Video Scandal

1824 Words
(Lalaine POV)                 “My gracious God, I’m sorry if I can kill this guy beside me!”               Tama ba na iwan ako ni Gio at ni Regina kasama ang lalake na ‘to, to my number one enemy?               “Wag ka na ngang magpanggap dyan Lala, kundi ko pa alam na patay na patay ka sa akin.”               Ang kapal lang talaga ng muka nya, ang sarap lang i-shoot ng muka nya sa imburnal. Tingnan ko lang kung ‘di sya mamatay sa baho nun.               “You really know how to ruin my day, huh! You know what Jules; it’s not a crime if you stay quiet for one whole day or kahit kapag magkasama lang tayo.”               Bigla naman syang lumapit sa akin, then he near his face to mine. Gosh, my heart is beating so fast right now. May sakit na ba ako sa puso? And because I really don’t like this feeling, I cupped his whole face with both hands and pushes him ayaw from my face.               “Lumayo ka nga sa akin, ang bad breath mo!” ok, I’m lying. Ang bango nga ng hininga nya, plus ang sarap sa feeling nung tumatama yung paghinga nya sa muka ko, ang lamig lang. “Ipasa mo na yan kay Mam Divine!”               After staring at me intently, he then suddenly burst into laughter. He’s going crazy now, and that’s bullsh*t. I know he’s up to something; he’s planning something that can totally ruin my whole day, and worst my whole week.               “You’re so cute Lala when you blush. Look at you, mas mapula pa yang mukha mo sa sobrang hinog na kamatis, but you don’t have to worry because you really look good.”               At saka naman sya tumawa ng saksakan ng sarap, ang sarap nya ring ipakain sa mga pating sa Manila Ocean Park.               “Hi Jules, party rock tayo mamaya sa WineLine?” tanong nung isang babae sa malanding lalake sa tabi ko. “Hi Lalaine!”               Parang hindi na ako nag e-exist sa kumag na lalake na ‘to, hindi na nya ako pinansin ng dumating ang babae na ‘to na hindi ko naman kilala. Huh, I want to twist his neck and, his legs and arms. I want to kill him, for short.     ++++++++++++++++++++++++++   (Regina POV)               “Nandito na po ako!” ang walang kagana-gana kong sabi ng dumating ako sa bahay. “Hi Monina!”               “Hey Ate Gina, where’s my Kuya Gio?” tanungan ba ako ng di umuuwing lalake sa tamang oras dahil nakikipag-date? “Bakit hindi kayo sabay umuwi today, is there something wrong Ate Gina?”               Oh my gulay, bakit ba ganito sila? Bakit ba masyado silang observant at pala-tanong? Anong klaseng pagpapalaki ang ginawa nila Tito at Tita sa mga anak nila?               “May iba na kasi syang sinasamahan, yung boyfriend nya na bagong transfer sa school.” At nagsalita ang hindi girlfriend ang bagong transfer. “Hinatid sya nung boyfriend nya, kaya hindi kami sabay umuwi Monsi.”               Akala mo naman ikaw lang ang may kaya na sabihin ang ganyang bagay? “And may iba na rin kasing sinasakay ang Kuya Gio mo sa kotse nya except sa akin at sa mga kaibigan nya, yung girlfriend nya. Ayoko naman na maka-istorbo pa sa kanila at baka ako pa ang sisihin ng Kuya Gio mo kapag iniwan sya nung girlfriend nya.” at saka ako tumingin kay Gio na naka-tingin din pala sa akin.               Akala ba nya hindi ko kayang salubungin yung mga tingin nya, pwes nagkakamali sya ng akala. Kaya ko ng makipag-titigan sa kanya. Samantalang si Monina ay hindi na nakapag-salita, alam kong naka-tingin lang sya sa amin at nawiwirduhan sa mga nangyayari.               “You mean to say hindi kayong dalawa ang nagkatuluyan?” tanong ni Monina sa aming dalawa na hindi ko mabasa ang expression ng muka nya. “Naku po, malulungkot nyan si Mommy, umaasa pa naman sya na kayong dalawa ang magiging mag-jowa. Tsk, tsk, tsk! Sabihin nyo na agad kay Mommy na wala na kayong future, para naman hindi na sya umasa na magkakaron sya ng apo sa inyong dalawa.” At bigla na lang syang tumalikod at naglakad palayo sa aming dalawa ni Gio.               Maka-akyat na nga rin at ng makapagpahinga naman ang katawan at utak ko. Pero hindi pa ako nakaka-limang hakbang ay nagsalita na agad si Gio.               “Kaya ba bigla ka na lang umalis kanina ay dahil magkikita kayong dalawa ni Hale? Ni hindi mo pa nga sya ganong kakilala tapos sumama ka na agad sa kanya.”               Nagsalita! “Ano bang pakelam mo kung bakit ako biglang umalis kanina? Ano bang pakelam mo kung nagkita kami ni Hale, natural lang naman yon dahil boyfriend ko sya! Kung makapag-salita ka akala mo ang tagal mo ng kakilala yung girlfriend mong kinulang sa dugo kaya saksakan ng putla ng kulay!” nilait ko pa si Snow to think na sya ang pinatulan ni Gio at hindi ako, ang sama ko.               “Sa tingin mo naniniwala ako na may relasyon kayong dalawa? You’re not a good actress Regina, kung mag a-audition ka nga sa mga artista search paniguradong laglag ka na sa first elimination round pa lang, and you’re not a good liar. Kitang-kita sa mga mata mo kung kailan ka nagsasabi ng totoo at kung kailan ka nagsisinungaling.”               Aaaaaahhhhhh!!! Bakit ba kasi hindi ako nagkaroon ng kahit na konting skill sa pag-arte at pagsisinungaling, bakit parang lahat ng kailangan kong talento ngayon lahat wala?!               “And one more thing Gina, you’re way far from letting go of your feelings for me. Hindi ganong kadaling mawala ang nararamdaman mo para sa isang tao. You love me, right? Ilang beses mo ng sinabi sa akin yan, ilang beses mo na ring ipinaramdam sa akin yan, then all of a sudden you’ll tell me that, that mother f*cking guy is now your boyfriend.”               Pakshet na buhay ‘to, ano ba kasi talaga ang gusto nyang mangyari? Hindi ko sya maintindihan, jojowain nya si Snow Sembrano tapos sinasabi nya sa akin ang mga sinabi nya.     ++++++++++++++++++++++++++++++++++   (Author POV)               “Sweetheart nire-record mo ba?” tanong ni Nathan sa asawa.               Hindi naman sumagot si Billy sa tanong ng asawa nya, tuloy pa rin ang panonood sa drama ni Gio at Gina. Kasalukuyan kasing nag-aaway ang dalawa sa living room sa ibaba ng bahay, at natawag ang pansin ng timang na mag-asawa dahil sa lakas ng boses nilang dalawa.               “Sweetheart i–video mo lang iyan at pupuntahan ko lang si Ran sa kwarto nya, baka kasi biglang bumaba maudlot pa ang palabas sa ibaba.”               At pinuntahan nga ni Billy si Ran para i-check kung anong ginagawa nito, while Nathan on the side is enjoying the movie-like drama he’s watching and recording.               Si Monina kasi pumunta sa bahay ng kaibigan nya sa kabilang kanto kaya si Ran lang ang kailangan nilang bantayan na mag-asawa na posibleng maging istorbo sa nagaganap na palabas sa sala. Mabuti na lang at tulog na ang makulit na si Ran kaya wala na silang magiging problema. Ang mag-asawang Lopez naman at hindi pa dumarating mula sa kanilang trabaho.               “Ano ba kasi talaga Gio ang gusto mong palabasin, na hindi ko kayang makipag-relasyon sa iba dahil sa’yo? How conceited you are Mr. Gregory Lopez!” pasigaw na sabi ni Gina kay Gio.               Naka-balik naman na si Billy sa pinag-tataguan nila ng asawa, sabay sabi ng “Kasi naman yang kapatid mo Nathan, ayaw pang umamin na type din si Regina!” at umupo na ito sa sahig kung saan sila naka-pwesto.               “Pasensya sweetheart at hindi ko masyadong naturuan ng diskarte ang kapatid ko na iyan pagdating sa mga ganyang bagay. Ikaw kasi eh, bigla ka na lang dumating sa buhay ko tuloy nawalan ako ng oras sa mga kapatid ko at napunta lahat sa iyo.”               “Kapal mo Nathan, nung dumating ako dito wala ka na talagang oras sa mga kapatid mo. Baka nakakalimutan mo, ako pa ang tumulong sa’yo para mapalapit ka ulit sa kanila.”               Nang lingunin ng mag-asawa ang nag-aaway dahil bigla silang tumahimik ay nagulat sila sa nakita nila, naghahalikan na yung dalawa!               “Yan lang ang naituro ko kay Gio, ang maging mabilis! Kita mo naman, tumutuka na agad to think na hindi pa sila ni Gina at nag-aaway pa sila nyan ha!” mayabang na sabi ni Nathan sa asawa.               “Tumahimik ka muna nga, wala na akong naintindihan sa pinapanood ko.”               “She’s not my girlfriend ok, she’s not even my type kaya imposible na maging kami.” Paliwanag ni Gio sa umiiyak na si Gina. Bakit nga ba umiiyak si Gina? “Wag ka ng umiyak, ayokong nakikita ka na umiiyak.” At hinalikan ni Gio si Gina sa noo.               “Sweetheart kinikilig naman ako sa kanilang dalawa!” hindi sumagot si Nathan pero tiningnan nito ng something naughty ang asawa. “Bakit ganyan ka na naman maka-tingin?”               “Eh bakit sabi ni Snow boyfriend ka nya, bakit hindi mo man lang itinama yung sinabi nya?” naka-ngusong tanong ni Gina na naka-yakap kay Gio. “Tapos feel na feel mo pa yung pag-abrisyete nya sa’yo.”               Tiningnan ni Gio si Regina at saka nagsalita. “Sa taas na lang natin pag-usapan, baka dumating na si Mommy at Daddy isipin pa nila inaapi na naman kita kaya ka umiiyak.” at lumakad na sila paakyat sa kwarto ni Gina.               “Ang korni nyo naman, dyan na lang kayo sa sala mag-usap para naman updated kami sa love story ninyo.” biglang sigaw ni Billy ng humakbang na ang dalawang bida sa pinapanood nilang pelikula. “Hindi pa naman uuwi si Mommy at Daddy dahil may kailangan pa silang tapusin. Balik na kayo doon at doon na lang kayo mag-usap.”               Kahit kailan talaga itong si Billy, hindi mapigilan ang bibig na sabihin ang gustong sabihin pagdating sa love life ni Gio at ni Regina.               “Kanina pa ba kayo nandyan Ate Billy, Kuya Nathan?” tanong ni Gio sa mag-asawa.               Si Nathan naman ang nagsalita. “Ahhmmm, sapat lang para marinig at mapanood namin ang lahat ng pangyayari mula nung pumasok kayo sa pinto ng bahay na ito.” Naka-ngiting sagot ni Nathan sa kapatid at ipinakita nito ang video recorder na hawak.               Nanlaki naman ang mata ng dalawa dahil sa nakita, kaya naman tinakbo nila ang kinaroroonan ng mag-asawa para agawin ang videocam nito. Pero syempre pa, hindi naman papayag ang mag-asawa na basta na lang mawala ang pinag-hirapan nilang i-video na pang-pelikulang eksena. Tumakbo ang dalawa papasok sa kanilang kwarto at nag-lock ng pinto.               “Kuya Nathan akin na yang recorder na yan, burahin mo ang video naming dalawa ni Gina dyan!” sigaw ni Gio sa kapatid mula sa labas ng kwarto nito. “Kuya, Ate Billy!”               “Gina masarap bang humalik si Gio? Hahahaha.” pasigaw na tanong ni Billy dito. “Ayyiieee, para na rin akong nakapanood ng stage play ng live.”               Namula naman si Gina sa tanong na iyon ni Billy kaya hindi sya naka-sagot. Samantalang si Gio naman at nakatingin lang sa katabi habang naka-ngising pinagmamasdan ang namumulang mukha ni Regina Reynolds.               Bigla namang tumakbo si Gina papunta kwarto nito ng mapansin nya na pinagmamasdan pala sya ni Gio. “Hindi pa ako tapos sa inyong dalawa Kuya Nathan at Ate Billy. Babalikan ko kayo!” sigaw nito sa mag-asawa at saka hinabol si Gina sa kwarto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD