(Hale POV)
Badtrip na buhay naman ‘to oh, ganito ba talaga ang mga estudyante dito na babae? Nakakabanas na ang pagsunod sa akin ng mga timawang babae dito.
“Hi Hale, you want to come with us?” sino ba sya, kilala ko ba sya? “We’ll have our snack at Starbucks, tara sama ka, my treat.”
Pasimple sila, malamang gusto lang nila akong tyansingan, pero hindi sila magtatagumpay!
“Thanks but no thanks, I want to be alone.”
Nagulat naman sila sa sinagot ko, kaya naman basta na lang silang umalis sa harap ko. Salamat naman at hindi ko na kailangang maging ungentleman sa pagtataboy sa kanila para layuan ako.
“Hi classmate!” na naman? Babae na naman? “Tara, kain tayo sa cafeteria?”
Mukja naman silang mabait, pero ayoko pa rin na mapalapit sa kahit na sinong babae dito sa university. Saka mahirap na, baka mamaya nilalandi nila ako may mga boyfriend na pala sila, makuyog pa ako!
“Sige kayo na lang, tapos na ako.”
Hindi naman na sila nangulit at nag-paalam na. Pwede ko naman siguro silang kaibiganin, but I just need to make sure na hindi nila mami-misinterpret ang pakikipagkaibigan ko sa kanila.
“Haaaaaayyyy! Nakaka-antok naman, bakit ba kasi hindi na lang nagturo si Mam Divine?!”
Wow naman, ang ganda naman ng pagkaka-ayos nitong mga locker, talagang may pagitan pa na kasya ang isang tao. Pwedeng-pwedeng gawin tulugan ang pagitan. Masubukan nga!
Hindi naman siguro masama kung magkakaron ako ng mga barkada habang nag-aaral diba? Pero bakit ang parents namin ni Snow hindi nila maintindihan?
“Ma, I can’t see anything wrong with making friends while studying. Sila pa nga minsan ang tumutulong sa akin kapag may hindi ako naiintindihan sa klase ko.”
Lagi na lang kaming ganito nila Mama at Papa, lagi na lang kaming nagtatalo-talo. Hindi ko lang kasi talaga sila maintindihan, ano ba kasi talaga ang mali sa pakikipag-kaibigan ko sa mga kaibigan ko ngayon?
“Don’t give me that bullsh*t Hale, alam mo ang totoong dahilan kung bakit ayokong nakikipag-kaibigan ka while studying!”
Oo, ilang beses na nyang inulit-ulit sa akin kung bakit bawal. Pero hanggang ngayon I still find that reason unacceptable. Bawal makipag-kaibigan habang nag-aaral kasi hindi sila makaka-tulong sa mga grades ko, f*ck that dude!
“Ikaw Snow, saan ka na naman galing bata ka? Ka-babae mong tao late ka na kung umuwi!” sigaw ni Papa kay Snow, pero dedma lang ang kakambal ko sa sigaw ni Papa. “Snow hindi pa tayo tapos mag-usap, bumalik ka dito!”
Pero wala rin namang nagawa si Papa ng hindi na bumaba si Snow, hay! Sana kasing sutil ako ni Snow para naman nagagawa ko din ang lahat ng gusto ko! Sana kaya din ng konsensya ko na sagut-sagutin ang mga taong nagpalaki sa amin at nag-alaga.
“Sinasabi ko sa’yo Hale, kapag nabalitaan ko pa na nakikipag-barkada ka na naman, ililipat ko kayong dalawa ng kakambal mo sa ibang university, doon sa wala kayong kilala!”
Minsan tuloy naisip ko, nung kayang kabataan nila hindi rin sila pinayagan nila Lolo at Lola na makipag-kaibigan nung nag-aaral pa lang sila? Siguro hindi nila na-experience ang mga bagay na dapat ma-experience nung mga panahon na iyon! Pero sh*t lang talaga, hindi ko talaga sila maintindihan!
Kahit na pinag-bawalan pa ako ni Mama na wag makipag-kaibigan, at si Snow naman ay pinag-bawalan ni Papa na kailangang seven pa lang ay nasa bahay na, hindi pa rin namin sila sinunod na magkapatid. Kaya naman tinotoo ni Mama at Papa ang sabi nila na ililipat nila kami sa ibang university kung saan ibang-iba ang environment!
Nasanay kami ni Snow sa America, tapos ngayon ipapatapon nila kami dito sa Pilipinas para dito mag-aral? At hindi lang iyon ang nakaka-banas, kailangan pa naming tumira sa parents ni Papa, kila Donya Merceditas Sembrano at Don Romualdo Sembrano. Naku po, saksakan pa naman ng strikto ang mag-asawa na ‘to!
“Here are the rules and regulations of the Mansion, and the other paper states the punishment you will face once you don’t follow any of the house rules and regulations!”
Grabe! Kung nalaman ko lang na ganito kahigpit ang makakasama ko sa paglipat dito sa Philippines, sana nagpakatino na lang ako sa States at sinunod ang lahat ng gusto ng parents ko!
“Hindi ko susundin ang mga nandyan, Granny! May sarili akong isip, may sarili akong desisyon, so I’ll do everything I want even if its against your will. Hindi ko hahayaan na may mangelam sa buhay ko, ako lang ang nakaka-alam kung paano ako sasaya!”
Matapang talaga ang kapatid ko kaya kinatatakutan sa dati naming pinapasukan. Isipin nyo na lang, nagagawa nyang sagutin ang mga ganitong katatandang tao, Lolo at Lola pa namin ang mga ito ah!
“How about you young man, wala ka man lang bang gustong sabihin?”
Eh kung may sakit ako sa puso, malamang na inatake na ako. Eto namang si Grandpa bigla-bigla na lang nagsasalita!
“Ayoko ring basahin ang mga rules and regulations na iyan. Kagaya ni Snow, may sarili akong buhay at ako lang ang may karapatan dito.” Kunwari ang tapang ko. Lord sorry po sa pagiging bastos kong apo. “Ayokong dumating ang araw na pagsisihan ko ang pagpapa-ubaya na manipulahin ninyo ang buhay ko.”
Naku po, mukang ihahambalos na sa akin ni Grandpa yung tungkod nya, baka mamaya may matulis pa yung bagay at maging katapusan na ng buhay ko!
+++++++++++++++++++++++++++++
“Uwaaaaaahhhh!!!”
Aray ko, mukhang tinotoo nga ni Lolo ang paghampas nya sa akin ng tungkod nya ah. Ang sakit ng binti at paa ko, napilay na yata! Noon ko lang namalayan na panaginip lang pala ang lahat, nung maramdaman ko na sumakit yung binti ko.
Akalain mo yun, nakatulog ako sa ganitong kasikip na pwesto. Pero sh*t, ang sakit talaga nung binti ko.
“Aray, ikaw ba ang sumipa sa paa ko? Napilayan yata ako ah!” yung crush ko, nasa harap ko na. “J-joke lang pala, hindi pala masakit yung paa ko at hindi rin pala ako napilayan.”
Pero hindi pa rin nabago yung facial expression nya, hindi pa rin bumabalik sa dati yung mga mata nya, yung maamo nyang mga mata na akala mo laging iiyak.
“Huy, wag mo naman akong titigan ng ganyan… nakaka-concious kaya. Sige ka, baka isipin ko na nagagandahang lalake ka sa akin at crush mo na ako.” Naku po, naku po. Iiyak na yata, wag naman. “O-oy wag kang iiyak, baka mamaya isipin nila may ginawa ako sayo.” Pero nagsimula ng tumulo ang luha nya. Isang patak, dalawa, tatlo, lima…at nagtuloy-tuloy na! “Uy, classmate wag ka naman umiyak oh!
Grabe namang umiyak ang isang to, parang bata lang. Ang bilis. May pinaghuhugutan yata.
“Oy classmate naman tumigil ka na, wala naman akong ginagawang masama sa’yo. Tingnan mo nga, pinagtitinginan na tayo ng ibang estudyante dito.” Pero ayaw pa rin talaga nyang magpa-pigil, tulungan nyo naman ako oh! “Ah alam ko na kung bakit ka umiiyak, natapon yung iniinom mong kape kaya ka naiiyak?”
Bigla naman syang tumigil sa pag-iyak at saka ako tinitigan, oh good Lord pigilan nyo sya. Alam mo yung tingin nya, yung tingin na parang nagsasabi na ‘baliw yata ang isang to, hindi nga ako umiinom ng kape. Papaslangin ko na lang sya!’
Tumayo na ako at hinila sya pababa ng building para pumunta sa Starbucks sa labas ng school. “Tara na, ililibre na kita ng kape.” Pero naalala ko yung dumi nung uniform nya, yung natapunan yata ng kape. “Teka, punta muna tayo sa locker ko at kukunin ko lang yung jacket ko para naman hindi kita yang dumi sa damit mo.” At nagpunta na nga kami sa Business Building para kuhanin ang jacket ko.