Everything happened so fast. Sa loob ng dalawang taon, marami nang nagbago. Ang sabi nga nila, walang permanente sa mundo. Sa pagkawala samin ni Sweetie, tila naguho ang mundo namin. Para kaming namatayan nang malaman naming kinidnap siya at hindi na muling babalik pa.
Hindi rin namin matanggap na patay na si Melo. It's like, we were having a nightmare that time. Nalagas ng isa ang barkada. At hindi namin lahat iyon matanggap. Ngunit sa loob ng dalawang taon, lahat ay nagbago na. Unti-unti naming tinanggap ang pagkawala nilan dalawa. Unti-unti naming binago ang mga sarili namin para sa kanila. They became our guardian angels. Nagsilbi silang gabay sa mga buhay namin. We even accepted the fact that that's just the way life is. Everyone dies.
Even hope dies.
But not until I saw that transferee.
Alam kong siya 'yon. Hindi ako bulag o nagbubulag-bulagan.
Sobrang ibang-iba na siya.
Naalala ko siya noon, napakasimple lang niyang babae. Ngayon, para siyang model. Noon, yung palda yata niya sa school ang pinakamahaba. Para kasing nasa Korea o Japan ka dahil sa uniform ng mga students ng Paradise U. Maiikli ang mga palda. Siya lang ang mahaba ang palda noon, pero ngayon kitang-kita na ang kanyang mapuputi at makinis na legs. Ang sexy niyang tingnan. Para siyang si Cezzie kung manamit pati na rin sa pag aayos sa sarili niya. Noon, walang kaartehan sa katawan niya, ngunit ngayon ay halos dinaig pa niya ang kapatid niyang si Cezzie. Parang dalawang Cezzie na ang nakikita ko. Pero mas higit na si Sweetie ngayon.
Sa pagkakita niya sa'kin, parang ngayon lang niya ako nakita. Parang hindi niya ako kilala. Aww, ang sakit sa bangs. Anong nangyari? Nagpapanggap ba siyang hindi niya ako kilala? Gumaganti ba siya? Well, kung gumaganti nga siya, panalo na siya. Nasaktan ako.
Pero pakikiramdaman ko muna siya. Hindi muna ako magpapahalata. But f**k it. Gustung-gusto ko na siyang lapitan at yakapin ng mahigpit. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta. Hay! Easy, man!
"Y-you are?" Nauutal ako, teteng! Siyempre sino bang hindi? Nandyan siya. Sa harapan ko pa. At ang masaklap, parang hindi niya ako kilala.
"I'm Love Salvacion, Mr. President," she introduced herself politely. Wow. Mr. President talaga? Grabe, gusto ko yatang manapak. Hindi, joke lang. Nagbago na'ko, di'ba? Pero langya ang sakit, eh. Sana man lang tawagan na lang niya ako sa pangalan ko. Ang lambing at ang hinhin pa rin ng boses niya gaya ng dati. Pero may nagbago. Hindi ko maipaliwanag kung ano. Basta yung parang binigyan ka ng pangalawang buhay pero wala ng saya? Wala ng dahilan para magsaya kasi nasa unang buhay mo ang kasiyahan mo tapos ngayon parang... wala, buhay ka lang ganun. Hay! Kung anu-ano ng pumapasok sa utak ko. Baliw na nga yata talaga ako.
Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang handbook sa kanya. Pero bago pa ako makalapit sa kasunod niya, bigla siyang nagsalita, "Mr. Pres, kung may gagawin pa, may I excuse myself? I will have my third class in five minutes. You see, I'm an irregular student. Kung ayos lang pupunta na lang ako ulit dito after my third class kasi vacant ko naman. Is it okay, Mr. Pres?" Tigagal niyang sabi. Kahit limang beses yata tumingin siya sa Axis niyang relo. Halata nga na nagmamadali siya.
Hindi ka pwedeng umalis! Dito ka lang! Madami tayong pag-uusapan! 'Yung pagkawala mo! Yung nangyari sa'yo! Yung sakit mo! Yung nararamdaman mo! Lahat!
Pero hindi ko pwedeng sabihin 'yon dahil wala kang makikita sa mukha niyang anghel na may pinagdaanan siyang hindi maganda noon. Parang ang tahimik lang din ng buhay niya na parang walang nangyari. Na parang nasanay na siya sa buhay mayaman. Kasi mukha siyang mayaman ngayon. Dinaig na nga niya ang kapatid niya, di'ba?
"Sure. May mga ituturo pa kasi ako sa inyo about sa facilities ng school para hindi kayo maligaw at makaramdam ng inconvenience." Pinilit kong ngumiti. Ang hirap pero kinaya ko. Ngumiti din siya. Ang ganda niya.
"Thanks, Mr. Pres. And sorry again for being late. See you later." Pagkasabi no'n ay lumabas na siya ng Office and I just stared at her sexy back hanggang sa tuluyan na siyang mawala na sa paningin ko. I found myself sighing.
Magkikita kami mamaya. Kaming dalawa lang. Pakiramdam ko tuloy niyaya akong kumain sa canteen ng crush ko. Tae, napangiti ako. Ahh! Ang gulo ko talaga. Kanina nagda-drama ako, ngayon naman ngumingiti ako.
Matapos kong i-orient ang mga transferee ay umalis na din sila. Dahil nakaramdam ako ng gutom, lumabas na ako ng Office at nagpunta sa cafeteria.
Pagkalapit ko sa counter para pumili ng makakain na may rice, napansin ko ang isang babaeng kanina pa pinagtitinginan ng mga ibang estudyanteng nasa loob ng cafeteria.
Si Sweetie.
Ang ganda-ganda niya talaga. Nakalugay ang kanyang kulay dark brown na buhok na abot hanggang sa kanyang beywang. Ang kanyang maamo ngunit magandang mukha ay nakakapang-akit. Pero pakiramdam ko ang layo na niya. Wala na 'yong Sweetie na kilala ko. Yung Sweetie na mahal ko. 'Di kaya in-abduct lang siya ng mga alien tapos pinalitan ang utak at estado niya sa buhay kaya parang hindi niya ako kilala? Pwede! Tanga ko talaga. Syempre imposible yun! Okay, baliw na nga ako. Kausap ko na ang sarili ko. Hay.
Bumili siya ng dalawang lasagna na pina-styro na lang niya at dalawang coke in can. Teka, may kasama siya?
Nakita niya ako. Ngumiti siya. Anghel talaga. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Lumapit siya sa'kin at inabot ang isang lasagna at isang coke in can. "Mr. Pres, for you. Nahiya kasi ako sa'yo kanina, eh. Pupunta na dapat ako sa Office kaso I decided to buy food muna for us. Hindi pa kasi ako kumakain simula kaninang umaga, eh."
Anak ng bading, ang cute talaga ng boses niya. Siguro kung ngayon ko lang siya nakilala, baka isa na ako dun sa mga lalaking naghahabol sa kanya gaya ng mga ibang lalaki ngayon sa loob ng cafeteria.
But I refused sa alok niya and just acted cool. "No, it’s okay. Walang kaso 'yon." Gusto ko talagang tanggapin. Kaso nakakahiya naman. Uy, ako nahiya? Dati siguro baka ibinasura ko na yang alok niya. Pero ngayon, I refused kasi nakakahiya talaga, eh.
"No, I insist. Please? Tanggapin mo na Mr. Pres." Ngumiti siya sa'kin at inilapit pa lalo ang hawak niyang pagkain. Napakamot na lang ako sa batok ko. Wala na akong nagawa kaya kinuha ko na. Nagdampi pa ang balat niya sa daliri sa balat ko nang iabot niya iyon. Nababaduyan ako noon sa mga ganoong senaryo sa pelikula. Pero ngayon, bwiset totoo pala. Pakiramdam ko nakuryente ako. I should not be feeling this way, but f**k it. I could not help it.
Sabay kaming nagpunta sa Office. Habang nagsasalita ako, sumusubo siya sa kinakain niya. Kahit pagkain niya ang ganda niya. Teteng, nakaka-mesmerize. Why are you being like that now? Why do eat like that? Why are you so graceful and simple? Why do keep doing this? Are you for real?
Nang matapos ako sa pagpapaliwanag, natapos na rin siyang kumain. Natahimik bigla. Dead air. Ramdam kong na-awkward siya. Gusto ko siyang tanungin kung anong nangyari sa kanya. Kung nagpapanggap lang siyang hindi niya ako kilala. Or is she just pranking me? To be honest, I am not buying it. Not a good joke. Worst prank to be pulled out from people like me na hinahanap hanap siya.
"Uhm, Sweetie, kumusta ka na?" I blurted out. Argh! Bakit ko nasabi yung iniisip ko? Teteng! Kinakabahan ako. Grabe, parang nakasalalay ang buhay ko sa tanong na yun. Aish.
Napatingin siya sa'kin na parang naguguluhan. Kumunot ang noo niya. "Huh? Who's Sweetie?"
Para akong sinuntok ng isang malaking kamao ng dambuhalang tao. Kalalaki mong tao Gino napaka-assuming mo!
Umiwas ako ng tingin. Napahiya ako at higit sa lahat, nasaktan ako. Ito ba ang karma ko? "Ah wala. Sige na, tapos na yung orientation mo. You may go."
Naramdaman niya ang biglaang malamig na pakikitungo ko kaya naman tumango lang siya. "Okay. Thanks, Mr. Pres. I mean, Gino." Tumayo siya at umalis na.
Ang sarap pakinggan sa boses niya ang pangalan ko. Kaso hindi niya ako kilala. Ito siguro ang side effect ng pagkawala niya. Ang kalimutan ako.
Pagkatapos ng buong klase ko, kaagad akong lumabas ng room para sunduin sa Daycare si Jerome. Nang masundo ko na siya, naisipan kong mag-grocery muna saglit dahil naubusan na kami ng stocks sa bahay.
“Di, wala na po akong milk. Hindi ako nakainom kagabi bago ako natulog,” paalala ni Jerome na nasa tabi ko. I patchis head and smiled. May mga ibang tao na nakatitig sa amin pero hindi ko pinansin. Ano ngayon kung may anak na ako. They don’t know what I have been through. What Jerome had been through noong mga panahong hinahanap niya si Sweetie. Matapos kong kunin ang usual na iniinom na gatas ni Jerome ay dumiretso na kami sa cashier at umuwi pagkatapos.
Habang kumakain kami ng dinner, napansin siguro ni Jerome na tahimik ako. "Di, may problema ka, no?" Tanong niya sabay subo sa fried chicken niya.
Napatingin ako sa kanya. "Ha? Wala naman. Kumain ka ng kumain nangangayayat ka na, oh." Pambibiro ko sa kanya.
"Di, ikaw ang kumain ng kumain. Ikaw ang payat, eh." Nailing pa ang cute na batang 'to. Pinisil ko nga ang pisngi niya.
"Ganon? Ito ba ang payat?" Pinakita ko sa kanya ang aking abs at muscles sa aking braso. Pinakita rin niya yung sa kanya na puro baby fats. Nagtawanan kami at sinabi kong, "Sige na, kumain ka na diyan."
"Di, laro akong psp mamaya, ah? May star akong tatlo ngayon, oh. Sige na, Di. Sige na, please, sige na, sige na." Pangungulit niya. Napangiti naman ako.
"Oo na. Basta makakapaglaro ka lang kapag good boy ka sa school, okay?" Dinidisiplina ko ng maayos si Jerome. Kapag may nagawa siyang good performance sa Daycare, binibigyan ko siya ng reward. Kapag naman may nagawa siyang kakulitan, hindi ko pinapagamit ang mga gadgets na meron siya for one week.
I raised my son alone. How could I tell him that his Mom is alive? How could I tell my baby that his Mom doesn't remember anything? She doesn't even know me.
Nang matapos kaming kumain, tumakbo na siya sa kwarto at siguradong e-enjoy-in na niya ang maliligayang araw niya dahil one week siyang makakapaglaro ng psp simula ngayon.
Habang naghuhugas ako ng mga plato, tumunog ang phone ko sa mesa. Inabot ko ang phone.
Natalie was calling.
Nagpunas ako ng kamay sa eggplant-shaped na apron na nakasuot sa'kin at sinagot ang tawag. "Oh, Natalie, napatawag ka?"
"Ah, wala naman Pres. Busy ka ba? Itatanong ko lang kung ano ng nangyari kanina sa orientation para sa mga transferee." ani Natalie.
"Ah, ayun, okay naman. Wala namang problema." Mayroon. 'Yong isang transferee, mahal ko. At hindi niya ako kilala.
Habang nag-uusap kami ni Nat sa phone ay tinuloy ko ang paghuhugas ng plato. Kinuha ko na lang ang earphones ko na nasa table. Nang matapos ay nagpasya akong ibaba muna ang call kasi maglilinis pa ako. Pumayag naman si Nat kaya ginawa ko na ang mga dapat gawin.
Pagkatapos ng mga gawain ay naligo na ako para makapaghanda sa pagtulog. Una ko nang pinaliguan si Jerome. Pagkatapos ay umakyat na kami sa kama para matulog.
Nag-pray siya at pagkatapos ay humiga na kami. Nakatitig lang ako sa kisame habang siya naman mukhang may pinagmamasdan sa mukha ko.
"Di, bakit tulala ka?" Tanong bigla ni Jerome.
"Ah, hindi. May iniisip lang si Didi." Sagot ko naman. Nakatingin pa din ako sa kisame. Hindi kasi mawala-wala sa isip kong nandito si Sweetie. Masaya akong nandito siya. Ang kaso naman hindi niya ako kilala. Naguguluhan ako sa mga nangyayari.
"Weh? Really, Di? You can't lie to me." Bigla siyang umupo at niyakap ako. "Something is wrong, Di."
Ang talino talaga ng batang ito. Parang mas matanda pa ang utak niya kaysa sa'kin. "Ikaw talaga. 'Lika nga dito." Inupo ko siya sa tiyan ko. "Okay si Didi."
Ngumuso naman siya. "Basta Di, alam ko meron kang malalim na iniisip. Kung ayaw mong i-share sa'kin, okay lang naman, e. Good boy ako, di'ba?"
Tumihaya ako at itinungkod ang siko sa unan para suportahan ang ulo ko sa aking palad. "'Yan, tama 'yan. Good boy ang baby ko. Sige, matulog ka na. May pasok ka pa bukas." Hinalikan ko siya sa noo at natulog na nga kami.