Biglang yaya umuwi. Kaya kahit may 1 day pa kami para maglibot sa Alta Bara ay hindi na namin nagawa pa. Pagkatapos naming mag-stay sa rancho nila Timothy at Claudette ay bumalik na kami sa hotel at nag-impake. Na-stress siguro ng sobra sa akin. Hindi rin n'ya ako pinayagang magmaneho, understandable naman. Lalo't na trauma yata no'ng ipinagmaneho ko siya. Pag-uwi namin ay si Cece agad ang hinanap ko. Hindi ako pinansin ni Kuya Mec, kahit pa inilapit ko ang pusa rito. Ipinag-utos na nga lang nito sa tauhan na kunin ang mga gamit namin. Hays! Nauunawaan ko naman, kapag tumatanda na ay medyo mainitin na talaga ang ulo, palaging stress at bugnutin. "Anong nangyari, ma'am?" tsismosang tanong ni Yaya Patty. Tinignan ko lang ito mula ulo, hanggang paa. "Tsismosa." Masungit na ani ko, sab