Love Salvacion
Nakakainis, kanina pa ako sinusulyapan ni Gino simula pagpasok namin sa classroom. Para siyang ewan do'n sa kinauupuan niya. Tinititigan niya ako na akala mo may hiwagang nagaganap sa mukha ko. Pinabayaan ko na lang. Wala naman akong mapapala kung papansinin ko pa, eh.
Nang mag-dismiss si Ma'am Santos ay dali-dali akong lumabas ng room. Ayoko kasing makausap, maka-eye to eye contact, o makita si Gino. Nabasa ko na 'yong binigay niyang article sa'kin. At ang masasabi ko lang ay nagbago na nga talaga siya, and I'm happy for him. At least nag-behave na siya, so there is nothing to worry about. Nakakagaan ng loob malaman na inaayos na niya ang sarili niya. Pero sa katunayan, binabalik-balikan ko pa din sa isipan ko ang ugali niya noon. Alam kong siya pa din iyong taong nakilala at nakasama ko dalawang taon na ang nakalilipas.
Pero yung Gino na nakilala ko, iyong hari at kilabot, iyong siga ng Paradise University, Iyong walang sinasanto, iyong napakasalabahe na ultimo babae sinasapak, lahat ng iyon nasaan na? May kirot sa puso ko nang makita ko ang kanyang mga malulungkot na mata kanina. Gusto kong sabihin sa kanya na ako pa rin itong kutong makulit na nakilala niya. Na nasa katawan na ito ang babaeng binigyan niya ng pag-asang magmahal noong namatay ang nag-ampon sa kanya at palayasin ng mga kamag-anak ng nag-ampon. Nandito pa rin ang babaeng binigyan ni Gino ng pagkakataong magkaroon muli ng pamilya.
Ngunit kinailangan kong isantabi muna sa dulo ng akong isipan ang mga nangyari noong nakaraang dalawang taon.
Alam kong nagulat si Gino sa pagbabalik ko. Ewan ko ba kay Tristan ba't pinauwi pa ako sa Pinas. Basta susundin ko na lang yung sinabi niya na manatili muna dito pansamantala.
"You have to be careful. It's not safe for you there anymore." wika ng boses ni Tristan sa aking isipan.
Pero hindi ko alam kung saan o kanino ba ako dapat mag-ingat.
Everything happens for a reason. Sa loob ng dalawang taon, marami akong natutunan. I met new people, dealt with them na hindi katulad ng G.A.7. It's too different.
Dati para akong literal na kuto dito sa Paradise University dahil irita lahat sa'kin ang mga babaeng nagkakandarapa sa G.A.7. Dati para akong batang baliw na nakikipag-away kay Gino tapos ang kulit-kulit ko pa. Ngayon mukhang hindi ko na 'yon magagawa pa. Hindi ko alam kung bakit. Maibabalik ko pa kaya ang dati? Iyong masayang pamilya na binibigyan ng kahalagahan ang isa't isa?
"Love!"
Nagising ako sa realidad at napatingin sa likod. Naglalakad na kasi ako sa hallway para pumunta sa canteen. Lunch time na kasi, eh. At gutom na gutom na ako.
Si Gino 'yong tumawag sa'kin. Patakbo siyang lumapit papunta sa tabi ko.
"Love, nabasa mo na 'yong article?" nakangiti niyang tanong. Kumunot ang noo ko na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Talaga bang nakangiti sa akin si Gino? Nasaan na iyong matalas niyang titig na akala mo mamamatay ka sa sama ng kanyang tingin? Nasaan na yung mga pagbabanta na papatayin ka niya kapag hindi ka sumunod sa kanya? Best Friend, nasa langit na po ba ako?
Parang okay na okay na talaga siya, eh. Parang walang nangyari last two years ago. Parang ibang tao itong Gino na kausap ko. Hindi kaya may kakambal siya at ito ang mabait?
"Oo." matipid kong sagot. Ayokong mag-usap kami ng matagal. Ayoko siyang makasama. Ayoko siyang kausap. Ayoko na siyang maki--
"Good. So, tara?" anong 'tara' ang pinagsasabi niya? Ayaw ko na nga siyang makasama kahit ilang segundo lang di'ba? I have came up to an idea.
"Uhm, sorry kasi madami pa akong gagawin. Sige ah." lalakad na sana ako, eh. Kaso 'yong tiyan ko kumulo.
Pwedeng mamatay? Pinapahiya ako ng tiyan ko, waaa! Nakakahiya tuloy!
Napansin kong nagpipigil siya ng tawa. Bwiset naman, eh! Bakit sa harapan pa niya?! Ramdam ko tuloy ang pangangamatis ng mukha ko sa hiya.
"Mukhang nagrereklamo na 'yong anaconda mo, ah." pigil-pigil pa 'to ng tawa. Kainis! If I know lalaitin niya ako! At sasabihang, 'obob ka talaga kahit kailan', ngunit nagtaka ako nang hindi iyon lumabas sa kanyang bibig. Hinihintay kong bumulalas iyon sa bibig niya pero mali pala ako.
"Tarang mag-lunch? Wala ka pa namang kasama. Ako pa lang naman kakilala mo, di'ba? Baka kase pagtripan ka ng mga lalaki dyan."
Naka-awang ang bibig ko. Pwede nang dapuan ng langaw. Am I hearing him right? Best Friend naman, eh! Sino po itong kausap ko? Nasaan ang basagulerong Gino? Nasaan ang hari at kilabot ng Paradise University? Hindi ako sanay na ganito siya.
Ibang-iba na talaga siya. Nakakapanibago. Parang ibang tao 'yong kaharap ko. Paano ako makakaiwas kung ganito na siya kabait? Baka isipin pa niya ang suplada ko. O sinasadya niya lang ito at tinatago ang kanyang masama ngunit minahal kong budhi niya noon?
Wait.
Tama! Dapat maging suplada ako. I mean, 'yong masungit mode, para huwag na niya akong lapitan. Yes, Love, that's right!
Wrong. Pero kailangan.
"Hindi naman siguro nila ako pagti-tripan. Sige, mauna ka na lang. Thanks na lang." hindi ko muna siya susungitan ngayon kase wala pa naman siyang ginagawang ayaw ko, eh.
"No, I insist. Sa ganda mong 'yan, mapapansin ka ng lahat." nakatingin siya sa'kin with a smile on his face. Hindi iyong nanlalait na may pagkasarkastiko katulad noon. Hinahanap ko ang malahalimaw na personalidad niya ngunit hindi ito lumalabas. Nilamon na yata siya ng mga anghel at natalo ang mga kampon ng kadiliman na nakapalibot sa kanya.
"Tara." aniya pa. Do I still have a choice? Wala na akong nagawa kaya sinundan ko na lang siya.
He is right. Pinagtitinginan ako. Kami. Ewan. Basta lahat ng mata nakatingin samin. Narinig ko pa 'yong iba na bagay daw kame. Oh no, ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi pwedeng makuha ko ang atensyon nilang lahat. Simula bukas mag-iiba na ako ng kasuotan. Hindi na rin naman ako komportable sa ganito. Nasanay na lang ako noong nasa ibang bansa ako.
"Girlfriend kaya siya ni Gino?" dinig kong sabi ng isang estudyante.
"In fairness maganda, ah. Pang-model ang dating." dinig ko naman sa kabila.
Sa wakas nakahanap kami ng mesa ni Gino. Sabay pa kaming umupo. Magkaharap.
"Ilapag mo na lang ang bag mo diyan. Wala namang kukuha kasi kita naman nilang ako ang kasama mo." at kumindat pa! Langya naman ang gwapo niya. Mas gumwapo siya ngayon kaysa noon. Dati kasi mukha talaga siyang basagulerong gwapo. Pero ngayon para siyang knight in shining armor. Teka, kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko! Waaa!
"Okay." sagot ko. Ayokong maging mabait siya sa'kin. Dapat sungitan ko siya para hindi na magkita yung landas namin!
Pagkatapos kong bumili ng food, binilisan ko ang pagkain ko. Ayoko ng atensyon. Lalo na yung atensyon niya. Basta ayoko nito. Hindi 'to pwede.
At bakit hindi pwede?
Basta hindi pwede!
Okay kausap ko na ang sarili ko. Haish! Anong nangyayari sa'kin?!
"Love? Okay ka lang?"
"Yes." matipid kong sagot.
"Hmm, pagkatapos nito may pasok ka pa ba?"
"Bakit?" ang taray ng pagkakasabi ko. Hindi ko sinasadya. Or so I thought?
"Wala naman." nakangiti na naman siya. Panay ngiti na siya ngayon? Good guy na nga pala siya. Or was he just playing around?
Hindi na ako umimik. Ayoko ng magsalita. Ayoko na siyang makausap. Ito na ang huli na mag-uusap kami. Period!
Pagkatapos kong kumain, umalis na agad ako. Nagpaalam naman ako sa kanya pero cold at tipid na pagpapaalam lang. Simula ngayon cold na ako sa kanya. Para iwasan na niya ako.
Pupunta na lang muna ako sa locker room. Kukuha sana ng book for my next class, ngunit pagkasara ko ng locker ko, may dalawang lalaki ang pumasok. And they looked delinquents.
Nakaka-miss. Ang kaso hindi sila G.A.7.
"Hi, miss." may hitsura. Gwapo. Pero halatang delingkwente dahil sa kulay asul niyang buhok.
Lumapit sila sa'kin. Nasa likod ko ang locker ko, na-corner ako. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko, but I did my best to hide it.
"May kailangan ba kayo? Kung wala aalis na ako." aalis na sana ako nang bigla akong hilahin pabalik ng isa. May piercings siya sa gilid ng labi at sa isang tenga niya.
"Don't. I'm not done talking to you." may tono ng pagka-asar sa boses ng blue-haired guy. Nakatitig ako sa kanila ngunit naba-blangko ako. Anong gagawin ko? Pinanlalamigan ako ng pawis sa sobrang kaba.
"May klase pa ako kailangan ko nang umalis." I tried my best to sound firm ngunit may halong kaba at kaunting takot.
"What if ayaw ko?" the guy with piercings asked with a cocky smile.
"What if sinabi kong bitawan mo siya?" napatingin kaming tatlo sa taong nagsalita mula sa likod nila. Nakita ko kaagad ang taong iyon dahil nakaharap ako sa kanya.
"G-gino, ikaw pala. W-wala may sinabi lang kami kay miss beautiful. Tara na, Drake." said the blue-haired guy. Para silang nakakita ng multo sa pagsulpot ni Gino. Patakbo silang umalis na dalawa.
At doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.
"Love? Okay ka lang ba?" nilapitan niya ako. Worry was plastered on his face.
Paano ako makakaiwas sa kanya kung palagi niya akong didikitan? What should I do? Nakakainis naman kasi si Gino, eh! Ayaw ko lang na mapalapit ulit sa kanya kasi...
"Tara, hatid na kita sa room mo. Baka pagtripan ka na naman." Seryoso niyang sabi. Nabuhayan ako ng loob dahil nakita ko ang Gino na palaging nagliligtas sa akin sa mga masasamang tao.
But I sighed, mentally. Wala na naman akong nagawa sa kanyang gusto na ihatid ako kaya sumunod na lang ako.
"Saan ang room mo?"
"Sa SD 405."
"Saint Dominic building? Doon din ang room ko. 406." pagka-minamalas ka nga naman. Hay! Eh, 'di lagi ko na siyang makikita?!
"Oo. Uhm, thank you pala sa pagdating mo kanina." nahihiya na naman ako. Siya na ang kasama ko simula pa kanina. Tapos kapag kasama ko siya pinagtitinginan kami.
Pumasok na ako sa room pagkahatid niya sa'kin. Katabing room ko lang naman siya, eh. Tahimik lang ako habang naglalakad kami. Ayoko nga kasi siyang makausap, di'ba? Bumabalik lang yung sakit sa puso ko noon.
Pagkaupo ko sa napili kong upuan sa may likuran, may isang lalaking dumating. Estudyante din. Pangalan niya...
"Lui!!!" sigawan ang mga kaklase ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko at hindi makaimik sa pwesto ko.
Classmates kami?!
"Grabe, ang ingay ng klase na 'to." sabi niya tapos kinati niya yung loob ng tenga niya. Tilian yung mga girls sa kanya. Ang gwapo, eh.
All I could say is that Lui did not change. He's the same old Lui. Nangingilid ang luha ko nang makita ko siya. But I did my best to hide my tears. Oo, doon ako magaling ngayon. Ang magtago.
"Bakit wala si Rio?" dinig kong tanong ng isang kaklase naming babae sa katabi niya.
"Nasa 406 kasama si Gino. Hindi kumpleto ang trio ngayong pasukan." usapan ng ibang girls.
"'Di bale, dito lang naman sila hindi magkakasama, eh. At least nandito si fafa Lui." kilig naman yung mga girls.
So, trio ang tawag nila sa kanila? Sabagay, sila na lang pala ang nag-aaral sa G.A.7.
G.A.7.
Gusto kong maiyak.
Ang pamilya ko. Na-miss ko sila bigla.
Nang makita ako ni Lui, para siyang nakakita ng multo sa reaksyon niya. Namutla muna siya noong una, gusto ko tuloy matawa. Marahil iniisip niyang nakakakita talaga siya ng multo.
Nakita kong bumulong siya ng "Sweetie...." bigla niya akong nilapitan at nagulat ang lahat sa nangyari.
"Sweetie...buhay ka..." niyakap niya ako. Ang higpit. I tried my best to hold back my tears. Gulat lang ang tangi kong naging reaksyon na akala mo ay binastos ako. Nangingilid ang luha ko at tila may batong nakabara sa lalamunan ko dahil pinipigilan kong umiyak. Pinipilit kong i-deny sa sarili ko na miss na miss ko na sila.
Ang pitong guardian angels ko.
Tinulak ko siya.
Hindi pwede.