CHAPTER 1

2115 Words
Nagaganap ngayon sa isang malaki at antigong simbahan na itinayo pa nu’ng panahon ng mga Kastila ang isang engrandeng kasal. Humahalimuyak sa loob ng simbahan ang bango ng white roses na nagsisilbing palamuti sa mga upuan, mesa at iba pang sulok ng nasabing lugar. Maraming tao ngayon ang nakakasaksi sa nasabing kasal, kabilang na ang dalawang pamilya na sa ilang oras lamang ay magiging isa na. Pumapailanlang sa loob ng simbahan ang isang romantikong awitin na love song ng ikakasal. Napakagandang pakinggan at bagay na bagay sa romantikong ambiance ng lugar. Sa harapan ng altar, nakatayo at naghihintay ang isang bente anyos na matangkad at gwapong moreno na nakasuot ng puting suit. Pormal na pormal ang itsura nito na bumagay naman sa maganda nitong tindig. Halata sa kanyang heart-shaped na mukha ang magkahalong excitement, kaba at saya. Nakikita sa kanyang mga medyo singkit na mga mata ang kaligayahan. Kumikislap ito na parang mga bituin habang nakatingin sa pintuan ng simbahan na kung saan papasok naman sa loob ang kanyang pinakamamahal. Dahan-dahang tumayo ang lahat at tiningnan ang marahang paglalakad ng bride sa gitna ng aisle. Napatingin naman sa kanya ang kanyang kaibigan at best man sa kasal na si Yuri na katabi niya sa pagtayo at naghihintay rin na makarating ang bride na mabagal na naglalakad papunta sa harapan ng altar kasama ang mama at papa nito. “Relax Pare,” mahinang wika ni Yuri saka tinapik ng dalawang beses ang groom sa balikat. Nahalata niya ang matinding kaba na nararamdaman ng kaibigan. Napatingin naman si Derek kay Yuri na nakangiti sa kanya. Napangiti na lamang din siya at nagbuga nang hininga. Muling tiningnan ni Derek ang kanyang bride. Ang pinakamamahal sa loob ng lagpas anim na taon. Napakaganda nito sa suot na puting wedding gown na ipinagawa pa sa isang kilalang fashion designer. Naalala niya tuloy kung paano nagsimula ang lahat sa kanila. Ang mga nangyari sa kanilang relasyon na hindi man perpekto pero masaya hanggang sa ngayon na ikakasal na sila. Ang kanyang pinakamamahal na si Asha. Ang babaeng nakatakda niyang makasama habang-buhay. Ang babaeng pinakaaasam niya kahit na bigyan muli siya ng pagkakataon na muling maging tao at mabuhay sa mundong ibabaw. Malaki at usap-usapan ang kanilang kasal sa bayan ng Sta. Ynez, probinsya ng Las Estrella. Palibhasa, ang mga pamilya nila ang pinakamayaman sa lahat ng mga nakatira doon. Halos pantay lamang ang kanilang yaman at ngayong nakatakda ang pagsasanib-pwersa, mas lalong lalago ang mga negosyo ng kanilang mga pamilya. Hindi sila itinakdang ipakasal, ginusto nila itong dalawa. Hindi nga akalain ng kanilang mga pamilya na magtatagpo ang kanilang mga landas at hahantong sila sa matamis na pag-iibigan. Masaya ang lahat pero wala ng mas sasaya pa kay Derek. Kinakabahan man ngunit sa loob-loob niya, wala nang mapag-sidlan ang nararamdaman niyang kaligayahan. Pero may apat na mukha ang kakikitaan nang matinding pag-aalala, ang ama at ina ng bride at ang ama at ina ni Derek. Iniisip nila kung ano ang mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito lalo na at may isang malaking sikreto silang tinatago na lingid sa kaalaman ni Derek. Sa wakas ay nakarating na sa harapan ng altar ang bride. Ngumiti ang ina ng bride habang nag-aalangan naman ang sa ama. “Ikaw ng bahala sa kanya,” may lambing na wika ng ina ng bride na si Donya Esmeralda. Itinatago niya ang kaba na nararamdaman. Matamis na ngumiti si Derek saka dahan-dahang tumango-tango. Marahang tinapik naman ni Don Timoteo, ang ama ng bride ang balikat ni Derek. Sinuklian naman ng ngiti ni Derek ang kanyang magiging manugang. Tiningnan ni Derek ang kanyang bride na si Asha at ningitian niya ito. Kinuha niya ang kamay ng mapapangasawa na ibinigay sa kanya ng ama nito. Sa loob naman ng wedding viel, kakikitaan ng sobrang pag-aalala ang mukha ni Asha. Kabadong-kabado ito at sa totoo lang, may bahagi sa kanya na gustong tumakbo palabas ngunit hindi niya magawa dahil isang malaking eskandalo kung gagawin niya iyon. Umalis na ang mga magulang ni Asha at pumunta sa pwesto ng mga ito kung saan naghihintay naman sa kanila ang magulang ni Derek. Pilit ang naging ngiti nila. Humarap naman sa pari sila Derek at Asha. “We gathered here today in the sight of God to celebrate one of life’s greatest moments – The joining of two hearts.” “In this ceremony today we will witness the joining of Derek and Asha in marriage.” “If there is anyone present who has just ‘cause why this couple should not be united let them speak now or forever hold their peace.” Nagpatuloy ang seremonyas ng kasal. Lahat ay nakikinig sa sinasabi ng pari. Hanggang sa magharap na sina Asha at Derek. Inangat ni Derek ang wedding viel ni Asha. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Napangiti ang labi ni Derek. Pilit naman ang kay Asha. Marahang hinawakan ni Derek ang mga kamay ni Asha. “I, Derek Lastimosa take you Asha Bermudez to be my wife, may partner in life and my one true love. I will cherish our friendship and love you today, tomorrow and forever.” “I will trust and honor you, I will laugh with you and cry with you. I will love you faithfully through the best and the worst. Whatever may come, I will always be there. As I have given you my hand to hold. So I give you my life to keep.” Ngumiti si Derek pagkatapos magsalita. Huminga naman ng malalim si Asha bago magsalita. Tumitig siya sa mga mata ni Derek. Kagaya nang sinabi ni Derek ang kanyang mga sinabi. Kumukunot naman ang noo ni Derek habang nakatingin sa kanyang bride. Bukod sa sobrang hina ng boses nito, parang pinipilit paliitin ang boses nito. Hindi niya maintindihan kung bakit pero iniisip na lamang niya na baka minamalat o sobrang kinakabahan si Asha kaya ganu’n ang kanyang boses. Hindi na lamang pinansin ni Derek ang mga kakaibang bagay na iyon. Hanggang sa dumating na ang palitan ng I Do. “Derek, do you take Asha to be your wife?” tanong ng pari. Ngumiti si Derek. “I do,” mabilis na sagot nito. Hindi kumukurap at walang pag-aalinlangan dahil mahal na mahal niya ang babaeng pinapakasalan ngayon. “Do you promise to love, honor, cherish and protect her, forsaking all others and holding only unto her forevermore?” “I do,” sagot muli ni Derek. Ngumiti ito ng ubos ng tamis. Bahagyang nagbaba nang tingin si Asha. Kumurap-kurap siya at lihim na huminga nang malalim. “Asha, do you take Derek to be your husband?” tanong naman ng pari kay Asha. Muling nag-angat nang tingin si Asha. Marahan siyang tumango-tango kahit na matindi ang pag-aalangang nararamdaman. “I do,” mahinang wika niya. “Do you promise to love, honor, cherish and protect her, forsaking all others and holding only unto her forevermore?” Lumunok muna si Asha bago sumagot. “I- I do.” May kaba na sagot ni Asha. Hanggang sa magpalitan na sila ng singsing. “I Derek, take you to be my wife- to have and to hold, in sickness and in health, for richer or for poorer, in joy and sorrow, and I promise my love to you. And with this ring, I take you as my wife, for as long as we both shall live.” Isinuot ni Derek sa palasingsingan ni Asha ang singsing na hawak. May napansin siyang kakaiba ngunit dinismiss na lamang niya iyon. Tipid na ngumiti si Asha. Tinatagan niya ang pagtitig sa mga mata ni Derek. “I Asha, take you to be my husband- to have and to hold, in sickness and in health, for richer or for poorer, in joy and sorrow, and I promise my love to yoy. And with this ring, I take you as my wife, for as long as we both shall live.” Si Asha naman ang nagsuot kay Derek ng singsing na hawak niya. Ingat na ingat sa bawat salita at galaw niya. Gumulong ang seremonyas ng kasal. Hanggang sa… “You may kiss the bride!” masayang wika ng pari. Malawak na ngumiti si Derek. Tinitigan niya si Asha na sobra ang kaba sa dibdib. Hanggang sa hilahin ni Derek si Asha at yakapin ito sa baywang. Nanlaki ang mga mata ni Asha nang ilapit na ni Derek ang mukha nito sa kanya at kaagad na siilin ng halik ang kanyang labi. Ramdam ni Asha ang malambot na labi ni Derek. Ganu’n din si Derek na napapikit na habang ninanamnam ang labi ng kanyang asawa. Hindi na niya pinansin ang kakaibang nararamdaman habang hinahalikan ito basta ang mahalaga ay maiparamdam niya rito ang pag-ibig niyang wagas. Tinapos ni Derek ang halik. Nagkatitigan sila ni Asha. Ngumiti si Derek. Habang nanlalaki naman ang mga mata ni Asha at tulala. “I love you,” puno ng sinseridad na sambit ni Derek. Bumalik siya sa kanyang sarili. Napangiti lamang ng tipid si Asha. “Hindi mo man lang ba sasagutin ang I love you ko?” bulong na tanong ni Derek. Pilit na ngumiti si Asha. “I love you,” mahinang sambit na lamang ni Asha. Ngumiti si Derek. Kuminang ang mga mata nito dahil sa tuwa. “I would like to introduce the happy couple!” Napatayo ang lahat ng bisita at nagpalakpakan. Hinarap at tiningnan iyon nila Derek at Asha. Ngumiti si Derek habang pilit naman ang kay Asha. Napatingin si Asha sa pwesto ng mga magulang niya. Pilit na napangiti ang mga ito. Nakagat na lamang ni Asha ang kanyang ibabang labi. ‘Wala na akong takas,’ sa isip-isip niya. Tila wala na siyang pag-asa. --- Matapos ang kasiyahan sa reception ay dumiretso sa probinsya ng San Mandela sina Derek at Asha para sa kanilang honeymoon. Nirentahan ni Derek ang isang malaki at tila paraiso sa ganda na resort kung saan sila lamang dalawa ang naroon. Masayang-masaya si Derek habang buhat-buhat niya si Asha papasok ng kanilang kwarto. Parehas pa silang nakadamit pangkasal. “Parang bumigat ka, Love,” nangingiting wika ni Derek. “Akala ko ba diet ka?” tanong pa nito. Pilit na ngumiti na lamang si Asha. “Isa pa, sobrang tahimik mo. Nakakapanibago ka,” sabi pa ni Derek. Marahang sinipa ni Derek pasara ang pinto saka dahan-dahang dinala si Asha sa kama. Inihiga niya ang kanyang maybahay doon saka naman siya pumatong dito na ikinagulat ni Asha. “Oh? Bakit nanlalaki naman ang mga mata mo diyan?” natatawang tanong ni Derek. Napalunok nang sunod-sunod si Asha. Sobrang lapit ng kanilang mga mukha ni Derek at sa totoo lang, ilang na ilang na siya kanina pa. Amoy na amoy na ni Asha ang mabangong hininga ni Derek habang kabang-kaba naman siya. Ibinaba ni Derek ang kanyang mukha para mahalikan ang labi ni Asha pero pinigilan siya nito. “Bakit?” nagtatakang tanong ni Derek na kunot na ang noo at salubong ang makapal na kilay ngayon. Nakagat ni Asha ang kanyang labi. Pamaya-maya ay napangisi si Derek. “Ahhhh… alam ko na!” nakakalokong sabi nito. Umalis si Derek mula sa pagkakapatong kay Asha saka tumayo ito. Hinubad nito isa-isa ang kasuotan. Lumitaw sa paningin ni Asha ang magandang pangangatawan ni Derek na parang nililok ng isang iskultor. Mula sa malapad nitong mga balikat, malaman na mga braso, maumbok na dibdib hanggang sa tiyan nitong may anim na abs. Napangisi si Derek habang nakatingin sa kanya si Asha. Tinitigan niya nang nang-aakit ang asawa. “Para hindi ka na mahiya.” Napakamahiyain ng kanyang misis. Papatungan na sana muli ni Derek si Asha pero kaagad na tumayo ang huli. “Asha!” gulat na gulat na sambit ni Derek. Sa totoo lang, naguguluhan na siya sa kakaibang ikinikilos ng asawa. Kung kanina ay ipinagsawalang-bahala na lamang niya pero ngayon ay hindi na. “Ano bang nangyayari sayo?” nagtatakang tanong pa ni Derek. Hindi kasi niya ito maintindihan. Parang biglang may nagbago dito na hindi naman niya malaman kung ano. Pilit na ngumiti si Asha. Nagkatitigan sila Derek at Asha sa mata. Pamaya-maya ay dahan-dahang naghubad si Asha habang nakatingin siya ng diretso kay Derek. Nakatingin lamang sa kanya si Derek. Hanggang sa manlaki ang mga mata ni Derek nang matanggal na ni Asha ang lahat ng mga nakasuot dito mula ulo hanggang paa at ang itinira lamang ay ang underwear. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Gumulong pa sa kanyang paa ang isa sa pares ng silicone pad. “I-I’m sorry, Derek.” Nakatayo sa harapan ni Derek ngayon si… “Aiden?” Hindi makapaniwalang tanong ni Derek. May pait ang naging ngiti ni Aiden. Si Aiden, ang twin brother ni Asha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD