~~Six~~

1159 Words
Lui "Imba yun, bro! Akalain mong sasabuyan ka ng babaeng yun sa mukha?" isa pa 'tong kumag na kapatid ko, eh. Sinapok ko nga. "Aray! Totoo naman ah?!" "Sa totoo lang sa kanya ako nainis eh, hindi kay Sweetie." I was referring to Lee. "So, in love ka na dun sa amazonang kasama ni Sweetie? Ano nga ulit yung pangalan? Anne Lee? Eh, tinamaan ka pala dun, eh-- araaay!" sinapok ko pa ng isa yung malakas na. Kainis, eh. "Kapatid kita, di'ba? Dapat kakampi kita!" sinamaan ko siya ng tingin. "Porket kapatid kakampi na agad?" bulong niya sabay iwas ng tingin. "Manahimik ka na nga lang dyan! Wala kang matinong sinasabi!" nakaka imbyerna 'tong Rio na 'to. Sapakin ko 'to ulit, eh. Nakakainis kasi. Totoo naman na para kaming nagdudusa sa pagkawala ni Sweetie last two years ago. Hindi kami halos makakain sa sobrang lungkot. Kung alam niya lang kung gaano kaapektado si Gino sa pagkawala niya. Masahol pa sa baliw kung magwala yun. Ni hindi nga kami makalapit, eh. Eh, si Bid sira talaga, alam na ngang wala sa mood yung tao nilapitan pa. Ayun naospital kasi bugbog sarado kay Gino. Simula no'n, hindi muna namin nilapitan si Gino. Pero isang araw, ewan ba, bigla na lang nagbago. Hanggang sa naging ganito na siya. Kumbaga nasa pit of hell siya noon tapos ngayon nakatapak na siya sa clouds. Tahimik na siya hindi katulad dati. Pwera na lang sa anak niya. Si Jerome. Ang bait-bait niya kay Jerome pero samin ang sungit niya. Mabait 'yan pero minsan masungit. May mental disorder na yata. Tsk-tsk. "Teka, alis muna ako, bro. Gawa lang powerpoint. May report ako bukas, eh." oo nga pala may report kami na individual, dapat naka-powerpoint. Tumayo si Rio saka na umalis. 'Langya yun, papagawa sana akong powerpoint iniwan ako kaagad. Tsh. Oo nga pala naalala ko si Sweetie. Paano kaya siya naging ganun? Nawala yung makulit na Sweetie. Sobrang nagbago na siya. Nakakainis siya, hindi niya kami maalala. Siguro may nakahanap sa kanya last two years ago tapos inalagaan siya tapos pinagamot tapos gumaling kaso nagka-amnesia? Teka... "Gino!" tawag ko. Pwede yung naisip kong yun. May posibilidad. "Oh?" busy siya sa ginagawa niya. Naglalaro ng dragon ball sa psp. Ewan, yung pagkaisip-bata ni Sweetie napunta na sa kanya. "Hindi kaya nagka-amnesia si Sweetie kaya ganun?" "Ewan ko." ang tipid pang sumagot. Tae. Dame nga nagkakagusto dyan, eh. Mahilig sa mga misteryoso ang mga babae ewan ko ba. "Teka tigilan mo muna yan." Masyadong focus sa psp, eh. "Naisip ko lang na baka gano'n yun kaya todo refuse siya sa'tin. Malay mo may kumupkop sa kanya noon? Ayaw mo bang sabihin natin kina tita Althea 'to?" "'Wag." sumeryoso ang mukha niya. Ayan na ang nakakatakot niyang aura. Kahit kaibigan ko 'to natatakot din ako sa kanya. Pero hindi ako bakla! "Bakit? Ayaw mo ba no'n? Siguradong matutuwa sila kapag nalaman nilang nandito si Sweetie!" tumigil siya bigla sa paglalaro. Nakatingin lang siya sa screen. Ito na nararamdaman ko na. Nasa level two na siya! Nakakatakot, tae! "Hindi mo mapapaamin ang ayaw umamin." Seryoso at nakakatakot niyang sagot pagkatapos ay bigla siyang tumayo sabay umalis. Ano daw? Ba't 'di ko nakuha? Wala yata akong natututunan sa klase, pocha. Saka ko lang na-realize na iniwan na nga pala niya ako. 'Langya bakit ba ako iniiwan ng mga 'to?! ~*~ Love/Sweetie Hay. Wala na naman si Lee. Paano ba naman mga grade conscious yung mga ka-group niya. Lunch time na kasi at sabi niya sa room na lang daw sila kakain ng mga groupmates niya. Okay lang naman sa'kin yun kasi importante naman yung ginagawa nila. Kaso nga lang baka pagtripan na naman ako nung trio. Lalo pa't may nareceive kaming threat kahapon sa may locker. Inagahan kong konti sa pagpunta sa canteen para makabili ng food. Sa rooftop na lang ako kakain. At least doon walang mang-ti-trip sa'kin. At tahimik pa! Pag-akyat ko, maaliwalas ang langit. Umupo ako na naka indian sit at sinimulang kainin ang burger. "Meow.." Hala, may pusa sa tapat ko. Ang cute! Lumapit ito sa'kin tsaka hinimas niya yung pisngi niya sa side ng legs ko. "Ang cute mo naman," kuting pa lang siya tapos pure white. Blue yung mata niya. Ang cuuute! Binitiwan ko yung burger ko saka ko kinuha yung kuting at inakay ko sa kamay ko. "Ang cute-cute mo naman. Sa'kin ka na lang, ha?" gusto ko siyang iuwi. Kaso baka may nagmamayari sa kanya, eh. Pero wala din siguro kasi nasa roof top siya. So, ibig sabihin dito siya nakatira. Kaso kuting pa, eh. Baka nandito yung nanay niya. Kinamot-kamot ko ang leeg niya at gustong-gusto naman niya. Ang cute talaga. Napangiti ako sa kanya. "Bibigyan kita ng name. Ikaw na ngayon si Queenie." hinimas niya ang pisngi niya sa kamay ko. Wee! Gusto niya! Bagay naman niya, eh. Kinuha ko sa bag yung bracelet ko na may Letter Q sa gitna. Sakto naman na binili ko pa yan sa Paris kasi ang cute-cute kahit wala namang connect yung Q sa'kin. Pero this time, mayro'n na. "Araw-araw na kitang babalikan dito, ah." isinuot ko sa leeg niya yung bracelet. Ang cute niya talaga. "Meow.." Pagkatapos kong kumain, bumalik na ulit ako sa room. "Eww, nandyan na pala si dirty girl. Kung saan saan na lang nilalagay mga undies niya." pagkapasok ko sa room, bulungan ang lahat. Anong nangyayari? "L!" si Lee. Tumatakbo siyang lumapit sa'kin. Nasa pintuan pa lang kasi kami. "Bakit Lee? May nangyari ba?" "Oo. Sobrang hindi ka makakapaniwala sa makikita mo. Halika!" hinila niya ako at tumatakbo kami ngayon sa hallway. Lahat ng madaanan namin pinagtatawanan kami. O ako? Yung iba nagbubulungan. Ano bang nangyayari? Pagdating sa may flagpole, dun ko nalaman ang sagot. Ang daming estudyante ang nakatingin sa itaas ng flag. Gusto kong sumigaw sa galit. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit, hiya, at kaba. Ano bang ginawa ko sa kanila at ginagawa nila sa'kin ito? Nakasabit lang naman ang kulay itim na panty ko sa flag l! Yung bra ko naman ay nasa ibaba ng aking panty. Tapos yung blouse ko tapos yung skirt ko. Naalala ko na. Yung damit ko na kinuha nung isang kumag kahapon. "L," hinawakan ni Lee ang kamay ko. Nginitian ko lang siya na nangangahulugang okay lang ako. Pero sa kaloob-looban ko, gusto kong manakit ng tao. Lechugas! Grrr! Binitawan niya ang kamay ko nang mahagip ng mata niya ang trio na tumatawa habang nakatingin sa flag. Ss isang iglap, nawala na lang si Lee sa tabi ko at nakarinig na lang ako ng malakas na sampal hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. "AT MAY GANA KA PANG TUMAWA DIYAN?! SA TINGIN MO BA MAY NAKAKATAWA, HA?! E KUNG YANG BRIEF MO KAYA ISABIT KO SA FLAG?! PATI 'YANG BIRD MO ISABIT KO NA DIN?!" nagtawanan ang lahat ng nakarinig sa sinabi ni Lee. Sobrang pulang-pula naman ang mukha ni Lui sa narinig at mas mapula yung sampal ni Lee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD