"Ingat po kayo. Mami-miss ko po kayo." Malungkot na ani ko sa mga kasambahay at guard ng isa-isa na silang sumakay sa van. "Se Ma'am Mace, joker! Babalek den kame sa lunes. Huwag ka nang malungkot. Dapat happy ka, kase masosolo mo se poge." "Ay! Tama ka d'yan, Ate!" bigla rin namang sumigla ang pakiramdam ko. Normal lang namang magkaroon ng rest day ang mga ito. Nagkataon lang na sabay-sabay silang lahat, dahil sagot ni pogi ang Ilocos tour nila. Ingit si me. Nang makalulan na sila sa sasakyan at makaalis, nagpasya na akong bumalik sa loob ng bahay. Nasa library si Kuya Mec dahil may tinatapos itong trabaho, at papunta ako ngayon sa kanya para guluhin siya. Iyon lang yata ang papel ko sa buhay nito. Ang kulitin at guluhin siya. Marahan kong itinulak ang pinto ng library. Pati si Ce