~~Five~~

2162 Words
Sweetie Nasa pintuan pa lang ako ng room dinig na dinig ko na ang mga usapan sa loob. "Ang sama pala niya. Kung ano ikinaganda niya, siya namang ikinasama ng ugali niya." "B*tch siya, girl." 'Di ko na lang pinansin. Baka makasabunot ako ng ipis ng wala sa oras, eh. Biro lang. Hindi ko kayang gawin iyon. Umupo na lang ako sa upuan ko ngunit nagulat ako dahil parang may naupuan akong basa kasi may kung anong malagkit ang dumikit sa skirt ko. Nung tumayo ako may nakita akong kulay pulang liquid. Waaa, ano 'tooo?! "Hala, kadiri naman 'di alam kung kailan siya may dalaw," pinagtawanan ako ng lahat. Namula ako sa hiya. Alam ko na kung sinong may kagagawan nito. Yung trio! Bwiset naman eh! Wala naman akong ginagawa sa kanila bakit nila 'to ginagawa?! Fuu... Ang aga-aga naninira na sila ng araw! Nagmamadali akong makapunta sa restroom. Habang naglalakad ako--wait hindi man nga lakad, eeh, halos patakbo na. Pinagtatawanan ako ng mga tao na madaanan ko. Paano ba naman may red paint lang naman ako sa pwetan ng skirt ko na parang dugo. Bwiset paano ko 'to matatanggal? For sure permanent paint 'to. Grr! Ang masaklap, wala akong sobrang damit sa locker. Tsk. No choice, uuwi na lang ako. 'Di ko na lang papasukin ang first subject ko. "L!" si Lee. Lumapit siya sa'kin. "Oh, Lee sorry pala, ha. Kailangan ko munang umuwi, magpapalit lang ako." "Bakit?" pinakita ko yung likod ng skirt ko. "Natagusan ka! Wait, ang OA naman ng color. Masyadong red parang fake. Anong nangyari?" "Mamaya ko na iku-kwento kailangan ko pa kasing magpalit, eh." "'Wag ka ng umuwi may dala akong isa pa sa locker ko. Let's go, baka malate pa tayo." Pinahiram ako ni Lee ng skirt niya. Buti na lang talaga naka-shorts ako sa loob kung hindi baka kapag pinagtripan na naman ako ng trio siguradong mas kahiya-hiya kung kita yung panty ko. Err. Oo nga pala classmate namin si Gino sa first class. Naalala ko na naman tuloy yung tingin niya sa'kin. Ang seryoso niya, nakakatakot. Saka alam niyang ako talaga ito. Ako lang talaga ang matigas sa pagpapanggap. Ginagawa ko lang naman ito para sa kanila, eeh. Ayoko namang madamay pa sila. Hindi na tumahimik ang buhay ko simula noong mangyari ang lahat last two years ago. Palaging may nagmamanman sa'kin ngayon. Mararamdaman mo naman yun, eeh. Ignorante ka na lang kung hindi mo mararamdaman. I'm just protecting them kaya ko 'to ginagawa. Saka ako pa din naman si 'to, si Sweetie. Ako pa din yung Sweetie na kilala nila. Hindi talaga ako nagbago. Sadyang mapait lang talaga ang tadhana kaya naging ganito ako. Kahit ginaganito ako ngayon nina Lui, hindi ako magpapatinag. Lalaban ako! Kung makulit sila, pwes mas makulit si Sweetie! Ipapakita ko sa kanila na ako pa din si Sweetie. Pero syempre, hindi ako aamin na ako 'to. They want war? Then let's begin the war! Pagpasok namin ni Lee sa room, nandito na din pala si Gino. Grabe makatingin sa'kin akala mo nakakasuka yung mukha ko. Grr. "Nandito na si Miss Harina!" napatingin lahat sakin at pinagtawanan ako. Nakakainis yung sumigaw na yun! Nilapitan ko nga. "Sinong miss harina?" matapang kong sabi pero halata naman na di nakakatakot ang pananalita ko dahil malumanay at soft ang aking boses. Pero kahit na! Akala niyo, ah! Hinarapan ko yung lalaking sumigaw. Tiningnan ko siya na akala mo mangangain ako ng tao. "Ako bakit? Papalag?" mayabang niyang sabi. Parang nanghahamon pa ng away ang kumag. Tumingin ako kay Gino. Nanonood lang siya samin ni kumag. Parang bored siya sa panonood samin. Ha! Tignan mo ang gagawin ko Gino. Ipapakita ko sa inyo na hindi ako natatakot sa inyo! "Hindi ako papalag." Wika ko. "Dapat lang!" "Bakit naman ako papalag kung hitsura mo pa lang mukha ng talunan? Kawawa ka naman kung papatulan pa kita di'ba?" ngumiti lang ako na parang naaawa ako sa kanya at pagkatapos umupo na ako. Nag "Ooooh.." ang karamihan sa mga kaklase namin. Buti naman at kahit papaano may kumampi sa'kin. Umuusok sa galit yung kumag. Sorry kuya 'di ko naman gustong gawin yun. Kailangan ko lang ipakita kay Gino na kahit ano pang gawin nila sa'kin, hindi ako basta basta magpapatalo. And speaking of Gino, bigla siyang tumayo. Nagsipagtahimik ang lahat. Nagulat ako kase pumunta siya sa harapan ko. Yumuko siya kaya ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ang seryoso ng titig niya. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Waaaa bumilis ang t***k ng puso ko. "What a show. Mukhang hindi pala basta-basta ang kaaway ng trio. We'll see kung hanggang saan ka tatagal." he smirked. Nakakainis yung ngiti niya. Akala mo naman magpapatalo ako. No fudging way! Siya nga pa rin talaga ang hari at kilabot dito. This time, he's become more powerful. Nawala yung paralysis na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya at napalitan na parang pagyayabang. Lumapit din ako sa kanya. Sige, magsukatan tayo ng tingin. "Sure. I'm not weak like you." I even smirked. Pero nakakainis ang ngiti na binibigay niya ngayon. Gusto kong lamutakin! "Don't you dare call me that. Hindi mo alam kung sinong binabangga mo." "Well, lahat ng binabangga ko, namamatay." and I showed him my evil grin. Uwaaa! Ang pangit ko! "Humanda ka." lumayo na siya saka bumalik sa upuan niya. Medyo kinabahan ako doon sa sinabi niya. 'Di naman ako seryoso dun sa sinabi ko, eeh. Sinabi ko lang yun para isipin nila na hindi ko sila aatrasan kung pagtitripan nila ako para layuan na nila ako. Hay, ano ba itong pinasok ko. Pagkatapos ng klase dumiretso na ako sa gym. Maliligo muna ako. Amoy pintura na ako, eeh. Dumikit na sa'kin yung amoy. Sinampay ko sa pinto ng cubicle ang uniform at panloob ko. Isusuot ko na lang ulit yung hiniram kong skirt kay Lee. May dala naman kasi akong blouse saka undies. Pagkatapos kong maligo, pinaikot ko sa katawan ko yung towel. Pagkaharap sa pinto, "Nasaan mga damit ko?!" Waaaaaa! Yung damit ko! Paano na ako nito?! Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito! Pagkabukas ko ng pinto ng cubicle, "Ikaw?! Ibalik mo nga mga damit ko!" si kumag! "Sorry ka. Kung hindi mo ako pinahiya kanina, may damit ka sana!" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Sexy." "Bastos!" Tumawa siya. "Kawawa ka naman. Tignan natin kung makalabas ka pa," dinala niya palabas ang mga damit ko. Waaaa! Yung damit ko! Paano na 'to wala akong masuot. Humanda sa'kin ang kumag na yun, sinusubukan nila ang pasensya ko! Sumilip ako sa malaking pinto ng gym. Konti na lang yung mga tao sa labas. Kailangan kong makapunta sa parking area. Uuwi na lang ako. Wala na akong damit dito, eh. Saka umalis na si Lee kasi may gagawin daw sila ng kagrupo niya sa isang subject. Sakto pa namang battery empty ang phone ko. Biglang may sumipol mula sa loob ng gym. Nanigas ang buong katawan ko. Pagharap ko sa loob ng gym, yung varsity ng school nandito. May praktis! Waaaaa! "Sexy!" sigaw nung isa tapos tawa sila ng tawa. Ang dami nila tapos puro pa mga lalaki. Namumula ang buong katawan ko sa hiya. Ang daming flash ng camera. Gusto ko maiyak. I feel humiliated. Napansin kong nagbublurred yung paningin ko dahil siguro sa luha. Naiinis ako. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to? Natahimik sila bigla nang may tumabi sa'kin at naglagay ng varsity jacket mula sa likod ko. Mukha silang takot sa taong katabi ko ngayon. "Labas!" ang bossy niya. Nagsilabasan naman agad yung mga magpapraktis. Para silang mga takot na tutang sumunod sa amo. Tinulungan na naman niya ako. Ilang beses na niya akong tinutulungan simula ng mag-aral ako dito. Akala ko ba humanda ako? Eh, bakit niya ako tinulungan? "Bakit ka nandito?" tanong ko. "Wow, thank you, ah, nandito ako kase tinulungan kita." ang sarcastic! Kainis! "Thank you, ah! Ayan masaya ka na?" tsh! Kung inaakala niyang kailangan ko siya nagkakamali siya, 'no! Ngumiti lang siya at ibinulsa ang dalawang kamay niya. "'Wag kang mag alala huling beses na 'to. Humanda ka na bukas." ang simple ng pagkakasabi niya, yung bang parang nakikipag usap lang siya sa isang friend gano'n. Pero kinabahan ako. Buti na lang malaki yung jacket na ibinigay niya kasi hanggang legs ko siya. Hindi naman ako napansin na walang damit sa loob kasi malaki naman yung jacket. Sinuot ko yung flat shoes ko para kunwari naka-uniform ako sa loob ko. Pero pinagtitinginan pa din ako at pinagtatawanan kasi narinig ko sa iba na pinost sa sss yung picture ko na nakatowel lang. Bwiset talaga. Gusto ko ng tahimik na buhay. Yun lang naman, eh. Kung pwede lang mag-transfer ginawa ko na. Kaso si Tristan kasi. Hay. Pagkauwi sa condo, kaagad kong binuksan yung sss. Pagkaopen na pagkaopen ko pa lang sa Home, yung picture ko na nakatowel ang agad kong nakita. Trending na nga sa buong school, eh. Nakakainis yung kumag na yun! Kung hindi lang niya kinuha yung damit ko wala sanang picture na to! Humanda siya sa'kin bukas. Hindi pa kami tapos. Ini-scroll down ko ang mouse. Ang daming likes nung picture. 345 likes. Ang dami ding comment. Yung mga boys puro "sexy!" "ganda!" "pwedeng ikama!" etc. Yung mga babae puro b*tch!, grabe siya di niya gngmit sa tama yung gnda nya, etc. Pakiramdam ko ang baba ng dignidad ko. Yung p********e ko. Wala naman akong ginagawa sa kanila, eh. Nakakainis sila. Wala naman silang alam. Ayoko ng ganito, eh. Hindi ko na lang siguro sila papatulan. Kahit yung trio. Kapag nanahimik ako siguro titigilan na nila ako. Kasi kapag pinatulan ko pa, gaganti sila at hindi na matatapos kase gantihan na di'ba? Natulog na lang ako. Kaysa naman magpakalugmok ako, di'ba. Nagising ako sa alarm clock ko. Naalimpungatan ako. Umaga na pala? Gusto ko pang matulog. Pinatay ko na yung alarm clock. Nawala na ang aking antok. Naisipan kong maligo na lang saka nag-ayos at kumain. Papasok na ako sa school. Nang mag-lunch time, sabay kami ni Lee kumain. "L, sorry kahapon, ha. Hindi ko alam na pinagpipyestahan ka na pala dito sa school." na-giguilty tuloy si Lee. Sumubo ako ng lasagna. "Okay lang. Hindi na lang ako lalaban para tigilan na nila ako," ngumiti na lang ako sa kanya. Wala naman siyang kasalanan, eh. "Basta, ha. Dapat lagi na tayong magkasama para di ka na nila guluhin." "Hindi naman tayo classmate sa ibang subject eh. Pero salamat Lee, ah." "Wala yun. Wala pa nga akong nagagawa, eh." Magsasalita pa sana ako nang maramdaman kong nabasa yung likod ko. Pagtingin ko sa likod ko, isang lalake. Pangalan niya Lui. "Oops, sorry, ah. Nadulas kamay ko, eh," halata namang sinadya niya yun, eh! Grr! Stop, Sweetie. Maghunus-dili ka! Hindi dapat ako lumaban para tigilan na nila ako. Kalma. Chill. Tumahimik ang lahat ng nasa loob ng canteen na akala mo naghihintay ng susunod na mangyayari. Huminga ako ng malalim. At tahimik na sumubo ng lasagna. "Whoa. Anong drama yan Sweetie? Natatakot ka na ba?" kainis, pasalamat ka kaibigan kita kung hindi kanina pa kita tinapunan ng lasagna para magising ka sa ginagawa mo, Lui! Ang daming nagtatawanan sa canteen. Kasama niya sina Rio at Gino. Grabe, naiinis ako, gusto ko silang pag-uuntuging tatlo. Biglang tumayo si Lee. At mabilis na nangyari ang lahat pero nasilayan naming lahat ang nangyari. Nilapitan niya si Lui at pagkatapos tinapunan ng juice sa mukha! "What the!" gulat na gulat si Lui. "Sorry ah, 'di ko sinasadya. Paharang-harang ka kasi sa daan, eh. Tara L, alis na tayo. May insekto kasi sa harapan ko." Nagtawanan muli ang lahat. Si Lui umuusok na ang ilong at tenga sa sobrang galit. Kahit ako natawa. Pero 'di ko pinahalata. Umalis kami ni Lee at pumasok na sa klase. Grabe rin pala itong si Lee. Pagkatapos ng klase, nagpunta kami sa locker room. "You know what L, dapat lumaban ka kanina. Nakakainis yung lalaki na yon! Akala mo kung sinong gwapo. Oo gwapo nga wala namang utak!" inis na inis siya kay Lui. "Ayoko na lang kasi ng gulo, eh. Kasi 'pag pinatulan ko, gaganti ulit sila. Hindi na matatapos." Huminga siya at pinat ang balikat ko, "Basta sa susunod na gawan ka pa nila ng 'di maganda, confront them. Huwag mong hayaan na ganyan na lang. Kase ako mismo ang magpapatumba sa kanila." "Paano mo naman sila patutumbahin?" "Simple lang, susuntukin ko sila sa mukha." nagtawanan kaming dalawa. Adik din itong si Lee, eh. Astig siya. Walang kinatatakutan. Ang gaan ng loob ko sa kanya kaya feeling ko best friends na kami. "L, sinong naglagay nito?" may tinuro siyang red na sticker na letter X sa pinto ng locker niya. "Ewan." pumunta ako sa locker ko. Wait. "Lee, meron din yung locker ko." kinabahan ako bigla. Pagbukas ko ng locker, may nahulog na papel. Kinuha ko yun at binasa. Humanda ka Love Salvacion & Lee Montemayor. Nagsisimula pa lang ang lahat. Mas lalo akong kinabahan. Wrong move ka Lee. Pati ikaw damay na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD