Sweetie Halos isang taon at kalahati akong nagpapagaling sa sakit ko. At dahil sa gusto kong gumaling, na-survive ko ang leukemia habang ang natirang kalahating taon ng paninirahan ko doon ay itinuon ko sa pagtatago. Nalaman ko mula kay Tristan na may nagmamanman sa akin. Pakiramdam ko talaga iyon ang rason niya kaya pinauwi niya ako ng Pinas. Wala akong magawang aksyon dahil sa pagkakaalam ni Tristan ay walang kinalaman ang mafia leader niyang tatay sa pagpapatugis sa akin. Sa tingin niya, kung sino man ang taong nagpapatugis sa akin ngayon ay may sariling rason. Ngunit ano? Pauwi na ako sa condo ko. Sasakay na sana ako sa kotse nang may maramdaman akong tila nakatitig sa'kin. Iyong pakiramdam na tila minamanmanan ako. The inner Sweetie wanted to scream like a wang-wang. Ngunit kapag