Snow Sembrano

1772 Words
f**k! Bakit ba sa dami ng pwedeng mabangga ni Gina si Snow pa? Eto naman kasing si Gina ayaw ayusin ang buhay, kung may problema sya sana iniwan na lang sa banyo ng kwarto nya.               “Kaya naman hindi ko ihihingi ng tawad ang nangyari sa’yo na yan!”               Bigla na lang tumalikod si Regina at naglakad palayo sa amin, ano ba kasi talaga ang problema nya, hindi ko sya maintindihan. “Jules, sasamahan ko lang muna si Snow sa Business Building para makapag-palit sya ng damit.” Hindi nga kasalanan ni Gina o kaya ni Snow pero mas kailangan kasi ng tulong ni Snow, mas madaming iced coffee ang tumapon sa damit nya compare to Gina. “Hintayin nyo na lang ako sa tapat ng Faculty room. Let’s go Snow.” At naglakad na kami papunta sa Business Building.               “Pasensya ka na kay Gina, Snow. May problema kasi sya kaya medyo lutang sya ngayon.”               Bigla naman nya akong tinitigan at saka nagsalita. “But look what she did to me, ang dumi ko na and ang lagkit-lagkit ko pa.” reklamo ni Snow sa akin. “And one more thing, wala akong extra shirt sa locker ko.”               Patay kang bata ka, pano na? Mukhang hindi pa naman ‘to papayag ng hindi makapagpalit ng damit. Humanda ka talaga sa akin Gina mamaya pagdating natin sa bahay.               “Ganito na lang, kuhanin na lang natin sa locker ko yung university jacket ko then, pumunta na lang tayo sa malapit na boutique para makabili tayo ng ipampapalit mo.”               Ng sinabi ko iyon sa kanya ay bigla na lang naging light ang aura nya. I just want to clear things, hindi ko sya gusto, sadyang gentleman lang ako.               Nang makarating na kami sa locker ko ay agad kong kinuha ang jacket at iniabot sa kanya. Alam ko pinag-titinginan na naman ako, kaming dalawa ni Snow ng ibang students dito sa school, badtrip.               “Hey Gio, mukang bagong palit ka na naman ng girlfriend ah.” Peste talaga si Drake sa buhay ko kahit kailan. “So, hindi na pala kayo ni Regina Reynolds. It only means na pwede ko na syang ligawan.”               “She’s not…”               “Yeah, you can court Regina Reynolds anytime you want. Kami na kasi ni Gio eh, so wala ka ng magiging problema sa kanya. Right, sweetheart?”               I’m pretty sure na malaking g**o ang mangyayari kapag kumalat sa buong school na kami ni Snow kahit hindi naman talaga.               “That’s a very great news! Oh pano, maiwan ko na muna kayong dalawa at hahanapin ko si Gina para ako na ang maghatid sa kanya mamayang uwian nya.”               Pagka-alis ni Drake ay hinarap ko agad si Snow, ang may saltik sa utak na si Snow. “Why did you do that, why did you tell Drake that I’m your bofriend?” badtrip talaga oh! Naku, kung hindi lang talaga masamang pumatol sa babae.               Hindi man lang nya sinagot ang tanong ko, ngumiti lang sya sa akin. “Tara na, bumili na tayo ng damit ko, talagang nilalagkit na ako. Remember, kailangan pa nating magpasa ng project natin kay Mam Divine.” Oo nga pala! Tatawagan ko na lang si Jules para silang tatlo na lang ang magpasa kay Mam, baka kasi hindi agad ako makabalik.               “I want to talk to Gina!” sabi ko agad kay Jules pagka-sagot nya ng phone nya.               “Sorry pare pero hindi namin kasama ni Lala si Gina, nagmamadaling umalis nung sinamahan mo si Snow.” Sagot ni Jules. “Sya na lang mismo ang tawagan mo. Sabi rin nya kasi tayong tatlo na lang daw ang magpasa ng project natin kay Mam Divine eh.”               After ng sinabi na iyon ni Jules ay pinindot ko na ang end call button ng phone ko. f**k, ano ba kasi ang nangyayari sa kanya? Nauubos na talaga ang pasensya ko.               “Sige na Snow, mauna ka na sa loob ng boutique at maghahanap lang ako ng parking space.”               Pero hindi naman sya gumalaw sa kina-uupuan nya. Isa pa ang babae na ito, malapit na rin nyang ubusin ang pasensya ko. Pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay yung spoiled-bratt na kagaya nya.               “Nope, sabay na lang tayong bumaba.” God, she’s getting into my nerves, malapit ko na talagang pilipitin ang leeg nya. “There, may space pa doon.” At nakita ko naman agad ang itinuro nya na free space. “Hey, I know that car, kay Hale yan ah. What is he doing in this kind of place?”               Kambal nga pala sila nung Hale na ‘yon na mukang may balak pang pumorma kay Regine nung first time nilang pumasok. Tapos heto namang isang ito ako pa yata ang trip, sorry but she’s not my type.               “Let’s go!” at nauna ng bumaba si Snow sa kotse ko, pero hinintay naman nya ako. “Come on, ang lagkit ko na.”               Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad naman na syang naghanap ng damit ka gusto nya. Ako, humanap lang ng pwedeng maupuan dito sa boutique habang hinihintay sya.               “Snow! What are you doing here?”               Malamang nandito nga yung kakambal nya at nagkita na sila, but the hell I care.               “For one damn good reason Hale, to buy clothes. How about you, what are you doing here? As far as I know puro pang-babae ang damit dito, are you gay?” sagot naman ni Snow sa kakambal nya.               “Whatever Snow! Sino kasama mo?” tanong ulit ni Hale sa kapatid nya.               Lintik naman oh, anong oras pa matatapos sa pagpili ng damit si Snow kung dito pa nila naisipan na mag-kwentuhan? “I’m with my boyfriend.” What the f*ck is she talking about, I am not her boyfriend, and not even friends.               Hindi na ako nakatiis at tumayo na ako at lumapit sa kanila. Ayoko naman na isipin ni Hale na may relasyon nga kaming dalawa ng kakambal nya, baka mamaya maisipan pa nyang pormahan si Regine ay magkaron pa ako bigla ng record sa Disciplinary Office.               “Oh, he’s here na pala. Hale, I want you to meet my boyfriend, Gio!”               Hindi naman agad nakapagsalita si Hale sa mga sinabi ng baliw nyang kapatid. Ano bang meron sa likod ko at doon nakatuon ang tingin ni Hale, meron ba syang third eye? Baka naman duling lang.               “Y-you sure Snow?” di makapaniwalang tanong ni Hale sa kapatid nya. “Well, I hope na magtagal kayo.”               Tumingin ako sa likod ko para makita ko naman yung nakita kanina ni Hale. At laking gulat ko ng makita ko si Regina, did she heard what Snow said awhile ago? F*ck!!!               “Oh Gina, nandito ka rin pala. Si Hale ba ang kasama mo? You know what, you look good together.”               Ano ba naman itong gulong napasukan ko, bakit ba kasi hindi ko agad itinama yung mga sinabi ni Snow sa kakambal nya?     +++++++++++++++++++++++++++++++     (Regina POV)               After akong ilibre ni Hale ng coffee sa Starbucks kahit hindi naman talaga ako mahilig sa coffee ay dito naman nya ako sa isang boutique hinila. s*******n nya akong pinapili at pinagpalit ng damit na napili nya. Kailangan ko daw magpalit ng damit dahil mukha na daw akong dugyutin, which is hindi daw magandang tingnan sa babae, na totoo naman. Palabas na ako ng fitting room dahil nga sa nagpalit na ako ng damit.               “Oh, he’s here na pala. Hale, I want you to meet my boyfriend, Gio!”               Medyo kinabahan ako ng marinig ko ang mga salita na yon, lalo na yung pangalan. I know that voice, boses yun ni Snow at ni Hale. How come na si Snow at Gio na agad? Kung si Gio Lopez ang tinutukoy nya.               Paglabas ko ng fitting room, parang gusto ko ng pumasok ulit doon at wag ng lumabas, to think na likod pa lang ni Gio ang nakikita ko. Gusto ko man bumalik sa fitting room para biglang maglaho sa eksena ay hindi ko na nagawa, ayaw gumalaw ng mga paa ko palayo sa lugar na ito.               “Oh Gina, nandito ka rin pala, si Hale ba ang kasama mo? You know what, you look good together.”               Sabay pa silang lumingon sa direksyon ko ha, parang meant-to-be talaga sila. Badtrip naman oh! Ano na ngayon ang gagawin ko, hindi naman yata ako papayag na ganito na lang.               “Yeah, kanina pa kami nandito. You know what Snow, you and Gio look good together too.” Ano bang sinasabi ko, diba dapat ang sabihin ko ay ‘hindi kayo bagay na dalawa, kaming dalawa ni Gio ang bagay’ diba dapat ganon? “Congrats sa inyong dalawa ha.”               Nilapitan ko na si Hale at hinila palayo sa kanilang dalawa, pero gago din ‘tong si Hale, ayaw makisama. “Akala ko ba sasabihin natin agad sa kanila, go tell them.” Ano bang sinasabi nitong hibang na ‘to, ano ba yung dapat naming sabihin agad?               “Ano yon Gina?” tanong ni Gio sa akin, tapos ang babae naman na katabi nya lumingkis agad. “Hey, what is it?”               Bahala na nga si Batman! “Kami na rin ni Hale!” paker me, tama ba ‘tong mga sinasabi ko?               “That’s right; I’m drop dead serious about Gina. Hey men, you don’t have to worry anything because I do not have any plan of hurting Gina’s feelings. I’ll do everything to make her smile and happy everyday.”               Ano ba namang klaseng tingin ‘yan Gio, kung maka-tingin ka akala mo may pinatay akong tao. Kung meron mang namatay, yung puso ko ‘yon. Ginawa mong hobby ang pagpunta sa kwarto ko gabi-gabi para lang sabihan ako ng ‘good night, sweet dreams’ at bigyan ng good night kiss sa lips, tapos ganito lang ang gagawin mo sa puso ko, sa akin?               “Oh really? You twin brother, you really must take good care of Gina, she’s a close friend of my boyfriend.”               Yeah, boyfriend na nya si Gio at girlfriend na ni Gio si Snow! What else can I do? Wala na! Nagtagumpay ang amerikana sa pagsakop sa puso ng pinoy, panahon na para itaas ko ang white flag ko!               “Hale, ipakilala natin sila kina Granny at Grandpa, you know. I just want to piss them off.”               She sucks! Ipapakilala sa grandparents nila, hell no! I need to get out in here bago pa pumayag si Hale sa gusto ng kambal nya.               “No!” Gio and I said in unison.               Nagka-tinginan naman ang mag-kapatid at saka nagsalita si Hale na nasa tabi ko. “Maybe they’re right Snow, this is not the right time for that matter, besides bago pa lang din naman kami ni Regina.” Anu ba naman yan, mukang sineryoso yata ng lalake na ‘to ang mga kasinungalingan na sinabi ko.               “Ok! Anyway, maybe we should eat snack together. That would be a great bonding, right?”               Kumain ka mag-isa mo, o kaya kayong dalawa na lang nyang BOYFRIEND mo! Ano ba itong g**o na napasok ko, kahit kailan ka talaga Gina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD