Nagising ako na mataas ang lagnat. Wala akong ibang dapat sisihin kung 'di ang sarili ko. Kagabi, wala naman akong balak mag-inom. Sasamahan ko lang dapat ang girls, habang nagmo-module ako. Pero nang sabihin nilang tutulungan nila akong matapos ang module ko, siyempre hindi na ako tumanggi. Ako ang pasimuno na paghalu-haluin ang alak na in-serve sa amin nila Chef Lip. Tumutol si Ate Herea at Ate Keia. Pero sinabi kong minsan lang naman. Saka no'ng natapos namang ihalo lahat ay naging masarap sa panlasa namin. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kagabi. Basta naubos namin ang alak at nakuha pa naming kumuha nang tag-iisang bote at lumabas. Iyong paglabas namin ang huling memorya ko. The rest, hindi ko na alam. "Mace, pwede mo bang sabihin kung ano ang moral lesson nang ginawa