CHAPTER 18 DAHIL SA NANGYARI na sagutan nina Casey at Zyra, sumama na talaga nang tuluyan ang pakiramdam ni Casey. Kinagabihan ay nilagnat siya sa labis na kakaiyak. Alalang-alala ang mga magulang niya at muntik nang hindi tumuloy sa out of town na lakad. Kinumbinsi niyang dahil lang iyon sa sobrang pagod kaya siya nagkasakit. Mabuti at tumuloy ang mga ito at binilin na lang siya sa kanilang kasambahay. Wala namang kaso sa kaniya kung maiwan siya. Mas gusto niyang manatili na lang muna sa bahay kaysa naman sumama siya upang makatanggap ng mga tanong mula sa mga magulang. Makulit pa namna ang mga ito. Kapag nagtanong, dire-diretso na. Bumangon siya ng kama nang makaramdam ng ginhawa. Dahil hindi naman siya nilagnat dahil sa anumang sakit sa pisikal, hindi naman siya ganoon kahin