(Gina POV)
“What the heck is the matter with you, Gio?” bigla na lang nya kasi akong hinila palayo kay Hale. “Let go off me, nasasaktan na ako!”
Nandito kami ngayon sa Business Building dahil ang final exam namin sa isa naming business subject is mock interview. It just so happened ng dumating ako dito, si Hale pa lang ang nandito. Parang ang bastos ko naman kung hindi ko sya papansinin diba, after all may pinagsamahan din naman kami.
“Bakit kasama mo ang lalakeng ‘yan? Napag-usapan na natin ito diba?” gigil na tanong sa akin ni Gio.
Kinalma ko muna yung sarili ko, kasi ayoko talagang sabayan ang init ng ulo nya dahil hindi kami magkakaintindihan. Since we decided to become a couple, wala na syang ibang ginawa kundi bakuran ako. Damn, nasasakal na ako sa kanya, pero dahil mahal ko sya iniintindi ko na lang. Pero ibang usapan na yung ngayon, nasasaktan na ako…physically!
“I said let go of me, nasasaktan ako!” at hinila ko yung braso ko. “You know what Gio, nagsasawa na ako sa kaka-selos mo. Noong una natutuwa ako, but now, I don’t find it cute and sweet, it’s annoying Gio, so annoying.”
“And now you’re arguing with me because of that assh*le?”
Gaahhh, I really don’t know what to do with this guy. “What’s eating you Gio? All along I thought you knew that I love you, pero mukhang mali yata ako. Wala kang tiwala sa akin, kahit kailan hindi mo ako pinagkatiwalaan!”
“Akala mo lagi akong nakikipag-usap sa ibang lalake, akala mo nakikipag-landian na ako, akala mo ipagpapalit na kita! My gosh Gio, ganon ba kababaw ang tingin mo sa akin, sa nararamdaman ko para sa’yo? Punung-puno na ako Gio, sawang-sawa na rin ako sa kaka-selos mo na wala namang basehan!”
“Are you breaking up with me? Huh, Regina?” tumalikod sya sandali at humarap ulit sa akin. “If that’s what you, then fine! Magsama kayo nyang Hale mo na yan!”
Sya pa ngayon ang may ganang magalit, samantalang sya itong gago! That’s what I really want, to break up with him because I’m really fed up with his childish acts.
Bumalik na ako kung nasaan si Hale, I should say sorry to him dahil sa mga sinabi ni Gio. “I’m sorry, pati ikaw nadamay pa sa away naming dalawa ni Gio.” Nahihiya kong sabi sa kanya.
“Ako ba ang dahilan kung bakit kayo..uhm… you—“
Tigas naman ng muka nya, di ko nga sya type eh. But yeah, he’s one of the many reasons why my relationship with Gio ends like this. Gagu sya eh, wala syang tiwala.
“Yes… I mean no… but somehow yes.” Ang g**o mo Gina! “Wag na nga nating pag-usapan, we should concentrate sa final test natin, which is the mock interview.”
++++++++++++++++++++++++++++
I think maganda naman yung kinalabasan nung interview sa akin, mukang mataas naman ang makukuha kong grade from Ms. De Oro. I’m on my way na papunta sa sakayan ng bus, pauwi na rin ako since tapos na ang klase ko.
“Hop in Regina, dito man lang mabawasan yung guilty feeling ko, na isa ako sa dahilan ng break-up nyo ni Gio.”
Hindi na rin siguro, baka lalo lang lumala ang sitwasyon. “Hindi na Hale, maaga pa naman. Salamat na lang.” at nagsimula na akong lumakad para maka-sakay na ako ng bus.
Kahit naman ganon si Gio, mahal ko pa rin yon, kahit ba break na kami. Ayoko naman na isipin nya na tama lang yung pagseselos nya, ayokong mangyari yon dahil wala naman yung katotohanan.
After almost an hour, nakarating na rin ako ng bahay nila Gio ng sya lang ang nasa isip ko. Ilang buwan pa lang kami pero break na agad kami. Naisip ko din, baka hindi talaga kami yung para sa isa’t-isa. Para syang north pole, at ako naman south pole, nasa magkabilang dulo kami ng mundo, napakalayo namin sa isa’t-isa. Tuwing magtatabi kami, lagi na lang kaming nag-aaway.
Nakakatawa lang talaga kung paano kami nagkakilala, kung paano nagsimula ang lahat.
*FLASHBACK*
Wala pang twenty minutes mula nung nakatakas ako sa hotel heto na agad yung mga alipores ng magulang ko, badtrip! Kailangan kong humingi ng tulong, ayokong bumalik sa amin!
“Teka, ang pogi naman nung lalake na yon. Sa kanya na lang ako hihingi ng tulong, siguro naman tutulungan nya ako.”
Tinakbo ko yung pagitan naming dalawa, nagulat naman sya nung bigla ko syang hinawakan.
“Ui cutie pie, tulungan mo naman ako oh” s**t naman oh, parang nagkamali yata ako. “Sige na naman oh! Please!”
Para naman syang nagdadalawang-isip. Anak ng tipaklong naman oh, ayoko sa disyerto!
“Sino ka ba, saka ano bang problema mo?” wow, ganda ng boses.
“Say yes first then I’ll tell you my problem and what’s happening.” Aba mahirap na, baka mamaya hindi sya pumayag, kaligayahan ko ang nakataya dito.
Sumagot naman sya ng ‘ok, yes daw!’ and so “oh, boyfriend na kita ha, wala ng bawian!” makapal na muka kong sabi.
“What? Is this some kind of a joke? Nasa WOW MALI ba ako?” tanong nya sa akin. Sinabi ko sa kanya na totoo ‘to, na hindi ako nagbibiro? “Whatever, so ano na? What’s happening and what the matter is?” tanong na naman nya.
And speaking of big problems, nandito na yung mga humahabol sa akin. “I’ll tell you later. But we have to get out the hell here, they’re coming.” And we ran again like all demons are all after our beautiful souls.
“Sino ba yung mga humahabol sayo? Siguro inutangan mo sila tapos ngayon hindi mo binayaran!”
Yung totoo… “Muka ba akong walang pera?” bwisit na ‘to. Sabihan ba naman akong muka nga akong walang pera, sa ganda kong ito. Teka nga, hindi ko pa alam ang pangalan ng instant boyfriend ko.
“Ano nga palang pangalan mo?” si Gio daw sya, at wag ka, interesado din sya sa pangalan ko. “Ui, interesado din sya sa akin! Regina, but just call me Gina para mas bagay tayong dalawa, parehong sa letter G nag i-start yung name natin.” Parang meant to be talaga diba?”
“Dito!” tapos bigla nya akong hinila papasok sa isang maliit na eskenita na may kadiliman. Yung mga bardagol na security nila Mama na humahabol sa akin hindi na kami makita, hahaha. “Humanda ka sa akin mamaya!” ako pa tinakot nya.
s**t! Nakita kong napalingon yung dalawang humahabol sa akin sa direksyon kung nasaan kami. No choice na ako, kailangan kong gawin to para hindi nila ako makita. KAILANGAN kong halikan ‘tong si Giong pogi. Nung makita ko na umalis na sila, tinigilan ko ng papakin yung sweet lips ni Gio.
“Bakit mo ko hinalikan?!” bading ba sya, yung totoo? Sayang naman kung palda din pala ang gusto nyang isuot. “I think I have to go!”
*END OD FLASHBACK*
Napangiti naman ako ng hindi ko namamalayan dahil sa alaala na yon. “Hoy Ate Gina, kanina ka pa mukang tanga na ngumingiti ng mag-isa! Baliw ka na ba?” biglang banat na tanong ni Monina. Pambasag trip talaga tong batang to eh! “So anong nasa isip mo Ate at naka-ngiti ka na parang shunga?”
“Naalala ko lang kung pano kami nagka-kilala ni Kuya Gio mo. He broke up with me.” Sagot ko sa kanya. “Dun man lang makuha ko pa rin na ngumiti kahit na nasasaktan ako.”
“Alam mo kasi Ate Gina, masyado kang lovable para kay kuya na masyadong seloso at possessive kaya hindi nag-work yung relasyon nyo. Wag kang mag-alala, makikita at malalaman din ni Kuya Gio yung mali nya, kung bakit ka nya pinakawalan.” Seryoso Monina, may pinagdadaanan ka? “Tara, kain tayong chocolate. Sabi ni Mrs. Rublico the best na pantanggal lumbay ang chocolates!” at hinila na nya ako papunta ng kitchen para kumuha ng marami at iba’t-ibang klaseng chocolates.
++++++++++++++++++++++++++
After two weeks, hindi pa rin ako pinapansin at kinakausap ni Gio. Ngayon na rin namin malalaman kung makaka-graduate ba kami, kung pumasa ba kami sa lahat ng subjects namin.
“Yeeessss!”
Si Jules at Lalaine ganun din, pati si Gio. Masaya ako para sa aming lahat, pati na rin si Hale at Snow. Si Snow, naging magkaibigan na rin kami, though may pagka-masama pa rin ang ugali nya, but in a good way sometimes… just sometimes.
“We need to celebrate Gina!” biglang sabi ni Snow. “Tara, kain tayo sa labas.”
Sumama na ako sa kambal, since ang kasama ni Lalaine at Jules na magce-celebrate ay si Gio. Kailangan ko na rin na sulitin ang lahat ng ito, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan na lang sila makakasama.
“At dahil gentleman ka Hale, ililibre mo kaming dalawa ni Snow!” natatawa kong sabi kay Hale habang naglalakad kami papunta sa kotse nya. “Tama ako diba, Snow?!”
“You’re so good talaga Regina, you got it right! Hale, sa Fridays mo kami pakainin ha!”
++++++++++++++++++++++++++
(Gio POV)
Ilang araw na ba kaming hindi nag-uusap ni Gina after kong makipag-break sa kanya? Eight days, nine days? s**t, naiinis ako kasi hinahanap-hanap ko yung paglalambing nya sa akin.
“Kuya Gio! Alam mo ba sabi ni Mrs. Rublico, chocolates daw ang pinaka-mabisang pantanggal ng stress? Tara kain tayo!” at hinila ako ni Monsi papasok sa kitchen at saka kumuha ng chocolate cake, at ice cream sa ref.
“Hindi ako magugulat Monsi kung isang araw wala ng natira sa ngipin mo! Ang takaw mo sa chocolates, sa matatamis samantalang tamad na tamad ka namang mag-toothbrush!”
Si Monina na mismo ang kumuha ng cup, platito, kutsarita at tinidor para sa aming dalawa. “Pero alam mo ba Kuya kung ano ang pinaka-effective na kainin na pantanggal lumbay?” bakit ang daldal nitong si Monina ngayon? “Yung pride chicken at ego sandwich, yun ang pinaka-masarap lunukin para maging masaya ka.” San ba nya napupulot yung mga sinasabi nya? “You’ll regret everything if paiiralin mo yang pride chicken wings mo. Ikaw din Kuya G, baka mamaya iiyak-iyak ka saken kapag nawala na sya ng tuluyan sa’yo!” at nilayasan na nya ako!
Teka, anong oras na ba at hanggang ngayon wala pa rin si Gina? Saan ba nag-suot ang isang yon, baka mamaya kung ano na naman mangyari sa kanya tatanga-tanga pa naman yun minsan.
May narinig akong tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay namin. Sa kakamadali ko na sumilip kung sino yung dumating, nabangga pa yung tuhod ko dun sa table na nasa sala.
Si Hale at si Snow, hinatid nila si Gina. Saan sila galing, at kailan pa naging close si Snow at Gina? Umayos agad ako ng upo sa sofa, kumuha ng magazine at kunwaring nagbabasa. Naramdaman kong pumasok si Gina, pero hindi man lang nya ako pinansin.
“Ate Ginaa!!!” bati ni Ran at Monina sa kanya.
Binaba ko ng kaunti yung magazine na hawak ko para makita kung anong ginagawa nilang tatlo. Nagpabuhat si Ran kay Gina, while Monsi is on her side holding two ipads.
“Ate Gina, let’s play Candy Crush!” sabi ni Ran sa kanya, sabay hingi nung isang ipad kay Monsi. “Look Ate, Ate Billy installed this app to my ipad, and also to Ate Monsi.”
“That’s right Ate Gina, wait! Have you downloaded and installed one?” maarteng tanong ni Monsi kay Gina, while Gina just nod and give her a smile. “Let’s play na!” And the three of them headed to Gina’s room.
+++++++++++++++++++++++++++
(Regina POV)
Monina, Ran and I are all busy playing Candy Crush ng biglang pumasok si Ate Billy, and who also busy playing the game on her own tablet.
“Anong level na kayo?” tanong nya sa amin.
“29!” sagot ko!
“18” sagot naman ni Monina.
Si Ran, ayan masyadong tutok sa nilalaro nya ng biglang. “Ayoko na nito, I can’t complete level 12!” at binalibag nya yung ipad nya sa kama ko, at umiyak kay Ate Billy. “I don’t want to play Candy Crush anymore, I hate that game already!” umiiyak na sabi ni Ran habang nakayakap kay Ate Billy.
“Don’t cry baby, tatapusin ko yang level 12 for you.”
Nung tiningnan naming dalawa ni Monina kung anong level na si Ate Billy, nagulat kami pareho. Hindi sya naglalaro ng Candy Crush!
Alam nyo ba kung anong app yung naka-open sa ipad nya? iStoryBooks, ano yung pinapakinggan nyang story? CINDERELLA! Seryoso ba sya, feeling nya yata five years old lang sya.
“Nainggit na naman kayo, wag nyong pakelaman yang ipad ko!” biglang sabi nya nung mapansin nyang tinitingnan namin ni Monsi ang tablet nya. “Bakit, sa bata lang ba pwede ‘yan?”
Nag-aasaran pa kaming tatlo ng biglang nag-ring yung phone ko. Kinabahan ako ng sobra ng makita ko kung sino ang tumatawag… Mama calling!
“Hello Ma?” sagot ko.
“You need to be home next month, your time is up.” s**t, next month na ba talaga? Hindi na ba pwedeng mag-extend? “If you don’t want your bodyguards to get you there, you need to be here next month!”
And she hangs up! Hindi man lang nya ako pina-singit eh ako kaya ang bida sa story na to! But NO!!! Ayoko pang bumalik sa Saudi, ayoko ng bumalik doon kahit kailan!