muli sina Lindsay at Alex sa bahay ng binata. Just like before, the house was still silent and lonely. Hindi pa rin siya kumikibo o nagsasalita man lang. Hinahayaan na lang niya si Alex na gawin nito ang gusto, until they both sat on the carpeted floor watching cartoons. Iyon lang kasi ang advisable ng kanyang doktor na maaari niyang panoorin for a leisure time.
"Umm... Lindsay, are you okay? Hindi ako sanay na tahimik ka..." simula ni Alex. Ramdam naman ng dalaga na nangangapa ang binata sa sasabihin nito. She didn't want him to feel that way, but she can't help but to be silent. Hindi na rin niya maintindihan ang sarili. There's something wrong with her.
Maybe it's because of what happened the other day? Was she only imagining it again? But she was so sure that what Alex had about to do was so abrupt and it shocked her to a point na naduwag siya. That was so lame, she thought.
Are you seriously saying that you really wanted to kiss Alex the other day?! her mind shouted.
I'm just anxious. Hindi ako sanay na binibigyan ng atensyon, she reasoned out. Tama. Hindi lang siya sanay, o baka dahil sa assumation niya ay kaya siya hinimatay. Paano kung hindi naman pala siya nito hahalikan? Paano kung may tatabigin lang na dumi sa mukha niya? Malay ba niya sa totoong pakay nito.
She frustratedly sighed and got to her feet. "Kailangan ko na sigurong umuwi, Alex..."
"Alex? Now you're used to calling me that, huh?" Napangisi ito. Hindi niya malaman kung natutuwa ba ito o nalulungkot. "Baby girl... ano bang nagawa ko para lumayo na naman ang loob mo sa akin?"
Napipi siyang bigla sa sinabi nito. Naestatwa lang siya roon habang pinapanood ang binata na tumayo at humarap sa kanya.
"Are you avoiding me because of what I said?"
"Paano kung oo? Paano kung iniiwasan nga kita nang dahil doon? Anong magagawa mo?" bigla ay putol niya sa sinasabi nito.
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito. "B-baby girl..."
"You kept calling me by that endearment but I keep on reminding myself about what I should treat you. Our relationship... it's nothing but this. Kapatid ang turing ko sa'yo, Alex. But you keep on confusing me." Unti-unti nang nagbagsakan ang luha niya mga mata. "Hindi ko alam ang ginagawa mo, but I want this to stop."
"Ano ba'ng problema, Lindsay? Tell me... I'll do everything just to listen to you—"
"It's you!" pag-amin niya. "Ginagawa mo ba ito kasi ang tingin mo lang sa akin ay isang charity case?"
"Charity case?" pag-uulit nito. Nawala ang emosyon nito sa mga mata at napatungo. "Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin? Sa tingin mo kinakaawan lang kita? 'Yun ba?"
"Hindi ba? Okay. Ginusto ko naman ito, e. Ginusto ko na gawin kitang kapatid ko. Nakipaglapit ako sa'yo dahil gusto ko rin na mayroon akong isang kuya na masasandalan ko. Pero anong magagawa ko? Nababaliw na yata ako. Nababaliw na ako kaiisip kung ano ito. Nalilito ako..." Patuloy lang ang pagragasa ng kanyang luha. Humihikbi siya habang nanginginig ang buong katawan. Inaatake na naman siya ng anxiety.
Ayaw lang niyang magpakahina sa harap nito dahil ayaw niya na kaawaan siya nito.
"I didn't come to you for a charity case, baby girl. Damn it! You don't know how much this is killing me. Ano pa bang kailangan kong gawin para lang hindi ka lumayo sa akin? Tangina, Lindsay, gusto kong maging selfish! Iniisip ko na kahit ayaw mo na ako sa tabi mo ay ipipilit ko pa rin ang sarili ko sa'yo. Am I not allowed to be selfish, huh?" mahabang litanya nito.
Napakurap si Lindsay nang makita ang pagluha ni Alex sa kanyang harapan.
"A-Alex..."
Agad siyang kinabig ng yakap ng binata at dinala sa bisig nito. Dama niya ang panginginig nito. Humalik ito sa kanyang bumbunan. Nag-iwan iyon ng kakaibang kiliti sa kanya.
Wala sa loob na napapikit siya dahil doon.
"Baby girl, please, don't leave me..." pagsusumamo nito.
Napahiwalay siya nang bahagya at nag-angat ng mukha sa binata.
Nagtama ang kanilang mga tingin.
"Lindsay..." pabulong na tawag nito sa kanya.
"Hmm?"
"Please... let me kiss you..."
Saglit na napatitig si Lindsay sa mga labi ni Alex. Napalunok siya at napaangat ng tingin muli rito.
Walang sabi-sabi na sinakop nito ang kanyang labi. Dama niya ang pinaghalong kasabikan at pag-iingat.
Pangalawang beses na itong halik na ginawad sa kanya ni Alex. Ngunit itong pangalawa ang masasabi niyang nagpagapi nang husto sa kanyang lakas. Halos mawalan na ng lakas ang kanyang mga tuhod. Mabuti na lamang at nakakapit siya sa leeg nito.
Ang bawat halik nito ay lalong nagpapabaliw sa kanya nang husto. Ang banayad na halik ay unti-unting lumalalim.
Natagpuan niya ang sarili na napaungol nang dahil sa pagkadala niya sa ekspertong labi nito.
Sa puntong ito, may nabuo nang konklusyon ang kanyang isipan.
Hindi niya kayang mawala si Alex sa buhay niya. Mahal niya ito... higit pa sa pagkakaibigan at sa pagiging kapatid.
Mahal niya si Alex. Iyon ang nararamdaman niya.