"Nasaan na iyong dalagang nagligtas sa akin?" iyon ang paulit-ulit na tanong ng aking ina, kasalukuyan pa rin kaming narito. Kahit na naialis na ang mga taong binalak saktan si Mommy. Hindi ko alam ang sagot sa tanong nito. Dahil hindi ko naman inabutan ang babaeng tinutukoy nito. "Sino bang babae, Mommy?" "Iyong isa sa volunteer. Maria ang pangalan niya. Siya ang tumiyak na safe ako. Nasaan na ba siya?" mangiyak-ngiyak na tanong nito. "Mom, lahat na ng volunteers ay natanong ko na about sa babaeng sinasabi mo. Kahit sina sister ay sinabing wala na iyong babae. Wala rin silang binangit sa mga pulis. Ayon kay sister ay dumating lang ang mga babaeng iyon para protektahan ang lahat dito sa foundation. Huwag na po kayong magtanong-tanong pa about her. Magpasalamat na lang tayo na dumat