Graduation Gift

1148 Words
(Gina POV)               After eleven days, we finally graduated college. Syempre super proud sina Tito at Tita dahil naka-graduate si Gio at c*m laude pa. Kahit na hindi ko na sya boyfriend, super proud pa rin ako para sa kanya. Hindi ko man sya boyfriend, wala man na kaming relasyon, pero mahal ko talaga sya kaya proud pa rin ako.               “And because the two of you graduated, we’ll have an out-of-the-country vacation!” super excited na balita ni Tita sa aming lahat. “And we will go to… Thailand!”               I should be happy, I must make the most out of all the remaining days that I’m with them. After less than a month, uuwi na ako sa Saudi and I’m not sure if I can see them again.               “Problem?” biglang tanong sa akin ni Ate Billy. “Kanina ko pa napapansin na tuliro ka, may nangyari ba?”               They already know about the break up, and they respect naman Gio’s decision. Sa totoo lang, wala naman sa akin kung si Gio ang nakipag-hiwalay, hindi yun big deal sa akin kahit na babae ako at sya yung lalake.               “Ate Billy, I have something to tell you but please don’t tell it to anyone, even to Kuya Nathan.” Eh syempre, madaldal si Ate, kaya malaki yung probability na masabi nya kay Kuya, but I have to do this. “In two weeks time, aalis na ako ng Pilipinas, and I’m not sure if makaka-balik pa ako.”               “What?!” naka-sigaw na tanong ni Ate Billy, tuloy napa-tingin silang lahat sa aming dalawa. “Ay, sorry. Don’t mind us, just a simple girl talk.” And she pulled me away from them. “Nag-break lang kayo ni Gio lalayas ka na agad! Konting problema wala kayong ibang alam gawin ni Gio kundi ang mag-break, ang wag mag-usap ng masinsinan. Sa tingin nyo ba maaayos nyo yung mga problema ninyo? Sa tingin nyo ba magkakatuluyan pa rin kayo kahit mag-soulmate kayo kung para kayong grade one kung umasta?!”               Paaaakkk!!! Sapol na sapol ako sa sinabi ni Ate Billy, pero tama naman sya kaya wala akong masabi. Buti pa sya napansin nya na lagi na lang kaming ganon kapag may problema, pero kami hindi kasi wala kaming ibang alam gawin kundi ang magpataasan ng lipad.               “Kung balak mo na talagang umalis, mag-paalam ka ng maayos, hindi yung basta ka na lang lalayas. Hindi naman namin hahadlangan iyang gusto mo, kasi alam namin na iyon ang kailangan mo.”               After she said that, bumalik na ulit sya kila Tita na pinag-uusapan pa din kung saan pupunta as celebration. I don’t want to spoil anything, pero ayoko rin naman na patagalin pa ito.               “Ahm Tita…” oh gosh, kinakabahan ako “I think hindi na po ako makakasama sa bakasyon ninyo.” Kumunot naman agad yung noo ni Tito at Tita, sama mo na yung tatlong magka-kapatid maliban kay Gio.               “Why?” tanong ni Tita Glenda.               “My mom called me last last week. She told me na kailangan ko ng bumalik sa amin dahil tapos na yung one-year na hiningi ko sa kanilang freedom.”               Si Kuya Nathan naman yung nagtanong. “Saan ka ba pupunta, sabay na lang kami sa’yo para kasama ka pa rin namin sa bakasyon.” Nakakatuwa namang isipin na gusto pa rin nila akong makasama.               Ayoko pa sanang sabihin, kaya lang dun din naman mapupunta ang lahat, so why prolong the agony?!               “Babalik na ako ng Saudi, kuya Nathan.”               Bigla namang nag-walkout si Gio, malay ko kung bakit.               “Ate Gina, maganda ba sa Saudi?” tanong ni Ran.               Maganda kung sa maganda, pero how can you appreciate that beauty if you’re not happy? Masarap mamasyal sa lugar na yon, maglakad-lakad habang hawak mo yung kamay ng mahal mo. The place is so damn romantic, ang lakas maka-moment. It’s a place to think and plan about the future.               “That’s a very beautiful place Ran.”               Si kuya Nathan naman biglang nagliwanag yung pagmumuka nya, nakarinig lang na perfect yung place eh. “Really Regina? It’s settled then, sa Saudi tayo magbabakasyon.” What? Nababaliw na yata si Kuya. “Heard that sweetheart, the place is perfect. Malay mo sweetheart, dun na tayo makabuo ng little Nathan and Billy.” Seryoso, dun pa sila gagawa? Ako nagluluksa, tapos sila dun pa gagawa! “At kapag naka-buo tayo dun, babalik na tayo lagi doon.”               Si Tito and Tita naman nawindang sa suggestion ni Kuya Nathan, for sure malaki na naman ang magagastos nila, though kaya naman nila for sure ang mga expenses.     ++++++++++++++++++++++++++++     (Gio POV)     “My mom called me last last week. She told me na kailangan ko ng bumalik sa amin dahil tapos na yung one-year na hiningi ko sa kanilang freedom.”               What a perfect time para pauwin sya ng parents nya, kung kailan meron pa kaming misunderstanding at hindi pa kami nagkakabalikan. Bigla na lang akong umalis, naiinis ako sa kanya.               Ganon na lang ba ‘yon, basta na lang nya akong lalayasan? Tangna ko naman kasi, ilang linggo yung lumipas pero hindi ko pa rin sya kinausap. Tapos ngayon kung makapag-inarte ako akala mo nagawa ko na ang lahat ng pwede kong gawin para bumalik kami sa dati. Nakaka-inis talaga, ang gago ko!               “Hey Gio, nasaan sila Tita? Bakit hindi mo sila kasama?” tanong ni Lalaine nung makita nya ako na naglalakad papunta kung saan. “Teka, saan ka ba pupunta?”               Saan nga ba ako pupunta? Hindi ko rin alam, basta gusto ko lang munang mapag-isa.               “Uuwi na ako Lai, masakit kasi ulo ko.” The perfect alibi I can give to her.               Pero syempre, dahil bestfriend ko sya… “FYG, you’re lying. Si Jules na lang, pero wag na wag ako ang lolokohin mo dahil hindi ka uubra.” See that, she knew me too well. “So, what’s the latest between you ang Gina, nakapag-usap na ba kayo?”               Oo nga naman, sa dami ng pwede kong pag-sinungalingan si Lalaine pa ba eh bestfriend ko ‘yan? Hindi ko nga alam, nasa kanya naman lahat ng gusto ko sa isang babae, pero bakit hindi ko sya magawang mahalin ng mas higit pa sa isang kaibigan.               “Sa tingin ko Lalaine, hindi pa sila nag-uusap na dalawa ni Regina. Wag mo na silang pakelaman, hayaan mo sila na ayusin ang sarili nilang problema.” Biglang sabi ni Jules.               Himala, hindi yata nagalit si Lai sa sinabi ni Jules. Hindi kaya meron ng something sa kanila at hindi lang nagsasabi sa akin?               “Umamin nga kayong dalawa, kayo na ba?”               Bigla namang naging Go Diego, Go! ang drama, bigla ba namang naging gala at kung saan-saan pumapasyal ang tingin. Langya, sinasabi ko na nga ba eh.               “Graduation gift mo ba Lai kay Jules ang pagiging girlfriend mo sa kanya? Anak ng teteng ka Jules, matapos ang apat na taon nagbunga na din ang paghihirap mo!”               Yung totoo, masaya ako para sa kanilang dalawa. Akala yata nila hindi ko napapansin mula pa noon na gusto nila yung isa’t-isa, pero talagang natutuwa ako dahil alam ko na magtatagal silang dalawa, hindi katulad naming dalawa ni Regina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD