Magical Moment

1919 Words
(Gio POV)                       “Gio sabi ni At---… sorry, babalik na lang ulit ako mamaya.”               Oh boy, baka mamaya kung anong isipin ni Gina na ginagawa namin dalawa ni Sofie.               “May problema ba, si Gina ba ang nagsalita at bigla na lang umalis?”               “Yeah, that’s Gina and I think she thought na may ginagawa tayong hindi maganda kaya bigla siyang umalis.” Ikaw ba naman kasi ang makita na nasa ibabaw ng isang babae. “Anyway, okay ka na talaga?”               Sa mga mapanghusga na parang si Gina, wala po kaming ginagawang masama ni Sofie ng makita kami ni Regina. Bigla na lang kasi kinapos ng hininga si Sofie dahil sa sakit niya na asthma, that’s why I did some CPR to her.               “Yeah, I’m okay now. Oo nga pala, I have to go. Kailangan ko pa palang magpa-check up. Balik na lang ako some other time.”               Inayos niya ang bag na dala at saka humakbang palabas ng kwarto ko, samantalang ako ay nakasunod lang sa kanya. Hindi ko alam kung ihahatid ko ba siya sa pupuntahan niya o hindi. Tingin ko kasi mas mahalaga na ma-explain ko kay Gina ang nakita niya.               “Nasaan na ang asawa ni Kuya Nathan, para makapag-paalam na rin ako sa kanya since wala naman sila Tita, and also to Gina. Nasaan sila?”               Lumingon ako sa paligid pero hindi ko sila lahat nakita kaya naman… “Ate Billy! Gina!” sumigaw na ako dahil ayoko naman na isa-isa pa silang hanapin.               “So kailangang sumigaw pa Gio, may sunog ba?” tanong ni Ate Billy ng lumabas siya galing sa kwarto nila ni Kuya kasunod si Ran. Samantalang si Regina dedma, hindi man lang nagawang sumilip.               “Uuwi na daw si Sofie, pero babalik daw siya ulit kapag wala s’yang ginagawa.”               At nag-paalam na nga si Sofie kay Ate Billy, gusto niya sanang puntahan si Gina sa kwarto nito pero pinigilan na lang siya ni Ate Billy.               “Minsan Ate Billy kwentuhan tayo ha, kapag tulog si Ran.” Huling sabi ni Sofie kay Ate bago siya humakbang palabas ng bahay.               “Oh Gio, saan ka pupunta at nagmamadali ka?” pag-labas na pag-labas ni Sofie sa bahay naglakad-takbo na agad ako papasok. “May ginawa ka na namang kabalastugan no?!”                “Wala Ate Billy, hindi ko naman siguro kasalanan kung madumi ang utak niya!” at dahil sa sinabi ko bigla na lang akong tinitigan ni Ate ng nakakatunaw.               “Anong ginawa niyo ni Sofie na nakita ni Gina?”               Ay maryosep naman oh, ayoko na ngang kausap ang isa na ‘to, mabubuwang lang ako lalo.               “Ewan ko sa ’yo Ate Billy.”               At humakbang na ako palayo sa kanilang dalawa ni Ran, pero dahil sa pagmamadali ko na makalayo sa kanya nabunggo ko naman si Gina na may dalang baso at nabagsak. Malas! Malas! Malas!               “S-so-sorry.”               Ay tangengot, tama bang pulutin ang mga bubog, ayan tuloy nasugatan siya. “Mag-iingat ka naman!” pasigaw na sabi ko sa kanya, at ikinagulat ko ang sumunod na mga nangyari!     Ang sakit naman sa tenga umiyak ng isang ‘to, tinalo pa si Ran at si Monina kung makaiyak. Ano bang nakaka-iyak sa sinabi ko, sabi ko lang naman mag-iingat siya. Mga babae talaga, ang arte!               “Ang sama mo Gio! Nasugatan na nga ako tapos sinisigawan mo pa ako! Magsama kayo nang babae mo!”               At bigla na lang siyang tumakbo papunta sa kwarto niya, pero papayag ba ako na ganon na lang ‘yon? Pagkatapos niya akong sabihan na ang sama-sama ko sa harap ng kapatid ko, at gusto niya na magsama na kami ni Sofie? Hindi ako makapapayag!     +++++++++++++++++++++++++   (Regina POV)               Ang sama-sama niya, siya na nga ang may kasalanan kung bakit ako nasugatan, tapos siya pa itong may ganang sigawan ako. Eh kung ipakain ko kaya sa kanya ang basag-basag na baso na ‘yon?!               Tumakbo na lang ako pabalik ng kwarto after ng mga sinabi ko, ayoko na talaga siyang makita. Ayoko na talaga!               “Nasaan ang first aid kit mo?”               Ano na naman ba ang kailangan niya, bakit sinundan pa niya ako? “Wala, wala akong first aid kita dito sa kwarto!” pagkasabi ko noon bigla na lang s’yang lumabas ulit ng kwarto ko, pero wala pang ten seconds nandito na ulit siya. “Ano bang ginagawa mo dito? Lumabas ka na nga!”               Pero dedma lang siya sa pagtataboy ko sa kanya, hindi man lang nga siya nag-effort na tingnan ako ng masama. Kasalukuyan pa rin n’yang binubulatlat ang kit.               “Akin na ‘yang kamay na nasugatan sa ’yo!” pero hindi pa rin ako kumilos, bahala siya! “Akin na nga sabi eh!” at siya pa rin talaga ang galit!               “Sino ba kasi ang may sabi na gamutin mo ang kamay ko, hindi ko iyan hiniling sa iyo.” Oh sige Gina, mag-inarte ka pa ng maupakan ka niya, tingnan lang natin kung makapalag ka pa kapag pinatulog ka niya sa suntok. “Ano ba, dahan-dahan naman, masakit!”               Wala na rin naman akong nagawa dahil s*******n n’yang hinila ang kamay ko para lagyan ng alcohol. “Aray ko Gio, mahapdi.” naluluha-luha ko pang reklamo sa sakit-sa-puso na lalake na ‘to.               “Huwag ka kasing malikot, hihipan ko naman, masyado kang nagmamadali!”               Alam mo yung pakiramdam na sobrang sakit kasi binuhusan ng alcohol yung sugat mo, tapos bigla ka na lang walang maramdaman dahil parang nanlamig ang buo mong katawan dahil lang sa isang ihip nang lalake na gusto mo? Yon, para akong na-estatwa nang hipan ni Gio ang sugat ko na bunuhusan niya ng alcohol na akala mo wala ng next time.               “Bitiwan mo nga ako, baka mamaya…”               “Baka mamaya ano? Magalit si Sofie na akala mo girlfriend ko? Gina, wala kaming ginagawang masama kanina sa kwarto ko. She’s not my girlfriend. Just my ex-girlfriend.”               Wala daw ginagawang masama, nasa ibabaw siya nang babae na ‘yon walang ginagawang masama. Sana man lang nag-lock sila ng kwarto kung may balak pala silang gumawa ng milagro.               “W-wala akong pakelam kung may ginagawa ba kayong masama o wala. A-ano bang pakelam ko sa iyong dalawa, buhay niyo naman ‘yan. At saka wala naman na akong gusto sa ’yo, diba sabi ko kakalimu---…”               Oh my goodness!!! Ba-ba-bakit niya ako hinahalikan? Kasi naman, sabi ko diba kakalimutan ko na siya, diba sabi ko hindi ko na siya gusto kasi lagi na lang niya akong sinasaktan, diba sinabi ko yun?! Pero bakit parang gusto na yatang magbago ng isip ko, pwede bang mahalin ko na lang siya ulit?               Sobrang nakakadala yung paraan ng paghalik ni Gio sa akin, kaya naman para akong na-hypnotize at tumugon na rin ako sa halik niya, pero…               “Kuya Gi---! Waaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!”               Hulaan niyo kung sinong epal ang sumira ng maganda at magical moment? Walang iba kundi si…               “Monina, ‘di ba sabi ko sa ’yo kakatok ka muna ng pinto bago ka pumasok?” parang naiinis na tanong at sabi ni Gio sa kapatid niya na parang ang sarap yatang pilipitin ng leeg ng mga sandali na ‘to. “Ano bang kailangan mo?”               “W-wala! Mamaya na lang Kuya, ituloy niyo na ang kissing scene ninyo. Sorry.” Jusko naman talaga ang magka-kapatid na ‘to, lahat sakit sa ulo. Kanina si Ran, ngayon naman si Monina, baka mamaya si Kuya Nathan naman. “Oo nga pala Kuya Gio at Ate Gina, ang cute niyo kapag nagba-blush! Hihihi!”               At tuluyan ng sumara ang mahiwang pinto ng aking kwarto. Awkward!!! So ano na, para saan ang kiss, what does it mean? “Lumabas ka na dito, baka may kailangan sa ’yo si Monina kaya ka hinahanap.” Iyon na lang ang sinabi ko para lang umalis na siya sa kwarto ko.               “Hindi mo ba narinig yung sinabi niya, ‘ituloy n’yo na lang ang kissing scene ninyo’ iyon ang sabi niya diba?” bwiset lang, ang napaka-awkward na nga ng feeling ko tapos babanat pa siya ng ganon.               “Lumabas ka na, kaya ko ng gamutin ang sugat ko.”     Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya at saka tumayo para pumunta sa CR ng kwarto ko para doon naman tumambay bilang ayaw namang umalis nang timang na ‘to.     (Author POV)               Nang tumayo si Gina para iwasan ang nakakalusaw na tingin ni Gio ay agad namang tumayo ang pangalawa at hinawakan sa kamay ni Gina. Alam na, alam na kung ano susunod.               “Gina nagseselos ka ba kay Sofie?” biglang tanong ni Gio kay Gina. Saang planeta naman napulot ni Gio ang tanong na ‘yon, timang talaga. “Huy, hindi ka na nagsalita.”               Paanong magsasalita nagpipigil kasi ng iyak ang lukang babae. Pero dahil hindi na niya kinaya pa ang sari-saring emosyon ay nagsimula ng magtalumpati ang dalaga.               “May karapatan ba akong magselos Gio, wala naman diba? Hindi mo nga ako gusto tapos tatanungin mo ako kung nagseselos ako.” Gina, oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ni Gio, dramatic actress ka talaga. “At saka alam mo naman na may gusto ako sa ’yo tapos lagi mo pa akong sinusungitan, lagi mo akong inaaway. At hindi ka pa nakuntento sa ganong p*******t sa damdamin ko, nagdala ka pa ng babae dito sa bahay at dito pa kayo naglampungan na parang mga pusa.” Grabe ka Gina, tinalo mo na si Juday sa pagiging dramtic actress mo. “Oh ngayon Gregory, sabihin mo sa akin kung nagseselos ba ako sa Sofie na ‘yon o hindi!”               Hindi naman agad nakapagsalita si Gio dahil sa mga sinabi ni Gina at dahil na rin na-amaze siya sa pagiging prangka at totoo ni Gina sa nararamdaman nito para sa kanya. Natutuwa din kasi syang pagmasdan ang dalaga na umiiyak na parang bata na nagsusumbong sa parents nito. Basta, natutuwa si Gio kay Gina, iyon na ‘yon!               Oh my goodness! Hindi ko rin inaasahan ang sunod na ginawa ni Gio kay Gina! Bigla nyang hinila si Gina palapit sa kanya, at sakto naman na lumanding ang lips ni Gina sa lips ni Gio. And this time hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Gina at agad na rin syang tumuka dahil baka bigla na namang may gumambala sa kanila.               They’re sharing that passionate kiss ng parang merong mahinang katok na narinig si Gina. “Gio, may kumakatok yata.” she said to Gio in between those kisses. Pero dedma lang ang lolo mo.                “Ate Billy, sabi ni Kuya kakatok ka muna raw bago ka pumasok.” Ang dali talagang matuto ni Monsi, samantala itong matanda na si Billy eh hindi yun ginagawa. Pipihitin na sana ni Billy yung pinto. “Kumatok ka muna kasi Ate Billy, kahit mahina lang.”               Lokong bata, pero tama pa rin naman sya, at least kumatok naman sila diba? After ng mahinang katok na ginawa nila ay pinihit na ng tuluyan ni Billy yung door knob para mabuksan yung pinto ng kwarto ni Gina.               Kasalukuyan namang nakatayo na naghahalikan yung dalawa na parang wala ng next time. Nanlaki ang mata ni Billy dahil sa gulat sa mga nakikita nya, at dahil sa ganong eksena ay agad na tinakpan nito ang mata ng dalawang bata na kasama nyang naki-usi sa nangyayari sa dalawa.               “Oi, bawal panoorin yan, laro na lang ulit tayo ng Fruit Ninja sa kwarto namin ng Kuya Nathan nyo.”               At isinara na ulit ni Billy ang pinto ng mahiwagang kwarto ni Gina. Oh goodness, ako naman ay kinikilig sa kanilang dalawa. Teka, balikan natin yung dalawa at baka kung ano na ang ginagawa nila.               Kasalukuyan pa ring nagki-kiss yung dalawa, ay nako! Bigla naman lumayo si Gina kay Gio ng parang may narinig itong nagsalita behind the door of her room.               “Why?” tanong ni Gio dito at saka biglang hinila si Gina pahiga sa kama nito at saka nito niyakap. “So, nagseselos ka nga kay Sofie? Don’t worry, matagal naman ng tapos yung sa amin, pero yung sa atin nagsimula na noon pa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD