Chapter 23

2428 Words

HINDI ako mapakali at panay ang pabalik balik ko habang nasa labas ng operating room. Kanina pa sa loob si King dahil tinatanggal ang bala sa katawan nito. Kulang nalang ay himatayin ako n'ong mawalan siya ng malay kanina habang papunta kami dito sa hospital. Hindi ko kayang makita siya sa gan'ong lagay kaya panay ang iyak ko dahil wala akong nagawa para salagin ang bala kanina, ni hindi ko nga alam na natamaan pala siya. "Relax Second, magiging okay din siya." Naramdaman ko ang pagtapik ni Third sa balikat ko. "Paano ako magrerelax kung alam kong nasa panganib ang buhay niya." Napasabunot ako at nanghihinang napasandal sa wall. Hanggang ngayon nagwawala pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang takot na naramdaman ko ng makitang may dugong masaganang dumadaloy sa katawan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD