Marahan kong hinalo ang bulalo. Wala lang, buying some time siguro. Pero sa pangalawang ikot ng kutsara'y may kung anong nakakuha ng atensyon ko. Halos mahilo pa ako nang makita ko kung ano iyon. Singsing. "Excuse me po..." tawag ko sa matanda. "Yes, hija?" agad na lapit no'ng owner. Itinuro ko rito ang nakita ko. "Naku! Hindi ko pala natanggal---" "Po?" gulat na ani ko. "Seldari, kunin mo ito!" nagulat pa ako sa biglang pagsigaw. "Mga ma'am, magsasara na po kami. Huwag na po ninyong ituloy ang pagkain." Akma na akong tatayo. Ngunit hinawakan ng lalaki ang kamay ko. "Maiwan ka muna, ineng!" utos nito sa akin. Pero tinabig ko iyon. Saka ako tumakbo patungo sa table nila Garette at kumapit kay Claudia. "Anong nangyayari? Magkakilala ba kayo? Sino kayo?" agad na tanong nito.