"Mace, nasaan ka ngayon?" tanong ni Ate Garette. Maingat kong iniangat ang tasa ng kape, at marahang humigop bago ko sagutin ang tanong nito. "Narito ako sa harap ng university, Ate Garette. Nagkakape." "Ha? May coffee shop ba sa harap ng university?" sinulyapan ko ang puting kabaong na nakaburol sa balcony ng bahay. Bukas iyong gate kaya pumasok ako. Maraming tao, bagets iyong namatay. Sa tingin ko'y kaedaran ko lang ito at babae. Party goer daw itong si Allena. Mahilig mag-bar, dahil sa kalasingan ay naaksidente. Iyon ang narinig kong dahilan kung bakit namatay. "Nakikikape ako rito sa burol, ate." "Are you crazy?" tanong nito sa akin. Pero bahagya lang akong bumungisngis. "Walang klase ng first subject. Nagbigay lang sa group chat ng activity namin. Second and third subject,