~~Three~~

1624 Words
"What are you doing?!" para akong na-harass sa talas ng pagkakasabi ko. I know I should win an Oscar award for being the best actress of the year. Sa totoo lang, gusto ko rin siyang yakapin. Sobrang na-miss ko sila. Sobra. "Sweetie...ano bang pinagsasabi mo?" hindi siya makapaniwala sa nakikita niya sa'kin sa paraan ko ng pagbati sa kanya. Maybe it did not turn out the way he expected it. "Sinong Sweetie? I don't know what you're talking about." may pagkamataray na sambit ko. Give me the award now. I'm such an actress. Gusto kong kumain ng uod. Pakiramdam ko ang sama ko. Yes, you are. Look at his face. Ani sarili ko. "Ikaw si Sweetie! Ikaw siya!" pagmamatigas niya. There I saw in his eyes the disbelief, sadness, and anger that made me look away from his angry stare. Hindi ko siya kayang tingnan. The hurt was evident on his face. "My name is Love!" sa bawat mga salitang lumalabas sa bibig ko ay siya namang paglatigo nito sa puso ko. I hate seeing them hurting because of me. "Real name mo yun, Sweetie, kaya ikaw si Sweetie!" nagkukumpulan na ang kaklase namin at pati mga katabing room ay nakapasok na din sa room namin. Dahil sa commotion na nangyayari, pumasok na din sina Gino at Rio sa room namin. "Lui anong nangyaya--" hindi na natuloy pa ni Rio ang sasabihin nang makita ako. Para rin siyang nakakita ng multo. These brothers had the same reaction. I wanted to laugh but that wasn't a good idea right now. "Sweetie?!" bulalas ni Rio. "Bro, tama ka si Sweetie nga, ayaw niyang umamin!" parang nagdadabog pa itong si Lui. Gusto ko na talagang matawa. Who wouldn't miss these amazing guys? "Hindi siya si Sweetie. Hindi ganyan si Sweetie," wika ng isang malamig na boses. His coldness was enough for me to feel a shiver dahil sa ginagawa kong ito. Pagkasabi niya noon, lumabas na siya. Si Gino. Yung tingin niya... Ang sakit. Biglang nalungkot si Lui. Pero kaagad rin nagbago iyon at napalitan ng galit. "Dahil ginulo mo ang tahimik na buhay ng trio, humanda ka samin." he finally stated. Teka, si Lui? Kailan pa? Nagbago na nga talaga ang lahat. Mukha siyang bad boy. At ano daw? Humanda ako sa trio? Sila yun, di'ba? Pinili ko na lang na tumahimik. Ang sakit. Yung pamilya ko. Sobrang miss ko na sila. Si Melo... Ang sakit ng lalamunan ko. Pinipigilan kong 'wag tumulo ang aking luha. Everyone stayed silent after that. Ayaw nilang pag-usapan dahil takot sila kay Gino. Iyon ang dinig ko sa kanila. Kayang manakot ni Gino sa pagiging tahimik niya. Nandoon pa rin pala ang mga galawan niyang kapag tinitigan ka niya ng masama, lumalayo-layo ka na dahil masasapak ka. Nandoon pa rin pala ang kanyang mala-halimaw niyang galit. 'Yan ang wika ng iba kong mga kaklase. Napabuntong-hininga na lang ako. At least nalaman ko rin na kaya na niya iyong kontrolin. Pagkatapos ng klase ay nagpunta muna akong main building. Nandoon kasi si Lee. Magpapatulong kasi siya sa Physics kasi pareho kaming meron no'n, tapos pareho pa ng Prof kaya pareho yung lesson na tinuturo. Pagdating ko ay wala pa siya. Kumunotcang noo ko dahil walang tao. Nasaan ang mga estudyante? Yung main building ang pinaka-bonggang building. Parang café. Yung second floor, terrace siya tapos may mga bilog na mesa at may apat na upuan. Sa first floor may big flat screen tv. Nandito lahat ng announcement sa school. May napansin akong tao sa terrace kaya iniangat ko ang ulo ko and when I did, something hit my head, something white and powdery. And then I heard laughter from people around me. Ano to?! Harina?! Dumami bigla yung mga tao. Tawanan silang lahat. I glanced up to see the person who dropped the flour. "Ayan, ang puti mo na!" the guy said, laughing his ass out. Si Lui! Anong nangyari sa kanya? Bakit ang bad niya na ngayon? Pati si Rio tumatawa. Si Gino nakatingin lang sa'kin. Ang seryoso ng mukha niya. "Ayan ang bagay sa mga katulad mo! Pagkatapos ka naming hanapin. Pagkatapos ng ilang buwan na hindi kami makakain, hindi makatulog, hindi makatawa dahil wala ka tapos ito ang isasalubong mo samin?" galit si Lui. Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam ang gagawin. Magpapanggap pa din ba ako? Magkukunwari pa rin ba ako na wala akong alam sa mga sinasabi niya? Anong dahilan bakit ko 'to ginagawa? "I don't even know you. Nor that guy!" tinuro ko si Rio. Nawala ang playful na ekspresyon ni Lui at napalitan iyon ng pagkasuklam. "Grabe ka, Sweetie. Nagbago ka na. Hindi ka na namin kilala. Simula ngayon, hindi ka na din namin kilala. Pero simula din ngayon, hindi ka na matatahimik!" pagkasabi no'n ay umalis na siya. Sumabay naman si Rio. Si Gino, nakatingin pa din siya sa'kin. Ang seryoso niya. Nakakatakot. Malapit na siyang magsuper saiyan pero kitang-kita ko kung paano niya iyon napipigilan. Noon kapag galit siya sa'kin ay may bukol na ako sa ulo dahil sa sapik niya. Noon sisigawan niya ako kasi may ginawa akong ayaw niya. Mas gusto ko pang gawin niya ang mga 'yon ngayon kaysa sa tahimik siya. Mas masakit kapag hindi mo alam kung anong nasa isip ng taong 'yon. "Grabe second day pa lang niya kalat na yung pagka b*tch niya, no?" "Ang ganda pa naman niya, mukhang inosente." Nanlumo ako sa mga naririnig ko. Ang sakit ng ganito. Galit sina Lui sa'kin. Dahil sa nangyari ay umuwi na lang ako. Nagpaalam ako kay Lee na bukas na lang ng umaga ko na lang siya tuturuan sa Physics. Humiga ako sa kama ko. Ako lang mag-isa sa condo ko. Pakiramdam ko ang sama ko. Bakit ko ba 'to ginagawa? Bakit ba ako nagpapanggap? Ayoko lang naman na magulo pa sila. Sa totoo lang kasi, hindi maganda ang pakiramdam ko simula noong umuwi ako dito sa Pinas. Pakiramdam ko may sumusunod palagi sa'kin. Ayoko na ulit silang madamay kaya iniiwasan ko na sila. Dahil kapag sinabi ko ang totoo, alam kong madadawit sila kasi tutulungan nila ako. At ayoko nang mangyari ulit ang nangyari last two years ago. Nag-ring bigla ang phone ko. Tristan was calling. I wasn't in the mood to talk to him right now. But I answered it anyway. "Hello?" "Hi, babe. How are you? I miss you." "Okay naman. I miss you too, babe. Uuwi ka na ba dito?" I asked. "Sorry, hindi pa pwede, eh. Hindi pa ako masyadong magaling. Pero uuwi din ako pag magaling na ako." Nalungkot naman ako. "Okay." "Kumusta sa school?" tanong niya. Ayokong sabihing nakilala ako nina Lui. Ayoko munang isipin yung nangyari kanina. Wait, para maiwasan ko na sila, kailangan kong lumipat ng school. "Uhm, babe pwede ba akong lumipat ng ibang school?" Natawa siya. "Hindi pwede." "Pero bakit?" "Basta." tipid niyang sagot. Bakit kaya? Sa totoo lang siya yung nagsabi na sa Paradise ako mag-aral, eh. Hindi ko alam kung bakit, alam naman niyang nandoon sina Gino. I trust Tristan kaya pumayag ako. Pero ako naman ang nahihirapan ngayon. Hindi ko alam kung paano iiwas ngayong nasa akin ang sentro ng atensyon sa buong school. I should fight back. Pero kung gagawin ko naman yun, baka hindi na center baka maging core na. Pinakacenter na yun. Nag-usap lang kami about sa kalagayan niya at pagkatapos ay ibinaba na niya ang phone. Kinabukasan, pagkapasok sa school, umagang-umaga pa lang sira na ang araw ko. Paano ba naman may nagtapon ng balat ng saging sa dinadaanan ko kaya nadulas at nadapa ako. Mabuti na lang nakaflat shoes ako at naka cycling underneath my skirt kasi for sure kita yung panty ko kapag nagkataon. Hahayaan ko na lang silang pagtripan ako ng trio. Basta kailangan maiwasan ko sila. For sure hindi din naman magtatagal at lulubayan na nila ako, di'ba? "Hoy, Sweetie, bawal ang nakaflat shoes dito. Dapat high heels! Six inches!" si Lui. Nasa hallway siya kasama si Rio. Ano bang problema ni Lui?! Palagi niya akong pinagti-tripan! "Bakit ba? Gusto kong mag flats." I did not want to be a b***h but I had to. "Bawal sabi! Tignan mo nga! Nakaheels lahat ng girls dito!" Napatingin naman ako. Totoo nga. Pero may dumaan na isa. Dalawa. Lima. Nakaflats. Tumingin ako kay Lui at tinaasan ko ng isang kilay. "Bawal pala, ha." "Kapag sinabi kong bawal, bawal!" pagmamatigas niya. "Seriously? You're not my dad, why would I even follow you?" I hate being bitchy to Lui. I felt bad for talking to him like this. Lalakad na sana ako nang biglang may humugot ng braso ko. "Seriously? Those five are not students. They are civilians. Female students here are required to wear shoes with heels. And if they are not following this rule? Detention." Si Gino. He was looking at me with disdain. Gino... why? Grabe! Ang harsh nila! Nakakainis na 'to! "Seriously? I didn't read anything like that in the student handbook, so will you please let me go?" I mimicked him. Sige lang, magbangayan tayo. Lalaban ako. Akala niyo, ha. "Gino! Hayaan mo na may plano ako mamaya dyan humanda siya sa'tin!" si Lui. Bwiset, bakit ba ayaw akong tantanan ng mga 'to? Tiningnan ako ni Gino tapos may sinabi siya. "Sinimulan mo ito. Kung hindi ka lang nagpapanggap hindi ito mangyayari. Prepare yourself. There will be war between you and the trio." Kinilabutan ako bigla. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari kung mag-stay pa ako sa paaralang ito. I should talk to Tristan. Gusto ko ng lumipat sa ibang school. Ito lang ang masasabi ko. The trio became bullies. I just hope that Ace, Al, and Bid won't treat me like this kapag sinabi ng trio sa kanila that I'm finally back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD