Rafe | 4th year College
Keys check. Phone check. Wallet check. Tinawagan ko si Jerry.
"Pre, tapos na ang klase mo?" Susunduin ko sya sa school at manggagaling ako dito sa Alangilan.
"15 minutes pa. Text kita kapag nasa labas na ako ng gate."
"Okay sige."
"Ingat tol."
Nang makarating ako sa UB ay hinimpil ko ang sasakyan ko sa gilid. Short stops lang ang pwede dito kaya hindi ako bumaba. Nagsounds muna ako at tinext ko si Jerry na nasa tapat na ako ng school nang biglang may kumalabog sa likod ko.
Bumaba ako ng sasakyan at nagcheck. "Are you okay?" Nakatungo ang babaeng nasa manibela. Akala ko ay nabangga nya ang kotse ko pero ang kumalabog pala ay ang kotse nya dahil sumampa sya sa gutter.
"I'm sorry, I didn't hit your car did I?" I looked at her. This girl is very simple yet charming.
"No, you didn't. Nagasgas mo lang ang rims mo, sumampa ka sa gutter."
"Son of a —" napatakip ito ng bibig, mukhang nabigla sa pagmumura nya. "I'm sorry, today is just not my day."
"It's okay. We are allowed to curse sometimes when frustrated. I don't mind." Inabot ko ang kamay ko "I'm Rafe Pastor and you are —"
Tiningnan nya ang kamay ko at pagkuway inabot din. "Rochelle Santillan. You can call me Shelly."
"Nice to meet you."
"Likewise."
"Shelly!" May sumigaw na lalake. "What the hell did you do to my car?" This guy looked like a varsity player. Sa tangkad nya, probably basketball? He looked pissed upon seeing the car.
"I hit the curve, it's not a big deal." sabi naman ni Shelly
"You scratched my new rims!" Nasapo nito ang noo. He looked mad. Napansin nya ako sa gilid at iritadong tumingin. "Do I know you?"
"I don't think so. I'm Rafe Pastor." Inabot ko ang kamay ko para makipagkamay. But he only stared at it, I put it down. Okay, he is rude.
Ang ikinabigla ko ay ang sunod nyang tanong. "Are you hitting on my girlfriend?" His eyes are looking straight at me. Piercing.
"Tristan!! Stop being rude!!" Saway dito ni Rochelle.
I looked at her. She sounded worried. Iniisip nya siguro na magkakagulo. "Shelly, it's okay." Then I faced him, trying to be calm as much as I can. I can't believe this guy. "No, pare - I wasn't. I thought she hit my car earlier so I came out and checked. She just hit the curve. No harm done."
Tumingin ito sa akin na parang sinusuri ako kung nagsasabi ako ng totoo. Kahit mukhang hindi kumbinsido ay sumagot naman. "Okay."
"Sige Shelly, nice to meet you." Tumango naman ito at mukhang apologetic.
Nang makabalik ako sa kotse ay nakita kong nagpalit sila ng tayo mula sa salamin. Nasa shotgun seat na si Shelly at yung Tristan ang nagmaneho. Nauna silang umalis sa akin at pinaharurot ang sasakyan.
Dumating si Jerry at hingal na hingal. Mukhang tumakbo palabas dahil late na sya sa usapan namin.
"Tol pasensya na, tinawag ako ni Prof."
"Okay lang tol. Kilala mo ba yung Tristan? Mukhang varsity."
"Si Jimenez? Bakit?" Sumakay ito ng kotse at pinatakbo ko na ang sasakyan.
"I met his girlfriend earlier."
"Oh, si Shelley. Naging kaklase ko sya sa English at Philo."
"Anong course nya?"
"Commerce, Major in Management." Tumango tango ako. "Type mo?"
Ngumiti ako. "She's pretty but she's taken already."
"And that's what's stopping you? Hmm.. actually tol, Jimenez is an ass. Sobrang angas nya. Hindi bagay sa kanya si Shelly. Napakabait nun. Agawin mo na kaya, tutulungan kita." Ang ngisi ni Jerry ay nakakaloko.
"Tarantado. Ikaw kaya ang agawan ng girlfriend magugustuhan mo?" Asar ko sa kanya
"Depende." Nakatawang sabi nya
"Depende saan?"
"Eh kung hindi naman kami seryoso sa isa't isa at gusto nyang magpaagaw eh bakit ko naman pipigilan. Ang dami dami pang bebot dyan, at hindi ako mauubusan."
Napailing ako. Si Jerry, bestfriend ko since elementary sa St Brdget. Napakababaero. Kung magpalit ng babae parang nagpapalit lang ng underwear.
Naisipan ko syang asarin. "Paano kung si Anne Marie ang girlfriend mo tapos may nagtangkang umagaw, ipapaagaw mo?"
Mabilis pa sa alas kwatro ang sagot. "Si Anne Marie, sineseryoso. Hindi ipinapaagaw."
Napasipol ako. "I...S...F..."
"What the f*ck?! Ano naman yung ISF na yan?!"
"I smell something fishy!" Saka ko sinabayan ng tawa.
"Dami mong alam, kina Anne mo narinig yan ano?" Tatawa tawa rin sya. "ISF ka dyan. Tsss!"
Hinayaan ko sya kahit matagal ko ng nahahalata na may gusto sya kay Anne. Knowing this guy, talagang hirap na hirap magcross sa boundary ng pagkakaibigan.
Dati noong highschool, napapagkamalan sila ni Gabe na mag boyfriend - girlfriend. Tangging tanggi naman ang dalawa. Besides, Gabe only has eyes for Matt. Sayang yung dalawang yun, nagkahiwalay din.
"Pool tayo?" Aya ko kay Jerry.
"Sige, libre mo na rin ako ng chibog."
Napailing ako.
Basta pagkain - game si Jerry.
Pag magbabayad - allergic yan.
Ubod ng kuripot.
"Oo na. Ako ang taya. Tara!"
We had a great time playing pool. Nag tig isang beer din kami at kumain ng ihaw ihaw. We also bond with Yanna and Anne, also Gabe when she was still here.
Pero iba pa rin kapag kaming dalawa lang, syempre lalake sa lalake. Iba ang bonding ng guys.
Hindi nawala sa isip ko si Shelly and the next time I saw her ay pagkatapos na ng sem break. Mahigit tatlong buwan na rin siguro mula noong una kaming nagkita.
Maagang natapos ang klase ko ngayon at nagpunta ako sa restaurant namin sa main branch. Naabutan ko sya doon na may hawak na folder at may isang basong tubig sa harapan nya.
Binati ko sya. "Shelly Santillan, we meet again."
Tiningala nya ako. Kumunot ang noo. Pilit sigurong inaalala ang pangalan ko. Hindi rin common kaya hindi madaling tandaan. Ngumiti sya. "I'm so sorry, I remember your face but I can't remember your name." namula sya
"It's okay, my name is Rafe. What are you doing here?" pagkuway tanong ko sa kanya at naupo ako sa bakanteng silya sa tabi nya.
"Applying for a job. I'm in need a part time job. Hindi kasi tumama ang bago kong schedule sa school sa trabaho ko sa fast food company na pinagtatrabahuhan ko kaya nagresign ako. I am hoping they have better hours here." mukhang pagod sya at maputla. Juggling work and school is not easy.
"Teka, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya
Nahihiya syang umiling. "Sa bahay na."
Tumingin ako sa relo ko at pasado ala una na. "It's past one at hindi ka pa naglalunch." Baka nagtitipid sya.
"Hindi na, okay lang ako. Salamat." umiling sya at ngumiti
"It's okay, ako ang bahala." Lumakad ako papunta sa kitchen at nagpa prepare sa cook namin doon. Nang ready na ay nilagay ko sa tray at ako mismo ang naghain kay Shelly. "Here, on the house."
"On the house?" takang tanong nya
Ngumiti ako. "My family owns this restaurant." simple kong sabi sa kanya. "Kain ka na, hindi na masarap yan kapag malamig na."
Bakas ang pagkagulat sa mukha nya. "Hala! Nakakahiya!" umiling iling
"No need to feel embarrassed, ako naman ang nag-offer ng lunch. Besides, hindi naman tayo estranghero sa isa't isa. I like to think we're friends. Pwede ba yun?" Pwede ring boyfriend -girlfriend. Napangiti ako sa naisip ko. May boyfriend na yan. Humanap ka na lang ng iba. Eh sya nga ang gusto ko.
"Sige. Friends." inabot nya ang palad nya at nag shake hands kami.
"Kain na."
"Heto nga kakain na. Gutom na talaga ako. Ikaw ba kumain na?"
"Oo kanina bago ako nagpunta dito. Anong oras ba ang interview mo?"
"Alas dos." sagot nya ng malunok ang pagkain.
"Okay sige, maiwan muna kita sandali. May kakausapin lang ako." Tumango naman sya.
Nagtungo ako sa office at naabutan ko si Mommy doon na may kinukuhang file sa steel cabinet. "Oh hi son! What are you doing here? Wala ka ng klase?" humalik ako sa pisngi nya.
"Wala na 'ma, I'm done for the day." umupo ako sa silya sa harap ng table nya.
"Okay, that's good. Makakapagpahinga ka. Did you need anything?"
"Actually meron 'ma. The girl outside is my friend and she needs a job that can work with her schedule in school. Sabi nya alas dos ang interview nya."
Gumuhit ang ngiti sa labi ng aking ina. "Do you like this girl?"
Namula ako. "Ma naman.." embarassment flooded my face.
"It's okay, I'll work with her. I know how it feels like to work while studying remember?"
"Thanks ma."
HInintay kong matapos ang interview nya at inabangan sya sa may pinto ng restaurant. Her face is beaming with happiness.
"Rafe! I'm hired!!" tuwang tuwa nyang sabi sa akin at sa kasiyahan nya ay napayakap sya sa akin.
Nabigla man ako ay tinapik tapik ko sya sa likod. "Congratulations!"
Kumalas sya sa pagkayakap sa akin "I am so happy. Malaking tulong ito sa family ko. Ang bait pa ng nag interview sa akin."
"That's my mom." may pagmamalaki kong sabi
Hindi mapagkit ang ngiti sa kanyang labi "Ah kaya naman pala, parehas kayong mabait!"
"We should celebrate your new job!" sabi ko sa kanya
"O sige, libre kita ng ice cream."
"Sige ba.. teka lang, baka magalit ang boyfriend mo." hindi ako nag-aalala para sa sarili ko kundi para sa kanya, mukhang masamang magalit si Jimenez.
Umiling sya. "Tristan and I are over after that scratching rim incident. Hindi ko na matiis ang ugali nya. Napaka war freak at pati mga walang kwentang bagay ay pinapalaki, lahat na lang pinagselosan." nakasimangot nyang kwento
Napangiti ako ng wala sa oras. May chance na ako! "That's good, you don't need someone like him in your life. Life itself is stressful enough."
"Tama!" nagsimula ng humakbang palabas at ako naman ay parang napako sa kinatatayuan ako. Her smile is captivating. I could stare at her all day. I admire people who remains positive despite the difficulties they face in life. "Huy alaluts ka dyan? Ako na lang ang kakain ng ice cream, dyan ka na." at nagsimula na naman syang maglakad palayo sa akin kaya hinabol ko sya.
Alaluts? Tulala? Hahaha! Saan ba nya napapagpupulot ang mga salitang yan. Magkakasundo sila ni Anne. "Andyan na." ngayon ay magkapantay na kami at sabay na naglalakad papuntang ice cream shop.
Nang makita nya ang Ruby's ay kinapitan nya ang kamay ko at hinila ako. "Dito tayo." Mukha syang batang excited kumain ng ice cream.
Nagulat man ako ay kinilig naman ako ng kapitan nya ang kamay ko. Pwede ring kiligin ang lalake, huwag lang ipapahalata.
Nag order kami at umupo sa isang booth. May ilang mga highschool students kaming kasabay.
"Masarap no?" sabi nya sa akin
Vanilla ang inorder ko. "Masarap."
"Tikman mo itong sa akin, mango na may cheese! Mas masarap dyan kaysa sa vanilla mo. Ang plain nyan." inumang sa akin ang ice cream nya kaya tinanggap ko naman. Masarap nga.. at para na rin kaming nag indirect kiss. Nanuyo ang lalamunan ko sa naisip ko.
I have dated a few women, nothing serious. Ngayon pa lang kung sakali. It's now or never.
"Shel.."
"What?"
"Uhm.. I don't want to be forward, but I'd like to see you more. Pwede ba kitang ligawan?" nahihiya kong sabi sa kanya
Ngumiti sya. "I thought you'd never ask. First date na natin ngayon. Hahaha!" pinisil nya ang ilong ko. "Ay marunong din mag blush.." tudyo nya sa akin ng mamula ang pisngi ko.
Wala akong masabi. At narinig kong nagsalita sya ulit. "Kung forward ka, mas forward ako sa 'yo. Time is gold kaya." She winked at me.
Our adventure is about to start.
And I am not letting her go.
***