~~Seven~~

1019 Words
Sweetie "Hoy, hoy, babae, hindi mo yata alam ang sinasabi mo?!" sumabat si Rio. Si Lui parang natuod na sa kinatatayuan niya. "Alam ko ang sinasabi ko! Sino pa bang gagawa niyan kun'di kayo lang naman?! Saka yung threat sa locker sino bang gagawa no'n kun'di kayo lang?!" umuusok ang ulo ni Lee sa galit. No one dared to stop her. "Wala kaming al--" bago pa makasigaw si Rio, pinigil na siya ni Gino. "Tama na. Ako nang bahala dito." And then Gino stared at me. Something that we called heart started to beat faster inside my chest. Waaa! Ano yun? Umiwas ako kaagad ng tingin. Ano yung tunog na yun sa may dibdib ko? Pinaalis niya lahat ng students sa may flagpole at ipinababa yung mga damit ko. Siya pa ang nag-abot sa'kin. Sheez. He was holding my under garments. I felt like he already touched me. What the heck? "Sa susunod, ingatan mo mga gamit mo para hindi sumabit kung saan. Pinagpyestahan tuloy," Ani Gino at umarko pa ang gilid ng kanyang labi. Bakit mas lalo pang sumama ang ugali niya ngayon? Noon, kapag galit siya, ilalabas niya talaga. Pero ngayon? Yung kulo niya nasa loob. More dangerous than before. "Ikaw siguro ang naglagay niyan sa flag para pasalamatan kita tama ba?" I arched my right brow. Hirap na hirap akong magpanggap. Gusto ko siyang panggigilan! Gusto ko siyang kurutin sa kili-kili! Ang kaso wala akong magawa dahil lagot na naman ako afterwards. Siguradong may gagawin na naman silang kabalastugan sa'kin! Fuu... Natawa naman siya. It's so sexy to hear. Damn. Ang gwapo niya nakakainis nomon! "Hindi ako cheap sa pangti-trip. Iba akong mangtrip." Aniya. Did I just see the passion in his eyes? Ang lagkit. Tumalikod siya saka ibinulsa ang dalawang kamay sa pants niya. "Hindi pa ako nagsisimula. Malapit na." at umalis na siya. Iba siyang mangtrip? I gulped. Anong ibig sabihin no'n? Pagkauwi sa condo, nag-video call kami ni Tristan sa Skype. "Hey, namimiss na kita. Uwi ka na, please?" sabi ko sa kanya. Nakadapa ako sa kama habang nakaharap sa laptop. "Sorry babe, hindi pa ako magaling. Alam mo naman ang kondisyon ko, di'ba? I miss you too," sabi niya sa kabilang linya. I sighed. "May magagawa ba ako?" I asked in a defeated tone. "Babe, alam ko nahihirapan ka na diyan. But trust me, mas ligtas ka kung nandyan ka." ngumiti siya. "I know. Pero kasi..." "You survived leukemia. And I know you're going to survived there. I'm sorry if I'm not there to help you," alam kong kahit ngumiti siya, malungkot siya. "I love you so much, babe. Hintayin mo lang akong makauwi diyan. Gagaling na din ako agad." Nginitian ko din siya. "Bilisan mo, ha?" kasi hindi ko alam kung anong mangyayari sakin ngayong nakakasama ko si Gino sa school. "I will," Tristan said and I hung up. ~*~ Lui 'LANGYANG BABAENG YUN! ANONG AKALA NIYA SA MUKHA KO?! LARUAN?! Galit na galit na ako! Umuusok ang ulo, tenga, at ilong ko sa sobrang galit! Wala naman kaming kinalaman sa mga sinasabi niya tapos sasampalin na lang niya ako bigla?! Walang hiyang babae! Napakasadista! Magpasalamat siya at pinigilan lang ako ni Gray na gumanti sa kanya kung hindi--nakuu! Hindi lang yun ang aabutin niya! Saka anong threat sa locker ang pinagsasabi niya?! Ni wala nga akong balak mag-type sa computer para sa report ko, magsulat pa kaya?! Anak naman ng tinapa, oh! Sasakalin ko na talaga ang babaeng yun! Hindi ba niya alam kung sinong binabangga niya? Sino ba siya sa akala niya! Nanggagalaiti talaga ako! Gusto kong manapak! Wala pang nanakit sa akin ng gano'n. Si Gray lang talaga ang kayang makasapak sa akin. Sa amin. Dahil may takot kami sa kanya kahit na kaibigan pa namin siya. Pero ang masampal sa babaeng hindi ko kilala, aba! Ibang usapan naman yata yon, men! Sa sobrang init ng ulo ko, bumili ako ng dalawang ice cream sa harap ng school. Dalawang cone na lang natira sabi ni manong, eh. Sobrang init na ng ulo ko kailangan ko ng pampalamig. "Manong, pabili nga po. Strawberry flavor po." sabi nung-- Pamilyar ang boses. Sobrang pamil-- "Ikaw na naman?!" sigaw niya nang makita ako. "Hoy, babae! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa'kin!" nanumbalik ang galit ko sa babaeng ito. Kung kanina level fifty, ngayon isang daang porsyento na! "Mas hindi ko makakalimutan ang ginawa mo!" galit din siya. Ang kapal naman niyang magalit sa'kin! Wala naman akong ginagawa sa kanya! Siya nga itong nananakit ng walang dahilan! "Boy, heto na yung isa pang ice cream mo." "Teka, manong, bibili po ako," kinuha niya yung ice cream ko! "Hoy, ice cream ko yan!" Sigaw ko. Inaabot ko pa pero inilayo niya. Tinitigan niya ako na akala mo nangloloko. May ngiti pang mapang-asar. Dinilaan niya. Eew! Yung ice cream ko! Tangna! "Paano ba yan may laway ko na? E 'di sa'kin na lang. Pwede na 'tong pambayad sa ginawa mong pamamahiya kay L kanina." pagkasabi niya no'n ay umalis na siya. Tumingin ako sa langit at ipinikit ng marahan ang aking mga mata sabay huminga ng napakalalim. Nakita ko naman si Manong na nakatitig sa akin na akala mo nagbi-breathing exercise ako. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Mukhang gusto kong makapatay. Makakapatay talaga ako! Grr! 'Langyang babaeng yon! Ang lakas ng loob na kalabanin ako?! Sino ba siya sa akala niya?! Hindi niya ba kilala kung sino ang binabangga niya?! Ako si Lui! Hindi niya alam kung paano ako magalit! Magpasalamat talaga siya at babae siya kung hindi, kanina pa siya nakatikim ng maraming sapak sa akin! No one dared to cross my way. Not until that girl named Anne Lee! I have never encountered such a girl. Who the heck did she think she is? Baguhan sa Paradise U pero ang lakas makipagsagutan sa mga senior niya! I freaking hate her gut! "Ayos ka lang?" Tanong ni Manong. "Mukha ba akong ayos, Manong? Pinamigay mo yung ice cream ko!" utas ko sa kanya na ikinagitla niya. "Akala ko girlfriend mo, eh. LQ?" walang muwang na tanong ni Manong. Putragis naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD