Chapter 3

1025 Words
Shelly | Present Time Pilipinas. Matapos ang anim na taon ay nakabalik rin ako dito. The last time I was at this very same airport, I was crying over Rafe. You remember that day we're supposed to leave together but he never showed up? Now I stand here, beaming with confidence and sophistication. That's what living in France did to me for the last six years.  Nakita ko agad si Kuya at ang bunso kong kapatid na naghihintay sa akin. "Shelly!! | Ate!!!" Sabay nilang tawag sa akin. Bakas ang pagkasabik nila sa akin.  Tumakbo ako palapit sa kanila at niyakap sila ng mahigpit. Sa loob ng anum na taong pagkawala ko ay ilang beses lang sa isang buwan ako tumawag at nang nagtagal ay dumalang na.  Isa lang ang dala kong bagahe at si bunso ang naghila noon samantalang si Kuya ay inakbayan ako at ginulo ang buhok ko.  "Nasaan sina Tatay?" "Nasa sasakyan. Siksikan kasi ang mga tao kaya kami na lang ni bunso ang naghintay sa yo sa waiting area. Matutuwa sigurado sina Nanay kapag nakita ka." "Kasama mo ba si Ruth at si Ate Rox?" "Hindi, nagpaiwan na sila sa bahay para may space para sa luggage. Mamya na lang daw kayo magkita kita sa bahay."  Tumango ako at ngumiti. Kahit maagang nag-asawa si Kuya Robert ay maganda ang pagsasama nila ng asawa nya. Mabait ang hipag ko at ang pamangkin ko naman ay ubod ng cute. Dalagita na ngayon at kung hindi ako nagkakamali ay kinse anyos na sya.  Naglakad pa kami ng kaunti at maya maya ay nakita ko na ang dalawang pang pituhan na SUV na binili ko noong nakaraang taon.  Si Kuya ay isa lang ang anak at hindi na sinundan pa. Mahal magpalaki ng bata. Ako man kung mag aanak ay isa rin lang. Hindi bale ng walang kalaro basta siguradong may ipapakain ako at mabibigyan ko ng sapat na oras. Si bunso naman ay may girlfriend na pero mukhang wala pang balak mag-asawa at nag iipon pa daw sya. That's good to hear! "Anaaaaak!" Sigaw ni Nanay.  "Nay!" niyakap nya ako ng mahigpit. Si Nanay ay umiyak at ayaw akong bitawan ng yakap. Sobra ang pagka miss sa akin. Nagmano rin ako kay Tatay at yumakap. "Tay!" Masayang masaya ang akin pamilya sa pagbabalik ko. "Kumusta ang byahe?" "Ok lang naman po, hindi matigtig. Pero hindi ako masyadong nakakain sa eroplano." "Pagkain ba talaga ang dahilan o excited kang makita si Kuya Rafe?" hanggang ngayon ay mahilig pa rin mang asar si bunso Pinanlakihan ko sya ng mata. "Tumigil ka nga dyan Ross!" Humalakhak naman ito at humirit pa talaga. "Kuya, totoo namang excited si Ateng makita si Kuya Rafe hindi ba?" Ngumisi si Kuya na nagmamaneho. "Shel, hindi mo ba namiss si Rafe?" Napahilamos ako sa mukha ko. Nasa byahe pa lang kami pero puro na lang Rafe ang naririnig ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanila na tinanggap ko na ang proposal ni Bernard. "Hindi ko sya namiss. May boyfriend na ako at isang taon na kami." "Ows... talaga lang.. tulak ng bibig kabig ng dibdib"  kumanta pa si Ross "Nay si Ross nga!" nagtawanan naman ang mga magulang ko.  "Hoy kayong dalawa, huwag nyong inisin yang kapatid nyo at kadarating lang. Bukas nyo na ipagpatuloy ang panunukso nyo." Si Tatay talaga. Kahit kailan napaka alaskador din.  Dahil sa Star Toll ay mabilis din kaming nakarating ng Batangas. "Ate, pwede ba tayong kumain muna? Nagugutom na ako eh.  "O sige, saan ba masarap kumain ngayon at doon muna tayo dumiretso. Nagugutom na rin ako eh." "Sa Zion masarap." sabi ni Ross. Nilingon ito ni Kuya Robert at kumindat.  "Masarap ba dun? Parang ngayon ko lang yun narinig." sabi ko "Bago lang yun, a month ago lang sila nagbukas. Hotel and restaurant yun sa may tabing dagat." pagmamalaki pa ni Ross "Nakakain ka na ba dun at parang proud na proud ka?" "Oo naman, nag date kami minsan ni Megan doon. Promise magugustuhan mo." pang-eenganyo pa nya "O sige na nga, doon na tayo mananghalian. Nay.. Tay.. okay lang po ba sa inyong kumain doon?" syempre kahit ako ang bagong dating ay treat ko pa rin ito sa kanila kaya gusto ko ay magugustuhan nila ang kakainan namin. "Oo naman, kahit saan ay okay lang kami." sabi ni Tatay "Aba basta may dagat at makakalanghap ako ng sariwang hangin ay G ako dyan." sabi ni Nanay "Anong G?" tanong ko sa kanya "Hala si Ate! Daig ka pa ni Nanay. Ang G ay GAME! Hahaha!" tatawa tawa at iiling iling na sabi ni Ross Ako naman ay shock. "Nay marunong ka ng mga ganyan ganyang salita?"  "Ikaw ba naman ang manood ng tv araw araw ewan ko na lang kung hindi mo magaya ang mga sinasabi ng mga kabataan ngayon." nakangiting sabi nya Okay rin si Nanay ah, jeprox. Daig pa ako.  Nang makarating kami sa Zion ay ipinarada ni Kuya ang sasakyan at bumaba kaming lahat. I'm wearing white shorts and a red v-neck sleeveless blouse, pulang stiletto ang ipinares ko doon. Wala akong ibang alahas kundi ang singsing na bigay ni Bernard at hikaw kong studs.  Puno ang Zion's pero may isang table na kababakante lang at ibinigay sa amin iyon.  "Kuya, kayo na ang bahalang mag-order. Pagkaing pinoy ang sa akin ha. Pupunta lang ako sa washroom." Naglakad ako papuntang washroom at nagulat ako ng may humila ng braso ko at mabilis na ini-lock ang pinto ng isang kwarto. "What the f-- Rafe??" ang gulat na nasa mukha ko ay walang pagkumparahan. "Your one and only." Sinandal nya ako sa likod ng pinto at itinuon ang kamay nya sa magkabilang gilid ko. He caged me. "One and only? Have you gone insane?? Let me go." akma akong aalis pero lalo nyang inilapit ang sarili nya sa akin. "Insane? Probably. Because of you." nakangisi nyang sabi sa akin. His face is too close to mine at kaunti na lang ay pwede na kaming maghalikan "Could you.. uhm.." mahina akong napamura.  "Could I what? Kiss you?" nanunudyo nyang tanong sa akin "No! | Gladly." sabay naming sabi And his lips met mine. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD