"Kumain ka na..." utos ni Alice kay Lindsay. Malamig ang tinig nito at halos hindi siya tinitingnan sa mga mata.
Nasa loob sila ng semi-private ward kung saan ay naka-confine siya. Umaga na nang magising siya sa ospital. Nadatnan niya na si Alice na ang nasa tabi niya. Hindi niya masyadong matandaan ang nangyari ngunit ang naalala niya ay kasama niya si Alex bago siya nawalan ng ulirat.
"A-Alice..."
Napahugot si Alice ng hininga saka siya hinarap. "Gusto mo ba talaga na mamatay ako sa pag-aalala, Say?"
Napatungo siya at napakagat-labi. Marami siyang kasalanan sa kaibigan niya. Ilang beses niya itong pinag-alala. Pero wala siyang ginawa kundi ang patuloy na sumuway sa mga ipinagbabawal sa kanya.
"S-sorry na..."
Maya-maya ay napaluha na ito. "I can't believe you!" Humikbi ito nang malakas saka nagpunas ng mga luha. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na lumayo ka sa mga bagay na makakapagpaalala sa'yo sa mga 'yon?!"
Hindi na rin natiis ni Lindsay at kusa nang rumagasa ang luha niya mula sa kanyang mga mata. "S-sorry, Alice..."
Biglang umupo si Alice sa tabi niya at niyakap siya. "Bwisit ka talaga, Say! Lagi mo akong pinag-aalala. Akala mo ba hindi kita palaging iniisip? Kung pwede lang na hindi kita iwan... pero paano tayo mabubuhay kung palagi kitang babantayan? Bakit kasi ayaw mong sumunod sa akin?" sermon pa nito habang humihikbi.
Wala siyang sinagot. Sa halip ay puro lang hikbi ang kanyang ginawa. Sobrang nagi-guilty siya. Pinag-alala niya nang husto si Alice. Hindi niya ito kaano-ano ngunit itinuring siya nitong isang tunay na kapatid. Pakiramdam niya ay nadudurog ang puso niya dahil sa pag-iyak ng kanyang kaibigan.
Paulit-ulit ang usal ni Lindsay ng sorry kay Alice. Pagkatapos nilang umiyak ay pinatulog na siya Alice.
Kinabukasan, umuwi na sila sa bahay nila. Nagpaalam na si Alice para pumasok sa trabaho. Si Alice naman ay naggayak na papuntang school. Buong araw ay tikom ang bibig niya ngunit maya't maya ang pagtingin niya sa cellphone niya. Wala naman siyang ibang gagawin dito kundi ang hintayin ang tawag at texts ni Alex. Pero simula nang madala siya sa ospital ay hindi na nagpakita o nagparamdam sa kanya ang binata.
Nakaramdam siya ng lungkot dahil doon. Marahil ay disappointed ang binata dahil sa nangyari sa kanila noong isang araw.
Napahawak siya sa kanyang dibdib at damang-dama ang kirot na unti-unting umuusbong doon.
Nais na niyang pagsisihan na pinahintulutan niya ang sarili na magpakahina. Nagpadala siya sa bugso ng kanyang damdamin. Ngayon na ganito ang nangyari, paniguradong magiging awkward na sila ni Alex sa isa't isa.
Mariin siyang napapikit at pinukpok ang ulo. "Ang tanga-tanga mo talaga, Lindsay! Paano na 'to? Paano ko pa siya haharapin?" Napakagat-labi siya habang nag-iisip.
Hindi niya namalayan na nasa harap na pala siya ng school. Maglalakad na sana siya patungo sa hagdan nang biglang mapatigil.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"R-Rex?"
Nakita ni Lindsay ang malamlam na mga mata ng kaibigan. Nanlalalim ang mga mata nito at halatang nangayayat. Ayaw niyang isipin na baka siya ang dahilan nito ngunit hindi rin niya maiwasang mag-alala. Matagal na rin mula noong huli niya itong nakausap.
Sa wakas ay pumayag na siyang kausapin ito. Pagkatapos ng pitong subjects niya sa buong araw ay nagkaroon na sila ng oras para mag-usap pagdating ng uwian. Hindi rin naman niya ito maiiwasan nang matagal dahil magkaklase sila sa ilang subjects. Araw-araw pa rin niya itong makikita.
Nakaupo silang dalawa sa isang bench habang pinapanood ang ibang estudyante na nagpaparoo't parito sa malawak na hall ng eskwelahan.
"Kumusta ka na?" iyon ang unang tanong ni Rex.
"Okay lang naman. I-ikaw?"
"I missed you, Lindsay..." Bigla itong napaharap sa kanya. Ipinakita nito ang seryosong mukha. "Alam kong wala akong karapatan at alam kong iniisip mo na nagte-take advantage ako sa'yo, but please hear me out. Sa ilang taon na naging magkaibigan tayo, ni minsan ay hindi ko kinuha ang kahit na anong oportunidad para lang iparamdam sa'yo na may gusto ako sa'yo. Pero habang tumatagal ay hindi ko pala kayang itago. Kaya nagawa ko ang bagay na iyon dahil alam kong kapag ako bilang si Rex ang nag-confess ng feelings para sa'yo ay masisira ang pagkakaibigan natin.
"Kaya nagpanggap lang ako at nagpatuloy na maging si Roru. Pero I swear to you... lahat ng sinabi ko sa'yo ay totoo. I really want you to be my girl. Ayoko na magkaibigan lang tayo..." mahabang litanya ni Rex sa kanya.
Hinawakan ni Rex ang dalawa niyang kamay at seryosong siyang pinagkatitigan.
"Lindsay, please hayaan mo akong ligawan ka..." pagsusumamo nito.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Lindsay. Ngunit ang nanaig sa kanyang dibdib ay pangamba. Pangamba na para sa kanyang sarili na baka sobrang tanga na niya para lumayo sa ganitong usapin.
She's in College already. In fact, karamihan sa mga babaeng nasa twenty-four na ang edad ay normal na may karelasyon. Masaya sila at nakakapag-aral naman. Pero dahil sa kanyang kondisyon ay tila may kung anong nabawi sa kanya ang mundo para masabing isa siyang tao. There was something lacking inside of her.
But when she looked into Rex's eyes, na-realize niya bigla kung ano ang laman ng puso niya. Na-realize niya bigla kung ano ang dapat na ginagawa niya.
She should be receiving and giving love. She should experience love.
Pero kahit anong gawin niya ay hindi talaga niya makita si Rex sa ganoong anggulo. It was not the same feeling she felt when she was with Alex.
Naaalala niya ang lahat. Ang pakiramdam na nasa loob ng mga bisig nito. Ang madampian ng mainit at maingat nitong halik sa kanyang labi.
Then, she realized one thing. She missed him so bad. She missed Alex so much.
"Lindsay?" untag sa kanya ni Rex.
"I'm sorry, Rex..." Bigla siyang napatayo at akmang aalis.
"Saan ka pupunta?"
"To where my heart leads me..." sambit niya saka mabilis na iniwan ang kaibigan at lumabas ng school.
Ilang beses siyang nagpalinga-linga sa harap ng school ngunit walang lumitaw na pamilyar na sasakyan sa kanyang harapan.
Napabuntong-hininga siya.
"Baka busy lang siya..." bulong niya sarili.
Nagpasya na lang siyang mag-commute. Imbes na sa bahay siya dumiretso ay sa Sepia Bar siya huminto.
Wala siyang ibang hanap kundi isang tao lang. Sinipat niya isa-isa ang mga lalaki na nasa loob ng bar ngunit bigo siya. Ibang banda naman ang nakasalang sa entablado. Wala siyang nakitang kahit na anong bakas ni Alex saan mang sulok ng Sepia Bar.
Bigla siyang nanlumo pero hindi siya nawalan ng pag-asa. Nagtanong siya sa bartender.
"Oh, he's not coming here anymore..." sagot nito sa kanya.
"B-bakit? May sinabi ba siyang dahilan?"
"Hmm... Wala naman..."
Napabuntong-hininga siya. Lumabas siya ng Sepia Bar na bigo. Then, bigla siyang nagkaideya.
Sumakay siya muli ng jeep. Pumunta siya sa condominium building kung saan nakatira si Alex.
Ilang beses siyang nag-doorbell. Kinuha niya ang cellphone at paulit-ulit na tinawagan si Alex. Ngunit kahit anong gawin niya ay walang sumasagot.
Hindi na niya nakayanan at nag-unahan na ang kanyang mga luha. Agad siyang napaupo sa sahig habang umiiyak.
Hindi niya alam na ganito pala kasakit ang biglang layuan ng taong pinili ng kanyang pusong mahalin. Sobrang sakit na halos hindi na siya makahinga.
"Tama na, Lindsay. Kalimutan mo na ang lahat. Please..." pakiusap niya sa kanyang sarili habang humihikbi. "Tama na. Kalimutan mo na siya..."
Hindi alam ni Lindsay kung ilang oras na siyang nakayukyok at umiiyak sa harapan ng pinto ng unit ni Alex. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit tila ayaw pa ng kanyang katawan na umuwi sa bahay.
Ganoon ang porma niya nang marahan nang humupa ang pagluha niya.
Maya-maya ay may pares ng sapatos na nakalapit sa kanyang gilid. Nakahinto ito doon na tila nakamasid sa kanya ang taong nagmamay-ari niyon.
"What are you doing here?" malamig na tanong ni Alex sa kanya.
Sumilay ang munting pag-asa sa mga mata ni Lindsay at mabilis na nag-angat ng ulo sa bagong dating. "A-Alex..." Napatayo siya at hinarap ito.
"Why are you crying? May nangyari ba sa'yo?"
"A-Alex..." Mabilis niyang sinugod ng yakap ang binata at saka humikbing muli.
"W-what's wrong? Please say anything. Damn it, baby girl, stop crying now. It's hurting me so much seeing you like this..."
"Akala ko iniwan mo na ako. Akala ko hindi na kita makikita..."
"L-Lindsay..."
Humiwalay siya mula sa pagkakayakap dito at hinarap ang binata. "Please don't leave me..." sumamo niya.
"Huh?"
"Alex, I want to be with you..." she confessed. After that, she pulled his nape and crashed into his soft lips.
Nagulat man sa sarili ay sinigurado ni Lindsay na mararamdaman ng binata ang kanyang nararamdaman.
Pinagsaluhan nila ang isang mainit at nananabik na halik sa isa't isa. Pagkatapos niyon ay si Alex ang humiwalay at pinagdikit ang mga noo nila ni Lindsay.
"Will you stay for tonight?"