Love/Sweetie "Love, nakakairita talaga siya! Alam mo yun? Gusto ko siyang sunugin ng buhay sa pinanggagawa niya sayo." Na-i-imbyernang reklamo ni Lee. Gigil na gigil siya kay Lui. Pigil na pigil pa. "Just let them do whatever they want to do. Ngayong alam na nilang hindi ko na sila papatulan, siguro titigilan na nila ako." I closed my eyes and took a deep breath. Nandito kami sa corridor at naglalakad papunta sa kanya-kanya naming classroom. And it made me sad dahil hindi ko kaklase si Lee ngayon kaya sabay na lang kaming naglalakad. Nakakapagod palang magpigil ng inis. Nakakainis na kasi ang trio, eh. Saan naman kaya nila nakuha ang 'trio'? Siguro dahil sikat sila? Sila ang mga sikat dito sa Paradise U, eh. But the fact that they are getting in my nerves, alam kong sumosobra na tala