SINO BA naman ang matinong tao na mambubuhos ng tubig para manggising, paano kung nalunod ako? Pero alam ko namang kahit ganyan siya nagmamalasakit pa rin siya sa'kin, bestfriend kaya kami.
"Pupunta pa rin ba tayo sa shooting, King?" tanong ko na tinanguan naman niya.
Hindi talaga ako naniniwala na ako ang pinakatamad na tao sa buong mundo tulad ng palagi nilang sinasabi. Itong babaeng 'to mas tamad pa sa tamad, kasi pati pagsasalita tinatamad.
Inirapan ko siya. Dahil sa sobrang boredom, kahit bumaho ang laway ni King hindi 'yan magsasalita kapag walang kwentang usapan. Ini-on ko nalang ang radio ng kotse niya. Napangisi ako dahil sakto ang paborito kong kantang pang-asar sa kanya ang nakaere. Titibo-tibo by Moira Dela Torre. Sinabayan ko ang pagkanta habang iniiba ang lyrics para maasar siya.
Panay ang kanta ko. Nagdidiwang na ang kalooban ko dahil kunot na kunot na ang noo niya, parteda with feelings ang pagkanta at may action.
Sumulyap siya sa'kin dahil sa sobrang pagkairita sa pagpapalit ko ng ibang lyrics. Magdusa siya, kasalanan niya kasi ang tamad niya magsalita.
Tinaasan ko pa ang tono ng kanta para mairita siya pero hindi pa rin talaga siya nagsalita. Lintek lang walang ganti.
Ilang sandali lang nakarating kami sa location. Busy lahat ng staff sa pagseset-up ng mga gagamitin sa scene pati na ang mga camera man upang humanap ng tamang anggulo. Nasa isang coffee shop ngayon ang set-up dahil iyon ang sunod na setting ng istorya.
Lahat bumabati sa'min lalo na sa'kin pero hindi ko pinapansin dahil nakahawak lang ako sa braso ni King habang panay ang daldal ko.
"Akala ko ba sa hotel namin ang first location bakit tayo nandito?" pangungulit ko.
Tumigil siya sa paglalakad, humarap sa'kin na walang pinagbago ang reaction. Pinanlisikan niya ako ng mata na parang sinasabing 'may gana ka pang magtanong na alam mo namang dahil sa pagiging batugan mo kaya nacancel ang sanay shooting sa hotel'. Ako na ang nag-interpret ng titig niya kaysa hintayin ko siyang magsalita, baka abutin kami dito ng gabi't madaling araw.
"Sabi ko nga hindi na ako magtatanong," pag-iwas ko sa matatalim niyang tingin bago siya akbayan.
'Bagay sila 'no? Kinikilig ako.'
'Oo nga, parang 'yong sa mga novel lang pero sa estado nila baliktad dahil nagmumukhang prinsipe si Direk samantalang si Sir Second nagmumukhang prinsesa.'
'Sa pangalan pa lang bagay na bagay na, Queen Antonia Santez and King Second Castillion.'
'Kaya nga alam ng marami na ang tawag ni Sir Second kay Direk ay King samantalang si Direk naman ang tawag niya kay Sir Second ay Queen.'
'Iyon nga ang mas nakakakilig e.'
Napatago ako sa likod ni King dahil sa mga naririnig kong bulong bulungan ng mga nadadaanan naming staff pati ang ibang mga fans na nag-effort maghintay ng matagal para mapanood ang shooting ko.
"Ang gwapo ko talaga 'no, hindi sila magkamayaw sa pagchichismisan tungkol sa'kin," tuwang tuwang sabi ko. Wala akong nakuhang sagot sa kanya.
Dumiretso kami sa temporary tent na itinayo sa harap ng coffee shop upang magsilbing dressing room. Nakangiting sinalubong kami ni Anna, ang make up artist ko at designer.
"It's good to see you, Sir Second," salubong niya pero hindi ko pinansin.
Akmang hihiwalay na sa'kin si King, mas lalo kong hinigpitan ang pagkakaakbay sa kanya dahilan para tingalain niya ako na may malamig na tingin.
"Pwede bang next time nalang ang shooting? Tinatamad talaga ako," hirit ko.
"Bumati ka," madiing utos niya. Bahagyang binalingan si Anna na naghihintay na bumitaw ako kay Direk.
"Ayaw," tanggi ko. Naramdaman ko ang malakas niyang kamay na nakahawak sa braso kong nasa balikat niya.
"Ayusin mo 'yang ugali mo. Bumati ka," pag-uulit niya. Alam ko namang mali ang hindi bumati sa mga taong nakapaligid sa'kin. Himala mang isipin siya ang nagturo sa'kin ng bagay na 'yon kahit pa hindi naman niya ginagawa.
"Bakit ako lang ikaw nga puro tango lang e," reklamo ko. Napilitan akong humiwalay sa kanya syaka ako padabog na umupo sa single chair na nandito sa loob ng tent.
Nakita ko ang pagyuko ni Anna bago ito lumabas at iniwan kaming dalawa. Syempre lalabas talaga 'yon bilang respeto takot lang nila kay King.
"Wag mong sagarin ang pasensya ko dahil kaninang umaga ka pa namumuro sa'kin wala akong panahon para makipagsabayan diyan sa matigas mong ulo." Bakas na ang kawalan niya ng pasensya pero nananatili akong nakaupo at umiwas lang ng tingin. "Five minutes, bibigyan kita ng limang minuto para mag-ayos ng sarili mo, walang designer and make up artist within one month," aniya bago ako inwan.
Napangisi ako nang mapag-isa syaka tumawa ng mala albularyo. "Nagawa ko siyang pagsalitain ng mahaba." Tinapik tapik ko pa ang dibdib ko. "Isa ka talagang magaling Second." Pinalakpakan ko ang sarili ko dahil sa napakalaking achievement ko ngayong araw.
Okay lang na walang mag-aayos sa'kin sa loob ng one month alam ko namang hindi niya ako matitiis.
Ilang sandaling pagdiriwang ko, siya namang pagbalik ni Anna. Napatalon ako sa sobrang tuwa at niyakap siya. Sabi ko na nga ba hindi ako matitiis ni King, mahal kaya ako ng bestfriend kong 'yon.
"CUT," sigaw ng assisstant director habang ginagawa namin ang scene. "Ano ka ba naman Second simpleng kissng scene lang hindi mo magawa," sigaw niya pero hindi ko pinansin.
"Sabi ni Direk ten minutes break daw," sabi ng isang staff na namimigay ng mga tubig. Pagkarinig kong break mabilis akong tumakbo sa pwesto ni King na nasa harap ng mga cameraman.
Naglalambing na kumapit ako sa braso niya. Nagpacute para pagbigyan niya ako sa hihilingin ko. "King pwede bang alisin 'yong kissing scene? Alam mo namang ayoko ng may kissing e, baka pagkatapos nito habol habulin na niya ako kapag natikman niya ang matamis kong labi. At isa pa ayokong siya ang maging first kiss ko," reklamo ko. Agad na nagsialisan ang mga cameraman sa harap namin kaya napilit kong humarap siya sa'kin. "Sige na please, sige na. Bakit ba kasi hindi mo muna pinabasa sa'kin ang script ide sana napaedit ko?"
"May panahon kang magbasa?" sarkastikong balik tanong niya kaya napakamot nalang ako sa ulo. Tama siya, tamad akong magbasa kahit may panahon ako. Kaya nga ang mga linya ko nalalaman ko lang kapag malapit nang magshoot, syaka ko lang babasahin at isasaulo.
"Basta tanggalin mo nalang ayoko nga sa kissing scene di ba? Virgin pa ko 'no at ibibigay ko lang ang virginity ko sa babaeng magiging asawa ko." Naririnig ko na naman ang kilig at tawanan ng mga taong nasa paligid, karamihan mga babae.
"Nasobrahan ka sa pag-aartista, ang OA mo," seryosong sagot niya.
Sumeryoso ako dahil hindi joke para sa'kin ang mga sinasabi ko, totoo 'yon pero parang wala lang siyang paki.
"Hindi ako OA, alam niyong ayoko sa kissing scene pero bakit meron ngayon?"
"Para maiba naman, Sir Second, dahil sa lahat ng nagawa niyong project walang kissing or intimate act isa pa teleserye ito kaya expected na dapat may kissing lalo at matured ka na naman at iyon ang hanap ng mga fans mo. Gusto nilang makita kung gaano ka ka'aggressive," singit ng assisstant director, 'yong kanina pa sigaw ng sigaw sa'kin dahil ilang take na hindi ko pa rin daw magawa.
Kunot noo ko siyang binalingan. "Wala akong paki sa gusto ng mga fans ko o ng kung sino ang gusto ko ngayon palitan ang scene na 'yon." Tumahimik ang lahat dahil nakikita siguro nila na hindi ako nagbibiro sa pagkakataong ito. Ayoko sa kissing scene. Period. Ano bang mali sa ayaw ko?
"Pero kailangan e," pila niya ulit.
"Kung hindi tatanggalin ang ganyang mga scene hindi ko na itutuloy 'to."
"Makukulong ka kung hindi mo tatapusin ang kontrata or kailangan mong bayaran."
"Ide makulong o magbayad kahit magkano basta ayoko sa ganyang mga scene. Tapos."
Tumayo si King at pumasok sa tent kong saan ang dressing room ko. Sumunod naman ako, sign 'yon na gusto niyang walang makakarinig sa usapan namin at baka mapabalita pa ako.
"Sige na naman kasi King, please," pagmamakaawa ko.
"Kailangan mong gawin 'to para naman maiba ang acting mo at maging matured ka dahil ang mga susunod mong mga project ay kailangan mo 'yon," paliwanag niya.
"Ayoko nga."
"Ano bang kinakatakot mo?"
Napabuntong hininga ako sabay lapit sa tenga niya para bumulong. "Maselan ako, ayoko sa laway," nahihiyang bulong ko.
Akala ko tatawa siya at aasarin ako pero ilang sandali ang lumipas wala akong narinig sa kanyang kahit ano kaya napilitan akong tumingin ulit sa mukha niya. Nakakunot lang ang noo niya at walang nagbago sa reaction, seryoso pa rin.
"Anong mali sa laway?" takang tanong niya.
"Gusto mo pa ba talagang ipaliwanag ko? Sige na palitan mo na."
"Hindi pwede, dapat may respeto tayo sa script writer, pumirma tayo ng kontrata so wala tayong magagawa kundi ang sundin 'yon." Alam kong nag-aalala rin siya sa'kin dahil nagagawa niyang magpaliwanag ng mahaba, sa tagal ng pagkakaibigan namin kilalang kilala ko na siya kaya kahit wala man akong makitang pag-aalala sa mukha niya nakikita ko naman iyon sa paraan ng pananalita niya. Kaya nga kampanti ako kapag siya ang kasama.
"Ano ng gagawin ko ngayon?" Nawawalan ng pag-asang tanong ko sabay yakap sa kanya. "Ikaw ang umisip ng paraan." Lambing ko para tulungan niya ako.
"Don't worry idadaan nalang na'tin sa anggulo ng camera pero galingan mo pa rin ang acting mo. Kakausapin ko ang partner mo." Napahiyaw ako sa tuwa.