"Saan ba tayo pupunta?" para akong nakikipagtalo sa bibig ko. Gusto kong manahimik dahil sa takot pero sadyang nacu-curious ako kung saan kami pupunta. Hindi niya ako sinagot. Pumasok kami sa kotse niya at tahimik lang siyang nag-drive kaya hinayaan ko na lang. Pagkatapos ng sampung minuto, nakarating kami sa... "Sementeryo?" tanong ko. "Obviously," malamig niyang wika. Pinatay niya ang makina ng kotse at saka na lumabas. Pinagbuksan niya ako ng pinto, tiningnan ko siya ngunit nakatingin siya sa sementeryo. Hindi na maganda ang pakiramdam ko. Alam kong he's up to something. Lumakad siya kaya sinundan ko na lang hanggang mapunta kami sa isang puntod. Isang mausoleum. Nang makita ko ang pangalan ng yumao, nanlambot ang tuhod ko. Bigla akong napaupo. Ito na siguro ang oras na hindi ko na