“Nawawala ang kapatid mo.”
Mabilis na tiningnan ni Aiden ang ina niyang si Donya Esmeralda. Kumunot ang makinis nitong noo at nagsalubong ang makapal na kilay.
“Nawawala si Ate?” hindi makapaniwalang tanong ni Aiden. Kambal man sila ng kapatid pero mas nauna itong ilabas sa mundo ng ilang minuto.
Marahang tumango-tango si Donya Esmeralda. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.
“Sa ngayon ay pinapahanap na siya ng Papa mo.”
“Baka naman may pinuntahan lang. Teka at tatawagan ko-”
“Hindi na rin siya makontak,” putol ni Donya Esmeralda sa sasabihin at gagawin ni Aiden.
Napatigil naman si Aiden. Diretso siya nakatingin sa ina kung saan malaki ang pagkakahawig nilang magkapatid.
“Bukas na ang kasal niya pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nawala. Hindi natin alam kung nasaan siya,” nag-aalalang sabi ni Donya Esmeralda. “Nasaan na kaya siya? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya,” dagdag pa niyang sambit.
“Alam ba ito nila Tito at Tita?” tanong pa ni Aiden.
Tumango-tango ang ginang.
“Pinaalam na namin sa kanila hangga’t maaga pa,” sagot nito.
“‘Yun naman pala eh. Iurong na lang natin ang kasal-”
“Hindi pwede!” sigaw ni Donya Esmeralda na ikinagulat ni Aiden.
“Ma,” ang nasabi na lamang ni Aiden. “Bakit ka sumisigaw?” mariing tanong pa niya.
Mabilis na umiling-iling si Donya Esmeralda. Napabuntong-hininga ito ng malalim.
“Kailangang matuloy ang kasal. Hindi sang-ayon sila Rina at Danilo na itigil iyon,” madiin na wika nito. Ang tinutukoy ni Donya Esmeralda ay ang magulang ni Derek. “Siguradong masasaktan si Derek at mapapahiya ang mga pamilya natin lalo na at usap-usapan ang kasal na ito. Malaking eskandalo lalo na sa pamilya ni Derek,” dugtong pa niya.
“So, anong gagawin natin? Nawawala si Ate at hindi natin alam ang dahilan kung bakit,” wika ni Aiden.
“Wala ka bang napapansin sa kanyang kakaiba nu’ng mga nakaraan?” tanong ni Esmeralda.
Mabagal na umiling-iling si Aiden.
“Alam niyo Ma na hindi kami close ni Ate. Iba kami sa mga kambal na madalas close sa isa’t-isa,” sagot niya sa tanong ng ina. Mas close pa nga siya sa mga nagiging babae niya, sa alak at sa party. Iyon ang buhay niya ngayong disi-nuwebe anyos siya at mabuti na nga lang ay hindi niya napapabayaan ang pag-aaral niya dahil may utak din naman siya.
Mabilis na napahilamos ng dalawang palad si Esmeralda sa kanyang mukha. Huminga ito ng malalim. Nawawalan na siya ng pag-asa.
“Sana mahanap na kaagad siya,” hiling nito. “Dahil kung hindi…” Hindi itinuloy ni Esmeralda ang sasabihin. Mabilis na napatingin siya sa anak na si Aiden.
Katahimikan ang namayani sa buong kwarto ni Aiden.
Nakatitig lamang si Esmeralda kay Aiden. Kung tutuusin, kasarian, kilos, ayos ng buhok at pananamit lang ang pagkakaiba nila Asha at Aiden dahil pagdating sa itsura ng mukha at bulto ng katawan, magkaparehong-magkapareho ang dalawa.
Parehas na maliit na pahaba ang mukha nila Asha at Aiden. Parehas na bilugan ang mga mata, matangos ang ilong at manipis ang natural na mapulang labi. Slim din ang pangangatawan at makinis ang maputing balat. Magkasing-tangkad din kaya kapag nagtatabi ang dalawa, halos hindi ma-distiguish kung sino si Asha at sino si Aiden liban lang kung titingnan na ang dibdib ng mga ito dahil si Asha ay meron na tama lang ang laki at si Aiden naman ay medyo maumbok lang ang dibdib na tipikal sa isang lalaking may magandang pangangatawan. Wala ring adam’s apple, facial hairs at hindi mabuhok sa katawan si Aiden kaya napagkakamalan itong tomboy. Malalaman na lang na tunay siyang lalaki sa kilos at kung magsasalita na siya dahil malalim ang boses niya.
“B-Bakit ganyan ka makatingin, Ma?” nauutal na tanong ni Aiden. Bigla siyang kinabahan sa klase nang tingin nito.
Bahagyang yumuko si Esmeralda at napabuntong-hininga nang malalim. Pamaya-maya ay muli nitong tiningnan si Aiden.
“Pwede ba akong makiusap sayo, Anak?” nagsusumamong tanong nito.
Tumaas ang kilay ni Aiden.
“Parang hindi ko gusto ‘yan, ah,” kinakabahang sabi ni Aiden. Hindi siya duwag na tao pero sa pagkakataong ito ay parang nagiging ganu’n siya sa hindi niya malamang kadahilanan. Hindi niya kasi gusto ang tono ng nanay niya. Parang mayroon itong sasabihin na hindi niya kagustuhan.
Lumunok muna si Esmeralda bago magsalita. Kinalma din niya ang sarili.
“Kung sakaling hindi mahanap ang Ate mo hanggang bukas… pwede bang ikaw muna ang tumayo sa sapatos niya?” diretsahang tanong ni Esmeralda.
“A-Anong ibig niyong sabihin?” tanong naman ni Aiden na mas lalong kinakabahan at kitang-kita na sa kanya iyon.
Bumuntong-hininga muli ang ina ni Aiden.
“Ikaw ang magpakasal kay Derek,” wika ni Esmeralda na lalong ikinabilog ng mga mata ni Aiden.
“Ano, Ma?!!!” malakas na sigaw ni Aiden. “Magpapanggap ako bilang si Asha?” tanong pa nito. Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa narinig.
“Nakikiusap ako Anak. Sa kasal ka lang magpapanggap at pagkatapos nito, aayusin natin ang lahat-”
“Pero Ma! Lolokohin natin ang lahat at si Derek?” nanlulumong tanong nito. “At ayoko ding gawin iyon, Ma.”
“Wala na tayong choice Anak-”
“May choice tayo Ma at iyon ay ang hindi ituloy ang kasal!” sigaw kaagad ni Aiden. “Magsabi tayo ng totoo at huwag gumawa ng mali,” dagdag pa niya.
Mariing umiling-iling si Esmeralda.
“Ayokong magkasira ang mga pamilya natin,” seryosong sabi nito. “Anak, nakikiusap ako-”
“Hindi Ma! Ayoko!” mariing pagtanggi ni Aiden. Never in his wildest dream na magpapanggap siyang babae at lalo na ang magpakasal sa isang lalaki.
Kilala naman niya si Derek. Bukod sa magandang lalaki ito ay mabait pa at kitang-kita na mahal ang kakambal niya.
Mabilis na nilapitan ni Esmeralda ang anak at hinawakan ang magkabilang kamay nito saka pinisil. Nagtapo ang mga mata ng mag-ina.
“Please Anak, kahit ngayon lang ay pagbigyan mo ako sa hiling ko-”
“Hindi biro ang hinihiling niyo sa akin, Ma!” sabi kaagad ni Aiden. Umiling-iling ito ng mariin. “Buhay at kalayaan ko ang isasangkalan niyo,” dugtong pa nito. “At isa pa, ayokong gumawa ng pagkakamali na siguradong pagsisisihan ko sa huli.”
“Anak, ayaw mo naman sigurong mawala ang lahat sayo, ‘di ba?” tanong ni Esmeralda na ikinakunot muli ng noo ni Aiden.
Pilit na ngumiti si Esmeralda. Dumiin ang hawak niya kay Aiden.
“Kapag hindi natuloy ang kasal bukas, magiging malaking balita ito na magiging mitsa ng mga usap-usapan na pwedeng ikasira ng pamilya natin at ikabagsak ng mga negosyong meron tayo. Ganu’n din ang mangyayari sa pamilya ni Derek. Naiintindihan mo naman ako ‘di ba, Anak?” tanong ni Esmeralda habang nakatitig sa mga mata ni Aiden.
Matinding umiling-iling si Aiden.
“Kaya please Anak, ngayon lang ako makikiusap. Pagkatapos ng kasal ay aayusin natin ang lahat at sasabihin natin kay Derek ang totoo,” pangako ni Esmeralda.
Nakagat ni Aiden ang ibabang labi niya. Umiwas nang tingin sa ina.
‘Wala na ba akong choice kundi gawin ito?’ tanong niya sa isipan niya.
Hindi niya tuloy maiwasang isipin na isang sumpa ang pagkakaroon ng kakambal.
Mariing napailing-iling si Derek. Hindi siya makapaniwala sa mga ipinagtapat ni Aiden.
“Wala na akong choice Bro kaya pumayag na lang ako,” tila natalo sa lotto na sabi ni Aiden. Magkaharap pa rin silang nakatayo ni Derek at walang pakiealam kung nakahubad siya sa harapan nito at underwear lang ang suot kung saan bumubukol ang natutulog niyang p*********i. “Bukas, kakausapin tayo ng mga magulang natin sa kung ano ang magiging susunod na hakbang,” dugtong pa nito.
“Nasaan ba kasi si Asha?” naguguluhang tanong ni Derek. Hindi siya makapaniwalang nawawala ang babaeng pinakamamahal niya.
Mabagal na umiling-iling si Aiden.
“Hindi pa namin alam. Sa ngayon ay patuloy pa rin siyang pinaghahahanap.”
Marahas na napahilamos ng palad sa mukha si Derek. Frustrated siya sa mga nangyayari na kahit kailan ay hindi niya naisip na mangyayari.
“I’m sorry,” sincere na paghingi nang paumanhin ni Aiden. Maloko man siya pero alam niya iyong pakiramdam na niloko at masakit iyon.
Mabilis na napailing-iling si Derek. Diretso nitong tiningnan si Aiden.
“Hindi lang ako, ang mga tao ang niloko niyo kundi pati na rin ang simbahan,” madiin na sambit ni Derek.
Dahan-dahang napayuko si Aiden. Alam niya iyon dahil iyon rin ang sinabi niya sa kanyang ina ngunit hindi ito nakinig sa kanya.
Sumagi sa isipan ni Derek ang halik na iginawad niya kay Asha, na si Aiden pala. Marahas niyang pinunasan ang labi niya na tila gusto na rin niyang burahin ito sa kanyang mukha. Nakaramdam siya ng pandidiri lalo na at lalaki ang hinalikan niya.
Kung pinansin lang pala niya ang mga kakaibang naramdaman niya nung kasal, hindi sana sila humantong sa sitwasyong ito.
Mariing napailing-iling na lamang si Derek at kaagad na tinalikuran si Aiden at mabilis na naglakad palabas.
Napapikit nang madiin si Aiden nang marinig ang malakas na pagsarado ng pinto ng kwartong tinutuluyan nila. Huminga ito ng malalim.
“Ano ba itong pinasok mo, Aiden?” ang tanong na lamang niya sa sarili.