Tila nalunod na si Lindsay sa halik ni Alex. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakapatong sa kandungan ng lalaki.
Ramdam niya ang init na unti-unting gumagapi sa kanyang buong pagkatao.
"A-Alex..." ungol niya sa pangalan ng binata.
Hindi nagtagal ay pinutol nito ang mainit nilang paghahalikan. Kapwa sila naghabol ng hininga habang nakatingin sa isa't isa.
"L-Lindsay..." he whispered.
Napakurap si Lindsay nang makita ang ekspresyon ni Alex. Ang mga mata nito ay napupuno ng pagnanasa.
Bigla siyang nanginig. Pero ipinagtataka niya na hindi pa rin humuhupa ang init sa kanyang pisngi at sa pagitan ng kanyang mga hita. Dama niya ang naninigas na kung ano sa loob ng pantalon ng binata. Hindi naman siya bata para hindi malaman kung ano iyon.
He was turned on. And she was, too. Hindi niya itatanggi iyon. Pero mariing isinisigaw ng kanyang utak na mali ang lahat ng ito. Mali na umibig siya sa tulad ni Alex. How could she betray her words?
Nagsimula nang manubig ang kanyang mga mata.
"Baby girl, what wrong? s**t!" Hinaplos ni Alex ang kanyang pisngi. Nakatunghay ito nang may pag-aalala sa mukha. "Baby girl, I'm sorry. I shouldn't have done that. Tangina, please don't cry. I'm so sorry..."
Nagsimula nang mag-unahan ang mga luha niya sa puntong iyon. Mabilis siyang kinabig ng yakap ng binata.
"Shh... I'm here now. I'm here now..." he continued to whisper. "I'm so sorry, baby girl. I can't help myself. I badly wanted to kiss you and make you mine. I'm so sorry..."
"A-Alex... Anong gagawin ko? Natatakot ako," sambit niya habang humihikbi. Nakapatong ang kanyang baba sa balikat ni Alex.
"It's okay, baby girl. I'll try my best not to kiss you again. Sorry. Hindi kita gustong madaliin. Sorry kung nabigla kita."
"Hindi kita maintindihan, Alex. Bakit mo ito ginagawa?"
Itinulak siya ni Alex nang bahagya at tumitig sa mga mata niya. Wala siyang ibang nakita roon kundi paghihirap at pag-unawa.
"I f*****g like you, Lindsay. I f*****g want to be your boyfriend. Not your brother..." pag-amin nito.
Napanganga si Lindsay dahil doon.
Ilang beses niyang pinapanaginipan ang araw na ito. Ang araw na magtatapat si Alex sa kanya ng damdamin nito. Pero sa realidad ay alam niyang hindi siya nito mamahalin tulad ng pagmamahal niya rito. Pero ngayon na narinig na niya ito mula mismo sa bibig ng binata ay tila umurong ang kanyang dila.
Wala siyang masabi. Tila tumigil ang pag-inog ng mundo. Kung sa normal na tao ay tiyak na matutuwa sila na may tao na magtatapat ng kanilang nararamdaman sa taong mahal nila.
Ang hindi niya mawari kung bakit hindi niya iyon maramdaman. Ang matamis na pagtatapat na iyon ay napalitan ng isang nakakatakot na tinig...
"Maghubad ka!" sigaw ng isang pamilyar na tinig kay Lindsay.
Dinig niya ang musmos niyang pag-iyak.
"Papa, maawa po kayo..."
"Sabi ko maghubad ka! Akala ko ba mahal mo si Papa? Kung mahal mo ako, maghubad ka!" patuloy na pagsigaw nito...
Dahil sa nakakahindik na alaalang iyon ay mas naging matindi ang pagnginig ng katawan ni Lindsay.
Mabilis siyang tumayo at nagtakip ng tenga.
"Tama na po! Tama na po! Maawa kayo! Tama na po!" paulit-ulit na sigaw niya.
Patalikod na umatras si Lindsay. Akma na siyang matatalisod nang mabilis siyang nasalo ni Alex.
Nakita niya ang nag-aalalang mukha ng binata. Natatandaan pa niya na hinaplos niya iyon bago tuluyang nawalan ng ulirat.
*****
Mabilis na nakarating si Alice sa ospital nang matanggap nito ang tawag.
Humahangos ito nang humarap sa doktor.
"Doc, anong lagay ni Lindsay?" naiiyak na tanong nito.
"She's fine now, Ms. Eusebio. Don't worry. Something has triggered her emotions. Pero maayos naman siya. 'Wag ka nang mag-alala..." the female doctor said to her assuringly.
Nagpakawala si Alice ng buntong-hininga habang sapo ang dibdib. "Thank you, doc!"
Tumayo si Alex mula sa pagkakaupo. Napadako ang tingin ni Alice sa kanya ngunit ang huli ay binigyan lang siya ng isang matalim na tingin.
Matapos ipaliwanag ng doktor kay Alice ang tungkol sa lagay ni Lindsay at lumisan na ito. Saglit lang na tinitigan ni Alice ang kaibigan na walang malay na nakahiga sa hospital bed. Pagkatapos niyon ay lumabas siya at hinarap ang binata.
"A-Alice..."
Isang malutong na sampal ang ginawad ni Alice sa kanya. Hindi na siya nagulat at hinayaan na lamang ito na ilabas ang galit sa kanya.
"How dare you come close to her again?" galit na tanong nito. Nanubig na ang mga mata ngunit matalim pa rin ang pagkakatitig sa kanya. "You should be ashamed for coming back into her life. Hinayaan ko lang kayo dahil kapag pinigilan ko ang kaibigan ko ay alam kong masasaktan siya. Pero ano 'to? Sasabihin mo sa akin na mahal mo siya? Ang kapal ng mukha mo!" mahaba nitong litanya.
Nanatiling tikom ang bibig ni Alex. Alam niyang siya ang nagkamali. Walang ibang sisisihin si Alice kundi siya lamang. Sa kanilang tatlo, higit na nakakaalam ng lahat ay si Alice.
"Umalis ka sa harapan ko, Lopez. Gusto ko na putulin mo na ang ugnayan ninyo ni Lindsay. Ayaw na kitang makita na umaaligid-aligid sa kanya. Naiintindihan mo ba? Umalis ka na!" pantataboy pa nito.
Nanubig na rin ang mga mata ng binata. Pinipigilan niya ang mapaiyak. Humugot siya ang malalim na hininga at napatango. "I'm sorry..." mahinang usal niya saka umalis sa harapan ng babae.
Umalis siya nang hindi man lang hinintay na magising si Lindsay.
Para saan pa? Pinapalayo na siya ni Alice dito. Kahit masakit sa kanya ay kailangan niyang sundin ito. He deserved it, anyway.
May malalim na dahilan kung bakit sukdulan ang galit ni Alice sa kanya.
Kababata niya si Alice. Naging malapit din sila sa isa't isa noong mga bata pa sila. Bukod pa roon ay nagkaroon sila ng puppy love sa eskwelahan. Inaamin naman niya na minahal niya noon si Alice, pero naputol iyon nang bigla silang lumipat ng kanyang ina.
Matagal silang nagkalayo. At ang unang pagkikita nila sa mahabang panahon ay ang araw na iniligtas niya si Lindsay.
Pero hindi lang doon nagtatapos ang lahat. Sariwa pa sa alaala niya ang dahilan ng lahat...
Itinapon ni Alice sa mukha niya ang isang pile ng mga litrato. Nagkalat iyon sa sahig ng kanyang tinutuluyang condo.
Napakunot ang noo niya nang makita ito. Mga larawan iyon ng ina ni Lindsay. Isa itong larawan na halos hindi niya kayang tagalan na makita. Nakita niya ang kasama nito sa larawan.
Doon siya nanlumo nang mapagsino iyon. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang kapatid ng kanyang ina na si Tito Rey.
"Alam mo ba kung bakit ginawa ni Lindsay 'yun? Alam mo ba?!" pagalit na tanong ni Alice sa kanya. "Araw-araw niyang nakikita ang lahat ng ginawa ng pamilya mo! Araw-araw niyang nakikita kung paano magdusa nang husto ang mama niya sa harap niya. At alam mo ba kung sino ang sinisisi ng mama niya? Siya! Si Lindsay ang sumasalo ng lahat ng galit ng mama niya dahil sa pamilya mo! Kinasusuklaman siya ng mama niya dahil kailangan niyang iligtas ang anak niya mula sa inyong lahat!
"At alam mo kung ano ang pinaka nakakasuklam sa lahat? Muntik nang ikapahamak iyon ng kaibigan ko! At ang mama niya ay walang ibang magawa kundi ang palayasin siya. Nang dahil sa pamilya mo, nasira ang buhay ng kaibigan ko! Mga bwisit kayo!" Buong lakas na pinagsusuntok ni Alice ang dibdib ni Alex noong gabing iyon.
Walang magawa si Alex kundi ang manatili at hayaan ang babae na saktan siya. Hindi niya akalain na ang babaeng kay ganda na tulad ni Lindsay ay magdurusa nang dahil sa pamilya niya...
Simula noon ay naging malalim na ang galit niya sa sarili. At hindi niya maiwasang hindi mag-alala kay Lindsay. Walang araw na hindi niya ito kinukumusta simula niyon. Kahit na tutol si Alice na makipagkilala rito ay hindi pa rin siya tumigil sa pagtulong.
Lahat ng kinikita ni Alex sa pagkanta ay ibinibigay niya kay Alice. Lahat iyon ay para kay Lindsay. Kung kinakailangan na magbayad siya buong buhay niya ay gagawin niya. Gusto niyang pagdusahan ang kasalanan ng kanyang buong pamilya sa pamilya ni Lindsay.
Pero iba na ngayon ang kwento. Hindi lang pagkaawa ang nararamdaman niya sa muli nilang pagkikita ni Lindsay.
He likes her. Gagawin niya ang lahat para sa dalaga. Pero ngayon na nagkakaganito ito ay hindi maiwasan na manumbalik ang lahat sa kanya.
Nagpunta siya sa CR pagkapasok niya sa kanyang condo unit. Sa kanyang CR ay nakatabon ang lahat ng salamin doon. Tinatanggal lang niya iyon tuwing may bisita siya upang walang makahalata.
Ngunit sa pagkakataong iyon ay kailangan niyang parusahan ang sarili niya.
Tinanggal niya ang salamin at pinagmasdan ang sariling repleksyon.
Matagal siyang napatulala hanggang sa unti-unting nanginig ang kanyang buong katawan.
Ang eksena noong iniligtas niya si Lindsay ang biglang sumagi sa kanyang isipan. Nagkahalo-halo iyon hanggang sa pati ang kamatayan ng kanyang ina ang kanyang nakita.
Ilang beses niyang narinig ang sarili na humihikbi at humihingi ng tulong. Ngunit walang nakakarinig sa kanya.
Napabuwal ang kanyang katawan sa sahig at napatakip ng tenga.
"Mama... Mama... 'Wag mo akong iwan... Mama..." paulit-ulit niyang usal. Nagtago siya sa ilalim ng lababo ng CR. Doon ay walang humpay ang kanyang pag-iyak. Tila siya'y naging isang bata na nangungulila ng isang magulang.
Ito ang kapalaran niya. Ang tumandang mag-isa. He doesn't deserve to be happy when he knew that he was the reason for someone's misfortune. Kasalanan niyang lahat na nangyayari ito sa buhay ni Lindsay.
He doesn't deserve her at all.