~~Four~~

1974 Words
Gino Didi! Gising na! Didi! Gising na! Didi! Gising na! Napamulat ako ng mata sa sigaw ng isang bata. Ah, yung alarm clock ko pala sa phone. Ginawa ko nga palang alarm tone ang boses ni Jerome. Yung mabagal niyang boses noong bata pa siya. Umupo ako sa kama at nag-unat ng katawan. Humikab pa ako dahil ramdam na ramdam ko pa sa ulo ko kung gaano ako kaantok. Pero nawala ang antok ko nang mapansing wala sa tabi ko si Jerome. Kumurap-kurap pa ang mata ko at pagkatapos ay nanlaki na parang tarsier. Nasaan ang batang 'yon?! Mabilis akong napatayo at lumabas ng kwarto. Wala siya sa sala. Wala rin sa kusina! May narinig akong buhos ng tubig ng shower sa banyo. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang batang naliligong mag isa. "Di! Ako nang maliligo mag-isa! Kaya ko na, oh!" Masaya niyang sabi habang shinashampoo ang kanyang buhok tapos ginawang shark yung buhok niya. Hay. Akala ko napano na siya. Naliligo lang palang mag-isa. "Sige, sige. Bilisan mong maligo, ah. Baka sipunin ka." Nakangiti kong. Nag-salute naman siya sa'kin. "Yes, Di!" Nang matapos na siyang maligo, ako naman ang sumunod. Sabay kaming nag-almusal at hinatid siya sa Daycare. Pero bago ko siya pinapasok sa loob ay sinabi kong kay Dad muna siya matutulog ng mga ilang araw. Nagtext kasi siya sabi, na-miss daw niya ang apo niya. Though alam niyang ampon ko lang si Jerome, tinuturing siyang parang totoong apo ni Dad. Dahil Jerome kaya nagkasundo kami ni Dad, eh. Mahirap talaga kasing patawarin si Dad sa mga ginawa niya sa'kin. Pero dahil sa tulong ni Jerome, nagkasundo kami. Pagkapasok ko sa room, tumambad sa'kin ang pigura ni Cezzie. Panigurado wala na namang siyang magawa kaya nandito siya. "Gino, bakit wala kang sinasabi sa'kin, ha?" Nakataas ang kilay niyang isa. Kumunot naman ang noo ko. "Ah? Anong pinagsasabi mo? Bumalik ka na nga sa room mo pakalat-kalat ka. Tss." "Hmp! Nakakainis ka, y'know! Bakit hindi mo sinabing umuwi na pala si Al galing U.S.?!" Nagtampo na naman ang babaeng ito. Oo nga pala, okay na rin kami ni Cezzie. Alam na kasi naming lahat na si Al ang gusto niya. Nahuli kasi namin siya nung isang araw noong nakaraang dalawang taon umiiyak siya sa likod ng isang building sabi, 'gusto talaga kita, Al. Sana bumalik ka agad chuchu ek ek.' Nakakatawa siya non, grabe. "Oo, umuwi na siya. Gusto mo sabihin ko sa kanya yung nangyari sa likod ng buildi--" tinakpan niya bigla ang bibig ko at sumigaw ng, "Shut up! Subukan mo at makakatikim sa'kin!" Inalis ko ang kamay niya at tumawa ako ng tumawa kasi namula siya ng sobra. Siguro kung hindi ko pa rin kayang kontrolin ang galit ko, malamang nasapak na 'to sa'kin. "Guilty! Oo na sige na baka kainin mo ako ng buhay dyan." Tawa ko pa ding sabi. "Talaga! Chupi nga!" Tinabig niya ako at lumabas na siya ng room. Grabe, napakasadistang babae. Psh. Bago pa ako mag-step forward papasok sa room, natigil ako sa paglalakad. Yung tipong nakita mo ang super star? Si Sweetie classmate ko pala?! Nabato na naman ako sa kinatatayuan ko. Kanina pa kaya niya ako pinagmamasdan? Wiw, assuming na nomon. Potek 'yan. Kunwari hindi ko na lang siya nakita. Medyo malayo naman kasi siya sa upuan ko. Nasa bandang dulo siya malapit sa bintana samantalang sa tabi ako ng pader malapit sa ikalawang pinto sa likod. So pareho kaming nasa likod ang kaso nga lang nasa bandang left siya at sa right naman ako. Anak ng bokya napatingin ako sa kanya. Tapos siya din nakatingin sa'kin! Waaa, nagsmile pa! Siyempre ako hindi. Bigla na lang akong dinapuan ng hiya at automatic na napayuko ako. Oh, di'ba ang weak? Sumilip ako sa kanya habang nakayuko ako. Parang nadismaya ata siya sa ginawa ko. Halatang wala pa siyang kakilala dito kasi walang lumalapit sa kanya. Ang ganda naman niya kaso ewan ba sa mga kaklase ko ba't di siya nilalapitan. 'Yon! May utak ka pa din pala, Gino! Ikaw pa lang ang nakausap niya. Ikaw pa lang ang kakilala niya. E di lapitan mo na! Okay, kausap ko na naman ang sarili ko. Kaso daig pa ni Flash ang aking kahihiyan, inunahan na naman niya ako. Hay. Dumating na ang professor namin. Dumaan ang oras na walang gaanong ginawa kundi makinig. Nakakaantok nga, e. Para ka niyang pinanghehele ng boses niya. Okay lang kamukha naman siya ni jiglypuff. Tumingin ulit ako kay Sweetie, nakikinig lang siya. Napansin ko yung mga kaklase kong lalaki, ayooon! Sulyap mode kay Sweetie. Psh. Kainis bakit kasi hindi niya ako maalala. Natapos ang klase na nag-uunat ang iba samin kagaya ko. Nakakaantok talaga kasi. Sa wakas ay may lumapit na babae kay Sweetie. Transferee din. Hindi kasi uso samin ang nagpapakilala sa harapan kaya di namin kilala ang mga baguhan. Na-relieve na ako kahit papano kasi mukhang may kasama na siya. Sa ngayon, mag-iisip muna ako ng paraan kung papaano niya ako maaalala. Ayoko kasi siyang pilitin. Kasi naisip ko rin na baka dahil sa pagpapagamot niya sa ibang bansa ay nagkaroon ito ng side effect. O di kaya naman, eh nagka-amnesia? Wag naman sana. Basta, kailangan malaman ko ang lahat ng nangyari. At kailangan niyang maalala na mahal namin ang isa't isa. O baka ako na lang pala ang umaasa? ~*~ Anne Lee Montemayor Dahil irregular student ako, iba-iba ang section ko. Hay... ang hirap maging irregular student! But I need it kasi no choice na ako, eh. Wala pa akong kakilala kasi first day ko pa lang sa Paradise U. But I think the girl at the back is new here, too. Walang anu-ano pa ay nilapitan ko na siya after ng klase. Halata kasing wala siyang kasama like me. "Hello," nakangiti kong bati sa kanya. She's beautiful. She looked at me and then smiled, "Hi." "I'm Anne Lee Montemayor. Bago lang ako dito and I think ikaw din? Okay lang ba kung magsama muna tayo?" Mukha kasi siyang mabait. Nararamdaman ko kasi na hindi gaanong friendly sa mga transferee ang mga students dito. Sana pumayag siya sa alok ko. "Oo naman. I'm Love Salvacion. You can call me L." Nakangiti niyang sabi. Walang anu-ano, napayakap ako sa kanya. "That's great! Tara, kain na tayo ng lunch. Excited na tuloy akong makipagkwentuhan sayo." My golly, lumalabas na ang pagkamadaldal ko. Well, that's me, eh. Hindi ko na mababago pa 'yon. Friendly naman talaga ako kaya madami akong kakilala sa former school ko. But here? Mukhang mahihirapan akong makisama sa mga tao dito. Pumunta kami ng cafeteria. At first, naligaw kami pero buti na lang may map sa likod ng handbook kaya nahanap rin namin. Nang maka-order na kami ng food ay umupo na kami sa may bandang dulo. Crowded na kasi lunch time na. "So, L, bakit ka pala nagtransfer dito?" Panimula ko. "Hmm, sabi kasi ng boyfriend ko dito daw ako mag enroll. I don't know why." Sagot niya ngunit naiwas ng tingin. I don't think she has a boyfriend. Hindi ko maiwasang hindi mapakunot ng noo. Hindi ko naman siya totally kilala, siguro ay hindi na dapat ako magtanong pa ng mas malalim. "May boyfriend ka na pala? Siguro napakagwapo niya. Kasi you're so beautiful, eh." Natawa siya, "Hindi naman." "Nasaan siya? Dito rin siya nag-aaral?" "Nope. Nasa Paris siya. Sa Paris ako nag-aral. Gusto niya kasing umuwi sa Pinas pero dahil naoperahan siya, kailangan muna niyang magpahinga bago bumyahe. Pinauna na lang niya akong umuwi muna." "Aw, ganun ba. Kapag umuwi na siya ipakilala mo siya sa'kin, ha? Kasi simula ngayon, friends na tayo, right?" natutuwa kong sabi na nginitian naman niya. Nakikita ko sa kanya na gusto niya rin ang sinabi ko kaya mas lalo akong na-excite. Makulit na kung makulit. "Of course." She smiled. "I'm gonna call you 'Lee'." "Sounds cute. So we are the L sister." Grabe, ang cute naman ng friendship namin. Nang matapos na kaming kumain, naisipan kong mauna, may isang subject pa kasi akong papasukan. Nagpalitan na kami ng number ni L para kung sakaling may gagawin or what, madali naming ma-contact ang isa't isa. ~*~ Gino Saktong papunta akong locker room para kunin ang T-shirt ko nang may mapansin akong babaeng naglalakad papunta din dito. Si Sweetie! Naiihi ata ako. Bigla akong kinabahan, eh. Easy man! Nakakatawa lang dahil kapag nakikita ko siya noon banas na banas ako at kahit wala pa siyang ginagawa ay gusto ko siyang i-flying kick, pero ngayon... napabuntong hininga na lang ako at napangiti habang nakatitig sa kanya. Nang makalapit siya, five lockers lang ang pagitan ng locker niya sa locker ko. Napatingin siya sa'kin at ngumiti na dahilan para matunaw ang mga tuhod ko, pagkatapos ay pinasok na niya sa locker ang mga libro niya. "Love." Tawag ko. Ito na. May plan A ako. Siyempre I have to do something at baka mawala na naman siya. Ito na ang opportunity ko para gawin ang plan A. Tumingin siya. "Yes?" "Uhm... I'm just thinking if you already have new friends here?" "Oh. Yes, I already have. She's a transferee too." Oo alam ko yun. Nakita ko nga kaninang nilapitan siya di'ba? "Ah. Good to hear that. Uhm, may pasok ka pa ba?" Ito na, ito na... Nag-isip siya. Katulad pa rin siya ng dati. Kapag nag-iisip siya ay nakatingin siya sa malayo na parang may pinipili siya sa isipan niya. "Wala na." "Ah... So, pwede ka ba ngayon? Kailangan ko kasi ng tulong mula sa mga transferee. Gagawa kami ng article at may isang topic na tungkol sa mga transferee. Pwede ka ba?" "Ah, o sige." YES! One point! Nagpunta kami sa office at kaagad ko ng sisimulan ang plan A. Ayoko ng magpatumpik-tumpik pa kara-karaka! Yuck! So gay. Naupo siya na kaharap ko. May nakahandang coffee. Siyempre ako ang naghanda. Alam ko kasing mahilig siya sa kape. Dati, noong sa condo pa siya natutulog, lagi siyang nagtitimpla ng kape niya. "Ang bango ng kape. Paborito ko pa naman ito." Two points! "Akong gumawa niyan. Paborito kasi yan nung taong mahalaga sa buhay ko." No hiding of anything ang gagawin ko. Lahat ng alam ko tungkol sa kanya, ipapaalala ko sa kanya. Bigla, naiwas siya ng tingin. Natakpan tuloy yung mata niya kasi yumuko siya ng konti. Hinayaan ko munang tanungin siya kung ano ang masasabi niya tungkol sa Paradise U as a transferee. Kung ano yung likes and dislikes niya, the advantages and disadvantages she could take in Paradise U, etc. at nang matapos, kaagad ko siyang tinanong na, "So Ms. Salvacion, Please kindly read this article." May nilalaman kasi ang article na yun tungkol sa'kin. Gawa yun ni Natalie for this Sem. At sana, may maalala siya kapag nabasa niya iyon. Nang matapos, naisipan kong paalisin na siya. Baka kasi mahalata akong kanina ko pa siya tinitignan habang nakatutok ang atensyon niya sa hawak niya na binigay ko. ~*~ Lee Nang matapos ang klase ko, nadatnan ko pa si L. Palabas siya ng office kaya kaagad ko siyang nilapitan. "L! Oh, ano yan?" kinuha ko yung paper na hawak niya at nakuha agad ang atensyon ko sa picture ng isang lalaki na nasa paper. The so-called Devil is now the Angel of the University. Title ng topic yan sa article. Ito yung USC President, ah. And hindi ko mapagkakailang gwapo talaga siya. "L, read this." Binigay ko sa kanya ang papel at binasa naman niya. Pero yung title lang. "Sa bahay na lang siguro." Sagot niya. Mukhang matamlay siya ngayon, ah. "Anong nangyari, L?" "Wala naman. Mabigat lang ang pakiramdam ko." mahina niyang sabi. Kasabay rin noon ang pagiging low energy niyang paglakad palayo. Is there something going on here? Or should I say, may something fishy ba kay Gino at L? Nagkibit-balikat na lang ako. Wala na rin akong nagawa kaya naisipan kong umuwi na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD