CHAPTER 16 MASAMA ANG tingin ni Zyra sa kaniyang pinsan na si Lavi habang ito naman ay maganda ang pagkakangisi. Naupo ito sa solohang sofa saka pinagkrus ang mga hita. Puno ito ng class sa paraan ng pag-upo. Halatang alam ang salitang ‘etiquette’. Pero sa ugali, tila gusto niyang sabunutan ito ngayon. “Bakit mo ginawa mo?” tanong niya. “What?” Tila inosente itong tumingin sa kaniya saka ngumisi ulit. “Look, hindi ko naman alam na aalis ang best friend mo dahil lang sa sinabi ko.” “Alam mo minsan, gusto kitang itakwil.” “Of course you cannot do that.” Tumayo ito saka lumapit sa kaniya. “Ako na lang ang nag-iisa mong kamag-anak, no!” Umismid ito saka tumingin sa buong sulok ng kaniyang unit. Nagbuga ito ng malalim na hininga bago siya tingnan. “Isa pa, bakit kasi hindi m