Hale & Snow

1326 Words
(Gina POV)               “Gio bitiwan mo nga yung kamay ko, baka mamaya may bigla na lang bumato sa akin ng libro nito eh.”               Kasi naman mula nung bumaba kami sa kotse na gamit namin hindi pa nya binibitawan ang kamay ko. Hindi ko naman yata gusto na magkaron ng bukol sa noo dahil sa may nambato sa akin ng libro o kung ano pa man dito sa school.               “Wag ka ngang praning, ako ang bahala sayo.”               Grabe lang talaga maka-tingin yung mga babae sa akin, yung iba parang isinusumpa na ako, yung iba naman parang unti-unti akong pinapatay sa isip nila.               “Good morning best bud.” bati sa amin ni Lalaine nung pumasok kami ng room. Ang aga naman nya yata today. “Ooohhh… wait, don’t tell me na…” magsasalita pa sana ako para i-correct yung nasa isip nya pero bigla na lang syang sumigaw at tumalon-talon. “Aaaaaaahhhh!!! Sabi na nga ba at magiging kayo rin eh. Congratulations sa inyong dalawa, Gina aalagaan mo ang pasaway na si Gio ha.” At niyakap nya kaming dalawa.               Ano daw, kailan pa nagkaron ng KAMI sa aming dalawa ni Gio? Hindi pa pwede, hindi pa nga nya ako nililigawan. Hindi pa nya ako binibigyan ng flowers and chocolates.               “A-ano ka ba Lalaine, hi-hindi naman kami ni Gio. Naka-drugs lang si Gio kaya mabait sya sa akin today at hawak nya ang kamay ko, yun lang yon.”               Pero heto namang lalake na ‘to ayaw man lang i-correct ang akala ni Lalaine. “Ano ka ba naman Gina, wag ka ng mahiya dahil kitang-kita naman na ang ebidensya oh.” At itinaas nya yung kamay naming dalawa na magkahawak pa rin. “Kaya wag ka ng magpaka-denial queen dyan Gina. Ayaw mo ba kay Gio?”               “Good morning class, please take your seat and we will discuss your project in my subject.” Wew… save by the bell naman ako sa tanong ni Lalaine na yon. “It’ll be a group project dahil alam ko na hindi naman magiging madali ang ipapagawa ko sa inyo, this project is a must.” Ahh, yun naman pala, group project naman pala. “Every group must consist of four members, two boys and two girls.”               At syempre pa nag-unahan pa si Lalaine at si Jules na lumapit sa aming dalawa ni Gio. Alam na, kaming apat ang magkakasama sa grupo and I’m pretty sure na magiging magulo ang lahat.               “Oh, anong ginagawa mo dito Jules?” kita nyo na, nagsimula na agad silang dalawa.               “At ikaw, ano rin ang ginagawa mo dito, sigurado ka ba na gusto ka nila na maging ka-group?” hindi naman papayag si Jules.               “Kapag hindi pa kayo tumigil na dalawa wala akong isasama sa inyo.”               At dahil sa sinabi na iyon ni Gio ay tumigil sila sa pag-aaway. Bakit ba gusto nilang makasama si Gio? Ako no choice naman dahil sigurado ako na walang gusto na makipag-group sa akin, except kay Cody na absent today.               “As I was saying Lalaine, Jules, Regina, and Gio, kailangan nyong gumawa ng documentations and videos para sa project na ito.” Na-special mention pa tuloy kaming apat ni Mam, nakakahiya. “You can now group yourselves to four, and then submit it to me before our period ends.”               Teka nga pala, mag-ano ba kasi talaga kami ni Gio? Hindi naman nya ako niligawan, hindi rin naman nya ako tinanong kung pwede ba nya ako na maging girlfriend? Hindi kaya pinag-lalaruan lang ako ng isang ito?               “Ang lalim naman ng iniisip ni leader natin oh! Nag-iisip ka na ba Gina kung saang mental tayo pupunta? Oh baka naman balak mo na mga taong grasa na lang ang kausapin natin para sa project natin?”               Oo nga no, parang mas maganda pa yata kung mga taong grasa na lang sa kalye ang gawin naming subject. Pero teka, ano yung sinabi ni Jules, leader? What the fuzz, ayoko maging leader.               “AYOKO!”               Sabihin na nila na ang-OA ko sa pag-tanggi, pero ayoko talaga. Hindi naman ako dito lumaki kaya hindi ko alam ang takbo ng mga may sayad dito. “Ikaw Jules ang leader, tutal ikaw naman ang naka-isip na kailangan natin ng leader.” Biglang sabi ni Gio sa kaibigan nya.               “You gotta be kidding me Gregory, ayaw mo naman siguro na mapariwara ang magandang scholastic record mo ng dahil sa Public Relation subject natin?”               Tiningnan naman ng masama ni Gio si Jules at saka nagsalita. “Wanna give a try? Para naman malaman mo na agad kung ano nga ba ang itsura ng impyerno.” Ang brutal, papaslangin agad si Jules dahil lang sa grades nya.               “Gio matanong ko lang, hindi na ba pwedeng mag-joke? Wag kang masyadong seryoso ‘pre at baka mas mauna ka pa sa akin sa paraiso ni Lucifer.”               Dahil sa sinabi na iyon ni Jules kay Gio ay biglang may tatlong lumipad out of nowhere at tumama lahat sa ulo ni Jules.               “Subukan mo lang paunahin si Gio sa paraiso na sinasabi mo, ng dito pa lang sa lupa ay maramdaman mo na ang impyerno. I’m gonna make your life a living hell, Mr. Whoever-You-Are!”               Hell, sino ang babae na ‘yon? Gusto ko syang pasalamatan dahil sinabi nya kay Jules ang mga gusto kong sabihin. Pero teka, sino ba sa mga classmate namin ang gumawa noon?               “You’re late Ms. Sembrano, where’s your twin brother?”               “I’m here Mam Divine, sorry were late. Good morning classmates.”               Silang kambal ang nakatingin sa akin. Pero alam mo yung tingin nung babae sa akin, para bang gusto na nya akong ipakulam, i-shoot sa bunganga ng bulkan, at ipakain sa mga piranha at pating. Hindi naman masyado kasing obvious na type nya ang lalake na katabi ko, si Gio.               “Hello Miss, I will seat here beside you.”               Nakakaloko lang, bakit kung kailan malapit ng matapos ang first sem saka pa nila naisipan na mag-transfer.               “No, you can’t seat there because that’s my place.” Singit bigla ni Jules na kanina lang ay nakikipag-kulitan kay Gio at Lalaine. “Doon ka na lang sa may likod.”               “I don’t ask if ok lang maupo dito, dahil kahit na pagbawalan nyo ako, dito pa rin ako mauupo.” Mataray lang ang peg nitong babae. “Anong tinitingin-tingin mo, may problema ba?”               Sasagot na sana ako kaya lang si Lalaine ang nagsalita. “Sya wala, pero ako meron. Get out of that seat, that’s my place!” gusto ba nilang dalawin si Mr. Paraiso sa disciplinary office?               “Ahem!”             Nakalimutan din yata nila na nandito pa sa loob ng classroom si Mam Divine.               “Mr. and Ms. Sembrano, please take your seat, at the back. Kung gusto nyo ng magandang pwesto next time, then agahan ninyo ang pasok.”               Natahimik naman sila dahil sa sinabi ni Mam, at wala na rin namang nagawa yung kambal kaya dun na lang sila sa likod pumwesto. Pero hindi pa rin tumitigil si Lalaine at yung mataray na babae sa masama nilang tinginan.               Samantalang yung lalake naman saka si Jules at Gio rin, hindi rin magpapatalo sa tinginan dun sa dalawang babae. Ano bang problema nilang lima?               “That’s all for today class, see you on Thusrday.”               After ng two hours na walang kwentang discussion para sa project namin, umalis na rin si Mam ng wala man lang akong natutunan. Kunsabagay, dun sa project na binigay nya sigurado naman na marami akong mapupulot na kaalaman, yun nga lang hindi ko alam kung matino at kapaki-pakinabang.               “Hi Miss, I’m Hale Sembrano and that is my witch twin sister, Snow. What’s your name?”               So Hale pala ang pangalan nya at Snow naman ang pangalan nung masungit nyang kapatid, parang disaster lang ang dala nila. Sasabihin ko na sana yung pangalan ko pero hindi ko na nagawa dahil…               “Let’s go, baka ma-late pa tayo sa next class natin.” Yan ang sinabi ni Gio bago nya ako hilahin palabas ng classroom namin. “Oh, bakit ganyan ka kung maka-tingin?”               “Wala lang.” kung hindi ko lang alam na pinaglalaruan lang ako ni Gio iisipin ko na nagseselos at natatakot sya sa presence ni Hale, pero ang iliusyunada ko naman para isipin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD