CHAPTER 20 EVERYTHING IS so perfect. Iyon lang ang masasabi ni Casey pagkaraan niyang marinig mula kay Zyra na mahal siya nito. Ramdam niya ang sinseridad sa bawat katagang binibigkas nito kanina habang ang mga braso ay mahigpit na nakayakap sa kaniyang beywang. Kanina pa ito tulog samantalang siya ay hindi man lang dalawin ng antok kahit pagod na pagod na siya sa mga nangyari. Mag-aalas kuwatro na nang umaga pero ang kaniyang diwa ay gising na gising pa. Natatawa siya sa nangyaring komprontasyon sa presinto. Hindi pa rin siya makapaniwalang pinsan lang nito si Lavi at nagpunta ito roon hindi para kay Zyra. Napailing siya nang bahagya. Humigpit ang yapos sa kaniya ni Zyra dahilan upang lingunin niya ito. Ang mukha nito ay siniksik nito sa kaniyang leeg kaya naman halos magtayu