"Ibig ko pong sabihin... gardener?" kung pwede ko lang tanggalin iyong device sa tenga ko'y ginawa ko na sana. Kaso hindi pwede. Kaya kailangan kong tiisin ang dinig na dinig kong pagtawa ng mga kasama ko sa kabilang linya. "You're so cute. Tama nga naman, kailangan din nila ng helper dito para matiyak na maaalagaang mabuti ang garden na ito." "Tama po kayo. Hehe!" awkward na ani ko rito. "Bukod sa helper, ano pa kaya ang mga kailangan nila?" "Siguro po'y makakatulong din iyong additional na mga buto at pataba." Napag-aralan ko naman sa science iyon. Kaya kahit paano ay kaya kong i-defend. "Need din po ng mga tools, kung papalarin na mabigyan sila ay malaking tulong po talaga iyon." "Tama ka! Huwag kang mag-alala, ibibilin ko sa secretary ko na tiyaking maibibigay ang kailangan sa