(Author POV)
It’s been five years since she left Philippines, since she left her heart and she think that this is the right time for her to get it back.
Regina Reynolds lives her life in the best way she can. When she arrived at Kingdom of Saudi Arabia, she really felt so lost and lonely. Hindi iyon ang gusto nya, alam nya iyon pero wala syang magawa.
When her parents saw her sad ever since she returned, nagpasya sila na hayaan na ng tuluyan si Regina sa mga gusto nitong gawin. “We will let you live the life you want, but you need to promise us one thing.” Iyon ang sabi ni Mrs. Reynolds sa anak almost five years ago. “You need to tell us where you’re going, and promise us that you will be happy.”
She promised to her parents that she will be happy if she can live the life she wished to live, though it’s somehow late already because the man she loves was thousand miles away from her.
“I promise Mom, Dad. I will do anything and everything that will make me happy, and I will always update you of my where-abouts.”
Tinupad naman ni Regina ang pangako nya sa mga magulang. Four years ago, itinayo nya ang negosyo na bumubuhay sa kanya ngayon, ang negosyo na mahal nya. She decided to have a café, Café Giorgina. Why Giorgina and not Georgina? Dahil hanggang ngayon ay si Gio pa rin ang laman ng puso ni Regina. She combined her’s and Gio’s name, and the result was Giorgina.
She promised that she will never replace Gio, kahit pa tumanda syang dalaga. Ganon nya kamahal ang binata. Hindi man sila nagkaroon ng pagkakataon noon na makapag-usap bago sya umalis ng Pilipinas, alam nyang alam na ni Gio kung ano ang sasabihin nya dito – mahal nya ito.
Her café become famous at Bordeaux where she decided to live when she left her parents house. There she met Phillip, Lucia, and Helena. Her new found friends are also the crew of her café.
Pero ngayon, kailangan nyang iwan sandali ang café nya para bumalik sa Pilipinas. Ikakasal na kasi si Lalaine at Jules, at sya ang kinuhang bride’s maid ng dalaga. She can’t say no, after all naging magkaibigan din naman sila nito. She also know that Lai is up to something, kahit pa ito ang naging google map at broadsheet nito sa Pilipinas lalong-lalo na kapag si Gregory Lopez ang usapan.
++++++++++++++++++++++++
Welcome Back Regina!!!
Iyon yung nakasulat sa karatula na hawak-hawak ni Billy at Monina. Kitang-kita iyon ni Regina paglabas na paglabas pa lamang nya sa airport. How she missed the Lopez Family who has been so supportive to her lovelife and life too.
“Ate Gina!!!!” sigaw ni Monina ng makita nito ang dalaga!
Dali-daling tumakbo si Gina palapit sa mga ito, and she’s so happy to be with them again. “Na-miss ko kayo!” naiiyak na sabi ni Gina sa mga ito.
“Ang OA mo naman Ate Gina, para namang hindi ka namin nakaka-usap thru Skype.” Hulaan nyo kung sino yung may sabi nun.
Pasensya na kayo, pero ang cute, matalino, malambing, at bugnutin na si Ran ay lumaking pilosopo kagaya ng iba nitong kapatid, at mas malala pa yata.
“I miss you more Ran, let’s play Candy Crush!”
+++++++++++++++++++++++++++++
Regina is aware that Gregory Lopez has a girlfriend for a year now, she’s Kiara. Aware si Gina tungkol sa bagay na ito dahil madalas din itong mabanggit sa kanya ni Lalaine, and she even saw it on Gio’s f*******: account. Hindi na rin sya nagulat na magkakaroon ng ganoong kaganda at sikat na girlfriend ang isang katulad ni Gio na isa ng sikat na businessman and model at the same time.
“So kamusta na ang café mo, mabenta ba?” tanong agad ni Biily dito pagkadating nila sa bahay. “Ipagluto mo kami ng specialty mo ha.”
“All is well sa café, laging maraming customer kaya lagi kaming busy. Marami din orders kaya minsan wala na talaga akong oras para sa ibang bagay.”
“Ate Gina, kamusta naman na ang puso mo? Hindi ka man lang kasi nagku-kwento tungkol sa love life mo.” Oh, that’s Monina na akala mo laging may pinag-dadaanan kung magtanong. “May boyfriend ka na ba doon?”
“Tita Igina…” that’s Renzo, ang tatlong taong anak ni Billy at Nathan. “Uat mo atu.”
“Huy Gina, buhatin mo nga ‘tong anak ni Nathan.” Biglang sabi ni Billy.
Kung makapag-salita ang isang yun akala mo hindi rin nya anak yung bata. Pagpasensyahan na lang natin at ibang klase talaga ang mood-swings ng buntis.
“So ano Ate Gina, wala ka bang balak na sagutin yung tanong ko? I’m waiting, and I will not stop until you tell us!”
Si Ran naman ay nakikinig lang sa kanila, habang nilalaro nito si Renzo na hindi pinansin ni Gina. Actually, gusto ring malaman ni Ran kung meron na nga ba itong boyfriend. Hindi dahil sa type nya ito, kundi wala pa ring pumapantay sa love team ng Kuya Gio nya at ng Ate Gina nya para sa kanya.
“Wala!” sagot ni Regina sa nangungulit na si Monsi. “I don’t have time for that, masyado na akong busy at masaya sa business ko.”
“Pero mas sasaya ka kung kasama mo pa si Kuya Gregory Lopez, at mas magagalak ka kung ikaw pa ang tatanghalin na Mrs. Gregory Lopez.” Maarteng sagot ni Monina.
“Yeah right!” biglang singit ni Ran.
++++++++++++++++++++++++++++
Ngayon lang sila nagkita ni Gio mula nung dumating sya dito sa Pilipinas. Oo, ngayon na nga ang kasal ni Lalaine at Jules. She can’t deny the fact that Gio is more handsome than before, mukang hiyang ito sa current girlfriend nya.
“Kain lang ng kain Regina, wag kang mahiya.” That’s Jules, nasa reception na sila. “Ayun si Gio oh, nakapag-usap na ba kayo?”
Paano nga ba sila makakapag-usap kung parang iniiwasan ni Gio si Gina? Regina Reynolds still doesn’t know how she will start the conversation, kung paano nya sasabihin dito ang lahat ng laman ng puso nya.
“I’ll talk to him later Jules, thanks. Anyways, congratulations sa inyo ni Lai. Sabi na nga ba at may gusto kayo sa isa’t-isa, parang ginaya nyo lang yung lovestory namin ni Gio. Pero yun nga lang sa inyo may happy ending, yung sa amin tragedy.”
She believes in fairy tales, kaya nga naniniwala din sya na ang lahat ay may kanya-kanyang happy ending. Maybe it’s not yet the end for her and Gio, kung hindi man sila magkakabalikan at least maging magkaibigan man lang sila.
“Wag ka ng mag-senti Gina, kausapin mo na lang kasi sya.” At hinila ni Jules ang dalaga patayo at tinulak nito si Gina palapit sa ex nito. “Sige na.”
Regina can hear her own heartbeat dahil sa sobrang kaba. Paano ko ba sisimulan ang usapan? Magpapaligoy-ligoy pa ba ako o straight to the point na para madali lang ang usapan? Tanong ni Gina sa sarili nya.
“Hi!” bati ni Gina sa binata ng makalapit na ito. “Can we talk?”
Nagulat naman si Gio sa sinabi nito, kahit naman si Gina nagulat. Hindi nya alam kung saang lupalop ng mundo nya nakita ang tapang para kausapin si Gio.
“S-sure, tungkol ba saan?”
“Actually, I just want to say something.” Panimula ni Gina. “I-I just want to tell you everything that I kept inside my heart for five years. But before that, I don’t have any plan to ruin your relationship with your girlfriend or whatever; I just want to say all this para matahimik na rin ako.”
Hindi naman sumagot si Gio, nakatingin kang ito sa kanya. For her, yung tingin ni Gio ay nagsasabi na ituloy lang nya ang sinasabi nya.
“Alam kong mahal mo yung girlfriend mo, that you’re so much in love with her, that’s what people says around you. Halata rin naman sayo, you look wonderful and you look so fine. Sabi mo pa nga daw mahal na mahal mo sya, at wala ka ng mahihiling pa dahil naibibigay nya sayo lahat ng kailangan mo. Ang swerte mo, kasi nakahanap ka na ng bagong mamahalin mo. Pero ako heto at magsisimula pa lang after this.”
Nakatingin lang si Gio kay Gina, habang si Gina naman ay papalit-palit ang tingin sa kausap at sa view na nasa harap nila.
“I still love you, naiwan ang puso ko sa’yo dito. I still love you, but I’m definitely happy that you’re happy. I feel sad too because the only one I love already love someone else. Siguro kung noon pa ako bumalik para sabihin lahat ng ito, siguro baka nagawan ko pa ng paraan para bumalik tayo sa dati.” And tears start to fall. “Kaya lang huli na ako, wala na akong magagawa. Wala na akong laban sa kanya kasi sya na yung mahal mo. Sya na yung present at future mo, samantalang ako sa past na.”
Regina knows that Gregory Lopez is staring at her. When she looks at him, shock was all over his face, most especially to his expressive eyes.
“Yung nag-iisang lalake na mahal ko, na gustong makasama habambuhay, wala na. Wala na kaming future, yung mundo ko na umiikot sa kanya gumuho na ng tuluyan. Mahal na mahal na nya yung girlfriend nya eh.” and she let out a deep sigh. “Alam mo Gio nagsisisi ako kung bakit hindi ako nagkaron ng lakas ng loob na kausapin ka bago ako umalis, kung kinausap siguro kita that time, baka ako pa rin ang mahal mo.”
“R-regina…”
“No Gio, hayaan mo lang ako. Wag mo akong pigilan na sabihin lahat ng ito, kailangan ko na silang pakawalan eh.” pigil nito sa anumang sasabihin ni Gio. “Hindi ka nya kayang mahalin like the way I love you, pero syempre kasi hindi naman sya ako kasi iba sya kaya natural lang na ibang klaseng pagmamahal ang maibibigay nya sayo. Siguro nga mas magaling syang magmahal compare sa akin. Sabi nila yang love na yan walang pinipiling panahon, basta trip nya bigla na lang syang magpaparamdam, pero sabi ko naman hindi ka naman tatamaan ng pag-ibig na yan ng basta-basta. Kaya nga once na dumating sya sayo pahalagahan mo, alagaan. Pero ang tanga ko lang kasi hinayaan kong mawala sa akin yung taong nagparamdam sa akin nun.”
Few minutes have past and they are both silent, pinapakiramdaman ang isa’t-isa.
“Basta Gio, mahal kita mula noon hanggang ngayon. Again, I don’t have any intension na guluhin ang relasyon ninyo, ang sa akin lang ay masabi ko ‘to para naman makapag-move on na ako. I know moving on will take time, so much time but I know na makakarating din ako sa point na masasabi ko sa sarili ko na ‘ayos na ako, hindi na ako apektado’ o kaya naman makakangiti na ako ng tunay kapag nakita ko kayong magkasama ng taong mahal mo. Sana dumating din yung time na maging mag-kaibigan pa rin tayo after this.”
Bigla namang tinawag ni Lalaine si Gio, pero agad din naman pinag-sisihan ni Lalaine ang pagtawag nito sa bestfriend nya. Hindi kasi nito napansin na nag-uusap pala ang dalawa.
“Please excuse me for a while.”
Masaya na malungkot ngayon ang nararamdaman ni Gina, masaya dahil nasabi na nito ang lahat ng gusto nyang sabihin and finally she can turn the page of her life to a new chapter – new chapter where there is no Gregory Lopez. She decided na hindi na sya babalik pa ng Pilipinas kahit na ano pang mangyari. Aminado naman si Regina na nasasaktan sya, na hindi nya talaga kayang kalimutan si Gio because he’s her life. How can she forget Gio if ang pangalan nga ng café nya ay si Gio pa rin ang kasama nya?
Malungkot din sya dahil talagang wala na syang pag-asa, wala na talagang future na naghihintay sa kanilang dalawa. Gio is madly deeply in love with Kiara – his girlfriend.
Kailangan na nya talagang lisanin ang mundong ginagalawan nya kung saan nandoon si Gio, she must create her own world.
I love you so much Gio. Alam kong kaya ka nyang mahalin ng sobra, kaya ka nyang pasayahin at samahan sa lahat ng pagkakataon. Sana lang dumating yung panahon na makita ko rin ang sarili ko na masaya, hindi man ikaw ang kasama ko. I’m setting all my feelings for you free, ayokong bumalik sa Europe na dala pa rin ang lahat ng ito. Ayos na yung limang taon, hindi na masama iyon. I wish you all the happiness, and love. You can have your happy ending with her. Sayang, tayong dalawa walang happy ending di kagaya ni Snow White at Cinderella.
Goodbye Gio!